Free Essay

Case Analysis Outline

In:

Submitted By katemacugay25
Words 3649
Pages 15
Gumising!—2005 http://wol.jw.org/en/wol/d/r27/lp-tg/102005482 Limang Paraan Upang Makahanap ng Trabaho
SINO ang nakakakuha ng pinakamagandang trabaho? Lagi bang ang pinakakuwalipikadong aplikante? “Hindi,” ang sabi ni Brian, isang konsultant sa paghahanap ng trabaho. “Ang trabaho ay karaniwan nang ibinibigay sa pinakamahusay maghanap ng trabaho.” Ano ang magagawa mo upang maging mas mahusay kang maghanap ng trabaho? Isaalang-alang natin ang limang mungkahi.
Maging Organisado
Kung nawalan ka ng magandang trabaho o matagal-tagal ka na ring walang trabaho, madali kang masiraan ng loob. “Nang una akong mawalan ng trabaho, tiwala akong makahahanap ako ng iba,” ang sabi ni Katharina, isang modista sa Alemanya. “Pero habang unti-unting lumilipas ang mga buwan at hindi pa rin ako nakahahanap ng trabaho, nanlumo ako. Nang maglaon, nahihirapan na akong ipakipag-usap ang bagay na ito sa aking mga kaibigan.”
Paano mo malalabanan ang pagkadama ng kawalang-pag-asa? “Mahalagang gumawa ka ng sarili mong iskedyul na para bang isa itong regular na ‘araw ng trabaho’ upang mapasimulan mo ang araw na nalalaman kung ano ang kailangan mong gawin,” ang mungkahi ng aklat na Get a Job in 30 Days or Less. Iminumungkahi ng mga awtor na “magtakda [ka] ng pang-araw-araw na mga tunguhin at itala ang iyong nagawa.” Bukod diyan, sinasabi nila na “sa bawat araw ay dapat kang magbihis na parang papasok ka sa trabaho.” Bakit? “Dahil kung nakabihis ka nang wasto, magkakaroon ka ng higit na kumpiyansa kahit na kapag nakikipag-usap ka sa telepono.”
Oo, dapat mong gawing trabaho ang paghahanap ng trabaho, gaano man katagal ito. Sinunod ni Katharina, na nabanggit kanina, ang sistematikong pamamaraang ito. Ang sabi niya: “Kinuha ko ang mga adres at numero ng telepono ng potensiyal na mga nagpapatrabaho mula sa ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga naghahanap ng trabaho. Tumugon ako sa mga anunsiyo sa pahayagan. Sinuri kong mabuti ang talaan ng mga numero ng telepono at inilista ko ang mga kompanya na maaaring may mga trabahong hindi pa nailalathala sa anunsiyo, at saka ako nakipag-ugnayan sa kanila. Gumawa rin ako ng maraming résumé at ipinadala ko ang mga ito sa mga kompanyang iyon.” Pagkatapos ng gayong sistematikong paghahanap, nakakita si Katharina ng isang angkop na trabaho.
Kumuha ng Impormasyon Hinggil sa mga Trabahong HindiIniaanunsiyo
Ang mangingisdang may pinakamalaking lambat ang malamang na makahuli ng isda. Lalakí rin ang tsansa mong makahanap ng trabaho kung alam mo kung paano palakihin ang iyong “lambat.” Kung naghahanap ka ng trabaho sa pamamagitan lamang ng pagtugon sa mga anunsiyo sa pahayagan o sa Internet, maaaring hindi mo makita ang karamihan sa mapapasukang trabaho. Marami-raming trabaho ang hindi kailanman iniaanunsiyo. Paano ka makakakuha ng impormasyon hinggil sa mga trabahong ito na hindi iniaanunsiyo?
Bukod sa pagtugon sa mga anunsiyo, tulad ni Katharina, dapat kang maglaan ng panahon bawat linggo para tawagan sa telepono o puntahan ang mga kompanyang iniisip mong may trabaho na kaya mong gawin. Huwag mo nang hintaying mag-anunsiyo sila ng mga oportunidad para sa trabaho. Kapag sinabi ng manedyer na wala silang bakanteng trabaho, magtanong sa kaniya kung may nalalaman siyang ibang kompanya na maaari mong puntahan at kung sino mismo ang dapat mong kausapin. Kung may irekomenda siya, humingi ng appointment sa kompanyang iyon, na binabanggit ang pangalan ng taong nagbigay sa iyo ng impormasyon.
Si Tony, na nabanggit sa naunang artikulo, ay nakahanap ng trabaho sa ganitong paraan. “Nakipag-ugnayan ako sa mga kompanya kahit na hindi sila nag-anunsiyo ng mga oportunidad para sa trabaho,” ang paliwanag niya. “Sinabi ng isang kompanya na walang bakanteng trabaho sa kasalukuyan subalit sinabi nilang subukin ko raw bumalik pagkaraan ng tatlong buwan. Bumalik ako, at nakakuha ako ng trabaho.”
Gayundin ang ginawa ni Primrose, isang nagsosolong ina sa Timog Aprika. “Habang nag-aaral ako ng isang kurso sa first-aid,” ang sabi niya, “napansin ko ang isang bagong gusaling itinatayo sa kabila ng daan at nalaman kong ito pala ay magiging isang nursinghome para sa mga may-edad na. Paulit-ulit akong nakipag-appointment sa superintendente ng nursing home. Nang maglaon, sinabi niya sa akin na walang makukuhang trabaho sa kasalukuyan. Gayunman, paulit-ulit akong bumalik upang alamin kung maaari akong magtrabaho roon, kahit bilang boluntaryo. Nang maglaon, nakapagtrabaho ako roon bilang temporaryong manggagawa. Puspusan akong nagtrabaho anumang atas ang ibigay sa akin. Dahil dito, nadagdagan ang aking mga kuwalipikasyon at nakakuha ako ng permanenteng trabaho sa nursing home.”
Maaari ka ring magpatulong sa iyong mga kaibigan, kapamilya, at iba pang kakilala para makakuha ng impormasyon sa mga trabahong hindi iniaanunsiyo. Ganito nakahanap ng trabaho si Jacobus, isang safety officer sa Timog Aprika. Sinabi niya: “Nang magsara ang kompanyang pinagtatrabahuhan ko, ipinaalam ko sa aking mga kaibigan at kapamilya na naghahanap ako ng trabaho. Isang araw, narinig ng kaibigan ko ang isang usapan habang nakapila siya sa supermarket. Isang babae ang nagtatanong sa kausap na babae kung may kilala siyang naghahanap ng trabaho. Sumabad ang kaibigan ko at sinabi sa babae ang tungkol sa akin. Nagsaayos ng isang appointment, at nakuha ko ang trabaho.”
Maging Madaling Makibagay
Upang lumaki ang tsansa mong makahanap ng trabaho, dapat na madali kang makibagay. Ganito ang sabi ni Jaime, na nabanggit sa naunang artikulo: “Malabo kang makahanap ng trabahong inaasahan mo. Kailangan mong matutong maging kontento sa trabaho kahit na hindi ito gaya ng inaasahan mo.”
Ang pagiging madaling makibagay ay maaaring mangahulugan ng pagdaig sa pagtanggi sa ilang uri ng trabaho. Isaalang-alang si Ericka, na nakatira sa Mexico. Bagaman sinanay siya bilang isang executive secretary, sa pasimula ay hindi siya nakahanap ng uri ng trabaho na gusto niya. “Natutuhan kong tanggapin ang anumang angkop na trabaho,” aniya. “Pansamantala ay nagtrabaho ako bilang sales assistant. Nagtinda rin ako ng mga taco sa lansangan at naglinis ng mga bahay. Nang maglaon, nakahanap ako ng trabaho na doon ako dalubhasa.”
Nang si Mary, na nabanggit sa naunang artikulo, ay mawalan ng trabaho bilang klerk, nakita rin niya ang pangangailangang maging madaling makibagay. Ganito ang paliwanag niya: “Hindi ako nagpumilit sa paghahanap ng gayunding uri ng trabaho na gaya ng ginagawa ko noon. Sinuri ko ang bawat mabalitaan kong oportunidad sa trabaho, kahit na maaaring ituring ng ilan na mababang uri ito ng trabaho. Dahil dito, nakahanap ako ng trabaho na makatutustos sa aking dalawang anak.”
Gumawa ng Mabisang Résumé
Para sa mga nag-aaplay sa mga posisyong pang-manedyer, mahalaga ang paggawa at pamamahagi ng propesyonal na résumé.* Ngunit anumang trabaho ang hinahanap mo, napakahalaga ng isang résumé na pinaghandaang mabuti. “Sinasabi ng résumé sa potensiyal na mga nagpapatrabaho hindi lamang kung sino ka kundi gayundin naman kung ano ang iyong natapos at kung bakit kailangan ka nila,” ang sabi ni Nigel, isang konsultant sa paghahanap ng trabaho sa Australia.
Paano ka ba gagawa ng isang résumé? Ilagay ang iyong buong pangalan, adres, numero ng telepono, at adres sa e-mail. Sabihin ang iyong layunin. Itala ang natapos mong edukasyon, na itinatampok ang anumang pagsasanay at mga kasanayang nauugnay sa trabahong hinahanap mo. Ilagay ang mga detalye ng iyong dating karanasan sa trabaho. Isama hindi lamang ang nagawa mo kundi ang mga halimbawa ng mga tunguhing naabot mo at ang mga kapakinabangang naidulot nito sa iyong dating mga pinagtrabahuhan. Itampok din ang mga aspekto ng iyong dating pinagtrabahuhan na tumulong sa iyo upang maging kuwalipikado sa kasalukuyang trabaho na hinahanap mo. Ilakip ang personal na impormasyon na naglalarawan sa iyong mga katangian, interes, at mga kinahihiligang gawin. Dahil iba-iba ang pangangailangan ng mga kompanya, baka kailangan mong baguhin ang iyong résumé sa bawat trabahong gusto mong pasukan.
Dapat ka bang gumawa ng résumé kung nag-aaplay ka para sa iyong unang trabaho? Oo! Maaaring maraming bagay ka nang nagawa na maituturing na karanasan sa trabaho. Halimbawa, may mga kinahihiligan ka bang gawin, gaya ng gawaing-kahoy (woodworking) o marahil pagkukumpuni ng mga lumang kotse? Maaari mo itong ilista. Sumama ka na ba sa anumang gawaing pagboboluntaryo? Itala ang gawaing pagboboluntaryo na nagawa mo at ang mga tunguhing naabot mo na.—Tingnan ang kahon na “Sampol na Résumé Para sa mga Hindi Pa Nakapagtrabaho.”
Kung hindi ka makakuha ng appointment para sa interbyu sa isang potensiyal na nagpapatrabaho, mag-iwan ng isang maliit na tarheta—lalong mabuti kung ito ay sampung sentimetro por labinlimang sentimetro—na naglalaman ng iyong pangalan, adres, numero ng telepono, at adres sa e-mail, gayundin ng maikling sumaryo ng iyong mga kasanayan at mga natapos. Kung angkop, maaari mo pa ngang ilagay ang larawan mo o ang larawan mo na kasama ang iyong pamilya sa likod ng tarheta. Ipamahagi ang tarhetang ito sa lahat ng maaaring makatulong sa iyo na makahanap ng trabaho, at hilingan sila na ipasa ito sa sinumang kakilala nilang nag-aalok ng uri ng trabaho na hinahanap mo. Kapag nakita ng potensiyal na nagpapatrabaho ang tarhetang ito, maaaring bigyan ka niya ng pagkakataon para sa isang interbyu—na marahil ay makaaakay pa nga sa pagkakaroon ng trabaho!
Ang paghahanda ng résumé ay tutulong sa iyo na madamang kontrolado mo ang situwasyon habang naghahanap ka ng trabaho. Ganito ang sabi ni Nigel na nabanggit kanina: “Ang paggawa ng résumé ay tutulong sa iyo na maorganisa ang iyong kaisipan at mga tunguhin. Pinalalakas din nito ang iyong kumpiyansa sa pamamagitan ng pagtulong sa iyo na maghanda sa mga maaaring itanong sa iyo sa interbyu para sa trabaho.”—Tingnan ang kahon sa pahina 7.
Maghandang Mabuti Para sa mga Interbyu
Ano ba ang nasasangkot sa paghahanda para sa isang interbyu? Baka gusto mong magsaliksik tungkol sa kompanyang gustong mong pasukan. Miyentras mas marami kang nalalaman hinggil sa kompanya, mas mabuting impresyon ang magagawa mo sa panahon ng interbyu. Makatutulong din sa iyo ang pagsasaliksik upang matiyak mo kung nasa kompanya ngang iyon ang uri ng trabahong gusto mo o na ang kompanya ngang iyon ang gusto mong pasukan.
Pagkatapos, pag-isipan ang isusuot mo sa interbyu. Kung ang trabahong hinahanap mo ay manu-manong trabaho, magsuot ng angkop at malinis na damit. Sinasabi ng masinop na pananamit at pag-aayos sa potensiyal na nagpapatrabaho na ikaw ay may pagpapahalaga sa iyong sarili at sa gayo’y mas malamang na pahahalagahan mo rin ang iyong trabaho. Kung gusto mong magtrabaho sa opisina, pumili ng mahinhing pananamit na itinuturing na angkop na kasuutang pang-opisina sa inyong lugar. Ang sabi ni Nigel: “Piliin ang iyong isusuot bago pa ang iyong interbyu upang hindi ka nagmamadali at maging labis na maigting bago ang interbyu.”
Iminumungkahi rin ni Nigel na dumating ka sa iyong interbyu nang mas maaga ng mga 15 minuto. Sabihin pa, hindi matalinong dumating nang napakaaga. Subalit magiging kapaha-pahamak naman ang pagdating nang huli. Sinasabi ng mga eksperto na napakahalaga ng unang tatlong segundo sa iyong interbyu. Sa maikling panahong iyon, sinusukat ng tagapag-interbyu ang iyong hitsura at ang iyong paggawi na lubhang nakaiimpluwensiya sa kaniyang opinyon tungkol sa iyo. Kung huli ka, magiging di-kaayaaya ang impresyon sa iyo. Tandaan, wala nang pangalawang pagkakataon para ituwid ang unang impresyon sa iyo.
Tandaan din na hindi mo kaaway ang tagapag-interbyu. Tutal, malamang na nag-aplay rin siya sa kaniyang trabaho, kaya alam niya kung ano ang nadarama mo. Sa katunayan, baka kinakabahan siya, yamang maaaring kaunti o wala siyang pagsasanay na tinanggap sa pagsasagawa ng interbyu. Bukod diyan, kung ang nagpapatrabaho ang tagapag-interbyu, malaki ang malulugi sa kaniya kung maling tao ang mapipili niya para sa trabaho.
Upang maging mabuti ang pasimula, ngumiti ka at makipagkamay sa tagapag-interbyukung iyan ang karaniwang pagbati. Sa panahon ng interbyu, magtuon ng pansin sa kinakailangan sa iyo ng nagpapatrabaho at kung anong mga kasanayan ang maiaalok mo. May kinalaman naman sa mga bagay na dapat mong iwasan, ganito ang sabi ni Nigel: “Iwasan ang pagiging di-mapakali o hukot—ang mabikas na tindig ay nagpapahiwatig ng pagtitiwala. Huwag maging labis na di-pormal o sobrang madaldal, at huwag na huwag gumamit ng mga salitang walang galang. Iwasan din ang negatibong mga komento tungkol sa iyong dating mga amo at katrabaho—kung negatibo ka hinggil sa kanila, malamang na isipin ng tagapag-interbyu na magiging negatibo ka rin sa trabahong ito.”
May kinalaman sa mga bagay na dapat gawin o sabihin sa panahon ng interbyu, iminumungkahi ng mga eksperto ang sumusunod: Tumingin sa tagapag-interbyu, kumumpas nang natural kapag nagsasalita ka, at magsalita nang malinaw. Sagutin nang maikli at tapat ang mga tanong, at magbangon ng mahahalagang tanong tungkol sa kompanya at sa potensiyal na trabaho. Sa pagtatapos ng interbyu, kung gusto mo pa rin ang trabahong iyon, hingin mo ito. Ang paggawa nito ay magpapakita na gusto mo talaga ang trabaho.
Kung susundin ang mga mungkahing ibinalangkas sa itaas, di-magtatagal at magkakaroon ka na ng trabaho. Kung ganiyan ang kalagayan, ano ang magagawa mo upang makapanatili rito?
[Talababa]
Sa ilang lugar, ang katulad na dokumento ay tinatawag na CV, o curriculum vitae.
[Kahon/Larawan sa pahina 6]
Sampol na Résumé Para sa Hindi Pa Nakapagtrabaho
Pangalan Mo:
Adres Mo:
Numero ng Telepono Mo at Adres sa E-Mail:
Layunin: Maghanap ng trabaho sa pagawaan sa pinakamababang posisyon.
Edukasyon: Nagtapos sa Sariling Bayan High School, 2004.
Mga Kurso: Mga kasanayan sa wika, matematika, computer, kurso sa gawaing-kahoy.
Mga Kasanayan at Kakayahan: Bihasa ako sa mga gawang-kamay. Regular kong minamantini at kinukumpuni ang kotse ng aming pamilya. Gumagawa ako ng mga silya at mesang yari sa kahoy sa aking gawaan sa bahay. Nasisiyahan akong gamitin ang mga kasanayan ko sa matematika sa paggawa ng muwebles. Naglagay ako ng bubong bilang boluntaryo sa isang proyekto ng pagtatayo. Nagagamit ko ang karamihan sa mga uri ng computer at natutuwa akong matuto ng bagong mga programa sa computer.
Personal na Impormasyon: Maaasahan—dalawang beses lamang akong lumiban sa paaralan noong ikaapat na taon ko sa haiskul. Matapat—isinauli ko ang napulot kong pitaka na may lamang pera. Palakaibigan—regular na nakikibahagi sa boluntaryong gawain sa komunidad at nasisiyahang tumulong sa mga may-edad na. Atletiks—mahilig akong magbasketbol. Mga libangan—hilig ko ang gawaing-kahoy at pagkukumpuni ng mga kotse.
Mga Mapagtatanungan: Makukuha kung hihilingin.*
[Talababa]
Maaaring isama sa mga mapagtatanungan ang isang guro na nakakakilala nang husto sa iyo o isang kaibigan ng pamilya na may negosyo. Kung hihilingin ng nagpapatrabaho ang mga pangalang ito, mahihiwatigan mo na interesado ang potensiyal na nagpapatrabaho na kunin ka para sa trabaho. Tiyaking humingi ng pahintulot sa mga itinala mo bilang mga mapagtatanungan.
[Kahon/Larawan sa pahina 7]
Mga Maaaring Itanong sa Iyo sa Interbyu
❑ Bakit ka nag-aplay sa trabahong ito?
❑ Bakit gusto mong magtrabaho sa mismong kompanyang ito?
❑ Ano ang nalalaman mo hinggil sa trabaho/kompanya/industriyang ito?
❑ Nasubukan mo na ba ang ganitong uri ng trabaho noon?
❑ Anu-anong uri ng makina ang kaya mong patakbuhin?
❑ Ano ang karanasan mo sa ganitong uri ng trabaho?
❑ Ano ang mga kasanayan mo na maaaring maging kapaki-pakinabang sa trabahong ito?
❑ Magkuwento ka tungkol sa iyong sarili.
❑ Anong limang salita ang masasabi mong pinakamainam na naglalarawan sa iyo?
❑ Nakapagtatrabaho ka ba sa ilalim ng maigting na mga kalagayan?
❑ Bakit ka umalis sa dati mong trabaho?
❑ Bakit matagal kang walang trabaho?
❑ Ano ang opinyon sa iyo ng huli mong amo?
❑ Gaano kadalas kang lumiban sa huli mong trabaho?
❑ Ano ang mga plano mo sa hinaharap?
❑ Kailan ka maaaring magsimulang magtrabaho?
❑ Ano ang pinakamainam mong katangian/kasanayan/talento?
[Kahon/Larawan sa pahina 9]
Kumusta Naman ang mga Ahensiya ng Pagtatrabaho sa Internet? Labimpitong milyong résumé ang nakalista sa isa sa pinakamalalaking ahensiya ng pagtatrabaho sa mga Web site sa Estados Unidos para suriin ng potensiyal na mga nagpapatrabaho at mga 800,000 trabaho naman ang nakalista para isaalang-alang ng mga walang trabaho. Ipinakikita ng mga surbey na hanggang 96 na porsiyento ng mga tao sa ilang bansa ang naghahanap ng trabaho sa Internet. Gayunman, ipinakikita ng natipong pananaliksik mula sa mga propesyonal sa 40 bansa na 5 porsiyento lamang sa kanila ang nakahahanap ng trabaho sa Internet. Sa paglalagay ng iyong résumé sa Internet, mas maraming potensiyal na mga nagpapatrabaho ang makaaalam na naghahanap ka ng trabaho, subalit kailangang mag-ingat. Lumalaki rin ang posibilidad na mabiktima ka ng pandaraya. Upang hindi ka madaya, ibinigay ng mga eksperto sa industriya ang sumusunod na payo:
1. Basahin ang privacy policy ng ahensiya ng pagtatrabaho sa Internet bago moilagay ang iyong résumé sa kanila. Ipinagbibili ng ilang job site sa Internet ang iyong personal na mga impormasyon sa mga kompanya na nagbebenta ng produkto sa maraming tao o sa iba pang interesadong mga kompanya o indibiduwal.
2. Ilagay ang iyong résumé sa ilan lamang kinikilalang job site sa Internet.Mahalagang protektahan ang iyong personal na impormasyon upang hindi ito magamit sa maling paraan. Ang iyong résumé ay hindi dapat maglaman ng impormasyong kakailanganin ng magnanakaw upang makuha ang iyong pagkakakilanlan at magdulot sa iyo ng walang-katapusang pinansiyal na problema. Hindi kailangang malaman ng lehitimong mga nagpapatrabaho ang numero ng iyong libreta sa bangko, numero ng credit card, o eksaktong petsa ng kapanganakan.
3. Mag-ingat sa malalabong alok na trabaho. Sinabi ni Pam Dixon, isang mananaliksik sa World Privacy Forum, na miyentras di-espesipiko ang inaalok na trabaho, karaniwan nang hindi ito totoo. “Ang malabong pananalita na gaya ng ‘Mayroon kaming libu-libong trabaho’ o ‘Nagtatrabaho kami sa malalaking kompanya’ ay isang babalang tanda,” ang sabi niya at idinagdag pa: “Ang mga paghiling ng kompanya na magpadala ng bagong kopya ng iyong résumé ay maaari ring magpahiwatig na ang kompanya ay mapandaya.” Tandaan, hindi nakokontrol kahit ng lubhang kinikilalang mga job site sa Internet ang nangyayari sa iyong résumé pagkatapos na mai-download ito ng isang potensiyal na nagpapatrabaho o ng iba pang interesadong kompanya o indibiduwal. TRABAHO Maghandang mabuti para sa mga interbyu Gumawa ng mabisang “résumé” Maging madaling makibagay Alamin ang hindi iniaanunsiyong trabaho
Maging organisado

Ang paghahanap ng trabaho ay nangangailangan ng pagtitiyaga at mabuting pagsasaliksik
Tutulong sa iyo sa panahon ng mga interbyu ang pagiging sistematiko

Mga tips para madaling makahanap ng trabaho
By dzmm.com.ph | 12:22 PM 11/26/2011 http://dzmm.abs-cbnnews.com/publicservice/CONSUMER/Mga_tips_para_madaling_makahanap_ng_trabaho.html Maraming hirap magkatrabaho at ang masaklap pa, marami ang nabibiktima ng illegal recruiter.
Pero ayon mismo sa Department of Labor and Employment (DOLE), may 107, 000 ang trabahong pwedeng aplayan sa buong bansa at lahat ay makikita sa official government job portal na phil-job.net.

Sinabi ni DOLE Director Criselda Sy, pinaka-in demand pa rin ang mga call center agent, customer service assistant, laborer, ahente, heavy equipment operator, production worker, factory worker, machine operator, electrician at sales clerk.

Sa mga gusto namang mag-abroad at takot maloko ng illegal recruiter, pwede namang dumiretso sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Ayon kay POEA Administrator Carlos Cao, patok ngayon ang mga trabaho sa pabrika at planta gaya ng mga welder, driver at machine operator. Wanted rin sa ibang bansa ang mga service worker tulad ng mga waiter o bellboy sa hotel. Hindi rin nawawala ang mga caregiver, IT professional at engineer.

Payo ng POEA, huwag makipag-transaksyon sa mga nag-aalok ng trabaho sa kalye, restaurant o labas ng opisina. Paalala rin ng ahensya, hindi kailangang magbayad agad at lalong walang alok na trabaho sa abroad ang mga travel agency lamang. Report from ABS-CBN News

Paano makahanap ng trabaho sa isang krisis?
Published: Thu, 12/01/2011 - 12:10
By: admin http://farlega.ph/tl/blogs/988 Ang pandaigdigang krisis pinansiyal ay worsened sitwasyon sa labor market sa karamihan ng mga bansa. Amerikano at Europeans ay mukha na may pinakamataas na kawalan ng trabaho sa mga dekada. Mass layoffs ng mga bihasang manggagawa at top managers ng mga pinansiyal na institusyon ay naging isang pangunahing tampok ng kasalukuyang sitwasyon. Paano mga tao na nawala ang kanilang mga pinagkukunan ng kita? Paano upang makahanap ng trabaho kahit na sa panahon ng krisis?

• Gamitin ang trabaho payo sa paghahanap ng mga kaibigan at kakilala. Ayon sa istatistika, mahigit sa kalahati ng mga eksperto makahanap ng isang bagong trabaho sa tulong ng impormasyong nakuha sa ganitong paraan. Sabihin sa lahat ng tao alam mo na ikaw ay tumitingin sa mga kagiliw-giliw nag-aalok ng trabaho. • Magbayad pansin ang social network. Kumuha ng isang account sa LinkedIn at iba pang mga negosyo network. Punan ang impormasyon sa kanilang mga account ng Facebook, ang Google + at iba pang mga komunidad na ay madalas na ginagamit para sa impormal na komunikasyon. Ang iyong profile ay dapat na binuksan para sa pagtingin, bilang recruiters gamitin ang social network para sa mga Manggagawa. • Responsable diskarte upang ipagpatuloy ang pagsusulat. Maaari mong mahanap ang impormasyon tungkol sa tamang ipagpatuloy ang online. Mayroon ding isang kayamanan ng materyal tungkol sa kung paano kumikilos ang mga panahon ng pakikipanayam. Post ang iyong resume sa mataas na kalidad nagdadalubhasang mga site upang makahanap ng trabaho. • Gumamit ng isang tuwid na trabaho, kung ikaw ay naghahanap para sa isang sales manager posisyon. Halika sa opisina ng bawat organisasyon sa gitnang kalye ng lungsod, manghingi mga pulong sa Head. Ikaw ay nagpapakita ng iyong mga kasanayan nagbebenta sa desisyon-gumagawa. Ang paraang ito ay lubos na angkop para sa underwriters trabaho paghahanap, pautang mga opisyal ng bangko, mga mangangalakal. • Sumangguni sa pinakamalaking ahensya ng mga Manggagawa ng lungsod, magtanong upang idagdag ang iyong resume sa kanilang database. Ito ay mangangailangan ng pinansiyal na paggasta sa karamihan ng mga kaso, ngunit sila ay repaid sa lalong madaling mahanap ka ng trabaho. • Gumamit ng isang pansamantalang kakulangan ng trabaho upang mapagbuti ang mga kasanayan at makakuha ng isang bagong propesyon. Ito ay dagdagan ang iyong demand sa merkado paggawa. • Sumangguni sa magsulong ng mga pampublikong serbisyo sa trabaho. Maaari kang makakuha ng isang pansamantalang trabaho, hindi upang manatili sa labas ng kita sa mga oras ng krisis. Makakahanap ka ng isang trabaho, kung regular mong maghanap. Qualified empleyado ang kailangan sa lahat ng oras. Matapos ang lahat, ikaw ay isang magandang espesyalista, ay hindi ito?

Similar Documents

Free Essay

Cases Analysis Outline Steps

...CASES ANALYSIS OUTLINE STEPS If all of the objectives of the case analysis method are to be realized, an organizational structure for the compilation, analysis, and presentation of case analyses should also be considered. Without this structure, integral parts of the case analysis may be ignored, and the multi-purpose nature of the course defeated. Such a structure would provide the inclusion of the following: 1. Statement of the major problem – the essence of the case, the point beyond which one can no longer find a broader, more pervasive or underlying issue. 2. Outline of minor problems – with facts and reasons. A hierarchical order of importance for the sequencing of these minor problems will be discussed following these steps. 3. Existing major policy issues – if any. This section will develop the ability to discriminate between goals, strategies, polices, programs, procedures, and rules by requiring a delineation of those policy issues which require formulation, administration, or revision. 4. Major rejected alternative solutions – with facts and reasons. This insures an adequate search for alternatives, as opposed to superficial analyses that lead to 5. Recommended solutions – with reasons. These solutions should embrace and resolve all major and minor problems delineated in steps 1 and 2. 6. Policy recommendations: This step will require the completion of the goals cited in step number 3. 7. Programmed implementation of recommendations...

Words: 263 - Pages: 2

Free Essay

Hp Merced

...MSIS604/OMIS378 Information Systems Policy & Strategy Spring Quarter, 2013—2 April/13 June Instructor: Dr. Darrel A. (Del) Mank dmank@scu.edu Cell Phone: 408-605-3983 Office Hours: By appointment Office: Room 321W Lucas Hall Class Days: TTh Class Period: 5:45pm—7:00pm Class Room: 310 Lucas Hall Text: Schilling, Melissa A.; STRATEGIC MANAGEMENT of TECHNOLOGICAL INNOVATION, McGraw-Hill/Irwin, 4th Edition, 2013 ISBN 978-0-07-802923-3 Cases* Hewlett-Packard Merced Division SAP America VMware Inc., 2008 IBM and Eclipse (A) Oracle vs. salesforce.com Enterprise IT at Cisco (2004) Google Inc. *All Cases are from the Harvard Business Review and are available at the SCU Bookstore Course Objectives: • To develop an awareness of the range, scope, and complexity of the issues and problems related to the strategic management of ISTs. • To develop an understanding of the “state of the art” of the strategic management of IST and IST innovation. • To develop a conceptual framework for assessing IST capabilities. • To develop insight concerning the skills necessary to be effective as an IST manager. • To offer some practice in defining and working out strategic management problems related IST innovation and implementation. Course Description/Perspective: The course focuses on the strategic management and deployment of information systems and technologies (ISTs) to improve business competitiveness. The...

Words: 3892 - Pages: 16

Premium Essay

Framework for Case Analysis

...A Framework for Case Analysis Case analysis is a problem solving process. You are demonstrating in a systematic way how you have defined a key problem/issue, identified plausible, realistic alternatives (not necessarily limited by those suggested in the case), analyzed these alternatives using common criteria, and finally developed a complete set of recommendations. This process challenges your organizational and communication skills as much as your analytical and quantitative skills. Step 1. Situation Analysis. The first step in systematically analyzing an organization's marketing problems is to conduct a situation analysis. This is not part of the written case brief but it is needed before you can begin the problem solving process. Step 2. Define the Problem/Issue. Once you have conducted a thorough situation analysis, you can identify the problem(s) facing the organization. Be careful not to assume that the characters in the case are objective or accurate in identifying the problem or make a rush to judgment about the problem. Step 3. Identify plausible alternatives. What are reasonable options for solving the identified problem? While you should at least initially consider the options discussed in the case, do not assume that these are the best or even appropriate alternatives, especially if these options are not consistent with the problem. Alternatives should be plausible, not "straw men" that are just knocked aside in order to make a bee line for some obvious solution...

Words: 2924 - Pages: 12

Premium Essay

Case1

...------------------------------------------------- Case Analysis Guidelines & Checklist Overview: In many ways writing a short analysis paper (including recommendations and/or conclusions) is like writing an “action memo” or executive memo in business. The following sections go over how to organize and format your written work here in class and in the business world to be attractive to the reader and effective in getting your point across. Approach: * Read the entire case carefully before you actually begin to write the paper, and make careful notes (including your emotional reactions, which can be useful). Try to read the case once at least a few hours or a day earlier, and then again when you are writing the paper. This will give you time to reflect on the issues, and to think out effective recommendations before you actually have to articulate them. * Relate your analysis and recommendations as specifically as possible to concepts of the course as presented by the textbook, cases, materials on the course web site, articles, and the various guest speakers and class discussions This is where you show what you have learned and are able to apply. * Remember that you have to make careful selections of what is most important in a case, and then develop a coherent, logical way (including useful section titles) to present your arguments using the outline below. Although you may use the guidance questions to help call your attention to interesting phenomena in the case or big issues or...

Words: 2172 - Pages: 9

Free Essay

Motivasi

...Notes on Case Analysis David Robinson, September 2008 Business school cases are quite long and complicated. We study cases not so much to find the right answer, but to train ourselves in systematic analysis so we will be effective decision makers in the business world. Successful case preparation depends on multiple readings of the case and multiple points of view. Multiple Readings of the Case If you attempt to analyze a case by pulling an “all-nighter” (waiting until the last minute, spend hours poring over the case and going line by line looking for insights) you will be overwhelmed. You should plan for multiple readings of the case over several days, complemented by group meetings and discussion. Multiple Points of View Even if you are preparing to write an individual brief, you should plan to discuss a case with a study group. You’ll notice that in business the major consulting firms always assign a team of people to each client, not just their single best industry expert. The reason for this is that no one person is likely to comprehend all the problems a firm faces. No two individuals are likely to have the same insights, but the combined wisdom of a team is likely to come up with a fairly comprehensive analysis. First Reading of the Case You should read the case first on your own—if you meet with your study group and open the case book and say, “OK, what’s this about?” there is every likelihood that your team will degenerate into “group think” (one person comes...

Words: 2316 - Pages: 10

Free Essay

469362181

...to time to write a good CAR. So, once you “get” the Big Picture of the Case, and recognize the major analysis elements (focal system(s), main problem/Alternatives, etc.): o focus on analyzing those Alternatives and coming up with some significant Findings, and especially Recommendations. o As your analysis results “solidify,” focus more and more on Writing a Good CAR and submitting by the Due Date! • Cases can contain more than 1 major “track” for their analysis, allowing for alternative versions of a CAR. So, do NOT simply imitate this Example CAR blindly for its “specific content.” Worse, DO NOT simply copy any of its parts. • Instead, use this Example CAR by way of “Reverse Engineering:” See how its contents arise logically if our Case Analysis Method (Guide) is applied to the Case. This will help you understand how our analysis method works! Then, use the same general analysis method (actually, the Approach) on the Case assigned for your CAR. • Don’t just imitate the pattern of alternative found here! Analyse and find out what alternatives make most sense in the particular Case you are working on. • No Case contains ALL the facts you want to know for its analysis. So, when analyzing Cases, be pragmatic! Do not worry about any facts beyond the Case (unless specifically instructed). Instead, conduct the “best possible” analysis using available Case-facts. • Leave Enough Time to Write a GOOD REPORT based on your...

Words: 1972 - Pages: 8

Free Essay

Power and Influece

...discussing “case” materials in light of theoretical arguments advanced in “readings.” Case materials include standard Harvard Business School cases, book chapters about individuals (Robert Moses and Henry Kissinger), corporations (e.g., Lehman Brothers and Time Warner), and industries (e.g., the auto industry), and in-class videos (e.g., a “Bill Moyer’s Journal” segment on David Rockefeller). COURSE REQUIREMENTS Final course grades will be based on student performance on three written assignments and on student participation in class discussions. Written Assignments. Each student will be expected to submit two individual case analyses that indicate what the student learned from reading and discussing the case in question. The case analyses should be one single spaced typewritten page long and should be submitted the week after the case that they address is discussed in class. Individual case analyses will be graded on a scale from 1-3 and together will comprise 10% of a student’s final grade. Each student should also form a group with three to four other students to complete a case study of a real organization. The research for this case study can be carried out using primary sources (e.g., participation observation and/or interviews) or secondary sources (e.g., books, articles, or prepared cases about a target organization). Thus, group members need not have worked in an organization to use it as the subject of their final case analysis. Other case analysis topics...

Words: 1326 - Pages: 6

Free Essay

F Wf Wfqw

...Case Analysis This packet details the steps necessary to produce a case analysis that may be required for work in business and technology courses. This packet is not intended to replace instructor guidelines and should not be used in that manner. The packet’s intended use is as a supplement to classroom instruction on assembling a case analysis. Therefore, it contains only general information that must be tailored to fit specific guidelines as required by your discipline and by your instructor. This packet is subdivided into five sections: I. General Information States what a case is and what purposes it serves. II. Process Gives step-by-step instructions on how to get started on your case analysis. III. Format Provides a description of the most common format used in case analysis. IV. Checklist Allows appraisal of your completed case analysis to assure that it follows all necessary guidelines. V. Resources Lists helpful resources used to compile this packet provided so that you may obtain further information. General Information Definition: A case analysis is used to achieve a business goal. It is a hypothetical, yet realistic, business situation that is developed to give the student a sense of the types of business situations a manager or business owner may encounter on a daily basis; a case analysis prompt usually includes information on the business’s employees, goals and values. The situation requires a decision to be made and a solution to be proposed...

Words: 1465 - Pages: 6

Free Essay

The Black

...|STRATEGIC MANAGEMENT (MGT431) | |GUIDELINES FOR THE WRITTEN STANDARDIZED CASE ANALYSIS | | | | | |I. |Overview: | | | | | |The introduction of your paper should acquaint the reader with the company being analyzed and demonstrate your ability to succinctly describe the company| | |from a historical perspective. Take this opportunity to highlight key factors and past strategies, which have led the company to its present position. | | |It is important for you to understand precisely why the company has been successful (or unsuccessful) in the past. Taking time to articulate this may | ...

Words: 1219 - Pages: 5

Free Essay

Case Analysis Case Analysis “Robert Princeton” Loginjoin Rss ©2012 Termpaperwarehouse.Com Privacy Policy Terms of Service Copyright Information Contact Us Help Advertise with Us

...Charlotte Beers (Ogilvy & Mather) Case analysis At the point of planning to the launch of the business, the owner of the business is very passionate and usually experienced in the line-of-business; as David Ogilvy was at the age of 38 when he started his own advertising agency in 1948. Ogilvy & Mather, an advertising agency was started in New York and expanded worldwide. By 1991, O&M was ranked the largest marketing company in the world.[1] But there comes a time when a company must look to adapt a change. With competition growing, clients of O&M changed their demands. O&M was a high-cost agency that was failing in controlling their budget and lowering their cost; they failed to see the reason for a change. Due to that fact, O&M had lost few of their multi-million dollar accounts. Many companies may have either filed bankruptcy or have shutdown in the process of losing their clients but O&M was not the type of company that would give up that easily. In 1992, Charlotte Beers was appointed CEO of O&M and a massive change was underway. She was not the type of person who would dwell on the past, but instead look to better the future. Charlotte Beers clearly made an impression on the O&M employees as she had the ability to inspire. But more importantly, she came up with three strategies which turned the company around 360 degrees; Client Security, Better Work/More Often, and Financial Discipline. Yes these strategies were formed for an advertising agency...

Words: 492 - Pages: 2

Premium Essay

Mgt 455 Week 1 Written Case Analysis - Izmir National University

...Week 1 Written Case Analysis - Izmir National University Click Link Below To Buy: http://hwcampus.com/shop/mgt-455-week-1-written-case-analysis-izmir-national-university/ Use the following format for each week’s Case Analysis assignment. Each Case Analysis should be 5 to 6 pages in length. Izmir National University Case Analysis assignment Questions 1. What do the comments by the faculty tell you about INU ’s strategy? 2. What would you recommend the Dekan do regarding the Business School’s strategic planning process? What role would you recommend the Dekan play in this process? 3. Productivity is defined as the ratio of output (including both goods and services) to the input used to produce it. How could the productivity of the Business School be measured? What would the effect be on productivity if the faculty all received a 10 percent raise but continued to teach the same number of classes and students? Format I. Summary of the Facts This section presents a brief listing of the key facts, with page numbers from the case in parentheses, where appropriate. It should be no more than 1 page in length. Therefore, there is little room for a long-winded presentation of each fact. Important assumptions should also be listed here and labeled as such. II. Statement of the Problem This section presents a brief treatment of the major problem or problems, with a concise statement of the major problem or problems you see in the case. This part of your...

Words: 801 - Pages: 4

Free Essay

How to Approach a Case

...How to Approach a Case This is not the only approach that exists, but it’s a worthwhile one to try as you get started. 1. GETTING ORIENTED It’s useful to think of a case analysis as digging deeper and deeper into the layers of a case. 1. You start at the surface, Getting Oriented and examining the overall case landscape. 2. Then you begin to dig, Identifying Problems, as well as possible alternative solutions. 3. Digging deeper, Performing Analyses you identify information that exposes the issues, gather data, perform calculations that might provide insight. 4. Finally, you begin Action Planning to outline short-, medium-, and long-term well-defined steps. Typically, you’ll need to repeat this process multiple times, and as you do, you'll discover new analytical directions, evolving your assessment of the case and conclusion. a. Case Analysis Overview Analyzing a case is not just about digging. It’s also about climbing back out to examine what you’ve unearthed, deciding what it means, determining what to analyze next, and digging some more. Often your examination of information about a problem will change your idea of what the real problem is and about what to analyze next. The process is similar to when a detective investigating a crime shifts his or her opinion about the most likely suspect as more clues come to light. Gather your materials and tools. These include the case and any other related materials to supplement your reading...

Words: 3234 - Pages: 13

Premium Essay

Mr. Pham Duc Huy

...956-7270 Email: jamesr@hawaii.edu Course Outline and Objectives: BUS 632 covers strategic management as an integrating paradigm for your business knowledge. The aim is to develop an understanding of the strategic challenges facing managers in competitive markets. Globalization, foreign competition, and rapidly changing technology have sharply increased the intensity of competition in most industries. We will learn how leading firms have devised strategies, structured, and managed their organizations to achieve competitive advantage in this challenging environment. Strategic management deals with uncertainty and unstructured situations. You will learn tools and concepts for putting some structure into your analysis of strategic issues. But most strategic choices require judgment. Case studies enable us to test our judgment and learn vicariously from successful and unsuccessful managers in a variety of situations. Hence, class discussion of the cases is a central part of your learning experience. Methods: We will combine cases, lectures, individual and group papers and presentations. Pre-requisites: First semester of Core. Textbook: Jay Barney, Gaining and Sustaining Competitive Advantage, Fourth Edition. Case Packet will be available. Assignments and Grading: 1. Participation: (15%) Attendance is required. Please inform the instructor in advance if you need to be absent. Participation means active involvement in the discussion of the case with evidence of preparation. 2. Article...

Words: 1617 - Pages: 7

Premium Essay

Craddock Cup

...✓ Materials Needed Performance Measurement & Control Systems for Implementing Strategy: Text and Cases, by Simons, Robert. Prentice Hall, ISBN #0-13-234006-2 Cases in Management Accounting & Control Systems 4th Edition, by Allen, Brownlee, Haskins and Lynch, Pearson-Prentice Hall, ISBN #0-13-570425-1 Freakonomics: A Rouge Economist Explores the Hidden Side of Everything, by Steven D. Levitt and Stephen J. Dubner, Harper Collins, ISBN#0-06-073132-X ✓ University Communication with Students All email communication from the University is sent to the student’s wsu.edu address. Please be sure that you have set up the link to forward your personal email address (aol, hotmail, etc.) or you will miss announcements and information that is very important to you. This is the email I use to contact you regarding class matters. If you change your email address, be sure to update again. ✓ Catalog Course Description with Prerequisitites 3credits: Managerial evaluation of budgeting, cost accounting, and financial analysis techniques; their utilization in control of operations. (pre-requisite acctg 550 or equivalent). Please note that pre-requisites are strictly enforced and that students will be disenrolled if they do not have course pre-requisites). ✓ Instructor Course Objectives Knowledge and Skill Expectations: Students should have the knowledge and skill level to record economic events, read and analyze financial information through the topic areas covered...

Words: 3504 - Pages: 15

Free Essay

Management

...Welcome to the Case Analysis Coach This tutorial is designed to start you down the road toward becoming an expert at analyzing business cases. You'll learn how to identify and define the business concepts raised by a case, as well as to develop analysis-based solutions, recommendations, and action plans. These skills will prepare you for class discussions and exams. You will have access to a complete real case, called Komatsu Ltd. and Project G., so that you can apply what you learn to a concrete example. You will also get other helpful resources, such as a Case Analysis Worksheet and samples of classdiscussion notes on the Komatsu case that were prepared by real students like you. In addition, smaller excerpts from other real cases are used to illustrate some of the steps in case analysis. 1 Introduction to Case Analysis Types of Cases The "case method" is an approach to learning that encourages students to extract useful lessons from the experiences of others ("cases"). Students study accounts of specific events in order to discover general principles that they can apply in other situations. Cases tend to fall into one of three categories that sometimes overlap: • • • Decision Cases describe a decision faced by the case protagonist. The student ultimately must choose among a finite set of distinct decision alternatives. Problem Cases require a student to diagnose a problem in a business case and to formulate possible solutions. Evaluation Cases illustrate a business...

Words: 7646 - Pages: 31