Free Essay

Pananaw at Pakikisalamuha Sa Social Networking Sites

In:

Submitted By katherinepo
Words 2818
Pages 12
KABANATA I
KALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Panimula Ang SNS o ang Social Networking Sites ay isang website na nagbibigay daan sa mga gumagamit nito na gumawa ng pampublikong profile sa loob ng website at makipag-usap o bumuo ng relasyon sa ibang mga user ng parehong website. Ito ay nakakatulong upang mapalawak ang ating komunikasyon at magbahagi ng karanasan o ng ating opinion sa mga tao kahit sila man ay nasa malalayong lugar. Maraming Pilipino ang nahuhumaling sa mga Social Networking Sites dahil pagkakataon nila ito upang makausap ang kanilang mga kaibigan o pamilya na nasa malalayong lugar, ipahayag ang kanilang saloobin sa isang issue, o di kaya’y ipagmalaki ang mga bagay na mayroon sila. Ayon sa tala, mayroong humigit kumulang 45 na pangunahing Social Networking Sites ang aktibong sinasalihan ng mga mamamayan ng mundo ngayon. Ang mga Social Networking Sites na ito ay may pagkakaiba base sa teknolohikal na katangian, kultura na namumuno sa Social Networking Site, interes, Gawain, at pananaw ng mga miyembro at serbisyong pang-komunikasyon. Ang kauna-unahang Social Networking Site na sumikat sa Pilipinas ay ang Yahoo! Mail. Ngunit mas nahumaling ang mga kabataan sa Friendster dahil dito ay pwede mo ipasadya ang iyong profile at pwede mo pa itong lagyan ng iyong paboritong kanta. Sa taong 2009 naman nauso ang Facebook. Mas marami na ang gumamit nito kumpara sa mga gumamit ng Friendster dahil sa Facebook ay maraming laro. Maaari ka magbahagi ng iyong saloobin gamit ang pag-status. Maaari ka ding mag-post ng iyong mga larawan at gawan ito ng album. Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay kung paano makisalamuha ang mga tao sa kanilang Social Networking Sites at kung ano ang mas pinahahalagahan nila kapag sila ay gumagamit nito. Ang pananaliksik na ito ay mahalaga dahil dito makikita kung bakit labis nahuhumaling ang mga tao sa Social Networking Sites at kung bakit na patuloy nila itong ginagamit.

Pagpapahayag ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay may mga katangiang nais sikapin na bigyan ng kasagutan: 1.) Ano ang madalas na gamitin na Social Networking Site? 2.) Gaano katagal maggugol ng oras ang mga tao sa kanilang Social Networking Sites? 3.) Ano ang tiyak na dahilan kung bakit nahuhumaling ang mga tao sa Social Networking Sites? 4.) Ano ang mga maganda at di-magandang naidudulot ng Social Networking Sites? 5.) Paano makisalamuha ang mga tao sa kanilang Social Networking Sites?

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga mababanggit na tao: Sa mga gumagamit ng Social Networking Sites. Ang pananaliksik na ito ang magbibigay-alam sa mga gumagamit ng SNS ang mga epekto ng paggamit nito at kung ano ang mas inuuna ng kanilang kapwa “users” sa paggamit ng SNS. Sa mga hindi gumagamit ng Social Networking Sites. Ang pananaliksik na ito ang magbibigay –alam sa kanila kung paano natutulungan ng SNS ang mga tao at kung paano nito napadali ang pakikipag-usap sa mga tao kahit na sila ay nasa malayong lugar. Sa mga gumagawa ng mga websites o Social Networking Sites. Sa pananaliksik na ito nila makikita kung ano ang mga nagustuhan ng mga tao sa paggamit ng SNS at kung ano pa ang pwede nilang maidagdag o magawa upang tangkilikin pa ng mga tao ang mga SNS.

Saklaw at Limitasyon sa Pananaliksik Sa pag-aaral na ito, ang mga taong may account sa Social Networking Sites ang ginamit bilang sample sa pagsasagawa ng mga survey. Ito ay tungkol sa pananaw at pakikisalamuha ng mga mamamayan sa Social Networking Sites. Ang pangunahing layunin nito ay malaman kung paano makisalamuha ang mga mamamayan sa kanilang Social Networking Sites at kung ano ang mas pinahahalagahan nila kapag sila ay gumagamit nito. Ang mananaliksik ay nagbigay ng 100 (isandaan) talatanungan para sa mga gumagamit ng Social Networking Sites.

Internet

Social Networking Sites

Mabuting naidudulot
Masamang naidudulot

PANANAW AT PAKIKISALAMUHA SA SOCIAL NETWORKING SITES NG MGA TAO

Katuturan ng mga Termino Ang bawat termino na mababanggit ay mapapaloob sa pananaliksik na ito. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang maunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan at upang mas maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga diksyunaryo, internet, atbp.

Social Networking Sites – tumutukoy sa site na nagpapahintulot sa mga gumagamit na bumuo ng isang profile. Profile - isang maikling artikulo na nagbibigay ng isang paglalarawan ng isang tao o organisasyon. Website - isang lokasyon na nakakonekta sa Internet na nagpapanatili ng isa o higit pang mga pahina sa World Wide Web. Internet - pagkonekta ng isang computer sa iba pang mga computer kahit saan sa mundo sa pamamagitan ng router at server. Wi-fi (Wireless Fidelity) - isang pasilidad na nagpapahintulot sa mga computer, smartphone , o iba pang mga aparato upang kumonekta sa Internet o makipag-usap sa isa't-isa nang wireless sa loob ng isang partikular na lugar. Selfie - isang litrato na kinunan ang sarili, karaniwang gamit ang isang smartphone o webcam at ibinahagi sa pamamagitan ng social media.

KABANATA II Ang kabanatang ito ay tatalakay ng mga kaugnay na literatura at pag- aaral hinggil sa epekto ng paggamit ng Social Networking sites.

Banyagang Literatura Ang paggamit ng Social Networking sites ay nagiging kaugalian na ng mga kabataan ngayon lalo na ng mga kabataan. Ayon sa Wikepedia, “ A Social Networking site is a platform to build social networks or social relations among people who share similar interests, activities, backgrounds or real-life connections”, sinasabi dito na ang Social Networking site ay isang istrukturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig at seksuwal na relasyon. Ang lipunan ngayon ay konektado na ng mga teknolohiya. Habang ang teknolohiya ay patuloy na nagbabago o mas nagiging maganda, ang mga tao ay mas nagiging konektado sa isa’t isa. Maraming mga indibidwal ngayon ang sumasali sa mga online na komunidad, o mga Social Network. Ayon sa report na “Global Faces and Networked Places”, sinasabing 2/3 ng populasyon ng mundo ay gumagamit ng mga Social Networking sites o blogging sites. Sinasabi sa mga nakalipas na pananaliksik na ang sobrang paggamit ng mga Social Networking sites sa mga mag- aaral sa kolehiyo sa isang Unibersidad sa California ay umuugnay sa mga isyung debelopmental. Samantala, habang ang ilang mag- aaral ay nasa kapaligirang nagbibigay ng maraming oportunidad sa pakikipagkita sa ibang tao at pag- unlad ng bagong relasyon, ang ilan na hindi mahilig makihalubilo ay may kahirapan sa pakikipagkapwa- tao. Ang paglago ng Social Networking sites ay may kasabay na problema. Sinasabi sa artikulong pinamagatang Social Revolution (Frauenheim, 2007), ang mga kompanya ay unti- unting inaral ang Social Networking na parang isang malaking pagsubok. Sinasabi na ang mga ito ay maaaring magdulot ng nakakaasiwang relasyon sa mga katrabaho at paraan upang sayangin ang oras. Bunga dito, ang mga respondente ay dumisenyo ng mga Social Networking sites na nakatuon sa kalakaran upang maiwasan ang mga nasabing suliranin.

Banyagang Pag- aaral Ayon kay Boyd at Ellison (2007), ang mga Social Networking Sites ay mga serbisyong web- based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng pribado o pampublikong profile sa loob ng sistema; pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng kanilang mga koneksyon at makita ang mga ginagawa ng iba pang tatangkilik ng sistema.

Sinasabi sa Wikepedia (2008), na ang Social Networking ay nakasentro sa pagbuo ng komunidad na online ng mga miyembro na may pare- parehong interes at gawain. Ito ay kung saan ang isang tao ay gumagamit ng mga kontak upang makakilala ng mga bagong kaibigan bilang potensyal na koneksyon sa negosyo o social life.

Literaturang Lokal “Add mo ‘ko sa Facebook ha”, “Uy paki-like naman yung status ko sa FB”, “Tag mo ako sa picture ha”, ilan lamang ang mga ito sa mga karaniwang sinasabi ng mga Pilipino ngayon. Ang “Social Networking Craze” ay nandito na rin sa PIlipinas at unti- unting dumarami ang bilang ng mga Pilipino na gumagamit nito. Ang pagbukas ng ating profile o account sa Social Networking sites ay naging kagawian na ng mga Pilipino lalo na ng mga kabataan ngayon. Sa pagsulpot ng iba’t ibang Social Networking sites ay hindi na rin mapigilan ng mga Pilipino ang paggamit ng mga ito.

Ayon sa website na http://sg.new.yahoo.com, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mataas na bilang ng gumagamit ng mga Social Networking sites. Karamihan sa mga Pilipino na gumagamit ng mga Social Networking sites ay nasa lungsod ng Makati at Pasig Ayon sa WikiFilipino, ang Social Networking sites ay isa sa mga pinaka- aktibong web- based na gawain sa Pilipinas. Ayon dito, ang mga Pilipino ang pinakaaktibong gumagamit ng ilang sites tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at Youtube. Ang paggamit ng mga Social Networking sites na ito ay naging malawak na sa Pilipinas at naging dahilan upang tawagin ang Pilipinas bilang “Social Networking Capital of the World” at ito rin ay naging cyberculture ng mga Pilipino. Ang mga SNS ay ginagamit din sa Pilipinas bilang isang paraan ng pagkakampanya tuwing eleksyon, ginagamit din bilang libangan o pampalipas oras ng mga tao, at pati na rin sa pag- iimbistiga.

Lokal na Pag- aaral Sa isang pahayag,sinabi ng comScore na ang Pilipinas ay ang may pinakamataas na antas ng gumagamit ng mga Social Networking sites sa rehiyon ng pasipikong Asya. Sa Pilipinas, sinasabing mahigit sa 90% sa buong populasyon ang tumatangkilik sa Social media sa loob ng buwan ng Pebrero 2013 na sinundad ng Australia (89.6%) at Indonesia (88.6%). “Sa ilang mga merkado gaya ng Pilipinas, Australia at Indonesia, ang Social Networking ay isa sa mga pinakapopular na gawain sa web na umaabot sa halos 80.5% ng buong populasyon ng Internet.” (comScore) Ayon sa Yahoo News “Ang mga Social Networkers sa Pilipinas ay naglalaan ng malaking oras sa pagbisita sa mga Social media platforms na humigit- kumulang 53 oras sa isang lingo.”

Kabanata III
Pamamaraang Ginamit
I. Disenyo ng Pananakiksik Ang pamamaraang ginamit sa pagaaral o pananaliksik ay deskriptib-sarbey. Naaangkop ito sa indibidwal na nahuhumaling sa SNS o Social Networking Sites. Nais suriin ng pagaarl na ito kung ano ba ang epekto ng SNS sa personalidad ng isang tao. Nakapaloob dito ang ibat ibang dahilan ng paguugali ng mga user sa kanilang pribadong accounts. Naglalaman ang bahaging ito ng mga impormasyon patungkol sa pagaaral. Katulad na lamang ng mga intrumentong ginamit, paraan ng pagkuha ng datos, tagatugon ng pagaaral o repondente at uri ng istadistikang ginamit.
II. Respondente Mahalaga ang distribusyon ng mga repondente sa pananaliksik upang masagot ang mga tanong ng pagaaral. Sa rasong ang napiling topic ng mga mananaliksik ay may kinalaman sa sosyal na isyu. Ang mga respondenteng maaring sumagot ay mga taong may karanasan o kadalasang gumagamit ng SNS. Nangalap ang mga mananaliksik ng isang daang (100) respondente na maaring tumugon sa mga katanungan sa sarbey. Binubuo ito ng animnapu't dalawang babae (66 o 66%) at tatlumpu't walo na lalaki (34 o 34%). Ang nga respondente ay di bababa sa 13 taong gulang at di rin naman tataas sa 30 taong gulang. Random Sampling ang ginamit na paraan sa pagsa-sarbey. Nangangahulugan na lahat ng taong lalahok ay may pantay-pantay na pagkakataon upang masagot ang talatanungan.
III. Intrumentong Ginamit Sa pagaaral ang instrumentong ginamit ay kwestyuner (questioner) o talatanungan. Ginamit ito sa pananaliksik upang mahingi ang komento, persepsyon, opinyon at pananaw ng mga respondente. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang bahagi. Una ay kinapapalooban ng personal na impormasyonbng tagatugon. Katulad na lamang ng pangalan, edad, kasarian edukasyong natamo at relihiyon. Ang pangalawang bahagi ay naglalaman ng 24 na katanungan. Maaari itong sagutin sa pamamagitan ng pagtsek ng napiling sagot. Sa ilang mga katanungan ay gagamitin ang pagrate sa pagpipiliang mga sagot. Pagekis naman sa di sinasangayunan sa mga pagpipilian. Sa mga huling tanong ay kinukuha ang opinyon ng respondente. Sa kabuuan, ito ay ginamit na instrumento sa pananaliksik upang magkaroon ng basehan ang pananaliksik.
IV. Paraan ng Pagkalap ng Datos Sinimulan ng mga mananaliksik ang pagkalap ng datos sa paggawa ng draft ng mga tanong na maaring makasagot sa tanong ng thesis. Pagkagawa ng draft ay sinuri ito ng tagapayo at isinaayos ang mga di angkop na tanong. Pagkatapos maedit ay ie-encode ito sa kompyuter tsaka ipiprint. Gumawa ang mga mananaliksik ng isang daang kopya at hinati sa anim na miyembro ng grupo. Ito ay pinasagot sa mga respondente. Pagkatapos ay sinuri ng maigi, tinally ang bawat aytem upang malaman ang ankop na datos.
V. Istatistikal na Tritment Ang Istatistikal na Trirment na ginamit ay sa pagkuha ng porsyento ng mga respondente ma nagsagot ng sarbey.

Bilang ng mga sumagot
----------------------------------------- X 100
Kabuuang Bilang ng mga Respondente

KABANATA V
Paglalagom
Ang pag- aaral na ito ay may layuning malaman ang kadalasang ginagawa ng mga tao sa Social Networking sites, matukoy ang mga dahilan sa pagkahumaling ng mga dito, at mabatid kung sa papaanong paraan makisalamuha ang mga tao sa kani- kanilang mga Social Networking sites. Sinaklaw ng pag- aaral na ito ang isang daan (100) na katao na pawang gumagamit ng mga Social Networking sites sa lugar ng Cavite, Tarlac, San Juan, Sta.Mesa, Fairview at Muntinlupa City.

Sa pag- aaral na ito, gumamit ang mga mananaliksik ng pamamaraang paglalarawan o Descriptive method. Kasama nito ang pagbuo ng talatanungan na pawang angkop sa paglikom ng mga datos at impormasyon, at pagsasarbey sa mga respondente.
Sa isinagawang pag- aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan sa mga taong gumagamit ng Social Networking sites ay mga kababaihan na binubuo ng anim-na-pu't anim na porsiyento (66%) habang tatlumpu't apat na porsiyento(34%) naman ang mga kalalakihan. Kung susumahin, malaking bahagdan ng mga taong gumagamit ng Social Networking sites ay nasa pagitan ng gulang na 16-18 (67%), sinundan ng mga nasa gulang na 18- pataas (17%) at ang mga nasa na 14-15 (16%).
Napag-alaman din ng nga mananaliksik na pitumpu't apat na porsiyento (74%) ng mga respondente na gumagamit ng Social Networking sites ay mga Katoliko Romano, habang ang labimpitong porsiyento (17%) naman ay mga kasapi sa Iglesia ni Kristo, Born Again Christian, Methodist, at Aglipayan Church, at ang nalalabing siyam na porsiyento (9%) ay pawang mga taong nagsabing sila ay walang relihiyon. Sa pag- aaral na ito ay natuklasan din na anim-na-pu't siyam na porsiyento (69%) lamang ng mga gumagamit ng SNS ang may sariling internet connection sa kanilang tahanan at ang tatlumpu't isang porsiyento (31%) nalalabi ay walang sariling internet connection at ang iba sa kanila ay nagtutungo na lamang sa mga internet shop, nakikikonekta sa wi-fi ng iba, at nakikigamit sa mga kaibigan o kamag-anak.
Napag- alaman din ng mga mananaliksik na pitumpu't tatlong porsiyento (73%) ng mga respondente ang araw- araw nagbubukas ng kanilang mga account sa Social Networking sites, apat na porsiyento (4%) naman ang 1-2 beses lang magbukas sa isang linggo, siyam na porsiyento (9%) ang 3-4 beses magbukas sa isang linggo, ang mga 5-6 na beses sa isang linggo naman kung magbukas ay nasa sampung porsiyento (10%), at ang nalalabing apat na porsiyento (4%) ang tuwing weekends lang.
Ang haba ng oras na iginugugol naman ng mga respondente sa pagbisita sa kani- kanilang mga Social Media accounts ay natuklasan din, natuklasan na tatlumpu't limang porsiyento (35%) sa kanila ang naglalaan ng higit pa sa apat na oras sa pagbisita sa iba't ibang Social networking sites, labing siyam na porsiyento (19%) naman ang hindi hihigit sa dalawang oras ang iginugugol dito, labing walong porsiyento (18%) ang hindi hihigit s a apat na oras, labing siyam na porsiyento (19%) ang hindi hihigit sa tatlong oras, at ang natirang siyam na porsiyento (9%) ang naglalaan ng hindi hihigit sa isang oras na pagbisita sa mga SNS.

Inalam din ng mga mananaliksik kung sino- sino ang isinasali ng mga respondente sa kanilang mga account sa Social media. Limampu't limang porsiyento(55%) sa kanilaang nagsabing sila ay nagsasali ng mga taong basta kilala kahit hindi ito malapit sa kanila, dalawampu't siyam na porsiyento (29%) naman ang puro malalapiy na kaibigan at kamag- anak lamang ang isinasali, at ang natitirang labing anim na porsiyento (16%) naman ang nagsasali ng mga taong kahit hindi nila kilala.

Napag-alaman din sa isinagawang pag- aaral na limampung porsiyento (50%) ng mga respondente ang nanimiwala na ang personalidad na iyong ipinapakita sa Social media ay pareho sa personal na pagkatao mo sa totoong buhay, habang ang nalalabing kalahati o limampung porsiyento (50%) ay hindi sumasang- ayon sa sinasabi ng kabilang panig.

Natuklasan din ng mga mananaliksik na anim-na-pung porsiyento (60%) ng mga respondente na SNS-users ang nagsabing dapat magkaroon ng batas para kontrolin o limitahan ang paggamit ng Social media, habang tatlumpu't apat na porsiyento (34%) naman ang nagsabing hindi naaangkop o nararapat na magkaroon ng batas para dito, at ang nalalabing anim na porsiyento (6%) ay hindi sigurado sa kanilang isasagot.

Similar Documents

Premium Essay

Social Networking: Epekto Sa Komunikasyon Sa Pananaw Ng Mag-Aaral Sa Ikatlong Taon Sa Kolehiyo Ng Komunikasyon Ng Politeknikong Unibersidad Ng Pilipinas Taong Aralan 2011-2012

...SOCIAL NETWORKING: EPEKTO SA KOMUNIKASYON SA PANANAW NG MAG-AARAL SA IKATLONG TAON SA KOLEHIYO NG KOMUNIKASYON NG POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS TAONG ARALAN 2011-2012 Bilang Pinal na kahingian sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik (FILI 2023) Ang mga Mananaliksik De Jesus, Von Denise B. Guevara, Risheill D. Hife, Eliene M. Latigar, Dianne M. Losaria, Jonathan L. Lumanta, Koryn M. Mendoza, Shekinah Marie, D.C. Miranda, Junel N. Velasco, Princess Ivy M. PEBRERO 2012 KABANATA 1 Ang Suliranin at Kaligiran ng Kasaysayan PANIMULA Ang tao, mula pa noong una, ay may sistema o kaayusan na sa mga bagay-bagay. Ang tao ay isang espesyal na nilalang sapagkat sa lahat ng uri ng nilalang na nabubuhay sa mundo. Tanging ang tao lamang ang may kakayahang mag-isip at i-uri ang tama sa mali, makaintindi, makaunawa at marami pang iba. Isa sa mga salik upang magkaintindihan o magkaunawaan ang bawat tao ay ang pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng tinatawag na wika. Ayon sa wikipedia, ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay ang pagpapalitan ng impormasyon sa isang tiyak na sistema ng mga simbolo, isang payak na paliwanag. Ilan sa mga iskolar at matatalinong tao ang nagbigay pa ng konkretong pagpapakahulugan sa wika at sa komunikasyon. Ilan sa kanila ay sina Archibald Hill, Henry Gleason, Sapir, Aristotle, Alcomtiser, Reynaldo Cruz, at marami pang iba. Ayon kay Archibald Hill, ang wika ay isang anyo ng simbolikong pantao...

Words: 10737 - Pages: 43

Free Essay

Epekto Ng Social Networking Sa Mga Piling Mag-Aaral Ng Bsis-1a Taong Aralan 2010-

...Epekto ng Social Networking sa mga Piling Mag-aaral ng BSIS-1A Taong Aralan 2010-2011 ng University of Caloocan City Pangkat VI: Alcera, Igie Ralph T. Anselmo, Marnie Nadyne L. Azcarraga, Jerson E. Bebat, Gerlie BSIS - 1A Dr. Carmelita Alejo Talaan ng Nilalaman Kabanata 1 --------------------------------------------------------------- 4 Panimula ----------------------------------------------------------- 4 Sanligang Kasaysayan -------------------------------------------- 4 Balangkas Teoretikal --------------------------------------------- 8 Balangkas Konseptwal -------------------------------------------- 9 Paglalahad ng Suliranin ------------------------------------------- 10 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral ------------------------------ 10 Katuturan ng talakayan ------------------------------------------- 11 Kabanata 2 ----------------------------------------------------------------- 13 Banyagang Literatura --------------------------------------------- 13 Lokal na Literatura ------------------------------------------------ 14 Banyagang pag-aaral ---------------------------------------------- 17 Lokal na Pag-aaral ------------------------------------------------- 18 Kabanata 3 ------------------------------------------------------------- 25 Pamaraang ginamit --------------------------------------------- 25 Paraan ng pagpili ng respondente ---------------------------- 25 Deskripsyon ng mga respondent ------------------------------ 26 Kabanata...

Words: 6528 - Pages: 27

Free Essay

Research

...mga mag-aaral ay napagod na sa kanilang pag-aaral halimbawa’y sa kanilang pagrerebyu , may dalawang bagay sila na maaaring gawin: Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at ang ikalawa ay ang paghahanap ng mapaglilibangan at random na kaalaman sa pamamagitan ng pagsangguni sa tinatawag na “digital miracle” – ang Internet, na kung saan ito’y isang sistema na ginagamit ng buong mundo upang makipagkonekta sa mga kompyuter sa iba’t ibang uri ng telekomunikasyon at iba pa kung saan walang nakatagong datos sa publiko. Sa tanang kasaysayan ng edukasyon, malaki na ang naimbag ng internet. Sa katunayan, ang internet ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging madali, mabilis at mabisa. Kung kaya naman at napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa internet para sa kanilang pag-aaral. Ngunit, ang internet ay nagbibigay rin ng kaligayan at kaaliwan sa mga mag-aaral. Dalawa ang pinakamadalas na ginagawa ng mga mag-aaral kapag sila ay sumasangguni sa internet: Ang “social-networking” na kung saan ito’y naging pangunahing instrumento sa madaling komunikasyon tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Instagram at iba pa. At “Online Gaming” na kung saan kinahuhumalingan dahil sa mga grapiko nito tulad ng Defense of the Ancient, Mercenary, iDate at iba pa. At dito, isinisilang ang mga kakaibang salita na pinagtatakahan kung paano at saan nagmula at karaniwang naririnig sa mga mag-aaral. ...

Words: 2312 - Pages: 10