Free Essay

Noli Me Tangere Kabanata 8-11

In:

Submitted By shainanymous
Words 1127
Pages 5
Kabanata 8: Mga Alaala
Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala. Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago, ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang mga karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya ni Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito. Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.”

Kabanata 9: Mga Suliranin Tungkol sa Bayan
“Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi kaagad nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego. Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari na may matinding sakit. Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan, katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang maysakit, at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian. ”

Kabanata 10: Ang San Diego
Ang San Diego ay isang maalamat na bayan sa Pilipinas, matatagpuan sa baybayin ng lawa at may malalawak na kabukiran. Ang ikinabubuhay ng mga tao sa bayan na ito ay pagsasaka at dahil sa kakulangan sa edukasyon at kaalaman sa pagnenegosyo, nalalamangan sila ng mga dayuhang tsino. Kung pagmamasdan ang buong bayan mula sa ituktok ng simbahan, kapansin pansin dito ang isang gubat na nasa kalagitnaan ng kabukiran. Katulad ng ibang bayan sa Pilipinas, pinamumunuan ito ng simbahan at sunud-sunuran lamang ang pamahalaan dito. Si Padre Damaso ang kura paroko sa simbahan na iyon bago ito mailipat sa ibang bayan dahil sa ginawa nito kay Don Rafael Ibarra. Iilan lamang ang may mataas na tungkulin at kinikilala sa bayang iyon, ang mga Kastila at ilang mayayamang Pilipino. Ayon sa alamat, may isang matandang Kastila ang dumating sa bayan ng San Diego, matatas magtagalog at malalalim ang mga mata. Bumili siya ng gubat sa pook na iyon at pinambayad ang kanyang mga ari-arian tulad ng damit, alahas at salapi. Hindi nagtagal ay natagpuan ang matanda na nakabitin sa puno ng isang balete. Ang pangyayaring ito ay naging sanhi ng pagkatakot ng mga tao doon kaya't sinunog ng ilan ang mga damit ng matanda at itinapon naman ang kanyang mga alahas sa ilog. Kalaunan, dumating ang anak ng matanda na nagngangalang Saturnino. Pinagsikapan nitong sinupin ang mga naiwang ari-arian ng ama at nakapag-asawa ng isang taga-Maynila. Dito rin sila nanirahan sa San Diego at nagkaroon ng isang supling, si Don Rafael na siya namang ama ni Ibarra. Si Don Rafael ay kinagiliwan ng mga magsasaka at dahil sa pagsusumikap nito, ang San Diego ay naging bayan mula sa pagiging nayon. Kalaunan, ang pamumunong ito ni Don Rafael ay naging ugat ng inggit at galit sa ilan niyang mga kaibigan.”

Kabanata 11: Ang Mga Mapakangyarihan
Mabibilang lamang ang mga tao na kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan. Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.

Similar Documents

Free Essay

Factors Affecting Study Habits

...9 Panitikang Asyano Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo at/o unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. DRAFT April 1, 2014 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas (Gabay ng Guro) 1 DRAFT April 1, 2014 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA 2 I. PANIMULA Matapos na pag-aralan sa Baitang 8 ang mga panitikang pambansa, tiyak na napaghandaan ng mga mag-aaral ang malalim na pagtalakay at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan ng mga karatig-bansa sa Asya. Sa Modyul1, matutunghayan natin ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa module na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Inaasahang pagkatapos ng Unang Markahan, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral...

Words: 8963 - Pages: 36

Premium Essay

Rizal

...sBUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A.    Pagsilang 1.     Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2.     Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3.     Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4.     Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A.    Magulang 1.     Francisco Mercado 1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose 3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. 4. Namatay noong Enero 5, 1898. 2.     Teodora Alonzo 1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila 2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa 3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. 4. Namatay noong Agosto 16, 1911 A.    Magkakapatid na Rizal 1.                 Saturnina 2.                 Paciano 3.                 Narcisa 4.                 Olympia 5.                 Lucia 6.                 Maria 7.                 Jose 8.                 Concepcion 9.                 Josefa 10.            Trinidad 11.            Soledad A.    Mga Ninuno 1.     Ninuno sa Ama 1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si 2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si 3. Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si 4. Francisco...

Words: 16364 - Pages: 66

Premium Essay

Rizal

...TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A. Pagsilang 1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A. Magulang 1. Francisco Mercado 1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose 3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. 4. Namatay noong Enero 5, 1898. 2. Teodora Alonzo 1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila 2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa 3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. 4. Namatay noong Agosto 16, 1911 A. Magkakapatid na Rizal 1. Saturnina 2. Paciano 3. Narcisa 4. Olympia 5. Lucia 6. Maria 7. Jose 8. Concepcion 9. Josefa 10. Trinidad 11. Soledad A. Mga Ninuno 1. Ninuno sa Ama 1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si 2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak...

Words: 15260 - Pages: 62

Free Essay

Batas Rizal

...kalayaan at nasyonalismo 2. Maipaunawa na ang mga simulain, mithiin, kaisipan at pagpapahalaga sa kalayaan ng bayan ay mga naging dahilan ng kamatayan ni Rizal. 3. Mailahad nang maayos ang mga katangian, kaasalan kakayahan at pagkatao ni Rizal gayundin ang kanyang kaisipan at mga ideya nang sa gayon, malinang ang kagandahang-asal, disiplinang pansarili, mga sibikong Gawain at pagkamabuting mamamayan. III. Paano napili si Rizal bilang Pambansang Bayani?  Mga Nagpasiyang pumili ng isang pambansang bayani na magiging huwaran ng mga mamamayang Pilipino. 1. Komisyoner William Howard Taft 2. W. Morgan Shuster 3. Bernard Moises 4. Dean Warcester 5. Henry Clay Ide 6. Trinidad Pardo de 7. Gegorio Araneta 8. Cayetano Arellano 9. Jose Luzurriaga  Pinagpasiyahan nila na si Dr. Jose Rizal ang nararapat na maging pambansang bayani ng Pilipinas.  Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, dalubhasa sa Antropolohiya at teknikal na katulong ng Komisyon,napagkasunduan ng lupon na maging pamanatayan sa pagpili ang mga sumusunod: 1. Pilipino 2. Yumao na 3. May matayog na pagmamahal sa bayan 4. May mahinahong damdamin  Maliban kay Rizal may limang pangalang pinagpilian at ito ay sina: 1. Marcelo H. del Pilar 2. Graciano Lopez Jaena 3. Heneral Anyonio Luna 4. Emilio Jacinto 5....

Words: 1484 - Pages: 6

Free Essay

Modyul

...Modyul sa Noli Me Tangere III (Kab.17-32) PANIMULA Ang modyul na ito ay makakatulong sa iyo upang tumuklas ng bagongt kaalaman msa araling ito.Ito’y makakatulong upang mapayaman ang inyong kaalaman tungkol sa panitikan at maaaring kapaulutan Ng aral.Handa ka na bang matutunan ang araling ito? PANANAW Malaki ang maitutulong sa iyo ng babasahing kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere .Sapagkat ito ay may mensahe o0 aral na maaring makatulong sa iyo para maging isang mabuting bata. PAALALA Naririto ang mga tagubilin upang mabatid mo ang mga nilalaman ng modyul na ito. 1.Basahin at pag-aralan ang modyul na ito. 2.Huwag susulatan at iwasang mapilas ang pahina 3.Panatilihin ang kalinisan ng pahina hanggang matapos ka ditto 4.Maging matiyaga at hindi magsawa sa mga gawaing inihanda para sa iyo. 5.Kailangang basahin mo nang may pang-unawa upang maging maayos ang pagsagot sa mga katanungan 6.Kailangang nakahanda kang may nakahanda kang malinis na sagutang papel sapagkat doon mo Ilalagay ang iyong sagot 7.Kung mahihirapan ka sa paksa mamari kang magtanong sa iyong guro 8.Pagkatapos sagutin ang mga pagsasanay pwede mo nang iwasto ang pagsasanay 9.Inaasahan kong magiging tapat ka sa itong sariling kakayahan PANUTO Kaibigan ,pagtunghay mo ngsa araling ito, kinakailanagan basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto. 1.Basahin at pagtuunan ng pansin ang kabuuan ng binasang kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere 2.Pansinin ang mga nagging...

Words: 8475 - Pages: 34

Free Essay

Written Report

...Tagapagulat: Magandang hapon mga kamag-aral at Ginoong Ramos. Ako po si Nadine Sadiasa. At i uulat ko po ngayong hapon ang Kabanata 9 ANG KAMPANYA PARA SA PAGBABAGO (1882-1892). Nakasaad dito ang mga impormasyon kung ano-ano ang kilusan at reporma ang ginawa ng mga Pilipino para sa pagbabago matapos bitayin ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora. (Ipakita ang visual aid no.1) Tagapagulat: Ang larawang ito ay ang nag papakilala sa tatlong paring martir. Na sina Gomez, Burgos at Zamora. Sampung taon ang matahimik na nagdaan matapos bitayin ang mga paring sina Gomez, Burgos at Zamora. Mapayapa ang panahong ito dahil napatahimik ng mga awtoridad ng Espanyol ang mga Pilipino dahil sa takot. (Ipakita at basahin ang visual aid no. 2) Tagapagulat: Binantaan nila ng pag mamalupit ang mga Pilipino kapag ito ay lumaban sa pamahalaan nila. Tagapagulat: Dahil sa mga pangyayari ang mga mayayaman at edukadong Pilipino ay nagpuntahan sa Espanya. Sila ay nagaral at nagsumikap doon upang magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas. (Ipakita ang visual aid no.3) Tagapagulat: Nang dahil doon ay nagkaroon ng Kilusang Propagandista ito ay nag simula noong 1882 hanggang 1892. Sila ang tatlong Pilipinong promienteng repormista. Tagapagulat: Ang promienteng repormistang Pilipino ay sina Graciano Lopez Jaena, Jose Rizal at Marcelo H. Del Pilar. (Ipakita ang visual aid no.4) Tagapagulat: Dumako tayo sa pag papakilala sa tatlong promienteng repormistang Pilipino na sina Graciano...

Words: 1466 - Pages: 6