...Hundred in one Brief intro: Sabi nga nung mga kaibigan ko dati, masarap daw ang pakiramdam ng sikat. Yung tipong, ikaw yung hinahangaan. Naisip ko naman, lahat naman ng positive side, may kaequal sa negative side. Hindi naman puro maganda ang kinalalabasan. I'm just the girl next door. Well, hindi naman yung literal na meaning. Typical girl kumbaga. Yung mamemeet mo sa pangarawaraw. In short, average lang. Pero may nagsasabi sa akin na hindi raw ako average. Sometimes above or below. Kainis na mga yun!!! Ang lakas ng loob na sabihing above average ako? 4th year high school na nga pala ako. Bagong school. Sa katunayan, hindi naman na talaga bago sa akin ang 'Edison High School.' Nakatira naman na kasi kami dito sa lugar na ito, dati pa. Kaya lang nadestino yung Papa ko sa ibang lugar kaya napilitan kaming lumipat. Pero ngayon, stayput na siya. Hindi na yata namin kailangang lumipat uli. Kaya bumalik na naman ako sa pinanggalingan ko. Makikita ko na naman yung mga naging kaibigan ko dati. I have two brothers. Yung isa mas matanda sa akin, yung isa mas bata. Nagkataon namang yung mas bata sa akin eh ang mortal kong kaaway sa bahay namin! Si Kuya naman, hindi nakatira sa amin dahil college na siya. Bakasyon pa naman. Inienjoy ko pa naman dahil kapag nagpasukan na, magsisimula na ang nightmare. Hindi pa maayos yung bahay namin mula sa pagkakalipat, marami pa kasing hindi nabubuksang kahon. Pero syempre, inuna kong ayusin yung kwarto ko. Aba, yun ang pinakamahalaga...
Words: 82674 - Pages: 331