Free Essay

Nakalaya Rin Ako

In:

Submitted By niquedolor
Words 989
Pages 4
Monina Victoria B. Dolor
2013-05644

Nakalaya rin Ako “Tatanda at lilipas din ako, ngunit mayroong awiting iiwanan sa inyong alaala, dahil minsan tayo’y nagkasama ” Inis na inis ako sa tuwing maririnig ang awiting ito ni Florante. Para bang nakikita ko ang music video nito na pamilya ko ang gumaganap. Kaya naman sa murang edad pa lamang, inayawan ko na ang salitang kasal. Ayaw kong magkaroon ng bagong pamilya. Ayaw kong malayo kina Mama, Papa at Kuya. Ayaw kong mapalitan ang kahawak-kamay ko sa pagtahak sa landas ng buhay. Marami akong inaayawan sa mundo, pero isa lang naman ang puno’t dulo nito, ayaw kong masaktan. Natatakot ako. Natatakot ako na baka isang araw paggising ko ay nagbago na ang lahat. Natatakot ako na masilayan ang paglipas ng panahon. Takot akong malayo sa aking mga nakagisnan. Takot akong masaktan. Oo nga’t kasal ang pinakamahalagang okasyan sa mga kababaihan, pero ito rin ang umpisa ng bagong bukas. Minsan, sinubukan kong magpakamanhid. Ang bigat na salita, hindi ba? Unang beses ko kasing dadalo sa isang kasalan. Pinsan ko pa ang ikakasal. Itinuring ko na siyang parang tunay kong Kuya sapagkat sa amin na siya lumaki. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon datapwat alam kong napakasaya niya noong araw na iyon. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa kolorete na inilalagay sa aking mukha at sa suot kong bestida na tila ba bituing kumikinang-kinang sa langit.
Ang sarap kaya sa pakiramdam na magpakaprinsesa lalo pa’t nasa bayang kinalakhan ko. Ang sarap kalimutan ng mga inaalala. Ang sarap pagmasadan na lamang ang mga magagandang tanawin sa Tagaytay City. Ayon nga kay Christian Lucas Sangoyo, Ang Tagaytay ay mainam para sa lahat at ito ay nagbibigay buhay sa natutulog na kaluluwa ng mga turista, bakasyonista, at iba pa. Nadama ko ang haplos ng malamig na simoy ng hangin, narinig ko ang matamis na huni ng mga ibon at nalanghap ko ang kasariwaan ng lugar na kinumutan ng mga berdeng damo. Tila ba naglakbay ang aking mga mata sa isang munting paraiso.
Panandalian kong nakalimutan ang daing ng aking puso’t kaisipan. Panandalian akong nakalipad sa kalangitan pero iyon na nga ang masakit, panandalian lamang. Namulat ako sa realidad ng buhay na kailanma’y ‘di ko matatakbuhan. Hindi ko ito matatakasan.
Dumating na ang oras nang pagharap ng aking pinsan at kanyang mapapangasawa sa Diyos. Nagsimula nang pumila ang mga pangunahing bisita para makalakad sa altar. Nagsimula na ring tumugtog ang malambing na musika ng pag-ibig. Hindi ko alam kung bakit, pero habang isinasaboy ko ang bulaklak ay nawala ang takot ko. Tila ba isang bata lamang na naglalaro sa lansangan. Ganito yata talaga kapag nasa loob ka ng kaharian ng Panginoon, wala kang ibang madarama kung hindi ang wagas Niyang pagmamahal. Sa isang kisap mata, tila ba unti-unting naglaho ang pagpapakamanhid ko.
Nagsimula ang seremonya sa isang panalangin. . Nagbitiw ng mga salita ang pari, ang babae, at ang pinsan kong lalaki. Bawat salita ay mararamdaman mo ang sinseridad. Ang luha na pumatak mula sa kanilang mga mata ay bunga ng tunay na pagmamahalan. Ang halik na nagtapos sa seremonya ay tunay at walang dungis ng pagpapanggap. Ang lahat ng kilos nila ay walang bahid ng kasinungalingan. Ang simbahan ay binalutan ng pagmamahal at katotohanan. Isang perpektong mundo ang aking nasilayan.
Nagtungo kami sa Max’s Restaurant para ipagpatuloy ang pagdiriwang ng kasal. Ang sarap kumain lalo pa’t matataw mo ang Bulkang Taal at ang kagandahan ng ating kalikasan. Nakakasabik, pero sa kabilang banda ay nakakakaba. Hindi ko kasi alam kung ano ang mangyayari pagkatapos na marinig ang mga mensahe ng malalapit sa bagong mag-asawa. Iiyak kaya ako? Tatawa? O ‘di kaya naman ay matutuwa para sa kanila? Sa ‘di inaasahan, lahat nagawa ko. Umiyak ako, tumawa at natuwa para sa kanila. Aniya ng aking Ina, ang pagpapakasal daw ay hindi lamang tulad ng pagkain ng mainit na kanin. Hindi mo ito maaaring iluwa kung kailan mo lamang gusto. Gayunpaman, hindi naman daw siya mawawala sa tabi ng aking pinsan. Kung may kailangan, maaari lamang siyang takbuhan. Sumunod na nagbigay ng mensahe ang ama at ina ng babae. Ayon sa kanila, malulungkot daw sila sapagkat alam nilang malaki na ang kanilang prinsesa. Kailangan na nila siyang pakawalan at hayaang tumayo sa sarili niyang mga paa. Gayunpaman, tulad rin ng aking Ina, hindi naman sila mawawala sa kaniyang tabi sapagkat mahal na mahal nila ang kanilang prinsesa. Wala naman daw magbabago sapagkat hindi mabubura ang pagiging magulang nila sa kanya. Hiling lamang nila ay alagaan ang kanilang anak ng aking pinsan.
Nagbigay rin ng mensahe ang mga magulang ng aking pinsan. Isa lamang ang nais nilang iparating. Sana’y magampanan niya ng buong puso ang pagiging ama at asawa. Nariyan lamang naman sila upang gabayan at mahalin ang kanilang anak.
Bukod sa kanila, marami pa ring nagsalita tulad ng kanyang kapatid na mangiyak-ngiyak dahil nag-asawa na nga ang kanyang Kuya. Gayunpaman, abot sa tainga ang kanyang ngiti para sa dalawa.
Sa lahat ng ito, ang pinakatumatak sa aking isipan ay ang mensahe ng bagong mag-asawa sa lahat. Sabi nila, ang tatahakin nila ay hindi ganoon kadali pero lubos ang kanilang saya dahil wagas ang kanilang pagmamahalan at ganoon din naman ang ibinibigay sa kanila ng mga mahal nila sa buhay. Napagtanto ko na kahit lumipas ang panahon at magkaroon tayo ng bagong pamilya, hindi magbabago ang pagmamahalan sapagkat ito ay nakaukit na sa ating puso noon pa man. Tinuruan ako ng kasal na ito na kahit na anong mangyari, walang magbabago basta’t may pagmamahal. Matututo tayong tumayo sa sarili nating paa, makakalipad tayo sa sarili nating pakpak, pero babalik pa rin tayo sa ating pinagmulan.
Sa huli, ako ay nakalaya sa rehas ng aking kinatatakutan. Nakalipad ako ng walang pangamba. Gayunopaman, inaamin kong ayaw ko pa rin sa kantang “Tatanda at Lilipas din Ako” ni Florante.

Source: lakadpilipinas.com/2013/08/tagaytay-travel-guide-itinerary.html sariling-katha

Similar Documents

Free Essay

Communication

...Buod ng Katha Ang kuwento ng Ang Reyna ng Espada at mga Pusa ay tungkol sa isang tao na nag ngangalan na Jose T. Clutario III o mas kilalang Clutario. Siya ay nakulong dahil sa salang pagpatay, at binigyan siya ng Presidente ng Pilipinas ng Executive clemency, o isang paraan para makalaya siya. Pero ayaw ni Clutario lumabas sa bilangguan dahil ayaw niya iiwan ang kanyang kaibigan. Ang kaibigan niya na si Peng, ay nagulat iniisip ni Clutario dahil para kay Peng, hindi niya ito dapat palalagpasan na pagkakataon. Si Peng naman ay gustong-gusto na makalaya sa kulungan at tinanong ang kanyang kaibigan niya kung pwede siya sumama. Ngunit sinagot siya ni Clutario na hindi, dahil ayaw niyang lumbas sa dahilan na wala siya raw pupuntahan kapag nakalaya na siya, at hindi niya gusto na iiwan lamang ang mga kaibigan niya sa kulungan. Sinabi ni Peng kay Clutario na nanaginip siya na naglalaro siya ng solitaryo at tinanong niya kung lalabasba talaga si Clutario. Ang sabi ni Peng, kapag ang kulay ng baraha ay nakakasunod-sundo, halimbawa pula na hearts at itim na spades (o para kay Peng tinagawag niya ito na “bulaklak”) ay oo ang sagot nga mga baraha. Naglaro si Peng kasama kay Clutario at binuksan niya ang mga baraha, hanggan nakapadpad sila sa Queen of Spades na hindi naman kamukha ng Queen of Spades, ito ay dahil noong na wala ang mga baraha ni Peng gumawa si Clutario ng bago, mula sa mga sa karton ng sigarilyo. At ginuhit ni Clutario ang Queen of Spades na parang pusa. At doon nag simula...

Words: 6678 - Pages: 27

Free Essay

Doc, Docx, Pdf, Wps, Rtf, Odt

...Ordonez (http://plumaatpapel.com) II. BUOD Ang kwento ay tungkol sa malupit na si Don Miguelito na kung saan ay may pagmamay-ari ng dalawampu’t libong lupain ng tabako na minana ng kanyang pangalawang asawa. Lumaki na talaga si Don Miguelito sa marangya at saganang pamumuhay, sa murang edad rin siya naulila matapos mamatay ang kanyang mga magulang. Masasabi ngang matigas ang puso ni Don Miguelito dahil sa labis nitong kalupitan at walang awang pangmamaliit sa kanyang mga trabahador gaya ng buong araw na pagtatrabaho na wala na sa tamang oras, mababang sahod at kung ika’y nga’y magtatangkang magreklamo sa kanyang patakaran ay papuntahin kana sa kahera at maaari mo ng kunin ang iyong huling sahod. Ngunit naglakas loo ang mga kanyang magagawa na nagplanong gumawa ng unyon para maipaglaban ang kanilang hiling at nais na mabago na ang baluktot na pagtrato sa kanila ni Don Miguelito. Ngunit labis na kumunot ang noon at kumulo ang dugo nito ng malaman niya ang ginawa ng kanyang mga manggagawa. Mga wala raw utang ng loob ang mga ito wika ni Don Miguelito. Hanggang sa nakipagareglo si Don Miguelito at sinubukang suhulan ngunit hindi pumayag ang mga mangagawa ni Don Miguelito at hindi rin naman nagpatinag si Don Miguelito na tuparin ang mga hiling ng kanyang empleyado. Hanggang sa umabot na nga sa marahas na pangyayari, nag welga ang kanyang mga mangagawa sa labas ng...

Words: 1874 - Pages: 8

Premium Essay

Something

...kumakaripas pa ng takbo iyan kapag nabigyan ng ina ng tatlong pera.” Malaki na ang ipinagbago ng buhay ng batang iyong binabanggit ni Ama: Mula sa isang api-apihang kamusmusan, siya ngayo’y isa na sa mga kinikilalang manananggol sa lunsod. Kausapin mo ang isang abugado o kaya’y isang kumuha ng abugasya at malamang na nakikilala niya kung sino si Atty. Pedro Enriquez. Sasabihin ng abugado na talagang magaling ito ( topnotcher yata iyan, sasabihin sa iyo ng abugado): sasabihin naman ng estudyante na talagang magaling ito, lamang ay mahigpit sa klase ( si Layo ay nagtuturo rin ng batas sa isang unibersidad at isang taga-San Roque ang minsa’y ibinagsak niya). Tatlo ang tanggapan ni Layo: isa sa Escolta, isa sa Echague ( sa itaas ng isang malaking hotel doon), at isa sa Intramuros, sa pinakamalaking gusaling nakatayo noon ngayon. Bago siya naratay ay umuwi siya sa amin sa San Roque, Bakasyon noon at nasa San Roque rin ako. Kasama niya ang asawa at dalawang anak. Sakay sila ng isang kotse- bihirang mapasok ng kotse ang San Roque. Sa tapat ng aming maliit na bahay huminto ang kotseng iyon. “Galing kami sa San Fernando ( ang bayan ng kanyang asawa), at nagyaya si Ising at ang mga bata rito. Gusto raw nilang makita itong San Roque.” Ayaw umuwi...

Words: 24955 - Pages: 100

Free Essay

Anytime

...ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan...

Words: 17033 - Pages: 69

Free Essay

Filipino

...Kabanata 21 Mga Tipong Maynila Mga Tauhan: Camaroncocido Tio Kiko Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artist Tadeo   Makaraig, Pecson, Sandoval at Isagani Don Custodio Tagpuan:  teatro de Variendades Simula: Nang gabing iyon ay may pagtatanghal sa teatro de Variendades, ang Les Choches de Corneville ng bantog na mga Pranses. Ubos kaagad ang tiket, at mahabang-mahaba ang hanay ng nagsipasok.Isang Kastila ang tanging walang bahala sa pagpasok sa dulaan. Ito’y si Camarroncocido na anyong pulubi o palaboy. May lumapit sa kanya na isang kayumangging lalaki na matanda at may amerikanang mahaba’t hanggang tuhod. Siya’y si Tiyo Kiko. Pinakitaan nito ng mga mamisong Mehikano si Camarroncocido. Iisa ang kanilang hanapbuhay: pagdidikit ng mga paskil. Tunggalian: Anim na piso ang iniupa ng mga Pranses kay Tiyo Kiko. Mayroong nagsitutol dito bilang masagwa at laban sa moralidad, tulad nina Don Custodio at ng mga prayle. Mayroon namang nagtanggol dito. Mga pinuno ng hukbo at mga marino, ang kawani, at maraming matataas na tao.Naging malaki at malaganap ang bulung-bulungan at kasamang nababanggit ang Kapitan Heneral, si Simoun, si Quiroga at mga artista. Ang palabas dahil ipinagbabawal ng mga prayle. Mabuti ang iyong mga paskil ngunit higit na mabisang pantawag ng tao ang pastoral o pagbabawal ng mga pari. Kasukdulan: Nang makaalis si Tiyo Kiko ay...

Words: 6416 - Pages: 26