...“DELUSYON” Ni: Neal Tan (Rebyu at Reaksyon sa Pelikula) Ang pelikulang napanood na pinamagatang “Delusyon” na isinailalim sa direksyon ni Neal Tan ay isang akdang napapanahon. Ito ay tumutukoy sa droga at ang masasamang epekto nito sa mga indibidwal na sangkot sa paggamit dito. Isinalaysay sa pelikula ang kwento ni Thirdie, isang binatang tila naghahanap ng kahulugan sa kanyang buhay at nahulog sa tukso at patibong ng ipinagbabawal na gamot. Tinukoy dito ang mga dahilan kung bakit maraming gumagamit ng drugs. Isa sa mga dahilang ipinakita sa pelikula ay ang kakulangan sa patnubay ng mga magulang. Sa pamilya nabuo ang mga ugali at pagpapahalaga ng isang tao. Dito nakasalalay kung magkakaroon tayo ng magandang kinabukasan o isang hinaharap na tila ba isang masamang bangungot na dala ng mga maling pananaw na naitanim sa ating mga kaisipan habang tayo ay tumatanda. Malaki ang papel ng mga magulang sa pagpapayo at pagpapatnubay sa kanilang mga anak. Tulad ng mga magulang ni Thirdie, nagkaroon ang mga ito ng maraming pagtatalo at di pagkakaunawaan na nagbunga ng pagkukulang nila sa anak. Hindi nila nasubaybayan ang mga ginagawa nito. Ikalawang dahilan ang peer pressure. Naimpluwensiyahan si Thirdie ng mga baluktot na gawain tulad nga ng paggamit ng bawal na gamot. Ikatlo, ang curiosity ng mga tao. Ito ay likas na sa atin. Nais nating malaman kung ano ang maaaring maging resulta ng isang bagay sa atin. Dahil sa pagnanasa natin na mabatid ang kahihinatnan ng ating mga gagawin...
Words: 469 - Pages: 2
...lipunang ginagalawan nya. Ang sintomas sa ganitong sakit ay sinasabing mahirap matukoy dahil mahirap para sa isang tao ang madetermina ang pagkakaiba sa normal at hindi normal na pagkilos ng isang tao. Gayunpaman, kung ang hindi magandang gawi ng taong iyon nagpatuloy habang ito’y patindi ng patindi ay nangangahulugan na siya ay may mental disorder. Ang mga sintomas ayon kay Marx ay ang halusinasyon, delusyon, sobrang pagkabalisa, pagkilos ng iba sa karaniwan nyang ginagawa at iba pa. 2. Ang mental disorder ay nahahati sa iba’t ibang kategorya. Ito ay ang organic mental disorder, substance use disorder, schizophrenic disorder, paranoid disorder, affective disorder, anxiety disorder, somatoform disorder, dissiciative disorder, psychosexual disorder, at personality disorder. 3. Di tulad ng ibang sakit walang blood tests, “imaging techniques” at iba pang panglaborratoryong pagaaral ang makapagbibigay eksaktong pagaalisa sa sakop sa pag iisip. Ibig sabihin, ang dayagnosis ng sakit sa pag iisipay lagging interprasyon lamang ng taga obsera batay sa pananalita, ideya, paguugali o gawi at karanasan ng pasyente. ang malawakang pamamaraang gianagamit sa pagdayagnos ng sakit na ito ay ang pag ininterbyu sa taong maysakit. 4. Madalas itong nararanasan sa panahon ng kamusmusan, bihira naman ito sa panahon bago ang pag bibinata o pagdadalaga. sapagsapit ng panahon katandaan o tinatawag na “sensant period”, tumataas ang posibilidad ng pagkakaroon. 47 5. mayaman o mahirap ay nakakaranas ng ganitong...
Words: 607 - Pages: 3
...Proyekto sa Filipino II Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Wattpad: Makabagong Literatura Isinumite nina: Alcantara, Julie Anne Balingbing, G Shawn Kelly Baylon, Claudine Fay Molato, Donna Molato Montenegro, John Roland Nipas, Rose Orbase, Arrem Ceyzel Joyce Orias, Grace Paner, Reyna Nicole Trinidad, Juriel Vibar, Terese Dawn AB English 1A Isinumite kay: Dr. Leticia M. Lopez Unibersidad ng Bicol Legazpi City Marso 2015 KABANATA I ANG SULIRANIN Panimula Malayo na ang ating narating sa pagpapabuti ng kondisyon ng ating buhay. Marami na ang nagbago sa henerasyon ngayon dala ng mabilis na pag-unlad ng modernong teknolohiya. Iba’t ibang aspeto na ng ating buhay ay unti-unting naiiba at napapadali dahil sa modernisasyon. Isang halimbawa ay ang aspeto ng pagbabasa. Kung dati-rati, makakapal na aklat ang ginagamit, ngayon pwede na tayong magbasa sa ating mga kompyuter, laptop, tablet at maging sa ating mga cellphone. Sa pagdownload ng mga ebooks at mga applications, maaari na rin tayong makapagbasa ng iba’t ibang klase ng mga libro online. At kung dati, mahirap para sa mga taong naghahangad na maging manunulat ang mailathala ang kanilang naisulat, ngayon ay mas napadali na gawa ng mga online writing communities. Isa sa mga sikat na paraan ng online writing na tinatangkilik ng mga kabataan ngayon ay ang Wattpad. Ito ay isang uri ng social networking site na itinatag noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging tanyag lamang sa lahat...
Words: 1047 - Pages: 5
...Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple ni Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D. Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay...
Words: 44725 - Pages: 179