Free Essay

K-12

In:

Submitted By leannemarie
Words 2120
Pages 9
Ang K+12 sa Edukasyon ng Pilipinas
Kasalukuyan ng ipinapatupad ng pamahalaang Aquino ang programa nitong kung tawagin ay K+12. Ito ay ang pagdaragdag ng taon sa Basic Education ng bansa. Sa programang ito ay hindi na tatanggapin sa unang grado ang batang hindi nag-kinder bilang unang hakbang sa pagpapatupad nito. At ang isa pa ay ang dalawang taong dagdag sa high school na ibig sabihin ay magkakaroon ng tinatawag na Senior High. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport at iba pang pagpipilian.
Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kalidad ng edukasyon ng bansa. Ang Pilipinas na lang kasi ang bukod tanging bansa sa Asya ang may pinakamababang bilang ng taon sa Basic Education. Suportado ang programang ito ng ilang sektor tulad ng mga nasa negosyo. Sa ganitong paraan diumano ay maari ng makapagtrabaho ang mga Pilipino kahit high school lang ang tinapos.
Napakalaki ng problema ng bansa pagdating sa edukasyon. Sa mga pampublikong paaralan pa lamang ay masyadong siksikan sa mga silid. Bukod sa walang maayos na bentilador ay hindi na rin matutukan ng maayos ng mga guro ang kanilang mga estudyante sa sobrang dami. Ganito ang sitwasyon sa Metro Manila.
Naiiba naman ang kwento pagdating sa mga malalayong lugar sa bansa. Naririyan ang mga estudyante na maraming oras ang ginugugol sa paglalakad ng ilang milyang layo makarating lang sa paaralan. Mas malala pa sa iba, dahil tumatawid pa sa ilog at peligro ang inaabot tuwing umuulan dahil sa rumaragasang baha. Mayroon ding dagat pa ang nilalangoy. Ganito kahirap ang dinaranas nila para lang makapagtapos sa elementarya at high school. Kung mahina-hina ang loob ay napipilitan na lang silang tumigil. Ayon na rin mismo sa Kagawaran ng Edukasyon ay malaki rin ang kakulangan ng mga silid, aklat at guro sa bansa. Sa kabila ng maraming tapos at lisensyadong guro ay may kakulangan pa rin. Inirereklamo rin nila ang mababang pasahod sa mga guro. Taon-taon rin ay naglilimbag ng aklat pero kinakapos pa rin. Ang matagal ng problemang ito ng bansa ay matagal ng pinagpasa-pasahan ng ilang nagdaang administrasyon.
Sa pagpapasimula ng Pamahalaang Aquino sa K+12 program na ito ay mistulang dinadagdagan lang ang problema sa edukasyon ng bansa. Napakaganda ng layunin nito pero tulad ng ibang programa ay hindi naman naaangkop ang pagpapatupad nito. Bakit kaya hindi muna unahin ang mga kasalukuyang pagkukulang ng pamahalaan sa kasalukuyang suliranin. Kumpletuhin ang mga kulang na silid paaralan. Magbigay ng mga aklat na tama ang nilalamang impormasyon. Magdagdag pa ng mga guro at dagdagan ang kanilang sahod at benipisyo.
Hindi dapat gumaya ang Pilipinas sa ibang bansa na dinagdagan ang bilang ng taon sa pag-aaral upang tumaas lang ang kalidad ng edukasyon. Hindi nasusukat sa dami ng taong pinasok sa eskwelahan ang katalinuhan ng tao. Kaya namang matutunan ng mga Pilipino ang dapat na matutunan sa kasalukuyang umiiral na sistema. Ang katunayan dito ay ang mataas na kalidad ng edukasyon sa mga pribadong paaralan. Dahil ito ay suportado ng mga kagamitan at tamang pagtutok sa pag-aaral ng mga bata ng kanilang magulang. May mga nananalo pa ngang estudyanteng Pilipino sa mga patimpalak sa ibang bansa.
Kung dadagdagan ng taon ang pag-aaral ay malulunasan ba nito ang kahirapan? Mababawasan kaya nito ang mga drop out? Kung sa ngayong sistema pa nga lang ay marami na ang drop out ay paano na kaya kapag tuluyan ng ipinatupad ito. Kahit sabihin pang libre ang pag-aaral sa mga pampublikong paaralan ay gumagastos pa rin ang mga magulang sa mga pang-araw-araw na baon ng mga bata. Ibig sabihin nito kapag dinagdagan ng taon ay panibagong dalawang taon din ang dagdag pahirap sa mga magulang. Ang sinasabing para makapagtrabaho na kahit high school lang ang tinapos ay hindi rin totoo. Sa kasalukuyan, kahit may mga tinapos sa kolehiyo ay hirap makahanap ng trabaho. Karamihan dito ay mga nagsipagtapos ng Nursing.
Bakit hindi baguhin ng pamahalaan ang paglunas sa problemang pang-edukasyon ng Pilipinas. Halimbawa nito ay ang malawakang pagpapatupad ng distant learning sa mga malalayong lugar. Nandiyan na ang teknolohiya ng Internet. Maaring sa halip na araw-araw na pasakit sa pagpasok sa eskwelahan ay gawing lingguhan na lang. Pwede ring gamitin ang telebisyon sa pamamagitan ng paggawa ng mga educational channel na panonoorin ng mga bata na kasabay ng turo sa aktwal na panahon sa paaralan. Marami pang alternatibong paraan ang naghihintay na linangin para makatulong sa pag angat ng edukasyon ng Pilipinas. Nagagamit na ito sa ibang bansa.
Ang K+12 ay hindi sagot sa suliranin ng bansa pagdating sa edukasyon. Ito ay dagdag problema at walang malinaw na direksyon at hindi napapanahon. Huwag na sanang gawing mas komplikado ang problemang ito sa pamamagitan ng isang solusyong sa huli ay magiging dagdag pa pala sa suliranin.

TANONG: ANO ANG KTO12 PROGRAM? Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sapagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2taon sa dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos nganim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sakaragdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taong hayskul. Sa bagongsistema, tinatawag na senior high school o junior college ang karagdagang2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa lumang sistema ay tinatawagnaming junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa12 taon ng Basic Education sa ilalim ng Kto12.

TANONG: AYON SA GOBYERNO, BAKIT DAW KAILANGANGMAGDAGDAG NG 2 TAON SA BASIC EDUCATION? Mababa raw ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sapamamagitan daw ng Kto12 ay mapatataas ang kalidad ng edukasyon sabansa. Sa buong Southeast Asia raw, ang Pilipinas na lang ang may 10-yearBasic Education Cycle (ang ibang bansa ay may 11-12 taon sa BasicEducation Cycle). Sa buong mundo, ang Pilipinas daw ang isa sa 3 bansa namay 10-year Basic Education Cycle. Sa lumang sistema raw,pagkagraduate ng hayskul ay di pa rin handa para magtrabaho ang mgaestudyante (masyado pang bata para makapagnegosyo at iba pa). Hindi rindaw handang magkolehiyo ang maraming graduate ng hayskul sa lumangsistema.Dahil daw sa lumang 10-year Basic Education Cycle ay hindi kinikilalao nire recognize ng ibang bansa ang mga propesyunal na grumaduate saPilipinas. Sa Amerika, kailangan daw ang 12 taon ng Basic Education parasa mga engineer. Sa Europa naman, kailangan daw ng 12 taon ng BasicEducation para sa mga gustong mag-aral sa mga unibersidad doon at parasa mga gustong magtrabaho bilang propesyunal doon.

TANONG: KAILAN MAGSISIMULA ANG KTO12 PROGRAM?
Nagsimula noong School Year 2011-2012 ang pagkakaroon ngkindergarten sa mga pampublikong paaralan. Ngayong School Year 2012-2013 ay sisimulan na ang implementasyon ng Kto12 curriculum sa Grade 1(elementarya) at Grade 7 (unang taon sa junior high school ). Unti-untingipapatupad ang Kto12 curriculum hanggang sa makagraduate ang unang batch ng senior high school sa School Year 2017-2018. Batay sa plano nggobyerno, sa School Year 2018-2019 pa lang makapagsisimulang kumuhang bachelor’s degree sa kolehiyo/unibersidad ang unang batch ng senior high school na dumaan sa Kto12
TANONG: MAAYOS BA ANG PREPARASYON NG GOBYERNO BAGOIPATUPAD ANG KTO12?
Maraming naging problema nang agad na ipinatupad angmandatory kindergarten: kulang ng silid-aralan, kulang ng guro at mababalang din ang sweldo ng mga guro sa kindergarten. Ngayong School Year 2 2012-2013, ayon sa ACT Teachers Partylist, kulang ng 132,483 guro,97,685 silid-aralan at 153,709 pasilidad sa tubig at sanitasyon ang mgapampublikong paaralang elementarya at hayskul sa Pilipinas. Mismong angDepartment of Education ay umaamin na may kulang pa ring guro atpasilidad ang mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng pondo.Samantala, may problema rin ang Kto12 curriculum na ipapatupadngayong School Year 2012-2013. Una, minadali ang paggawa sa curriculumna ito (ngayong summer lang ng 2012 ito ginawa). Mas malala angproblema sa hayskul dahil noong 2010 ay may inilabas nang curriculumang DepEd. Kumbaga, mainit-init pa ang 2010 curriculum ay may bago nanaman ngayon kaya laganap ang pagkalito ng mga guro at maging ng mgaadministrador. Sa katunayan, di pa tapos ang implementasyon ng 2010curriculum sa hayskul (ang curriculum na ito’y tinatawag na 2010Secondary Education Curriculum o 2010 SEC). Pinupuna rin ng ibang guroang pag- adopt ng ilang bahagi ng Kto12 curriculum sa mga temang isanginstitusyong pang-edukasyon sa Amerika gaya ng nangyari sa draft ng curriculum para sa Araling Panlipunan gaya ng ipinapakita sa larawang itona mula sa Facebook account ni Robert Medrano ng ACT Teachers Partylist:
Sa kasalukuyan (as of May 28, 2012), tumatanggap pa rin ngsuhestyon atbp. ang Bureau of Secondary Education ng DepEd hinggil sacurriculum ng 3rd Year sa hayskul sa ilalim ng 2010 SEC na ayon sa websitenila ay “DRAFT” pa lang. Tumatanggap pa rin sila ng suhestyon hinggil saKto12 curriculum para sa Grade 7-12 (samakatwid, “draft” lang din angKto12 curriculum). Sa kabuuan, ang prosesong sinunod sa pagbubuo ngKto12 curriculum ay top-down: mga eksperto ang namamahala sa pagbuong curriculum at halos walang papel ang mga simpleng gurong aktwal nanasa field. Problematiko rin ang kasabay na pagpapatupad ng Kto12 at ngMother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) ng DepEd: hati angoras at resources ng ahensya para sa training ng mga guro
TANONG: MAY PLANO NA BA ANG GOBYERNO PARA SA MGAKOLEHIYO/UNIBERSIDAD NA POSIBLENG MAWALAN NGESTUDYANTE MULA SCHOOL YEAR 2016-2017 HANGGANG 2017-2018 DAHIL SA KTO12?SAGOT:
Wala pang malinaw na plano ang gobyerno hinggil dito.Gayunman, ayon sa mga forum/ talakayan, gagamitin ang pasilidad ng mga kolehiyo/unibersidad na ito para sa implementasyon ng senior high school. Ang mga guro ng mga institusyong ito ay pwede ring pagturuin sa senior high school
TANONG: MAGKANO ANG MAGAGASTOS SA IMPLEMENTASYON NGKTO12 AT SAAN KUKUHA NG PERA ANG GOBYERNO PARA RITO? Tinatayang 150 bilyong piso ang magagastos para sakaragdagang guro, libro at klasrum pa lamang. Hanggang ngayon, di pa rinnililinaw ng gobyerno kung saan kukunin ang ganitong kalaking pera.Suportado (at talagang matagal nang itinutulak) ng World Bank ang Kto12Program kaya may posibilidad na sa karagdagang utang manggaling angpera para sa Kto12. Kamakailan, lumabas din ang balita na inirerekomendang World Bank sa gobyerno ng Pilipinas na magtaas at magdagdag ngbagong buwis. Kung hindi utang, karagdagang buwis ang pagmumulan ngpondo para sa Kto12 dahil wala namang ibang source ang Pilipinas.

TANONG: MAAARI BANG MAGTURO SA JUNIOR AT/O SENIOR HIGHSCHOOL ANG MGA PROPESOR/INSTRUKTOR NA WALANG LET OHINDI KUMUHA/HINDI PASADO NG LICENSURE EXAMINATION FORTEACHERS? Wala pang malinaw na sagot ang gobyerno hinggil dito. May mganagsasabing papayagan silang magturo basta may sapat nang bilang ngtaon ng pagtuturo noon sa kolehiyo/unibersidad.
TANONG: ANO ANG EPEKTO NG KTO12 SA KOLEHIYO/UNIBERSIDAD,PARTIKULAR SA MGA KURSO/ COURSES
Hanggang ngayon, wala pang malinaw na detalye hinggil dito.May nagsasabing iikli ang bilang ng taon ng kolehiyo/unibersidad dahil angibang General Education subjects (gaya ng Filipino, English at History) ayisasama/ililipat na sa senior high school. May nagsasabing ganoon pa rinang bilang ng taon ng kolehiyo/unibersidad pero mababawasan ng ilangGeneral Education subjects ang kukunin ng mga estudyante roon.
TANONG: DAPAT BANG IHINTO ANG IMPLEMENTASYON NG KTO12?
Batay sa mga nabanggit na problema at kawalan ng malinaw atkomprehensibong plano ng gobyerno hinggil sa implementasyon ng Kto12, dapat pansamantala munang itigil ang implementasyon nito para hindimasayang ang pera at pagod ng DepEd at ng mga guro at iba pang mga mamamayang kasangkot sa implementasyon nito. Dapat unahin nggobyerno ang mga kakulangan sa 10-year Basic Education Cycle bagomagdagdag ng taon dahil kung basta na lamang magdaragdag ng taonnang hindi pa naaayos ang 10-year Basic Education Cycle, tiyak na lalolamang gugulo ang sistema at baka nga lalo pang bumaba ang kalidad ngedukasyon sa bansa.Kung tutuusin, wala ring sapat na pera ang gobyerno para sa Kto12sa panahong ito. Ni hindi nga mailaan ng gobyerno sa edukasyon ang 6%man lamang ng Gross Domestic Product ng bansa para makasunod sa standard ng United Nations. Katunayan, mula noong administrasyong Macapagal-Arroyo hanggang sa panahon ng ikalawang administrasyongAquino, pagbabayad ng utang at hindi edukasyon ang prayoridad nggobyerno sa National Budget (kahit na nga labag ito sa Konstitusyon).Gayundin, dapat bigyang-diin na ang ibang dahilan sa pagpapatupad ngKto12 (halimbawa’y ang pagpa patter ng ating education system para sapangangailangan ng Amerika at Europa) ay mali per se. Bakit dapat mag produce ng mga propesyunal ang Pilipinas para sa pangangailangan ngAmerika at Europa lamang? Hindi ba dapat na ang mga propesyunal na graduate sa Pilipinas ay suitable ang skills sa bansa nila mismo paramakatulong sila sa pag-unlad nito? Para saan nga ba o para kanino angedukasyon? Iyon ang unang dapat sagutin at mali ang sagot ng Kto12 satanong na iyon. Kaya, sabi nga ng sikat na

k

Similar Documents

Premium Essay

K to 12

.... 1 CHAPTER I The Problem Introduction Faced with stiffer economic competition and worried about the skills of the future work forces, the government lead by the President of the Philippines and his Department of Education Secretary are trying to connect education from preschool through post secondary so that more students are prepared for further study and work. In October 5, 2010, the recent program on Philippine Education as part of President Benigno “Noynoy” Aquino III’s Educational Reform Program was the instituting of the K – 12 Education Plan. From his 10 point Educational agenda he cited: 12 – Years Basic Education Cycle I will expand the basic education cycle, from a 10 year cycle to a globally comparable 12 years, for our public school children. At present, those who can afford basic education get into the best universities and the best jobs after graduation. Universal preschooling for all public schools children will have preschool as their introduction to formal schooling by 2016, and we will make this available to all children regardless of income. The Pnoy Administration believes that adding more years to basic education in the Philippines could help solve the problems of unemployment, keep with global standards, and help Pilipino students to have more time to choose the career that best suits their skills. 2. 2 Psychologically speaking, the short education program affects human development of the Pilipino children. A Pilipino is legally a child before he or...

Words: 1739 - Pages: 7

Free Essay

K-12

...When I first hear about the K-12 program, I think about that we lack of budget. I don’t want to change the system because I used to our educational program. Some teachers may teach one special subject — usually music, art, reading, foreign languages, or physical education — to a number of classes at different age levels. Rather than specializing in a particular age range, such as middle school, these teachers typically receive state certification to teach Kindergarten through 12th grade. K to 12 is now implemented in our country, so teachers are getting ready for it. We must be equip by knowledge, not only knowledge but also strategy, principle, methods and approaches to our students. So what is the problem here? We need more and more teachers. But we lack of teachers. There are so many teachers needed next year. But there are some organization that helps us in investing for our education. We should thank them and use their donations in education. In this article, the TFP, a non-government organization will recruit Filipino and Filipino-Americans to teach here in the Philippines. Another problem is the facilities. So they said the solution for that is they will use the other rooms in the colleges since there will be no incoming first and second year colleges. I think it will solve a little bit of our problem. The Department of Education should enhance the quality of education, this is for the education of all Filipinos and I hope this will really work out. To bridge the gap...

Words: 305 - Pages: 2

Premium Essay

K to 12

...Republic of the Philippines Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City K to 12 Curriculum Guide ENGLISH (Grade 10) K to 12 Curriculum Guide ENGLISH (Grade 10) December 2013 THE FRAMEWORK I. PHILOSOPHY AND RATIONALE Language is the basis of all communication and the primary instrument of thought. Thinking, learning, and language are interrelated. Language is governed by rules and systems (language conventions) which are used to explore and communicate meaning. It defines culture which is essential in understanding oneself (personal identity), forming interpersonal relationships (socialization), extending experiences, reflecting on thought and action, and contributing to a better society. Language, therefore, is central to the peoples’ intellectual, social and emotional development and has an essential role in all key learning areas1. Language is the foundation of all human relationships. All human relationships are established on the ability of people to communicate effectively with each other. Our thoughts, values and understandings are developed and expressed through language. This process allows students to understand better the world in which they live and contributes to the development of their personal perspectives of the global community. People use language to make sense of and bring order to their world. Therefore, proficiency in the language enables people to access, process and keep abreast of information, to engage with...

Words: 9662 - Pages: 39

Premium Essay

K+12 and the Youth

...K+12 and the Youth “Education is life itself”, this famous line has indeed brought great impact on the creation of the national educational system - the K+12 program. With the main objective of preparing the learners to become more competitive both in the academic and skill-related work, the said system was implement as early as last year. Thus, this illustrious program brought many effects on the side of many students specially those who are in high school level. That is, different views from various students had fall into one question- “Are we prepare?” The inquiry transfers all to the adverbial, physical, psychological and of course financial aspect of the youth. If many of them saw this as a beautiful chance, many of them too had an opposite feeling. Begin with the fact that the current system runs in the country in line of experimenting only, nothing had been evaluate so nothing can be proven its effectiveness. As the core beneficiary, the youth place themselves at the center of “what ifs” arena. They battle for the triumph of the theory. Economically speaking, those who are in the middle class have the assurance of the affordability of the additional years that will spend in the school. While other, primarily, the poor youth thought it as additional expenses. However, a chance of career selection of their self-choice promises the system. The thing is, there is no guarantee if the rate of education mismatch will decrease for the technical skill offers most on what is...

Words: 435 - Pages: 2

Premium Essay

Difference Between K-12 and Non K-12

...Chapter I THE PROBLEM AND ITS BACKGROUND Introduction Every successful concept and project in life requires a proper framework and planning. This relates to all processes, including education. Whenever we embark on any new plan or procedure, we need to make sure that we have all the plans drawn up. What is on offer, what are the resources that we have, what are the steps, which we need to take and what are the goals that we need to achieve are some elements that need to be looked upon. A similar set of constraints when applied to education in schools and colleges gives birth to curriculum. A curriculum is a set of courses, including their content, offered at a school or university. The curriculum often contains a detailed list of subjects and the elements of teaching them. John Franklin Bobbitt’s “The Curriculum” published in 1918 mentions curriculum as an idea that has its roots in the Latin word ‘race-course’. He also explained “The Curriculum” as the course of deeds and experiences through which children grow up into adults and get going for success in the society. A curriculum is more than putting together a set of academically required subjects. It must consider all aspects of the student life, the learning needs of students, the time available for the sessions and the teachers’ idea, capability and workload. At high school levels, teenagers can take their own liberty in choosing their path. Though complete autonomy does not rest with a student, a level of choice...

Words: 1492 - Pages: 6

Premium Essay

K+12 Curriculum

...K+12 CURRICULUM REACTION PAPER Introduction When people used the word curriculum, it is usually referring to the content chosen to be taught – the official curriculum. In the K to 12 Basic Education Program of the Department of Education, a new curriculum was designed to develop a learner who possess a healthy mind and body; has a solid moral and spiritual grounding; has essential knowledge and skills for lifelong learning and self-actualization; engages in critical thinking and creative problem solving; contributes to the development of a progressive, just, and humane society; is proud to be a Filipino; and appreciates the beauty around him/her and cares for the environment for a sustainable future. This enhanced curriculum from the Kindergarten to the senior high school aims to produce holistically developed learners with the 21st century skills. How can all these mission and vision of the K to 12 programs be attained? It can be attained through the child centered or learner centered curriculum that high lights the said program of the Department of Education. Body As I was looking at the new curriculum of the K to 12 Basic Education Program of the Department of Education, I am beginning to appreciate the effort made by the government to uplift the kind of education in our country. The Curriculum that was made for the Kindergarten until the senior high school was quite satisfying for me because it is really the product of different researches to make the education system in...

Words: 729 - Pages: 3

Premium Essay

K-12 Curriculum

...Cite/theories/research/examples/to substantiates your discussion/explanation. 3. Illustrate/draw/design a matrix if necessary. A. The Philippine educational system is currently undergoing curricular changes through the implementation of the K - 12 curriculums. In relation to this, make a thorough discussion about the education reform by answering the following question: 1. Discuss different perspective surrounding the implementation of the said curriculum including the Washington and Bologna accords. The first and foremost perspective that surrounds the implementation of the K to 12 programs is that to provide every Filipino child with education he/she needs to...

Words: 1188 - Pages: 5

Premium Essay

K-12 Program

...Ready for K-to-12? Specifically, are we ready for Grade 11, the first of the two new senior high school years that have been added to the curriculum by virtue of the Enhanced Basic Education Act of 2013? By the start of school year 2016-2017, millions of students across the country who would have otherwise graduated from four years of high school would make up the first batch to enroll in Grade 11. After Grade 12, when they graduate in March 2018, they would constitute the first batch of high school students to finish the K-to-12 program. What does this mean in practical terms? It means, for one, that by next year, public schools would have to find extra classrooms, restrooms, teachers, textbooks, etc. to accommodate the new Grade 11 population that should have gone on to freshman college studies in the earlier setup, but which would now remain for another two years in the school. The old school system replaced by K-to-12 leaned for decades on the annual turnaround of graduating students to make way for incoming batches from the lower years to use existing school facilities. This time, the first year of implementation of the added senior high school under K-to-12 gives secondary schools the problem of where to put their Grade 11 classes. The burden is even more acute in public schools, which are mandated by law to carry the extra two years, even as they are more typically deprived of the resources and facilities that private schools enjoy. Private junior high schools, while...

Words: 785 - Pages: 4

Premium Essay

K Bghs 12

...Fundamental Concepts Society - Society is made up of people, groups, networks, institutions, organisations and systems. These aspects of society may include local, national and global patterns of relationships. People belong to informal and formal groups, within and between these groups there are patterns of interactions. Culture - Culture refers to the knowledge, ways of thinking, feeling and behaving that give each society its coherence and its distinctive way of life. Culture is demonstrated by the beliefs, customs, values, laws, arts, technology and artefacts people generate and use as the interpret meaning from their world and solves present and future problems. Environment - Every society is located in a particular physical setting. The attitudes and values people have in regard to their environment greatly affect interactions between the person, society, culture and environment. Environments present societies with opportunities and restraints. Time - Every person, society and environment is located in time and is changing through time. Our perceptions of time as past, present and future are also important for social enquiry and action. These perceptions draw on past events that influence our present. They need not determine our future. We can perceive a range of possible future that can assist our decision-making. Power - involves a capacity to influence others to follow a course of action or point of view they would not otherwise follow. Authority - Authority implies...

Words: 509 - Pages: 3

Premium Essay

K-12 Educational System

...other staff, among others. Prior to the mid-20th century, the country's education system was patterned on those of its earlier colonial powers, those of bothSpain and the United States. However, after the Philippine independence in 1946, its educational system changed radically. The former basic educational system of the Philippines was composed of 6 years of elementary education starting at the age of 6,[3] and 4 years of high school education starting at the age of 12.[4] Afterwards, one can continue his or her education by enrolling in technical or vocational schools, or in higher education institutions like universities. Although the 1987 Constitution states that elementary education is compulsory, it was never put into force. Since 2011, the country started its transition from its old 10-year basic educational system to the K-12 educational system, as mandated by DepEd.[5] This time, the new 12-year system is now compulsory, along with the adoption of new curricula for all schools (see 2010s and the K-12 program). The transition shall last until the S.Y. 2017-2018, where the first graduates under the new educational system will be brought forth. All public schools in the Philippines must start classes from a date mandated by the Department of Education (usually every first Monday of June), and must end after each school completes the mandated 200-day school calendar of DepEd (usually around the third week of March to the second week of April). Private schools are not...

Words: 4029 - Pages: 17

Premium Essay

Effectiveness of K to 12 Curriculum

...regulated by the Department of Education, commonly referred to as the DepEd in the country. The Department of Education controls the Philippine education system, including the curriculum used in schools and the allocation of funds. It also regulates the construction of schools and other educational facilities and the recruitment of teachers and staff. From 1945 until 2011, the basic education system was composed of six years of elementary education starting at the age of 6, and four years of high school education starting at the age of 12.Further education was provided by technical or vocational schools, or in higher education institutions such as universities.It is also in the year 2011when the country started to transition from its old 10-year basic educational system to a K to 12 educational system, as mandated by the Department of Education. President Benigno “Nonoy” S. Aquino singed the K to 12 education into law in the year 2013. The new K to 12 curriculum guide requires all Filipino students to have one year of kindergarten, six years of elementary...

Words: 437 - Pages: 2

Premium Essay

Reflection on K-12 Curriculum

...on K - 12 Curriculum K to 12 Basic Education Program in the Philippines aims to have a graduate that is an empowered individual who has learned, through a program that is rooted on sound educational principles and geared towards excellence, the foundations for learning throughout life, the competence to engage in work and be productive, the ability to coexist in fruitful harmony with local and global communities, the capability to engage in autonomous critical thinking, and the capacity to transform others and one’s self. The K to 12 Basic Education Program is not new for this was already made a few years ago although it is at present that we are trying to implement for the improvement of our educational system in our country. The K to 12 was not only made by the DepEd Central office but through the collaboration of the CHED, TESDA, DEPED and the different stakeholders like the parents of the children in schools. The complete human development of every graduate is at the core of the Enhanced K to 12 Basic Education Program. Every graduate holds an understanding of the world around and a zest for life-long learning, which addresses every child’s basic learning needs, including learning to learn, the acquisition of numeracy, literacies, and scientific and technological knowledge as applied to daily life. I realized that we teachers must have the 5C’s to make this said program successful. The Commitment, Competence, Creativity, Compassion and Character helps the K to 12 program...

Words: 341 - Pages: 2

Free Essay

K to 12 and Its Implications in the Philippines

...K to 12: Susi sa Mas Mabuting Edukasyon Taong 2011, isang mahalagang yugto ang naganap sa edukasyon ng Pilipinas. Pinakilala ang bagong kurikulum: ang K to 12. Mula sa dating 10 taong pag-aaral, magkakaroon na ng taon para sa Kinder at 12 pang karagdagang taon, anim na taon ng Primary Education, apat na taon ng Junior High School at dalawang taon ng Senior High School. Nararapat na ang pagsasabatas nito sapagkat nahuhuli na ang bansa sa “International Education Standards”, mas mapapadali ang pagtratrabaho sa ibang bansa ng mga Pilipino, dahil magiging “professionals” agad sila abroad. Mas mapaghahanda rin nito ang mga nakapagtapos na sa mundo ng pagtratrabaho. Mahalagang maging sapilitan na rin ang Kinder, ‘pagkat sa mga edad na ito nagiging ganap ang pag-iisip ng mga mag-aaral, at napatunayan ding marami sa mga batang nakapag-Kinder ang nakapagtatapos ng pag-aaral. Higit sa lahat, madaragdagan ang “International Competitiveness” ng mga Pilipino sa pamamagitan nito. Marami rin ang tumatanggi sa bagong kurikulum na ito, sa kadahilanang hindi pa raw sapat at handa ang gobyerno para rito, maaaring ito ay totoo, ngunit ipapalit ba ito sa magiging “competitiveness” ng mga nakapagtapos na sa larangan ng trabaho? Maaari ngang sa una ay di pa “pino” ang kurikulum ngunit kung titignan ang “long term effect” nito ay malaki ang maambag nito sa ating mga Pilipino. Malaki ang pagpapahalaga nating mga Pilipino sa edukasyon, ‘pagkat ito ang ating pag-asa. Ngunit paano tayo uunlad...

Words: 630 - Pages: 3

Free Essay

K to 12 Curriculum and Challenges

...Ladder of One’s Succes (K to 12 Curriculum: Changes and Challenges) Mischelle P. delos Reyes “Youth is the hope of thy Fatherland”. Rizal once said to his country men. He believed that the nation with a hollistic mind will surely be a great nation. Change comes from within. Replicate the change within you to other. It starts within ourselves, within our family, within our school, community, afterwards our country and the whole world as well. This was envisioned by the Philippine Education through the Implementation of the K to 12 Curriculum, to develop hollistic filipino citizen, globally competetive one and God-fearing individual responsible for the change and challenges the world offers him. We are in a fast pacing world where change is inevitable. We have to upgrade ourselves. Upgrading means-developing ones skills and potentials to the fullest, adopting ourselves to this ever changing world and accepting challenge and modernization this world offers. Achieving these things, an individual must take the courage to change himself or herself. These changes if could not be meet become a hindrance to develop himself and be a successful one but if these changes were realized, one is climbing the ladder towards success. Meeting the challenge of change to reach the peak of success is not quite easy. We must equipped ourselves with courage and determination but most of all faith in our God Almighty is the most powerful weapon that will enable us to achieve what we seek...

Words: 349 - Pages: 2

Premium Essay

K-12 Grading System

...or depend on information from a computer. It is also the best solution for providing information and a way of communications in every individual and gives better understanding of some events that can arouse the interest of some particular subject matter. The computerized world is highly efficient one, which processing the big quantities of data and keeping. Computer can be considered as another instrument for developing a system like grading system in every school. This can be a great help to those teachers who are handling many task from providing easier and faster access. Through the advancement of Education System in the Philippines and the application of K-12 system in public and private schools, the systems of grading and recording must be restructured together with the development of the country’s system. K-12 system of assessment critically changed and made assimilation with the international countries. The ideal system focused on the decisive purpose of quality assuring student learning. The said education system is also a standard-based to guarantee the productive teaching of teachers to help the students aspire through their goal. The propagation of technology greatly helps the teachers and students to have efficient outcome of paper works. With this computerized systems every record of students’ activities will be accumulated by the teacher or the user. It will increase the accuracy and will lessen the errors of computation because this system reduced their workload...

Words: 4762 - Pages: 20