Free Essay

The Not so Final

In:

Submitted By Janinedanas19
Words 3782
Pages 16
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
(University of the City of Manila)
Intramuros, Maynila

COLLEGE OF ACCOUNTANY AND FINANCE

SI RIZAL BILANG KRITIKO NANG PAMAHALAANG KASTILA AT SALAMIN NG OPOSISYON NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON

Bilang bahagi ng pangangailangan sa
ANG BUHAY AT MGA SINULAT NI DR. JOSE RIZAL
Bachelor of Science in Business Administration
Major in Finance & Treasury Management

Ipinasa ni:

Bernardo, Maria Paula
Dañas, Janine Alyssa
Fernando, Luisa Faye
Formoso, Fate Celynne
Pili, Sarah Mae
Salonga Jovie Lyn

Ipinasa kay:

Propesor Santiago

Pebrero 15, 2016

I.INTRODUKSYON

Naging biktima ang Pilipinas sa malupit at mapang-abusong pamamalakad at pananakop ng mga kastila. Marami sa ating mga kababayan o ninuno ang nakaranas ng paghihirap at pagmamalupit sa ilalim ng kanilang pamumuno. Naging magulo ang pulitika ng mga kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-1833). Apektado ang ating bansa dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Hindi makatarungan, malupit, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas. Na lanmang ni heneral Rafael de Izquierdo, na gumalit sa mga pilipino noong ipapatay niya kahit inosente ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Nawalang ng karapatan ang mga pilipino at ang batas daw ay para sa mga puting espanyol lamang. Ilan lamang iyan sa maga bagay na ginawa ng mga kastila sa ating bansa, na gumising sa pagka-makabayan ng ating bayaning si rizal. Pinamunuan niya aang isang samahan na tinawag na Kilusang Propaganda, kasama sina Graciano Lopez-Jaena, at Marcelo del Pilar. Ginamit nila ang paraan ng pagsusulat upang maihayag ang kanikanilang hinaing at reklamo. Itinatag din ni`José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na naging daan sa pagkabuo ng Katipunan na pinamunuan ni Andrés Bonifacio, isang lihim na samahan na nagpasimula ng Himagsikang Pilipino laban sa Espanya na naging saligan ng Unang Republika ng Pilipinas sa ilalim ni Emilio Aguinaldo. Siya ay tagapagtaguyod ng pagkakaroon ng Pilipinas ng sarili nitong pamahalaan sa mayapang pamamaraan kaysa sa marahas na himagsikan, at susuportahan lamang ang karahasan bilang huling dulugan. Naniniwala si Rizal na ang tanging katwiran sa pagpapalaya sa Pilipinas at pagkakaroon nito ng sariling pamahalaan ay ang pagbabalik ng karangalan ng mga mamamayan.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pag aaral na ito ay naglalayong mailahad kung sino si Dr. Jose Rizal bilang isang kritiko ng Pamahalaang kastila at salamin ng oposisyon ng kasalukuyang administrasyon at may layuning malaman ang tiyak na kasagutan sa mga sumusunod na tanong. 1. Ano-ano ang opinyon ng iba’t ibang personalidad patungkol kay Rizal bilang kritiko ng Pamahalaang kastila? 2. Paano maihahambing ang mga ideya o paniniwala ni Rizal ukol sa pamamalakad ng pamahalaan, sa kasalukuyang administrasyon? 3. Ano ang dahilan o layunin ni Rizal sa pagiging isang kritiko?

LAYUNIN SA PAG-AARAL
Pangunahing layunin sa pag aaral na ito ay mapakita kung sino si Rizal bilang isang kritiko ng Pamahalaang Kastila at kung sino ang sumasalamin ng opisisyon ng kasalukuyang administrasyon. Dito mapapaloob kung sino si Rizal sa panahon ng kastila at kung paano niya ginawa ang mga bagay bagay upang maging isang lakas bilang isang Pilipino na ipagtanggol ang bayan. Mahalaga pag aralan ang naging katayuan bilang isang kritiko sa panahon ng kastil, dahil bilang isang kabataan alam natin na kung ano ang naging ganap ni Rizal sa panahon nito. Hindi rin lingid sa isipan natin bilang isang kabataan na ang mga nangyari sa panahon ng kastila ay laban sa ating bayan. Malaki ang naidulot nito sa ating bayan.Ngayon nais naming ipaalam sa inyo kung sinong opisisyon ang sa tingin namin ay nasasahalintulad ni Rizal na isa din kritiko sa ating administrasyon na sa tingin namin ay naging isang magandang halintulad siya sa ating panahon ngayon, Isang kritiko na nais ay maging maayos ang ating administrayon ng dahil sa kanya mamumulat tayo sa mga nangyayari sa ating bansa dahil katulad ni Dr. Jose Rizal siya ang naging tulong upang mamulat tayo sa mga bagay na nangyayari sa panahon ng kastila .

TEORYANG KONSEPTWAL

DEPINISYON

KABANATA II
KAUGNAY NA LITERATURA

KANYA-KANYANG RIZAL
Ayon kay Lopez, S.E. si Rizal ay nagkaroon ng maraming gampanin sa ating lipunan. Si Rizal ay naging inspirasyon sa lahat mapabata man o matanda. Nagkaroon ito ng malaking epekto sa lipunang ating ginagalawan. Kahit may tiyak na panganib sa sarili niyang bahay at ng kanyang pamilya, patuloy pa rin niyang binangga ang mga mapangabusong mananakop upang itaguyod ang tama. Hanggang ngayon nanakatatak na sa ating mga isipan ang pagkabayani ni Rizal na patuloy na magpursiging ipagbuti ang kalagayan at ang mga sarili. Nailathala rin niya ang mga katagang: “Hindi “diyos” si Rizal. Kaya naman, hindi na kinakailanagan pang ungkatin ang bawat detalye ngbuhay ni Rizal o ang bawat sambit ng kanyang bibig para lamang makahanap ng kamalian, dumi o mantsa sa kanyang iniwan na reputasyon o pangalan. Hindi na importanteng himayin natin ang kanyang naging bawat kilos o galaw para patunayan ang kanyang kadakilaan bilang isang Pilipino. Dahil kahit siya man ay nagkaroon ng pagkukulang, walang pagkakamali ang kayang burahin ang naging kontribusyon at sakripisyo para sa bayan.”
KANYA-KANYANG RIZAL: SI RIZAL SA MATA NG ISANG PAG-ASA NG BAYAN
Base kay Villafuerte, V.A.V., si Rizal ay may paniniwala na ang kalayaan ay hindi nangangahulugang pagtiwalag sa mga namumuno, kundi ang pagkakaroon ng pantay na karapatan. Ang pinakamithiin ni Rizal ay gawing karapat-dapat ang mga indiona tawaging Filipino.
Kung babalikan, ang katawagang Filipino, ayon kay Constantino, ay tumutukoy sa mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas. Kalaunan, pati mga Spanish mestizo atChinese mestizo ay tinatawag na ang mga sarili na Filipino dahil nakakahanay na sila sa mga Espanyol sa katayuan sa lipunan, edukasyon at kayamanan. Pati ang mga ilustrado, kasama si Rizal, na noon ay nasa Europa ay ginamit na rin ang katawagang Filipino. Hindi maipapagkakaila ang naging kontribusyon ni Rizal sa pagmulat ng kamalayang nasyonalismo ng mga Pilipino noon.

DIWA NI RIZAL
Ayon kay Gotao, M., si Jose Rizal ay isang tanyag na bayani sa ating kasaysayan; Akin siyang mahahalintulad kay Mahatma Gandhi sapagkat hindi lamang niya [Rizal] ibinulgar ang kasamaan ng mga kastila, minulat nita rin ang mga mata ng bawat Pilipino sa kanilang sariling katamaran at makitid na pag-iisip.
Ikinumpara ng manunulat ang sa mga gawa ni Rizal sa modernong pnahon at ang mga sitwasyon ng mga Pilipino ngayon. Maaari nating ipagkumpara ang ating henerasyon sa henerasyon noong panahon ng Kastila. Ilan na rito ang: Marami pa rin sa ating mga kababayan ang may utak na kolonyal at pinapabayaan ang sarili nating tradisyon. Ani nga ni Gotao: “Mas gusto nilang sumunod sa mga dayuhan dahil akala nila na ito ay mas mabuti.” Ang mga kabataan ngayon ay nakakaranas ng matinding katamaran tulad na lang rin ng dating henerasyon. Iniisip lamang nila ang kanilang sarili at hindi ang ibang tao. Tulad noon, ang mga Pilipino ay makasarili. Maaari nating Makita ang mga pagkakamaling ito sa mga gawa ni Rizal. At kung ating isasapuso, mapapabuti natin ang lipunan at ang pandaigdigang komunidad.
Ilan sa mga gawa niya ay ang “Aking mga Kabata” at ang “Mi Ultimo Adios”. Sa unang nabanggit na gawa, napapakita nito na kahit bata ka pa ay posibleng mapakita na ang iyong talento. Sinasaad dito na ang wika ay isa sa mga pinaka-mahalagang aspekto ng isang bayan dahil dito napapakita ang pag-unlad ng sarailing tao at lipunan. Dapat palagi natin alagaan ang ating sariling wika dahil maaari ito mawala tulad ng isang bangka sa bagyo. At sa ikalawang nabanggit na gawa naman ay isinulat niya ito sa mga huling oras ng kanyang buhay, nagbibigay sigla ito na isinulat niya para sa buong Pilipinas. Sinabi niya na iniaalay niya ang kanyang buhay ang lahat ng kanyang minamahal para sa kanyang bansa. Kahit malungkot siya sa hindi na nya makikita ang katapusan ng pagmamalupit ng mga Kastila, Sinasabi niya ang kanyang pagkakamatay ay hindi dapat titigil sa mga kababayan niya sa paghiling nga kanilang kalayaan.
Mayroon ngang dahilan kung bakit tinuturo pa ngayon ang mga gawa ni Jose Rizal sa ating kabataan. Itinuro niya sa ating lahat, dati at ngayon, ang tamang paraan upang maging mas mabuting tao at mas mabuting Pilipino. Tama lang na pag-aralan natin ang mga likha niya bilang alay sa lahat ng kanyang paghihirap at sakripisyo na ginawa niya para sa kalayaan at pag-unlad ng ating bayan. Ang pag-aral ng mga sulat ni Rizal ay isang pribelehiyo natin at para sa ating pagbuti bilang isang Pilipino
DR.JOSE RIZAL Malaki ang ambag ni Dr. Jose Rizal sa sa pagkakaroon ng kamulatang panlipunan at pulitikal sa mga Pilipino hindi lamang sa kanyang panahon, kundi maging sa sumunod pa hanggang kasalukuyang at sa hinaharap at isa ito sa mga dahilan kung bakit itinuturing si Dr. Jose Rizal bilang bayani .Isa sa naging pahayag ni Dr. Jose Rizal sa kanyang kaibigan na si Blumentritt kung wala ng ibang paraan at itutulak siya sa espanya matitiyak niyang hindi niya nanaisin na masangkot sa anumang binabalak na paghihimagsik ng mga kastila.Ngunit kung itutulak kami ng pamahalaan doon, ang ibig niyang sabihin ay kung wala nang nalalabing pag-asa para yakapin namin ang pagwasak sa pamamagitan ng digmaan,kapag mamatamisin pa ng mga Pilipino ang mamatay kaysa pagtiisin pa ang kanilang mga kasawian at paghihirap, ako man kung gayon ay magpapanukalang gumamit ng marahas na pamamaraan.Ang espanya ang dapat mamili : kapayapaan o pagkawasak; sapagkat hindi mapapasubaliang katotohanan, gaya nang alam ng lahat na kami`y matiisin at mapagmahal sa kapayaan.Ngunit may wakas ang lahat ng may buhay na ito; walang hanggan sa mundong ito, at kabilang rito ang aming pagtitiis.
ANG PAMBANSANG BAYANI SA PANAHON NGAYON Ayon kay Placides, V., Maraming mga Pilipino na isinasabuhay ang diwa ni Jose Rizal. Tulad ni Jose Rizal, ibinigay nila ang lahat para sa ating bayan. Kahit haharap sila sa maraming mga pagsubok, buong tapang nila itong haharapin. Pati na rin ang mga manunulat na matatapang ang loob ay nagpapakita nito. Tulad ni Lualhati Bautista, ang kanyang mga nobela ay tungkol sa kanyang mga opinion sa iba’t ibang isyu sa lipunan. Ang Bata, Bata… Pa’no ka Ginawa ay tungkol sa seksismo sa lipunan. Habang ang isa pa niyang akda ay ang Dekada ’70 na tumalakay kung paano nakibaka ang isang mag-anak at kung paano nila hinarap ang pagbabago na nagbigay ng kapangyarihan upang bumangon laban sa pamahalaang Marcos ayon sa Wikipedia. Kung ano ang alam ng mga manunulat ang tama at ang kanilang mga paninindigan gamit ang talento sa pagsulat, tulad ni Rizal, isasaad nila ang mga ito sa iba’t ibang uri ng panitikan
THE SUBVERSIVE
Isinulat ni Jose Maria Sison na isang simbolong maituturing ang buhay ni Dr. Jose Rizal, isang simbolong kumakatawan sa kung ano ang kaligiran ng ekonomikal at politikal na kalagayan ng mga gitnang uri noong ikalabing siyam na siglo. Ang pamilyang Rizal sa Calamba ay may kakayanang suportahan sa pinansyal na aspeto ang pag-aaral ni Dr. Jose Rizal sa Europa. Mula sa pag-aral na ito naging lubos ang pagkamulat ng bayani mula sa pagkabulag na sanhi ng nabubulok na sistema ipanatutupad ng mga Espanyol sa bansang kolonya. Mula sa pag-aaral na ito nasundan natin ang pagkakaroon ng anyo ng liberalismo sa intelektwal na kaisipan ni Dr. Jose Rizal. Nabanaag niya ang pang-aaping patuloy na pinatutupad ng mananakop sa bansang kanyang pinagmulan Sa obserbasyon niya sa kalagayan ng masa, ng kanyang mga kababayan, nakita niya ang kanser ng lipunan. Sa tagpong ito, makikita natin kung paano nabuo ang kritikal at liberal na pamamaraan ng pag-iisip ni Dr. Jose Rizal, ang kanyang damdaming makabayan at pagmamahal sa wika. Ang mga kaisipang nabanggit ang syang aking palalawakin sa papel na ito. Ito rin ang magsisilbing kahalagahan para sa akin ng pag-aanalisa sa buhay at mga gawa ng nasabing bayani. Ang pagsusulong ng interes ng bayan bago ang interes na makadayuhan ang mababanaag nang malinaw sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Marahil sanhi ito ng kanyang pagkasaksi sa di makatarungang pagbitay sa paring Gomburza, gayundin ang nakitang di makatarungang pagdakip at pagpapahirap sa inang si Teodora Alonso. Ninais ng ating bayani na maalis ang ganitong uri ng sistemang umiiral sa bansang kolonya ng Espanya. Nararapat lamang na ang interes at kapakanan ng mga Pilipino ang mauna bago ang interes ng mananakop na Espanyol. Dito natin makikita ang simula ng pag-alab ng damdaming makabayan ni Dr. Jose Rizal. Mailalapat nating mainam ang mahalagang kaisipang ito sa pangkasalukuyang pangyayari sa bansa. Halimbawa na lamang ng kasunduang pangmilitar na nilagdaaan kamakailan lamang sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos. Mayroong mga bumabatikos sa ganitong uri ng kasunduan: interes ba ng mga mamamayang Pilipino o ang maka-Amerikanong hangarin lamang ang siyang isinusulong sa kalakarang ito? Kung interes na makadayuhan ang namamayani sa gobyerno, maihahalintulad ang pamahalaang ito sa katauhan ni Donya Victorina sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. Si Donya Victorina ang isang representasyon ng kolonyal na pag-iisip na handang itakwil ang sariling pagkakakilanlan kapalit ng makadayuhang impluwensya. Kung pansariling interes naman ang siyang iniintindi bago ang interes ng masang Pilipino, binabatikos din ito ni Dr. Jose Rizal sa pagpapakilala niya sa katauhan ni Basilio sapagkat inisip niya ni Basilio na ang gampanin ng isang estudyante ay makakuha lamang ng diploma at maging mayaman pagkatapos. Hindi niya isinaalang-alang ang kalagayan ng masang kanyang pinanggalingan.1 Bukod sa pagkakaroon ng damdaming makabayan, ang pagkakaroon ng kritikal na pamamaraan ng pag-iisip na hindi lamang basta tumatanggap ng mga kuro-kuro at paniniwala na hindi sumailalaim sa isang malalim at pilosopikong pag-iisip ang isa pang mahalagang aspeto na mapupulot natin sa pag-aanalisa ng kanyang buhay at gawa. Maaalalang lubos na binatikos ni Dr. Jose Rizal ang pamamalakad ng Simbahang Katolikong pinaghaharian ng mga ganid na paring Espanyol. Hindi ito isang kagulat-gulat na katangian sa isang taong nabuhay kasabay ng panahon ng Enlightenment Movement sa Europa (1650- 1800) na pinangunahan ni Immanuel Kant. Sa panahong ito namayani ang paggamit ng rason at pagpapatibay sa kakayahan ng tao na hindi nakaugat parati sa itinuturo ng relihiyon at tradisyon. Sa panahon ding ito nagmula ang mga pilosopong nagsulong ng liberalismo sa pangunguna ni John Locke (1632-1704)2 at John Stuart Mill (1773-1836)3 mula sa Inglatera. Ang kaisipang namamayaning ito sa Europa ang siya namang matutunan at tatatak sa isipan ng ating pambansang bayani. Totoo nga ang sinasabi ni Pilosopong Tasio, na ang pagbabago ay magmumula sa mga bagong kaisipang mula sa ibang bansa. Hinggil sa relihiyon, hindi maituturing na erehe si Dr. Jose Rizal. Naniniwala akong naniniwala siya na may Diyos. Ngunit sa mga nakita niyang mga kontradiksyong nakapaloob sa sinasabi ng Diyos at ginagawa ng Simbahan noong panahon niya, dahil na rin sa kaisipang
1 Mula sa JOSE MARIA SISON, Rizal the “Subversive”. 2 Sumangguni sa JOHN LOCKE, “Second Essay Concerning Civil Government” sa Great Books of the Western World, ed. ni Robert Maynard Hutchins, vol. 35, William Benton, Chicago, 1952. 3 Tingnan sa JOHN STUART MILL, On Liberty, Penguin Books, Harmondsworth, 1974, Chapter II. liberalismong namamayani sa Europa, binatikos niya ang praylokrasya. Sa Noli, pinakita niya ang ideya niya hinggil sa praylokrasya sa katauhan ni Padre Damaso at Padre Camora. Ang imahe ng hindi makataong pagtrato ng mga prayleng ito ay lalong pinaliwanag ni Dr. Jose Rizal sa katauhan pa nina Sister Rufa at Sister Pute na silang nagpapatibay ng hungkag na kaisipang naniwala sa mga pamahiin gayundin sa induluhensiyang nakaugat sa pagkaganid ng mga paring Espanyol sa salapi. Sa kasalukuyan, ang susi sa pagkamulat sa mga itinuturo ng tradisyon ay ang pagkakaroon kritikal ng isipan. Dito natin matutunan na hindi dapat tanggapin ang mga katuruan at doktrinang may nakapaloob na kontradiksyon, mga ideyang makikita rin kay Kant. Ayon kay Kant, sa pagpapakita ng limitasyon ng rason, sinasabi niyang walang kakayanan ang sinuman na maunawaan ang mga kontradiksyon kaya naman ang mga ito ay nabibilang sa numenal na mundo.4 Kaya naman hangga’t maari, iwasan ang magpaloob ng mga kontradiksyon sa mga diskurso. Ngunit sinasabi naman ni Hegel na ang mga kontradiksyon ang syang nagsusulong ng kasaysayan upang maging progresibo ito. At ang tunay na pilosopo ayon kay Hegel ang siyang makakakita na ang mga kontradiksyon ang mismong dahilan ng pagiging progresibo ng kasaysayan at sa kontradiskyon din makikita ang mismong kagandahan ng buong pilosopiya.5 Ang pilosopiyang ito ni Hegel ay siya ring tutularan ni Karl Marx sa kanyang dialectical materialism, gayundin ni Dr. Jose Rizal. Gaya ng nabanggit ni Pascual sa kanyang Rizal’s Philosophy of History, para kay Dr. Jose Rizal ang pilosopiya ng kasaysayan ng lipunan ay resulta ng resolusyon o sintesis ng sigalot sa pagitan ng tunggalian ng mga institusyon o maging ng social movements. 6 Ngunit kaiba kay Marx, sinasabi ni Pascual na para kay Dr. Jose Rizal ang pagbabagong ito ay nakadepende sa uri ng lipunan mayroon ang isang lugar, hindi lamang dahil sa pagkakaroon ng thesis at anti-thesis kundi dahil na rin sa patuloy na pakikipaglaban ng mga tao para mabuhay.7 Nabanggit rin ni Ramon Guillermo, bagaman hindi siya kumpletong sang
4 Tingnan sa IMMANUEL KANT, Critique of Pure Reason, trans. by Paul Guyer and Allen Wood, Cambridge University Press, Cambridge, 1998. 5 Mula sa HENRY D. AIKEN, The Age of Ideology, Houghton Mifflin Company, Chicago, 1956. 6 RICARDO PASCUAL, “Rizal’s Philosophy of History” sa Himalay: Kalipunan ng mga pagaaral kay Jose Rizal, ed. nina Patricia Melendrez-Cruz at Apolonio Chua, Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, Manila, 1961/1991, 316. Malayang salin sa Filipino. 7 R. PASCUAL, “Rizal’s Philosophy of History”, 316. ayon kay Pascual, na ang pilosopiya ng kasaysayan ni Dr. Jose Rizal na inihahain ni Pascual ay mas mainam kaysa sa paniniwala ng dialectical materialism ni Marx.8 Sa pagkakataong ito nais ko rin banggitin na hindi lamang kritikal sa Dr. Jose Rizal sa relihiyon at sa mga itinuturo ng tradisyon. Higit sa lahat, kritikal siya sa social reality ng lipunang kanyang pinagmulan, taliwas sa pag-iisip ng tauhang si Basilio. Ito marahil para sa akin ang pinakamahalagang aral na mahihinuha natin kay Dr. Jose Rizal. Halimbawa na lamang, sa kanyang artikulong sinulat The Philippines a Century Hence, ipinakita niya ang di makatarungang pagtrato ng mga mananakop na Espanyol sa mga Pilipino at sa pag-aanalisa niya, ang mga pangyayaring ito ay magbibigay ng national consciousness na siyang magbubuklod sa mga Pilipino. Sa The Indolence of the Filipinos naman, sa pagnanais niyang tanggalin ang diskriminasyon sa lahi, kanyang tinuligsa ang sinasabing di umanong natural na katamaran ng mga Pilipino. Sinasabi ni Dr. Jose Rizal na walang katotohanang tamad ang kanyang mga kababayan; ang sosyolohikal na katotohanan sa halip ay ang mga dayuhang mapang-api ang totoong walang ginagawa kundi ang pagkamkam sa bunga ng pawis at dugo ng mga Pilipino. Higit sa lahat sa Noli, sa tauhan ni Kabesang Tales pinakita ni Dr. Jose Rizal na ang problema sa lupa ay isang seryosong suliranin sa mga bansang kolonya. Ang insidenteng nangyari sa Calamba, tulad ng sinasabi ni Sison, ang nagmulat ng sistemanang ito kay Dr. Jose Rizal. Kaya naman higit na ninais ni Dr. Jose Rizal ang pagkakaroon ng tunay na reporma, lalo’t higit sa iskema ng palupa. Sa Noli halimbawa, sa katauhan ni Chrisostomo Ibarra, isang repormista na naghahangad na pagbabago sa paghihirap ng Inang Bayan na sinisimbolo ng paghihirap ni Sisa, ipinakita ni Dr. Jose Rizal ang posibilidad ng reporma sa kolonyang bansa at kung hindi magtagumpay, sa El Filibusterismo, sa katauhan ni Simoun pinasok din niya ang posibilidad ng isang rebolusyon.9 Ang ganitong suliranin ay nasa makabagong iskema pa rin ng lupa ngayon, bagama’t may kaunting pagbabago sapagkat ang mga dating Espanyol ay pinalitan na ng mga panginoong may lupa na karamihan ay sila nang nanggigipit sa kapwa kababayan nila. Ang halimbawa ng sigalot sa Hacienda Luicita ang nagpapatunay na ang suliranin sa lupa ay suliranin na, simula
8 RAMON GUILLERMO, “Moral Forces, Philosophy of History, and War in Jose Rizal”, sa Philippine Studies 60, No. 1, 2012, 5. 9 Tingnan sa J.M. SISON, Rizal the “Subversive”. noon hanggang ngayon. Sa pag-aanalisa natin sa dimensyong ekonomikal at sosyolohikal ng senaryo, makikita natin na marami sa ating mga kababayang magbubukid ang hindi nakakaranas ng makatarungang pagtrato at pagpapasweldo mula sa mga ganid na haciendero. Ang di makatarungang pagtratong ito ay hindi lamang makikita sa problema sa lupa ng mga magbubukid ngunit pati na rin sa mga manggagawa. Sa kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa, tumatanggap sila ng minimum wage. At sinasabi pa na sapat na raw ito upang makakain ng tatlong beses sa isang araw, ayon sa ng mga ekonomistang kadalasa’y di kailanman naranasan ang buhay na salat. Ngunit kung susuriin, batid natin na hindi lamang naman pagkain ang pagkakagastusan ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino. Lahat tayo ay apektado ng ganitong uri ng sistema.
Sa kasalukuyan, masasabing ang wika ang behikulo para makisangkot at makibahagi sa mga gawain ng lipunan – kung kaya’t gayon na lamang ang pagpapahalaga ni Dr. Jose Rizal dito. Ito ay sa kadahilanang may kakayahan itong mapag-isa o mapaghati ang grupo ng tao. Ang ideyang ito ay makikita rin sa isinulat ni Pamela Constantino sa kanyang akdang Wika, Nasyonalismo at Ideolohiya – na ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Bilang instrumento, maari itong gamitin sa dalawang magkaibang pamamaraan, relatibo sa pangangailangan ng tao. Sa artikulong Wika ng Naghaharing Uri ni Consuelo Paz tinalakay naman ang dalawang magkaibang pamamaraang ito: ang wika bilang instrumento para sa pagbabago at kung sa anong paraan din ito maaring gamitin bilang instrumento ng pagkontrol ng mga naghaharing uri. Ang halimbawa ng ikalawang gamit na ito ng wika bilang pagkontrol ang siya namang lubos na tinalakay ni Renato Constantino sa akda niyang Lisyang Edukasyon ng Pilipino – ang paggamit ng mga Amerikano sa wika bilang instrumento sa pagsakop na nagsilbing isang makapal na pader na naghiwalay sa mga Pilipino sa kanilang nakaraan at nang lumaon ay naghiwalay sa ilustrado at sa masa. Ang pagkakakonekonekta ng mga konseptong ito ay hindi lamang isang nagkataong penomenon: sa halip, ito ay nagpapakita lamang na may katotohanan na may kakayahan ang wikang mapag-isa o mapaghati ang mga Pilipino sapagkat ang wika ay ang behikulo para makisangkot at makibahagi sa mga gawain ng lipunan. Ito, higit sa lahat, ay nananawagan na nawa lahat tayo, katulad ni Dr. Jose Rizal ay magpahalaga sa mga pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino, lalo’t higit sa wika. Nakita nating bahagya kung paano nabuo ang isipang kritikal at liberal ni Dr. Jose Rizal, ang kanyang damdaming makabayan at pagmamahal sa wika. At sa kanyang pagkamatay, tulad ng nasulat ni Sison, tila ba parang nagsasabi ito na ang may hangarin at katangian katulad ng kay
10 Mula sa J. M. SISON, Rizal the “Subversive”.

Similar Documents

Free Essay

Sos-440 Final Paper

...SOS-440 Final Paper According to Author Rex A. Hudson, “Terrorists are motivated not only by psychological factors but also very real political, social, religious, and economic factors, among others. These factors vary widely”. Accordingly, the motivations, goals, and ideologies of ethnic separatist, anarchist, social revolutionary, religious fundamentalist, and new religious terrorist groups differ significantly. (Hudson, 1999) Therefore, each terrorist group must be examined within its own cultural, economic, political, and social context in order to better understand the motivations of its individual members and leaders and their particular ideologies. (Federal Research Division, Library of Congress, 1999, para. 54) I will use Hudson’s assertion as my theoretical framework to analyze if my findings are compatible with a plausible assertion that terrorism is based off social and political views of the people who see their current state as unjust. The National Liberation Army (Ejército de Liberación Nacional or ELN) is a revolutionary guerrilla army; who have fought in the Colombian Civil War since it began in 1964. The ELN advocate a composite Communist ideology of Marxism and Liberation Theology. The ELN was founded by Fabio Vásquez Castaño and other Colombian rebels trained in Communist Cuba; upon the Vásquez Castaño death, the ELN was headed by a series of Roman Catholic priests, exponents of Liberation Theology. (Brittain, 2010) Most notable was the Priest Camilo...

Words: 1930 - Pages: 8

Free Essay

Business Paper

...Week 4 Announcement: June 19-29 Hi everyone, Congratulations to all of you for reaching the final week of this course. It all goes by so quickly. Below I describe all of the work you’ll need to complete during this final week. SUNDAY-TUESDAY, JUNE 19-21 • Complete your research. By now, all of you should have finished all research for the upcoming Recommendation Report. If you haven’t done so, be sure to finish it on Sunday in order to leave at least two days to write the report. • Write the first draft of the Recommendation Report. Please do NOT begin writing this report on Tuesday – give yourself at least two days to work on the writing of this lengthy report. I suggest that you keep the assignment in front of you, and do feel free to take a peek, as useful, at the model Recommendation Reports that I posted in Content, Week 4. Seeing the models will give you a good idea about the organization, design, format, visuals, and length that work well for this assignment. Be careful, though, not to copy the style of writing from the samples – instead, use your own natural business writing style for this assignment. Also, keep in mind that the models don’t always adhere to my assignment criteria, so if you ever see that the models are not following the assignment requirements, follow the assignment and ignore the models. • Post a single file containing your first draft of the Recommendation Report in the dropbox by midnight, Tuesday, June 21. No extensions...

Words: 952 - Pages: 4

Free Essay

Skill

...does not satisfy these rules will be taken away from you and may be considered a fraud attempt. Use the separate answer sheet to indicate your answers. The exam consists of 19 problems grouped in four parts, each with different types of problems. For the basic problems, multiple choice problems and calculation problems you will score 3, 4 and 5 points, respectively, per correct answer and no points for incorrect answers. For the open problems (8 points per problem) your score will depend on the answer and the calculation. The exam grade is the result from the formula (10 + number of scored points)/10. So 63 scored points result in grade 7.3, since (10+63)/10= 7.3. Good luck! Part I: Basic problems 3 points per problem Problem 1 Suppose [pic] and[pic], can we say y is a function of x? In addition, can we say x is a function of y? Explain your answer. |Final answer: | |We can say y is a...

Words: 1488 - Pages: 6

Premium Essay

Narrative Essay On Carmilla's Final Philosophy

...Day 2 of finals was not looking so hot for Carmilla. She’s seated in the back of the classroom, filling in the last of the bubbles on her scantron for her philosophy final. Carmilla had one more final today, but that was at 5:30 PM. This gave her more than enough time to sit out on the quad, drink her coffee and soak in the sun as she studied. “45 minutes remaining on your final. Take your time, don’t rush.” The professor spoke out. Carmilla looked over her answers one last time, making sure they were all filled in. Once she was satisfied with the outcome, she walked over to the professor, tossed her booklet and scantron onto the desk and waited as her professor made sure she did everything correctly. Once he nodded his head and wished her...

Words: 1059 - Pages: 5

Premium Essay

The Great Gatsby Narrative

...It All Comes Down to This I was anxious. It was the last day of my Junior year and I had to take the Great Gatsby final in Mrs. Wright’s English class. I had a borderline grade that I could not drop, so this final could either make or break my grade. My class’ substitute, Mr. Martin, had prepared us for this final for a solid three weeks, so I was confident that I could pass the final with flying colors. I heard the lunch bell ring and I knew what awaited me. My friend David and I casually strolled to our English classroom, where to our surprise, Mr. Martin welcomed us into. This was quite unusual, as he usually sat in the class and waited for the students to come in. The classroom was brightly lit with white fluorescent lights and the walls...

Words: 1191 - Pages: 5

Premium Essay

Nt1210 Final

...NT1210 FINAL EXAM EBOOK INSTITUTE DECEMBER 11, 2014 Nt1210 Final Exam eBook Institute NT1210 FINAL EXAM DOWNLOAD: NT1210 FINAL EXAM Getting Nt1210 Final Exam is easy and simple. Mostly you need to spend much time to search on search engine and doesnt get Nt1210 Final Exam documents that you need. We are here to serve you, so you can easily access, read and download its. No need to wasting time to lookup on another place to get Nt1210 Final Exam. We provide you Nt1210 Final Exam in PDF format so you can read and download its to your computer which this file are safe and virus free. You can read this document with Adobe Acrobat or other PDF Reader. We have massive collection of documents, books, eBook and pdf files including that you are looking Nt1210 Final Exam. To access this you just need to signed up and complete its through website to open your limited access for documents that you needs. So what do you waiting for? DOWNLOAD: NT1210 FINAL EXAM Nt1210 Final Exam 2 Nt1210 Final Exam eBook Institute Final Exam Nt1210 http://ebookinstitute.net/..../final-exam-nt1210.pdf Read or Download final exam nt1210 Online. Also you can search on our online library for related final exam nt1210 that you needed. You can download PDF Document such final exam nt1210 for free ... Download Filetype: PDF | Last Update: 2014-12-11 Final Exam Nt1210 Itt Tech http://ebookinstitute.net/..../final-exam-nt1210-itt-tech.pdf Read or Download final exam nt1210 itt tech Online. Also you can...

Words: 1156 - Pages: 5

Premium Essay

Explain What Aristotle Meant by the Final Cause

...Explain what Aristotle meant by final cause? Aristotle was Plato’s student and lived between 384-322 BC. The final cause was the most important aspect of Aristotle’s theory. It was the theory that all objects have an ultimate reason for their existence. Aristotle proves this through his four causes; the material, formal, efficient and final cause. The final cause is the most important as the material, efficient and formal causes would be pointless under logical without a final cause. When we do something, it is for a reason. Aristotle believed in the notions of cause and effect. His interest was to explain ‘why’ things exist as they do. However, he rejected the idea that things which exist in some way that imitate an ideal Form (he rejected Plato’s ideas). He identified four types of cause that make something what it is. This interest led Aristotle to suggest that there are four different types of cause or explanation of why any object exists. The Four causes provide answers for Aristotle. The Material cause, ‘what it is made from?’, this refers to the matter or substance something is made from. The second cause is the Formal cause, ‘what is its Form or essence?’, e.g. a chair is what it is because it is in a Form of a chair. For Aristotle the Form is in the chair and each chair has its own Form. The third cause is, ‘what produced it?’, the Efficient cause, this refers to the cause of an object or thing existing. In other words, the answer to why the things exist. The first...

Words: 804 - Pages: 4

Free Essay

How to Study for a Final Exam

...How to Study for a Final Exam Teneisha Bonner AIU Online Abstract In order to pass final exams, students have to make sure they take the time out to study. Studying for a final exam will help students to do well and pass. It is important for students to give themselves enough time to get ready for a final exam. There are a lot of steps that students have to take in order to remember and not to forget what is being asked on the final exam. How to Study for a Final Exam Final exams determine if students will pass or fail their classes. Preparing to study for a final exam can sometimes be very stressful for students. The advantages of preparing for a final exam surpass the stress of studying at the last minute. Students need to take their time to study; so that they will be able to do well on their exam. It is important that students know the proper steps to prepare for a final exam in order to succeed. Studying Early The first step that students should do to prepare for a final exam is study early. Students should always start studying early before they take the final exam. Studying early will help students to remember the material and know what they are asked. They should gather up all of their notes and tests they have taken; and at least study them twice a day until it is time to take the exam. Studying for the exam early will give students the opportunity to take their time to do well on the final exam. Practice Tests In the second step, students...

Words: 608 - Pages: 3

Premium Essay

Final Accounts

...Evaluate the value of a set of Final Accounts to a business. Who would be interesting in a Final Account. A final account is produced at the end of each financial year however it can be done more than once a year depending on the business and usually consists of trading account, profit and loss account and a balance sheet. There are different people who are interesting in the final accounts and want to know the business is doing financially. They each have different objectives for the business and they will use the final accounts to work out if they are getting what they want from the business. Interesting users of Final accounts are the: * Owner interesting in profit. * Shareholders interesting in profit and share price. * Managers interesting in the prestige and expansion. * Employees interesting in higher wages and keeping their job. * Customers interesting in low price, quality and credits. * Banks interesting in getting their money back. * Government interesting in tax (Inland Revenue). * Suppliers interesting in getting paid on time. * Competitors interesting in wining over customers. Which person would find the information of value the most. The owners of the business would find the final accounts most valuable because this would enable them to know how well the business has performed by looking at the profit and loss account and balance sheet. Which would give them information on the profitability,...

Words: 443 - Pages: 2

Premium Essay

Business Data Communication Semester Project

...________________________________________ The Big Picture - A Business Recommendation There are no final tests in the course. Instead, the final project is a business recommendation. You are going to write your own paper, but you will be part of a group that will give you feedback about your paper before you turn it in for a final grade. In the workplace, good communication is almost always near the top of list of desired traits. It is also on the list of big problems! So, our final project is aimed squarely at communication. Specifically, you will be providing background information on a technical topic, presenting alternatives to solve a business problem related to this topic, and then recommending one of these alternatives to a business audience. In short, you are writing a business recommendation! Our overall goal is to be able to make technical recommendations to business audiences. An extra goal is to learn more about a topic related to telecommunications and present this information to fellow students so that they can learn more about it, too. The bi-weekly assignments guide you as you build your business recommendation one milestone at a time. This gives you a chance to get feedback from your fellow students as you work toward the final milestone. At the end, the information should be solid, all of the small mistakes should be fixed, and the final paper should be ready to grade. Your final recommendation paper must be 8-10 pages. This does not include the title page, the bibliography...

Words: 1543 - Pages: 7

Free Essay

A Time You Felt Ready

...test, and how it felt to be prepared on the day of the test. Accomplished Has there ever been a time in your life that you felt so accomplishment, which at the time any bad news that were to come your way it couldn’t bring you down? Or a time when you went into something, such as a test, not knowing how you’re going to do and then come out of it feeling better than ever before? This happened to me when I took my math final on January 31, 2013. The thing that amazed me the most is who would have known studying actually helped. The three things that truly got me a good grade on the final was making a study schedule, start as soon as possible, how I prepared myself the day of the final and how I felt. The way I prepared for this final test was truly the key to my success. It all started a week before the final. I planned out how I was going to study for this test. The first step for me was to make a study schedule, time management is the key to studying. This truly got me out of making sure that nothing collapsed on top of each other, with my varsity soccer schedule and personal life, I was able to avoid a Sunday night, and 1 am cram session. Since this test was going to decide whether I pass or fail the course, I planned to study over the course of a week, not just one night. There were 11 units that I was responsible of knowing for the final. These 11 units were solving equations, graphing equations, writing equations, systems of equations, inequalities, relations and functions...

Words: 944 - Pages: 4

Free Essay

El Presidente

...Republic of the Philippines Batangas State University Batangas City College of Engineering, Architecture, Fine Arts and Computing Sciences Department of Civil, Environmental & Sanitary Engineering ENGR. LEONILA V. ANTONIO Office: Special Projects Office, Ground Flr. CITE Building BatStateU Main Campus l, Rizal Ave. Ext., Batangas City leonilaantonio59@gmail.com leonvil@yahoo.com REQUIREMENT FOR CE 556 (CE Project l/EnSE Project l) 1. Groupings will be 2 – 3 students. Make sure that these groupings are distributed equally in terms of your class section and schedule, physical, psychological, emotional and financial status. Submit your grouping on 5 December 2013, 11:00am. 2. All groups must submit a thesis proposal with background of the study and objectives (limit: two pages) on or before 12 December 2013, 3:00pm. 3. The thesis topic and the background of the study must be: a. Computerized b. Long bond paper with 0.75” margin on all sides c. Format: Thesis proposal: Researchers: Background of the study Make sure that reference are properly cited Check your grammar and spelling 1.5 line spacing Approval: Please check | CE FACULTY SIGNATURE | Date | Approved | Disapproved | | | | | | | 4. Approval of CE faculty members will be handled by each group but it should have the undersigned’ signature to note that you are on the process of approval of your topic. 5. Proposed topic with at least...

Words: 1564 - Pages: 7

Free Essay

Mgt 498 Week 3 Individual Assignment Environmental Scan Pape

...necessary for organizations to keep an outlook on what external sources are doing. It is imperative when acquiring information that defines what other organizations are doing to be conducted in an ethical matter. Committing unethical deception will cause organizational anarchy. The reason long surviving companies like Smart and Final last; is by removing possible dangers so change for the better will be obvious. Ultimately, legacies are built, and the organization’s reputation utilizes power and self-reliance. A thorough global analysis assessment must be completed during an environmental scanning of any organization. This assessment includes businesses, clients, markets, and industries in the same industry. The objective of this paper is to examine the organization and conduct an environmental scan, which will define their competitive advantages and operating strategies. Environmental scanning is the monitoring, evaluating, and disseminating of information from the external and internal environments to key people within the corporation (Wheelen & Hunger, 2010, pg. 16). Let’s begin by a comparing Smart and Final’s values versus Costco values. Smart and Final has developed the First...

Words: 1368 - Pages: 6

Premium Essay

Final Paper

...Final Project: The Role and Life of a Mental Health Counselor Books, television, and movies are full of stories revealing the day-to-day realities of various professions. These stories provide a behind-the-scenes look at the often unknown stress, joy, and effort involved in being a doctor, law enforcement agent, or even a chef. What do you think the day-to-day life of a mental health counselor is like? What constitutes a typical day for a mental health counselor, or is there no such thing? For the Final Project in this course, you uncover the hidden realities of the daily life of a mental health counselor. The Final Project requires you to interview (in person) a licensed mental health counselor who works with a population in a setting that interests you. For example, if you are interested in working as an in-home counselor with children diagnosed with mood disorders, interview someone who does this work. You then apply the information from this course, as well as in an interview you conduct, to your understanding of what it means to be a mental health counselor. *Please note that it is NOT acceptable to interview a psychiatrist, psychologist, social worker, addictions specialist, school counselor, or other mental health provider for this assignment. Although the Final Project includes interview material, this is not the only component of this assignment. Please make sure to review the full project description below. The Final Project is a 7- to 10-page paper that...

Words: 1350 - Pages: 6

Premium Essay

Pplll

...A final account is produced at the end of each financial year however it can be done more than once a year depending on the business and usually consists of trading account, profit and loss account and a balance sheet.There are different people who   are interesting in the final accounts and want to know the business is doing financially.   They each have different objectives for the business and they will use the final accounts to work out if they are getting what they want from the business.   Interesting users of Final accounts are the:  * Owner interesting in profit.  * Shareholders interesting in profit and share price.  * Managers interesting in the prestige and expansion.  * Employees interesting in higher wages and keeping their job.  * Customers interesting in low price, quality and credits.  * Banks interesting in getting their money back.  * Government interesting in tax (Inland Revenue).  * Suppliers interesting in getting paid on time.  * Competitors interesting in wining over customers.Which person would find the information of value the most. The owners of the business would find the final accounts most valuable because this would enable them to know how well the business has performed by looking at the profit and loss account and balance sheet.   Which would give them information on the profitability, liquidity and activity of the business so that they can see what they own now and can spend and how indebted the business is.   The final accounts would also show...

Words: 297 - Pages: 2