Free Essay

Paghahari Ng Estados Unidos Sa Pilipinas

In:

Submitted By Lorainedeleon
Words 2443
Pages 10
Indibidwal na Pag-uulat

Dalawang Mukha ng Pakikibaka ng Kababaihan sa Panahon ng Kolonyal na Paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas
I. Usaping Pangkasarian:
Pagtanggal sa pagkakahon sa mga kababaihan:
Hindi mahina ang mga kababaihan at hindi totoo na sa loob lamang sila ng tahanan. Marami silang naging ambag upang makamit ang kalayaan mula sa mga mananakop. Ang mga kababaihan sa larangan ng pulitiko ay natutong lumaban upang sila rin ay makaboto katulad ng mga lalake. Sa pang-ekonomiyang dahilan naman ay lumaban din mga kababaihan kasabay ng mga kalalakihan upang matamo ang makatarungang sahod. Nabanggit din na maraming mga kababaihan ang propesyunal tulad ng abogada at doktora, babaeng sumali sa pulitika at mga kababaihang lider ng mga organisasyon.
II. Institusyon:
Pamilya:
Binanggit sa teksto na ang matapang na pakikilahok ng mga kababaihan ay nag-uugat sa mga gampanin nila sa pamilya katulad ng pagtulong sa asawa, ama o kapatid sa larangan ng pulitika, pagpapa-aral sa mga anak at pagpapakain sa pamilya.
Paaralan:
Ang institusyong ito ay naging bukas kinalaunan sa pagkilala ng pantay na karapatang ng mga lalaki at babae ngunit ang mga maykayang babae lamang ang tuwirang nakinabang dito.
III. Kapangyarihan: Ang mga kababaihan ay nagpakita ng kapangyarihan mula sa loob sapagkat malay sila sa mga karapatang kanilang ipinaglalaban katulad ng pagmimithi sa pantay na karapatang tinatamasa ng mga kalalakihan.
IV. Tindig ng teksto at tindig sa teksto: Sang-ayon ako sa layunin ng teksto na ipakita ang mga naging pakikilahok ng mga kababaihan sa himagsikan at mga hakbangin nila upang makaalis sa pagkakahahong idinidikta ng lipunan.
V. Posibleng Solusyon: Dapat mas lumawak pa ang pagiging malay ng mga kababaihan at huwag nilang igapos ang kanilang kakayahan at ang mga sarili nila sa tungkulin nila sa tahanan.
“Bb. Phatuphats” at “The Body Shop”
I. Usaping Pangkasarian:
Ang kagandahan at kabataan ay mahalaga:
Ipinakita sa The Body Shop kung paanong tinatangkilik ang mga produktong pampaganda at pampabata at sinasabing “ito ang tatak ng pagiging anak ng mundo” na tila ibinubukod ang mga taong hindi tumatangkilik dito. Ipinakita naman sa Bb. Phatuphats ang pagtangkilik ni Yeyeng sa mga produkto ng EU upang magmukhang maganda at ka-uri rin ng mga kanluranin. Ipinakita na ang kahulugan lamang ng maganda ay iyong makinis ang balat, walang bakas ng dumi sa buong katawan, maputi, malambot ang balat at anyong bata.
II. Institusyon:
Paaralan:
Ipinakita sa Bb. Phatuphats na dahil sa mga itinuturo sa paaralan, naging ganap ang akulturasiyon at tuluyang nalason ang pag-iisip ni Yeyeng na siyang naging dahilan ng pagtalikod nito sa kanyang kinagisnang kultura.
III. Kapangyarihan: Ang mga taong nabanggit ay nagpapakita ng kawalan ng kapangyarihan mula sa loob sapagkat walang pagtanggap sa sarili nilang anyo, kulay, at balat at may pagnanais na malinlang ng mga komersiyal na produkto.
IV. Tindig ng teksto at tindig sa teksto: Naglalayon ang teksto na ipagtanto sa mga mambabasa ang mga taong pilit na iniiba ang kanilang anyo ang siyang hindi pinagtatawanan lamang ng kanilang ka-uri imbes na sila’y hangaan. Sang-ayon ako sa pamamaraang ginamit ng nagsulat ng teksto sapagkat inihain niya muna ang mga pag-iisip ng mga taga-konsumo patungkol sa produkto bago niya isiniwalat sa huli na ang mga ito ay hindi kaaya-aya sa ginagalawan nilang lipunan sapagkat para sa ka-uri nila, kahiya-hiya iyon.
V. Posibleng solusyon: Kailangang magkaroon ng pagtanggap sa sarili upang hindi na kailangang magpasailalim pa sa mga komersiyal na produkto.
“Ang Lihim ni Lea” at “Reyna ng mga Tumbong”
I. Usaping pangkasarian:
Panggagahasa sa anak at pang-aabuso sa bata:
Ipinakita sa teksto na ang sariling ama ni Lea ay pinagsamantalahan ang kamusmusan niya. Ipinakita rin kung paano nakaka-apekto sa pag-iisip ng isang bata ang mga bagay na hindi pa niya lubos maunawaan at kung paanong pinangungunahan siya ng takot. Sa Reyna ng mga Tumbong naman ipinakita kung paano nakaranas ang tauhan ng iba't-ibang paraan ng pangmomolestiya sa kanyang katawan at mga berbal na pang-aabuso ng sariling ina at nobyo sapagkat pinagkaitan ito ng pang-unawa.
Pag-e-estereotipo:
Maraming ipinakita ang ikalawang teksto na halimbawa ng mga pag-e-estereotipo sa loob ng tahanan katulad ng ang pamamalengke ay gawain lang dapat ng babae at ang pagkain ng tumbong ay para lamang sa mga lalaki dahil pangit daw iyon tignan sa mga babae. Binanggit din ng ina na mahalagang sundin o ilihim ang mga ito upang hindi maging katawa-tawa o nakakahiya sa ibang pamilya.
II. Institusyon:
Pamilya:
Ipinakita na sa loob ng domestikadong espasyo ay hindi ka ligtas sa pang-aabuso. Ipinakita kung paanong pinagsamantalahan ang kamusmusan ng isang bata dahil lamang sa libog. Sa ikalawang teksto naman ay ipinakita kung paanong sa loob ng institusyong ito hinuhubog ang musmos na kaisipan ng mga bata upang magpasailalam sa mga namamayaning pag-e-estereotipo ng lipunan.
Paaralan:
Ipinakita na ang paaralan ay hindi nagsasawalang-bahala sa mga isyung pantahanan at mas pinahahalagahan ang kapakanan ng mga biktima. Sa ikalawang teksto naman ay ipinakita kung paanong ang paaralan ay bukas sa mga posibilidad at hindi ikinakahon ang mga kakayahan ng mga kababaihan.
III. Kapangyarihan: Ang mga tauhan sa kuwento ay nawalan ng kapangyarihan mula sa loob sapagkat hindi nila maipagtanggol ang kanilang mga karapatan at hindi nila magawang sabihin kung ano ba talaga ang kanilang dinadanas at mga iniisip. Natatakot silang harapin ang masalimuot ng katotohan na mayroon talagang namamayaning paniniwala sa lipunan na kailangan kang magpasailalim.
IV. Tindig ng teksto at tindig sa teksto: Ang unang teksto ay naglalayong ipakita, lalung-lalo na sa mga bata, na huwag dapat matakot na magsumbong sapagkat maraming handang tumulong sa iyo. Ang ikalawang teksto naman ay naglalayong ipakita kung gaano kahirap sa isang biktima na hindi pa man nakakarekober ay nakaranas na ng sunud-sunod na kritisismo ng lipunang kanyang ginagalawan. Sang-ayon ako sa tindig ng teksto sapagkat epektibo niyang naipakita ang epekto ng pamilya sa pag-iisip ng mga musmos at ang pagbibigay boses sa mga ito. Sang-ayon ako na ipinakita nito na mayroong namamayaning ganito sa ating lipunan upang ang iba ay maging malay at maunawain sa mga biktima.
V. Posibleng solusyon: Dapat sa loob ng domestikadong espasyo nagsisimula ang pagkalinga sa mga musmos at imulat sila sa mga paniniwalang makatarungan at hindi iyong nagpapasailalim sa idinidikta ng lipunan. Nang sa gayon, sa paglabas nila sa pampublikong arina ay malay sila sa kanilang mga karapatan at magkaroon sila ng boses.
“Kung Paano Pumatay ng Isang Bakla” at “Maselang Bagay ang Sumuso ng Burat”
I. Usaping Pangkasarian:
Pang-aabuso at pandidiri sa mga bakla:
Ipinakita ang pisikal, sikolohikal, berbal at mental na pang-aabuso na dinadanas ng mga bakla dahil lamang sa hindi pagtanggap sa kanila. Sila ay pinagbabantaan o tinatakot upang bumalik sa pagiging lalaki, mababaw na pagtingin sa kanila sapagkat ikinakahon sila bilang mga parlorista lamang at kung pagbigyan man na maging artista ay ginagawang katawa-tawa sa lipunan, o di kaya'y ipinapain sa mga agaw-buhay na gawain para lamang maaliw ang mga manonood. Ipinakita rin sa ikalawang teksto na dahil sa mga sukatang panlipunang namamayani, ang pagsuso ng burat ay naging bastos sa pananaw ng nakararami at nakakasira ito sa pagkatao.
II. Institusyon:
Relihiyon:
Ipinakita ang epekto ng relihiyon sa pagtanaw sa mga bakla. Tila ito ay isang kasalanan na dapat hatulan ng kamatayan o pahirapan. Dito ipinakita ang papel ng mga gawaing may kinalaman sa relihiyon sa pagpatay ng isang bakla katulad ng pagpako sa krus, pag-embalsamo at pagpapanalangin na mapunta ang kaluluwa niya sa impiyerno. Binanggit din sa isang teksto na dahil sa mga santo-santong paniniwala kaya nababahiran ng bastos na pananaw ang mga gawain ng mga bakla.
III. Kapangyarihan: Ang manunulat ay may kapangyarihang maka-impluwensiya at maipagtanto sa mga mambabasa na sa lipunang ating ginagalawan, maging mga bakla ay biktima rin. At hindi natin dapat sila hinuhusgahan dahil lamang sa kanilang gawain dahil hindi iyon ang sukatan ng pagkatao nila.
IV. Tindig ng teksto at tindig sa teksto: Taliwas sa pamagat, ang layunin ng unang teksto ay hindi kondenahin ang pagpatay sa mga bakla o sa pagkatao nito kundi naglalayon itong ipakita ang pagiging biktima ng mga bakla. Tinututulan naman ng ikalawang teksto ang pagtingin sa isang gawain ng karamihan o ilang mga bakla – ang sumuso ng burat bilang imoral o hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Ang pagsuso ng burat ay ipinakita bilang isang maselang bagay na hindi lahat ay kayang gawin, sa madaling sabi ay ito pa nga ay isang kakayahan. Sang-ayon ako dito dahil sa pamamagitan ng tula, nahihikayat ang mga mababasa na ibahin ang tingin sa mga bakla at wag magpasailalim sa mga namamayaning paniniwala na hindi naman makatarungan ang pagtingin sa lahat. Sang-ayon ako sapagkat kinikilala nito ang mga bakla sa lipunan.
V. Posibleng solusyon: Una sa lahat ay dapat mayroong pagtanggap at pagkilala sa mga bakla bilang kabahagi ng ating mundong ginagalawan. Ang kanilang pagiging bakla ay hindi nangangahulugan na may mali sa kanilang pagkatao at gawain kaya dapat silang unawain.
Horoscope
I. Usaping pangkasarian:
Pag-e-estereotipo:
Binasag ang mga pag-e-estereotipo sa mga lalaki katulad ng sinabi sa Taurus na “umiyak ka kung kinakailangan” at ang pagiging emotional nito dahil sa pag-iwan sa kaniya ng kanyang nobya. Ganoon din ang pagiging maunawain ng lalaki sa nobya at hindi pinapairal ang libog. Sinabi rin sa teksto na hindi dapat sampalin o saktan ang nobya bagkus ay unawain dapat siya. Maging sa babaeng ayaw magkaroon ng anak ay sinabing walang mali roon. Ipinakita rin na ang mga babae ay empowered sa pagkakabit ng isang propesyunal na trabaho sa kanila at kapangyarihang magdesisyon ng para sa sarili nila. Sinabi rin na ang mabuting babaeng asawa ay hindi kailangang ikulong ang sarili sa loob ng bahay.
II. Institusyon:
Pamilya:
Ipinakita ang kahalagahan ng pamilya sa tuluyang pagtanggap sa kasarian o seksuwalidad. Dito rin nakakahugot ng lakas upang ipagpatuloy ang mga napagdesisyunan na.
Relihiyon:
Sa huli ay ipinakita na relihiyon pa rin ang namamayaning kaisipan na tila nagsasabing ang Horoscope katulad ng relihiyon ay nakadepende sa tao kung tatanggapin niya ba ito at susundin. Ibig sabihin ay maimpluwensiya talaga ang relihiyon sa mga ikinikilos at iniisip ng mga tao.
III. Kapangyarihan: Ang mga tauhan sa teksto ay parehong nagpapakita ng pagtataglay at kawalan ng kapangyarihan mula sa loob sapagkat tanggap man nila ang kanilang seksuwalidad at malay sila sa kung ano ba talaga ang mga nais nila ay nawawala ang kapangyarihang ito kung isasangguni lamang nila ang kanilang magiging kapalaran sa isang Horoscope.
IV. Tindig ng teksto at tindig sa teksto: Paulit-ulit na sinabi sa araw ng Martes ang mga katagang “Alam mong walang mali sa iyo” na naglalayong ipakita na anumang kasarian at/o seksuwalidad, kailangang mayroong pagtanggap sapagkat walang mali roon. Sa kabuuan ng teksto ay naglalayon itong wasakin ang ibang mga gawain na kumakahon sa ibang tao. Sang-ayon ako sa tindig na ito ng teksto.
V. Posibleng solusyon: Hindi kailangang sumangguni pa sa mga paniniwala upang malaman kung ano ang nakabubuti para sa sarili. Nararapat na malay tayo sa kung ano ang nakabubuti para sa atin at para sa kapuwa. Pag-alam sa ating mga karapatan at pagrespeto sa karapatan ng iba ang dapat mamayani at hindi ito nangangailangan ng mga paniniwalang nakasulat.
Ang Ikalawang Mrs. Hernandez
I. Usaping pangkasarian
Babae lamang ang may kasalanan:
Ipinakita na galit lamang si Carla sa mga karelasyon ng mga asawa niya at sinasabing sila ang may kasalanan. Sila lang daw ang may kasalanan dahil sila ang nanlalandi at kawawa ang mga lalaki dahil nadala lang sila ng tuksong dulot ng babae. Ang mga magulang naman ni Carla ay ibinubunton ang sisi kay Carla na kaya raw nambabae ang kanyang asawa ay dahil baka hindi siya nagiging mabuting asawa rito.
Pagiging kabit:
Ipinakita sa teksto kung paano hinuhusgahan ng lipunan ang mga ikalawang asawa o ikalawang karelasyon ng mga lalake at binabansagan silang querida, kabit, babae, at/o puta na may mga masasamang konotasyon o di kaya'y mga salitang nakakabawas sa pagkatao ng babae.
Pag-e-estereotipo:
Binabanggit sa teksto na ang mga lalake ay natural ng babaero. Ipinakita rin na tungkulin ng mga babae na bigyan ng anak ang kanilang mga asawa at alagaan ang mga ito sa paglaki. Tungkulin naman ng lalaki na sustentuhan ang kaniyang pamilya. Sa kabilang banda ay binasag naman ang pag-e-estereotipo sa mga lalaki sa bahaging umiyak si Louie kay Sandra na nagpakita na mahina at emotional din ang mga lalaki.
II. Institusyon:
Paaralan:
Ipinakita na walang diskriminasyon sa loob ng institusyong ito sapagkat malaya ang mga tao, anuman ang kasarian, na pumili ng kursong nanaisin at walang pag-uuri ng kung alin lamang ang para sa babae o para sa lalaki.
Pinagtatrabahuhan:
Ipinakita na mas pinapahalagahan ang mga lalaki sa trabaho katulad ng sa kaso ni Nerissa at Bobby sapagkat kahit na dalawa silang pumasok sa relasyon ay tanging si Nerissa lamang ang pinagbibitiw sa trabaho. Sa kaso naman ni Sandra at Louie ay pinahinto ni Louie sa pagtatrabaho si Sandra upang maging maasikaso lamang ito sa bahay at sa mga anak. Ipinakita rin sa teksto na ang mga babae sa katauhan ni Nerissa at Sandra ay “assisstant” samantalang sina Louie, Mr. Romero at Bobby ang kanilang boss.
Pamilya:
Ipinakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng anak upang mapagyabong ang pamilya. Ipinakita rin ang paniniwala na hindi tama sa pananaw ng lipunan kung mabuntis ka ng hindi pa ikinakasal.
III. Kapangyarihan: Si Sandra ay nagtataglay ng kapangyarihan mula sa loob sapagkat alam niya sa sarili niya na hindi niya gusto ang mga pag-e-estreotipo na ipinapataw sa kaniya at nais niyang kumawala rito. Nagawa niya sa huli na sabihin at isaboses ang nais at nararamdaman niya.
IV. Tindig ng teksto at tindig sa teksto: Sang-ayon ako sa tindig ng teksto na ipakita na ang mga binansagan ng lipunan na mga querida, puta, babae, at/o kabit ay pawang mga babae rin na walang ibang kasalanan kundi ang umibig. Ipinakita rin na sa mga ganoong sitwasyon na ang mga lalake ang naghanap ng iba kaya hindi maaaring ipagsawalang-kibo ang gawain nila at sabihing natural lang sa kanila iyon. At lalong pinakaimportante sa lahat ay ang pagpapakita na maganda man ang intensyon ng isang lalake ay nagkakaroon ng problema kung walang pagtanggap sa parte ng babae kaya dapat ito ay pinag-uusapan ng masinsinan.
V. Posibleng solusyon: Kagaya ng ginawa ni Louie sa huli, nararapat na ang lipunan din ay matutong umunawa at hindi iyong manghusga kaagad at magdesisyong bansagan ang isang tao ng mga masasakit na salita. Kailangang magkaroon muna ng pang-unawa kung bakit may umiiral na “pangangaliwa” bago gumawa ng haka-haka at ibato lahat sa babae ang sisi.

Similar Documents

Free Essay

Dfgfdg

...Proyekto sa Filipino Ipinasa ni: Mia Joy Sumilig BEED 1-B Ipinasa kay: Ms. Christine Biñas Napapanahong Isyu Tungkol sa Wika Masasabi ko ngang mayaman ang ating bansa sa wika sapagkat mayroon tayong iba’t ibang pagkakasalin sa iisang salita. Mayaman nga ang ating wika ngunit may pagka-negatibong epekto din ito, dahil hindi lahat ng mga Pilipino ay nagpakadalubhasa sa ating wika. At hindi lahat ay nakapagbabasa, nakapagsasalita, nakapagsusulat at nakakaintindi ng lahat ng mga wikain sa ating bansa. Ipinanukala ni Pangulong Manuel L. Quezon ang isang Kautusang Tagapagganap Bilang 124, Serye 1937 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tatlong taon makalipas ang pagpapanukala, ay sinimulan na din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado. Noong taong 1959, ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay na rin sa Tagalog. At sa Konstitution ng 1986, Arikulo XVI, seksyon 6, nakasaad dito pinapalitan na ang tawag ng wikang pambansa, at ginawang Filipino ang Pilipino, upang mabigyan ng tamang distinksyon ang tawag sa tao at sa wika, na ang tao ay Pilipino at ang wika ay Filipino. Sa pamamagitan ng batas na ito nagkaroon ng pambansang pagkakaunawaan at global na pagkakakilanlan ang mga Pilipino. Nagkaroon din ng pangkalahatang pagkakaintindihan sa mga iba’t ibang pananaw, saloobin at kuro-kuro ng bawat indibidual. Sa kasalukuyang matinding sigalot sa bansa, anumang talakayan hinggil...

Words: 1474 - Pages: 6

Free Essay

Anytime

...EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan ng gawain. Ngunit...

Words: 17033 - Pages: 69

Free Essay

The Not so Final

...Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (University of the City of Manila) Intramuros, Maynila COLLEGE OF ACCOUNTANY AND FINANCE SI RIZAL BILANG KRITIKO NANG PAMAHALAANG KASTILA AT SALAMIN NG OPOSISYON NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON Bilang bahagi ng pangangailangan sa ANG BUHAY AT MGA SINULAT NI DR. JOSE RIZAL Bachelor of Science in Business Administration Major in Finance & Treasury Management Ipinasa ni: Bernardo, Maria Paula Dañas, Janine Alyssa Fernando, Luisa Faye Formoso, Fate Celynne Pili, Sarah Mae Salonga Jovie Lyn Ipinasa kay: Propesor Santiago Pebrero 15, 2016 I.INTRODUKSYON Naging biktima ang Pilipinas sa malupit at mapang-abusong pamamalakad at pananakop ng mga kastila. Marami sa ating mga kababayan o ninuno ang nakaranas ng paghihirap at pagmamalupit sa ilalim ng kanilang pamumuno. Naging magulo ang pulitika ng mga kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-1833). Apektado ang ating bansa dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Hindi makatarungan, malupit, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas. Na lanmang ni heneral Rafael de Izquierdo, na gumalit sa mga pilipino noong ipapatay niya kahit inosente ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Nawalang ng karapatan ang mga pilipino at ang batas daw ay para sa mga puting espanyol lamang. Ilan lamang iyan...

Words: 3782 - Pages: 16

Free Essay

Abcd

... Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay kabilang sa iisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa Metro Manila...

Words: 44725 - Pages: 179