...kabataan ngayon ay nagsisimulang mahumaling sa panunuod ng iba’t ibang programa sa telebisyon at dito rin nila napapanood ang iba’t ibang uri ng mga patalastas o “advertisement.” Simula pa noon ay naging bahagi na sa buhay ng mga tao ang panood ng iba’t ibang klase ng patalastas o “advertisement” sa kanilang mga telebisyon. Habang lumilipas ang panahon, ang midya ay nakakadagdag ng iba’t ibang impormasyon na makapagbibigay sa kanila ng mahahalagang datos ng mga kaalaman upang sa ganoon makapili ng magaganda at mga epektibong produkto ng sa telebisyo’y ipinatatalastas. Habang tumatagal, nang dahil sa panonood ng mga patalastas sa telebisyon ay mas lumalawak ang kaisipan ng mga kabataan. Nagkakaroon din sila ng mga iba’t ibang uri ng ideya kung paano mamili ng mga produktong nakikita nila sa mga patalastas. Darating din ang panahon na ang lahat ng kanilang mga nalalaman o nalaman ay kanilang magagamit sa ibat-ibang bagay o sitwasyon. Ngunit ang panonood ng patalastas o “advertisements” sa telebisyon ay may masama ring naidudulot sa mga kabataan. Katulad nalamang ng isa sa mga patalastas ng “McDonalds”, kung saa’y isang “special child” ang kanilang ginamit sa pag-eendorso sa kanilang produkto at nagsasabi ng “smile ka din, konti lang” sa kapatid niyang nakita ang kanyang hinahangaang babae. Maraming natuwa ngunit marami ring ginagamit ito sa kanilang pang-aasar o panunukso sa kanilang mga kaibagan at kung madalas, nagiging sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan. Nakakasama din ito sa ilang...
Words: 2390 - Pages: 10
...sinusuri ang lahat ng bahagi ng isang produkto, mula sa presyo, sangkap, timbang, at expiration date. Pinaghahambing din ang mga produkto upang malaman kung ano ang mas sulit bilhin. • Hindi nagpapadala sa mga advertisement. Pinahahalagahan ang kalidad ng produkto higit sa advertisement at marketing nito. Hindi rin nagpapaapekto sa personalidad ng nag-eendorso o sa nakaeengganyo at nakatutuwang mga patalastas. • Makatwiran. Binibigyang-halaga ang bawat sentimo at sinisigurong kapaki-pakinabang ang bibilhing produkto. Hindi nag-aaksaya ng pera sa mga bagay na hindi kailangan Laging may nakahandang alternatibo. May mga pagkakataong out of stock ang produktong bibilhin o di naman kaya ay hindi na sapat ang dalang pera upang mabili ito. Bilang matalinong mamimili, alam niya kung paano mapupunan ang kulang upang matugunan ang pangangailangan. • Sumusunod sa badyet at hindi nagpapanic buying. Kahit na sinasamantala ang mga midnight sale, buy one, take one promo, at mga giveaway na produkto, nananatili pa ring sensitibo sa nakatakdang badyet at iniiwasang mangutang upang ipantustos sa pamimili Una ditto ay’critical awareness’ o tungkulin natin maging listo at mapanuri sa gamit, halaga at kalidad ng mga paninda at serbisyo. Tungkulin din natin ang kumilos at magpahayag upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Hindi tayo magwawalang-bahala sa mapagsamantalang mangangalaka. Isa pa nating tungkulin ay alamin ang epekto ng ating pag-konsumo ng produkto...
Words: 305 - Pages: 2
...*PANIMULA* Akala ng marami, ang ‘housekeeping’ ay ginagawa at iniaaplay sa bahay lamang subalit ito ay mahalaga at may malaking epekto sa pagiging produktibo mo at ng iyong mga kasamahan sa trabaho o pangangalakal. Nakatutulong din ito sa paglago at sa kinikita ng iyong kumpanya o negosyo. Napananatili rin nito ang kaayusan at kagandahan ng ating kapaligiran upang makaakit ng mga kostumer at kliyente. Tandaan na ang kagandahan at kaayusan ng isang opisina o tindahan ang unang-unang makikita ng isang kostumer o kliyente bago pa man niya masubukan ang inyong produkto o serbisyo. Paano nga ba ang pagsasagawa ng ‘good housekeeping?’ Narito ang ilan sa mga paraan:Tingnan ang inyong kapaligiran. May mga bagay ba o mga kagamitang hindi na gaanong importante o hindi na kapaki-pakinabang at hindi na magandang tingnan dahil nakauubos ng mahalagang espasyo? Nakagugulo rin ang mga ito sa isip ng mga nagtatrabaho kaya maaari nang itapon. Tingnan kung paano nakaayos ang inyong mga gamit sa inyong opisina o maging sa inyong pabrika. Ang mga ito ba ay nakaayos nang tama? Sa isang simpleng negosyo kagaya ng sari-sari store, tama ba ang pagkakalagay ng inyong mga paninda? O baka naman naghalo ang mga sabon, mantika at diaper ng bata? Ayusin ang mga ito at planuhin kung saan ang tamang lugar na dapat paglagyan ng mga ito upang maging madali ang paghahanap, gayundin, madaling makita ng mga kostumer.Maglaan ng ilang minuto araw-araw para sa paglilinis upang hindi na gaanong dumami ang dumi. Gawin...
Words: 789 - Pages: 4
...SKIP TO CONTENT * HOME * LANGUYIN ANG LALIM NG MGA ARALIN ← KAGANAPAN NG PANDIWA BUOD KABANATA 21-24 EL FILIBUSTERISMO → NOVEMBER 18, 2012 · 6:16 AM ↓ Jump to Comments PROSESO NG PAGSULAT 1. I. Kahulugan ng Pagsusulat 1. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita. 2. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda. 3. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan. 4. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulati; isang kasanayan. 5. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating nadarama na di natin kayang sabihin 6. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion. 7. Ayon...
Words: 7402 - Pages: 30
...tungkol sa pag-ibig. Minsan nakaka-umay na din. Dahil gaya ng lumang mantika na ilang beses na pinagprituhan, maanta na sa panlasa. Sarap magmumog ng atsara. Lahat kasi sa modernong liko ng pakikipagkapwa tao, yun ang sanhi ng kasiyahan o puno’t dulo ng problema. Pero ano pa nga bang pwede kong ibahagi? Ang kagilagilalas na pagtutupi ko ng aking brief at panyo kaninang tanghali? Kung paano ko buong tapang na kinuskos ang kalawang sa patungan ng naghihingalo naming kalan? Bakit kanang kamay ang ginagamit kong panguha ng ulam sa hapag-kainan imbes na kaliwa o di naman kaya ay kutsara? Wala namang matutuwa dun. Mukhang walang palag. Sige. Pag-ibig na nga lang ulit. Sabagay, hindi naman ito kwentong ordinaryo. Sabi nila, isa sa mga advantage ng kababaihan sa mga lalaki ay ang woman’s intuition. Ang matinding kapangyarihan na ibinibigay lamang sa mga may vagina. Kaya siguro karamihan sa mga manghuhula sa Quiapo ay mga babae. At kalimitan, kapag kapwa babae ang nagpapahula ng tungkol sa kanilang buhay-pag-ibig ay dalawa lang ang posibleng resulta: (a) ‘magkakatuluyan kayo, ikakasal at tatanda ng magkasama’ at (b) ‘may kabit ang kupal na yan’. Pero teka. Para lang ba sa mga lihim na ka-draguhan ng mga lalaki gumagana ang alamat ng woman’s intuition gaya ng spider sense ni Batman? Mali ata yung pagkukumpara. Hindi ba ito applicable sa mga positibong pangyayari gaya ng isang lalaking palihim na may gusto sa isang dalaga na sadyang walang sapat na lakas ng loob...
Words: 9733 - Pages: 39
...Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple ni Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D. Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay...
Words: 44725 - Pages: 179
...UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES Bachelor of Arts in Communication Research Joyce M. Aguillon Precious B. Romano SmokeCheck: A Study on the Effects of NCR Male High School Students’ Exposure to and Recall of Anti-Smoking Advertisements to Their Perceptions of and Attitudes toward Smoking Thesis Adviser: Professor Randy Jay C. Solis College of Mass Communication University of the Philippines Diliman Date of Submission April 2012 Permission is given for the following people to have access to this thesis: Available to the general public Available only after consultation with author/thesis adviser Available only to those bound by confidentiality agreement Student’s signature: Student’s signature: Signature of thesis adviser: Yes No No UNIVERSITY PERMISSION I hereby grant the University of the Philippines non-exclusive worldwide, royalty-free license to reproduce, publish and publicly distribute copies of this thesis or dissertation in whatever form subject to the provisions of applicable laws, the provisions of the UP IPR policy and any contractual obligations, as well as more specific permission marking on the Title Page. Specifically I grant the following rights to the University: a) to upload a copy of the work in these database of the college/school/institute/department and in any other databases available on the public internet; b) to publish the work in the college/school/institute/department journal, both in print and ...
Words: 35659 - Pages: 143