Free Essay

Rizal at Ust

In:

Submitted By adyle23
Words 2535
Pages 11
-Nilham Cordon-
-Elyda Katreena C. Espino-
-PI 100-
-G. Henry Sampilo-

KABANATA 5 –PAG-AARAL NG MEDISINA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS (1877-1882)
Pagtutol ng Ina sa Mataas na Paaralan Pagkatapos mag-aral sa Ateneo ng may pinakamataas na karangalan, nagtungo na nga siya sa UST upang mag-aral. Noon, ang batsilyer ng sining ay katumbas lamang ngayon ng mataas na paaralan at isang taon sa kolehiyo. Noon ay isa lamang kuwalipikasyon para makapasok sa isang unibersidad. Kapwa nais ni Don Francisco at Paciano na pumasok si Jose sa isang unibersidad ngunit si Dona Teodora ay laging naalala ang nangyari sa Gomburza at tumututol sa pagpasok ni Jose. Sinabi nya sa kanyang asawa “Huwag mo na syang ipadala sa Maynila; marami na syang alam. Kung mas marami pa ang kanyang malalaman, tiyak na mapupugutan sya ng ulo. Sa kabila ng pagtutol na ito ni Dona Teodora ay ipinasama pa rin ni Don Francisco si Jose kay Paciano. Maging si Jose ay nagulat sa pagtutol na ito ng Ina dahil alam nya kung gaano nito pinapahalagahan ang edukasyon. Naisulat ni Jose sa kanyang dyornal na “Kinutuban na kaya noon ang aking ina sa kahihinatnan ko? Lagi nga kayang batid ng ina ang mangyayari sa anak?”
Pumasok si Rizal sa Unibersidad Noong Abril 1877, pumasok si Rizal na noon ay maglalabing anim na taong gulang sa UST para sakursong Pilosopiya at Sulat dahil: 1. Ito ang gusto ng kanyang ama 2. Hindi pa sya sigurado sa magiging karera nya

Sumulat sya at himingi ng payo kay Padre Pablo Ramon, Rektor ng Ateneo na naging mabuti sa kanya habang nag-aaral sya roon. Nasa Mindanao noon ang padre Rektor kaya hindi sya napayuhan kaagad. Kaya noong Unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas (1877-1878) ay nag-aral si Rizal ng kosmolohiya, metapisika, teodosiya at kasaysayan ng Pilosopiya. Nang sumunod na taon ay natanggap na ni Rizal ang payo ni Padre Rektor ng Ateneo na medisina ang mainam na kurso para sa kanya. Noon din ay nagenrol siya sa mga kursong paghahanda sa medisina. Gusto ito ni Rizal dahil ninanais niyang magamot ang pagkabulag ng kanyang ina.
Tinapos ang Kurso ng Pagsasarbey sa Ateneo Noong unang taon ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas ay nag-aral din sya sa Ateneo. Kung saan ay kumuha siya ng kursong bokayunal na nagbigay sa kanya ng titulong perito agrimensor (dalubhasang agrimensor). Nanguna si Rizal sa lahat ng asignatura ng pagseserbey at nagkamit sya ng gintong medalya sa agrikuktura at topograpiya. Sa edad na 17 ay naipasa nya ang eksamen sa kursong pagseserbey ngunit hindi kaagad naigawad sa kanya ang titulong agrimensor dahil wala pa sya sa edad. Naibigay lamang ito noong Nobyembre 25, 1881.
Bagaman tomasino, madalas pa ring dinadalaw ni Rizal ang Ateneo. Hindi lamang dahil kasalukuyan siyang nag-aaral dito, kundi dahil sa mga magaganda niyang alaala, at kung saan ang mga Heswitang propesor ay nagmamahal sa kanya at hindi katulad ng mga Dominiko. Patuloy rin siyang naging aktibo at naging opisyal pa sa mga organisasyon sa Ateneo katulad ng Akademya ng Literaturang Espanyol kung saan siya naging pangulo at kalihim sa Akademya ng mga Likas na Agham. Naging kalihim naman siya sa Kongregasyon ni Maria.
Mga Pag-ibig ni Rizal Abala man sa pag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas at mga gawain sa Ateneo, may panahon pa rin si Rizal para sa pag-ibig. Isa siyang pangaraping romantiko na gusto ring “makatikim ng pag-ibig”. Ang malungkot niyang karanasan sa unang pag-ibig ay nakatulong para matutunan niyang mas maging mas matalino sa larangan ng pag-ibig.

Pagkaraang matapos ang pag-ibig nila ni Segunda Katigbak ay niligawan niya ang isang dalagang taga-Calimba. Tinawag niya ito bilang si “Binibing L.” sa kanyang talaarawan at inilirawan niya ito na “maganda at may kahali-halinang mga mata”. Matapos na ilang beses na dalawin sa tahanan ang nasabing dalaga ay inihinto na niya ang kanyang panliligaw at tuluyan nang namatay ang kanilang pag-iibigan. Hindi na nalaman ng kasaysayan kung sino ang dalagang ito dahil hindi na sinabi ni Rizal kung sino ito at wala rin naming nakakaalam. Gayunman, sinabi ni Rizal ang dalawang dahilan kung bakit nagbago ang isip niya: 1. Iniibig pa rin niya si Segunda 2. Hindi gusto ng kanyang ama ang pamilya ni “Binibining L.”
Pagkaraan ng ilawang buwan noong ikalawang taon niya sa Unibersidad ng Santo Tomas ay nangupahan si Rizal sa bahay ni Dona Concha Leyba sa Intramuros. Naging kapitbahay niya sina Kapitan Juan at Kapitana Sanday Valenzuela ng Pagsanjan, Laguna na may magandang anak na babae na si Leonor. Niligawan niya si Leonor Valuenzela, na isang matangkad na babae na may magandang tindig. Gamit ang kanyang husay sa kimika, pinadadalhan niya si Segunda ng liham ng pag-ibig na naksulat sa tintang hindi nakikita. Ang tinta ay gawa sa ordinaryong asin at tubig. Itinuro niya kay Leonor na may palayaw na Orang kung paano ito basahin, pinapainit ito sa ibabaw ng kandila o lampara upang lumitaw ang mga salita. Ngunit, katulad ng kay Segunda ay tumigil din siya sa panliligaw kay Orang.

Ang sumunod naman niyang pag-ibig ay isa pang Leonor – si Leonor Rivera na pinsan niyang taga-Camiling. Noong simula ng kanyang ikatlong taon sa Unibersidad ng Santo Tomas ay tumira siya sa Casa Tomasina sa Blg.6 Kalye Santo Tomas, Intramuros. Ang may-ari ng bahay ay tiyuhin ni Rizal na si Antonio Rivera na may magandang anak na babae na estudyante sa Kolehiyo ng La Concordia, kung saan nag-aaral din ang bunsong kapatid ni Rizal na si Soledad. Si Leonor ay maganda, “mayumi gaya ng namumukadkad na bulaklak, na may mabuting mata”. Nagkasundo sila Leonor at Rizal at nabuo ang kanilang pag-iibigan. Sa mga liham ni Leonor kay Rizal ay “Taimis” ang inilalagdang niyang ngalan upang maitago nila ang kanyang relasyon sa mga magulang at kaibigan.
Biktima ng Kalupitan ng mga Espanyol Nang si Rizal ay nasa unang taon sa medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas ay naranasan niya ang kalupitan ng mga Espanyol. Isang gabi noon ay naglalakad siya sa kalsada sa Calamba at hindi niya napansin ang isang Guardia Civiles na nadaanan niya at hindi niya ito nasaladuhan at nabati ng “Magandang Gabi”. Nagalit ito at hinarap si Rizal, hinampas ng kanyang espada at sinaktan ang likuran. Hindi naman nagging malubha ang mga sugat ni Rizal ngunit nasaktan siya.
Isinuplong niya ang nangyaring insidente kay Heneral Fernando Primo De Rivera na Espanyol na Gobernador-Heneral noong mga panahong iyon ngunit walang nangyari sa kanyang reklamo sapagkat siya’y isang indio at Espanyol ang mapang-abusong tenyente. Kalaunan, sumulat siya noong Marso 21, 1887 kay Blumentritt at sinabi niyang “Nagpunta siya sa Kapitan-Heneral ngunit wala siyang natamong katarungan; gumaling ang aking sugat sa loob ng dalawang linggo”.
“Para sa Kabataang Pilipino” (1879) Noong 1879, nagkaroon ng paligsahan ang samahan sa Liceo Artistico-Literaro ng Maynila na mahilig sa sining at panitikan. Naglaan ito ng gantimpala para sa pinakamagandang tulang isinulat ng isang katutubo o mestizo. Si Rizal na noo’y 18 taong gulang ay nagsumite ng kanyang tulang pinamagatang “A La Juventud Filipina” (Para sa Kabataaang Pilipino). Ang mga hurado ng nasabing patimpalak na binubuo ng mga Espanyol ay humanga sa tula ni Rizal at iginawad sa kanya ang unang gantimpala na isang pilak na panulat, hugis-pakpak at may dekorasyon na gintong laso. Nagdulot ito ng lubos na kasiyahan sa batang si Rizal at taos puso siyang binate ng mga dati niyang propesor sa Ateneo, mga kaibigan at kamag-anak.
Ang nagwaging tula ni Rizal ay nagbibigay inspirasyon. Hiniling dito ni Rizal sa mga kabataang Pilipino na imulat ang kanilang mga mata sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran, hayaang pumailanlang sang kanilang talino sa sining at agham at lagutin ang tanikalang pumipigil sa diwa nila bilang tao. Ang tulang ito ni Rizal ay isang klasiko sa panitikang Filipino dahil: 1. Isa itong napakagandang tula sa Espanyol na isinulat ng isang Pilipino, na kinilala ng mga awtoridad sa panitikan na mga Espanyol 2. Ipinahayag sa tulang ito sa kauna-unahang pagkakataon ng isang Pilipino at hindi mga dayuhan ang konsepto ng pagiging makabayan, na ang kabataan ang siyang “pag-asa ng bayan”.
Para sa Kabataang Pilipino
Tema: “Lumago ka, Kiming Bulaklak”
Taas-noong tumindig ka,
O kabataan, saanman naroon,
Hayaan ang liwanag
Ng magandang bukas ay Makita,
Ikaw na pag-asa ng bayan!

Halina, ikaw na tunay na henyo,
At bigyan ng inspirasyon:
Sa tulong ng mapagpalang kamay,
Magsahangin ka nga’t ilipad
Ang aming isipan nang magkataas-taas

Bumaba kang kasama ang liwanag
Ng sining at agham, dunong na tunay,
O kabataan, kilos at kalagin
Ang tanikalang gumagapos
Sa iyong diwa at kaluluwa

Masdan ang lumiliyab na putong
Sa gitna ng mga aninong naglipana,
Mapagpalang kamay ng Inang Bayan
Putong niya’y marikit na korona
Dakilang alay niya sa lupaing ito

Panahon na upang ika’y makabangon
Iyong bagwis na papagal pagal
Sa paghahanap ng langit ng Olympia
Mga awiting pagkatamis-tamis,
Mas malamyok pa sa patak ng ulan

Ikaw, na ang dakilang tinig
Ang mas mairog kaysa Pilomel
Sa gabing tahimik, malungkot
Ikaw ang siyang tanging lunas
Ng mga kaluluwang nagdudusa

Ikaw, na ang diwa ay matalas
Ginigising, binubuhay, aking isipan;
At ang alaalang nagpapalinaw
Sa iyong henyong ilaw
Tunay na lakas ng isang immortal.

At ikaw, ang diwang malinaw
Na mahal nina Pebo at Apollo;
Ang kanilang kayang mahiwagang kamay
Ang siyang kumakalinga, umaayos
Sa kalikasan na nasa ‘yong kanbas?

Humayo ka’t pagliyabin ang apoy
Ng iyong henyo nang mangarap ng lawrel;
Kailangang maipamahagi ang apoy,
Nang makamit yaring tagumpay,
Para sa mas nakakarami sa ating lahi.

Araw, o masayang araw,
Mahal kong Pilipinas, aking bayan!
Basabasan mo kami’t alagaan
Ngayon at magpakailanman,
Tungo sa maunlad na kinabukasan.

“Ang konseho ng mga Diyos” (1880) Nang sumunod na taon (1881), nagkaroon muli ng panibagong paligsahan sa panitikan ang Liceo Artistico-Literario para sa ikaapat na sentenaryo ng kamatayan ni Cervantes na isang dakilang manunulat at awtor na Espanyol. Maraming sumali sa patimpalak at naging inspirasyon ni Rizal ang pagwawagi niya noong nakaraang taon upang sumali. Isinumite niya ang kanyang dulang alegorikal na pinamagatang El Consejo de los Dioses (Ang konseho ng mga Diyos).Pagkatapos ng deliberasyon ng mga hurado na binubuo ng mga Espanyol ay iginawad nila ang unang gantimpala kay Rizal sapagkat ito ang may pinakamahusay na pagkakasulat na mahigpit na tinutulan naman ng komunidad ng mga Espanyol sa Maynila dahil ang nagwaging awtor ay isang Indio.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay isang Indio ang nanguna sa isang pamabansang paligsahan sa panitikan at tinalo ang maraming manunulat na Espanyol. Lubos ang kasiyahan ni Rizal dahil napatunayan niyang hindi totoong mga Espanyol lamang ang nakakahigit sa anumang larangan dahil kung mabibigyan ng pagkakataon ang mga katutubo ay maipapakita nilang maari silang itapat sa anumang lahi.
Iba Pang Pampanitikang Gawain Bukod sa dalawang nagwaging trabaho ni Rizal na “A la Juventud Filipina” at “El Consejo los Dioses” ay nakagawa pa rin siya ng mga tula at isang sarswela. Ito ay ang “Junto Al Pasig” (Sa Tabi ng Pasig) na itinanghal ng mga atenista noong Disyembre 2,1880. Isinulat niya ito ng siya ay Pangulo ng Akdemya ng Literatura ng Espanyol sa Ateneo. Hindi naman ganoon kaganda ang sarswelang ito pero may mga bahagi ito na nagpahayag ng sitrika ng mga makabayang ideya ng awtor. Noong 1879, nilikha niya ang tulang “Abd-el-Azis y Mahoma” na binigkas ng isang atenista na si Manuel Fernandez noong gabi ng Disyembre 8, 1879. Noong 1880, sinulat niya ang “A Filipinas” na isang sonata kung saan hinihikayat ang mga artistang Pilipino na magbigay ng dangal sa Pilipinas at ito ay para sa album ng samahan ng mga iskultor. Noong 1881 ay isinulat niya ang “Al M.R.P. Pablo Ramon” na isang tulang nagpapakita ng pagmamahal kay Padre Pablo Ramon na isang rector ng Ateneo na naging mabuti at matulungin sa kanya.

Pagbisita ni Rizal sa Pakil at Pagsanjan Noong Mayo 1881, si Rizal ay sumama sa peregrinasyon sa bayan ng Pakil kasama ng mga kapatid na sina Saturnina, Maria, Trinidad at mga kaibigang babae. Sumakay sila sa kasko mula Calamba papuntang Pakil, Laguna at tumuloy sa mag-asawang Manuel Regalado na magulang ng kanyang kaibigan na si Nicolas.

Sa Pakil ay nabighani siya kay Vicenta Ybardaloza na mahusay tumugtog ng Alpa sa tahanan ng mga Regalado. Nagdaan sila sa Pagsanjan dahil sa: 1. Dahil dito ipinanganak si Leonor Valuenzela na naging kasintahan niya. 2. Upang Makita ang talon ng Pagsanjan na kilala sa buong mundo. Binanggit niya ang turumba sa Kabanata VI ng Noli Me Tangere at Talon ng Pagsanjan sa kanyang talaarawan sa Estados Unidos noong Mayo 12, 1888.

Kampeon ng mga Estudyanteng Pilipino Si Rizal ang kampeon ng mga estudyanteng Pilipino na madalas mapaaway sa mga mayayabang sa estudyanteng Espanyol dahil hindi nila matanggap na nahihigitan sila ng isang Pilipino kaya inininsulto nila ito at tinatawag na “Indio Chongo”. Bilang ganti, “Kastilang Bangus” ang tawag sa kanila ng mga Pilipino kaya nauuwi ito sa pag-aawayan. Nakasama rin si Rizal sa mga pag-aaway na ito at nakilala siya sa mga away na iyon dahil siya ay matapang at nakapagsanay sa pag-eeskima at wrestling. Noong 1880 ay itinatag niya ang lihim na samahan sa Unibersidad ng Santo Tomas na “Companerismo” (pagsasamahan) at “Kasama ni Jehu" naman ang tawag sa mga kasapin nito. Siya ang pinuno ng nasabing samahan at ang pinsan naman niyang si Galicano Apacible na taga-Batangas ang kalihim. Minsan ay nasugatan si Rizal sa ulo dahil sa pakikipaglaban sa Escolta sa Maynila at duguan siya na nababalutan ng alikabok. Dinala siya ng kanyang mga kaibigan sa inuupahang bahay at ginamot siya ni Leonor Rivera.
Malulungkot na araw sa Unibersidad ng Santo Tomas Hindi naibigan ni Rizal ang atmospera ng edukasyon sa Unibersidad ng Santo Tomas at hindi rin siya masaya si institusyong dominiko sapagkat: 1. Hindi maganda ang tingin sa kanya ng dominikong propesor 2. Mababa ang pagtingin sa mga estudyanteng Pilipino 3. Sina-una at mapang-api ang sistema ng pagtuturo
Inilarawan niya sa kanyang nobelang El Filibusterismo kung paano hiyain at insultuhin ng mga dominikong propesor ang mga Pilipino. Ipinakita rin niya ang sina-unang sistema ng pagtuturo lalo na sa larangan ng pagtuturo ng mga likas na agham.
Dahil sa ganitong ugali ng kanyang mga propesor ay hindi siya nagkamit ng mataas na karangalan at hindi rin kahanga-hanga ang mga nakuha niyang marka sa apat na taon ng pag-aaral niya ng medisina.
Desisyong Makapag-aral sa Ibang Bansa Matapos ang ika-apat na taon niya sa kursong medisina ay nagpasya si Rizal na mag-aral sa Espanya. Hindi na niya makayanan ang malawakang panlalait, diskriminasyon at pagkapoot sa Uinbersidad ng Santo Tomas. Agad naman siyang pinayagan ng mga kapatid at ilang mga kamag-anak at kaibigan. Sa kauna-unahang pagkakataon, hindi siya humingi ng permiso at basbas ng mga dahil alam niyang hindi ito papaya lalo na sa kanyang ina. Maging ang kasintahan na si Leonor at mga awtoridad na Espanyol ay walang kaalam-alam sa kanyang pasya na mangibang bayan para magpatuloy ng kanyang pag-aaral sa Medisina sa Espanya, kung saan ang mga propesor doon ay mas liberal kaysa sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Similar Documents

Premium Essay

Ust Rizal

...AT THE UNIVERSITY OF SANTO TOMAS 1877 – 82 2 courses enrolled at UST * Philsophy and Letters (1877 – 1878) * Medicine Mother’s Opposition to Higher Education * Don Francisco and Paciano wanted Jose to pursue higher learning * Dona Teodora opposed this RIZAL ENTERS THE UNIVERSITY April 1877, Rizal at 16 years old, entered University of Santo Tomas 2 reasons why he enrolled Philosophy and Letters * His father liked it * He was not sure what career to pursue FATHER PABLO RAMON - Rector of the Ateneo, Rizal asked for advice on the choice of career Rizal studied Cosmology, Metaphysics, Theodicy, and History of Philosophy He took up a medical course 1878-1879 because; * he followed Ateneo Rector’s advice * wanted to be able to cure his mother’s growing blindness FINISHES SURVEYING COURSE IN ATENEO 1878 * He took a vocational course in Ateneo during his first term in UST * The course lead to the title perito agrimensor (expert surveyor) * He passed the final examination at the age of 17 * He was granted the title on November 25, 1881 * His loyalty to Ateneo continued * President of the Academy of Spanish Literature * Secretary of the Academy of Natural Sciences * Secretary of the Marian Congregation ROMANCES WITH OTHER GIRLS * SEGUNDA KATIGBAK * 14 yr. old Batanguena and engaged to Manuel Luz * “MISS L” * A girl with seductive eyes. The romance died a natural...

Words: 2619 - Pages: 11

Free Essay

Scholastic Triumphs at Ateneo

...prestige as an excellent college for boys. Rizal Enters the Ateneo – June 10, 1872 Father Magin Ferrando – the college registrar when jose entered at the Ateneo municipal. There are two reasons why father Magin Ferrando refuse Rizal (1) he was late for registration (2) he was sickly and under sized for his age. But by the help of the nephew of father Burgos --- Xerez Burgos, Rizal was reluctantly admitted at the Ateneo. Jesuit System of Education – The system given by the Jesuits in the Ateneo was more advance than that of other colleges in that period. Two Groups in Ateneo 1. The Roman Empire – internos (boarders). Their banners colour is red. 2. The Carthagainian Empire – externos (non-boarders). Their banners colour is blue. Rizal’s First Year in Ateneo (1872-1873) – on his first day of class in the Ateneo June 1872, Rizal first heard mass at the college chapel and prayed fervently to God for guidance and success. Father Jose Bech – Rizal’s first professor in Ateneo. Summer Vacation (1873) – at the end of the school year in March 1873, Rizal returns to Calamba for summer vacation. He did not particularly enjoy his vacation because his mother was in prison. Second Year in Ateneo (1873-1874) – nothing unusual happened to Rizal during his second term in the Ateneo, except that he repented having neglected his studies the previous year simply because he was offended by the teacher’s remarks. Prophecy of Mother’s Release – Rizal lost no time in going to Santa Cruz in order...

Words: 1272 - Pages: 6

Free Essay

Rizal

...Jose Rizal at the University of Santo Tomas Gian Linardo Mari T. Estrella  Enrolment at the University of Santo Tomas Even if Rizal liked painting much, he was not then intending to make art as his profession. He was not yet certain of what course to pursue. In his Memorias de un estudiante, he says that he was still undecided then about the university career he would follow as the school year 1877-1878 is nearing. Different authors of Rizal give different answers on what and who influenced Rizal in opting what course to take. It is the question of who made the final choice, he himself, his mother, his father, his brother or the Jesuits. Rizal tells us that his mother was worried about him pursuing a university career in Manila because of her ingenuity, or possibly her motherly instinct. His mother Teodora feared that Rizal would come to a bad end just as the fate of ilustrados before like Father Burgos. Buthe does not say in memorias de un estudiante, he did not specify what her mother preferred for him. His brother Paciano discouraged him from taking law, because of the belief that Rizal would not be able to practice that profession due to the political conditions that time. In his memorias de un estudiante, he recalls: “I enrolled in Metaphysics because, aside From the fact that I had doubts about the career I should follow, my father wanted me to study it (Metaphysics).”  Very likely, Don Francisco had pictured Rizal having a career in Civil Law. And due to this, Don...

Words: 2045 - Pages: 9

Premium Essay

Mythology

...religious spirit transformed itself into one of nationalism and the Filipinos demanded changes in the government and in the church. A. The Propaganda Movement (1872-1896) This movement was spearheaded mostly by the intellectual middle-class like Jose Rizal, Marcelo del Pilar; Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, and Pedro Paterno. The objectives of this movement were to seek reforms and changes like the following: 1. To get equal treatment for the Filipinos and the Spaniards under the law. 2. To make the Philippines a colony of Spain. 3. To restore Filipino representation in the Spanish Cortes. 4. To Filipinize the parishes. 5. To give the Filipinos freedom of speech, of the press, assembly and for redress of grievances. B. Highlights of the Propaganda Movement There were three principal leaders of the Propaganda movement. They were Jose P. Rizal, Marcelo H. del Pilar and Graciano Lopez Jaena. Here are highlights about them and what they have done for our country. DR. JOSE P. RIZAL Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda was born on June 19, 1861 at Calamba, Laguna. His first teacher was his mother Teodora Alonozo. He studied at the Ateneo de Manila, started medicine at UST and finished at the Universidad Central of Madrid. He also studied at...

Words: 3437 - Pages: 14

Free Essay

Batas Rizal

...Ang Batas Rizal at Pagkapili sa Bayani ng Lahi I. Ano ang Batas Rizal?  Hunyo 12, 1956- pinagtibay ang Batas ng Republika Blg. 1425 at tinawag itong Batas Rizal.  Agosto 16, 1956- Naipanukala kaagad ito bilang tugon ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa pangunguna ng tagapangulo na si Senador Jose P. Laurel Sr.  Nasasaad sa batas Rizal na dapat maging bahagi ng kurikulum ng lahat ng dalubhasaan. II. Ano ang layunin ng Batas Rizal? 1. Maikintal sa isipan ng bawat mag-aaral na sa mga akdang isinulat ni Rizal nagmula ang simulain ng kalayaan at nasyonalismo 2. Maipaunawa na ang mga simulain, mithiin, kaisipan at pagpapahalaga sa kalayaan ng bayan ay mga naging dahilan ng kamatayan ni Rizal. 3. Mailahad nang maayos ang mga katangian, kaasalan kakayahan at pagkatao ni Rizal gayundin ang kanyang kaisipan at mga ideya nang sa gayon, malinang ang kagandahang-asal, disiplinang pansarili, mga sibikong Gawain at pagkamabuting mamamayan. III. Paano napili si Rizal bilang Pambansang Bayani?  Mga Nagpasiyang pumili ng isang pambansang bayani na magiging huwaran ng mga mamamayang Pilipino. 1. Komisyoner William Howard Taft 2. W. Morgan Shuster 3. Bernard Moises 4. Dean Warcester 5. Henry Clay Ide 6. Trinidad Pardo de 7. Gegorio Araneta 8. Cayetano Arellano 9. Jose Luzurriaga  Pinagpasiyahan nila na si Dr. Jose Rizal ang nararapat na maging pambansang bayani ng Pilipinas.  Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, dalubhasa sa Antropolohiya at teknikal...

Words: 1484 - Pages: 6

Free Essay

Rizal

...MAIKLING TALAMBUHAY NI JOSE PROTACIO RIZAL (Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, Dakilang Henyo ng Lahing Malayo) ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861) BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896) Mga Magulang: FRANCISO MERCADO at TEODORA ALONSO (“Z” sa ibang aklat) Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik); Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila) Nagbinyag: Padre Rufino Collantes Ninong: Padre Pedro Casañas Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao) Buong Pangalan: Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda Jose Protacio - first name Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19) Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang Español Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley) Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa/maiden name; middle name ni Jose Rizal Realonda: middle name ng kanyang ina...

Words: 3770 - Pages: 16

Free Essay

Tiiytiiyuiyfk

...No events | History THE UNIVERSITY OF SANTO TOMAS IS THE OLDEST EXISTING UNIVERSITY in Asia. In terms of student population, it is the largest Catholic university in the world in a single campus. The institution was established through the initiative of Bishop Miguel de Benavides, O.P., the third Archbishop of Manila. On July 24, 1605, he bequeathed the amount of P1,500 and his personal library for the establishment of a “seminary-college” to prepare young men for the priesthood. Those funds, and his personal library, became the nucleus for the start of UST and its library. The founding of the University of Santo Tomas followed on April 28, 1611. The original campus was located in Intramuros, the Walled City of Manila. UST was first called Colegio de Nuestra Señora del Santisimo Rosario, and later renamed Colegio de Santo Tomas, in memory of the foremost Dominican Theologian, St. Thomas Aquinas. On July 29, 1619 the Colegio was authorized to confer academic degrees in theology and philosophy. By November 20, 1645, Pope Innocent X elevated the college to a university. In 1680, it was subsequently placed under the royal patronage of the Spanish monarchy. In 1681, Pope Innocent XI declared it a Public University of General Studies allowing it to confer other degrees. In 1734 Pope Clement XII authorized the University to confer degrees in all existing faculties as well as all others that might be introduced in the future. The Pope also approved the curriculum in the entire field...

Words: 791 - Pages: 4

Premium Essay

Autobiography of Rizal

...DR JOSE PROTACIO RIZAL MERCADO ALONZO Y REALONDA * was born June 19 1861 and died December 30 1896 * Father: Francisco Mercado; Mother: Teodora Alonso * was 7th among 11 children * age 9 was sent to Binan for a formal Schooling * age 11 he went to Manila to study in Letran. Being a late-comer he was denied admission * Rizal then went to Ateneo and was later accepted * on March 23 1877, age 16 he received the degree bachiller en artes at that time the equivalent of a HS Diploma. * at age 17 he was enrolled in the University of Santo Tomas (DOMINICAN) as a Medical Student while also enrolled at Ateneo Municipal de Manila (JESUITS) to become an Agrunensor y Perito Tasador de Tierras (LAND SURVEYOR) * at Ateneo, he learned JUSTICE, EQUALITY & FAIRNESS RIZAL'S TRAVEL IN EUROPE SPAIN: * age 21 after graduating from his Medical Course from UST, he boarded Salvadora on May 3, 1882 for Singapore * Nov 3 1882, he enrolled himself at the Universidad Central de Madrid, in 2 courses: MEDICINE & PHILOSOPHY and LETTERS. June 21 1884, he completed his Degree in Medicine. Was given the Degree of Licentiate in Medicine. * he was a member of the MASONIC ACACIA LODGE. * on JUNE 25 1884, he delivered a toasting speech, the BRINDIS, in honor of the 2 FILIPINO PAINTERS: Felix Resurrection Hidalgo ( Las Virgenes Cristianas Expuestas al Populacho/ Christian Virgins Exposed to the Populace) and Juan Luna (Spolarium) FRANCE: * he...

Words: 858 - Pages: 4

Premium Essay

Rizal's Education

...Rizal’s Education Subject: PI 11 Life, Works and Writings of Dr. Jose Rizal Schedule: 9:00-10:30 TTh AE 306 Submitted to: Ms. Jennifer M. Bito Submitted by: Group 2 Charaychay, Kalie Kalaya B. Ligawen, Melody Y. Submitted on: February 11, 2016 Early Education The hero’s first teacher was his mother, Dona Teodora. On the age of three, Jose already learned his alphabet, how to pray, and reaching the age of 5, he can read the Holy Bible and he can also write in Spanish. As early as his age, his mother told a story about the “The Young Moth”, which made the profoundest impression on him in the tragic fate of the young moth, which died a martyr to its illusions. When Jose grew older, his parents employed private tutors, Maestro Colestino was Jose’s first private tutor, second private tutor was Maestro Lucas Padua and his third tutor was Maestro Leon Monroy, a classmate of his father, who taught Rizal in Spanish and Latin for five months. Education at Binan, Laguna Five months later, the latter maestro died and Jose was sent to a school in Binan. In June 1869, Jose travelled to Binan, accompanied by Paciano(his older brother). Upon arriving at Binan, Jose lodged at the house of his aunt. Maestro Justiano Aquino Cruz was his first formal teacher. Jose described his teacher as follows: "He was tall, thin, long-necked, with sharp nose and a body slightly bent forward, and he used to wear a sinamay shirt, woven by the skilled hands of the women of Batangas. He knew...

Words: 5012 - Pages: 21

Premium Essay

Rizal's Homecoming

...the Philippines • Inquire why Leonor Rivera remained silent 2. Storm over the Noli. • His enemies plotted his doom • Translated German poems of Von Wildernath to Tagalog • Governor General Emilio Terrero requested Rizal to the Malacañang Palace - Noli – subversive ideas - Rizal denied the charges against him – exposed the truth; did not advocate subversive ideas • Asked the Jesuits for the copy he sent – no • Fathers: Francisco de Paula Sanches, Jose Bech & Federico Faura – glad to see him– - Noli – speaks the truth; you may lose your head for it • Governor General Terrero – liberal-minded Spaniard - Assigned Spanish Lieutenant Don Jose Taviel deAndrade as bodyguard of Rizal - Cultured and knew painting - Could speak English, French & Spanish • Governor General Terrero found nothing wrong with Noli • Msgr. Pedro Payo (Dominican Archbishop of Manila) – sent a copy of Noli to Father Rector Gregorio Echavarria (UST) for examination by the faculty - Noli – heretic, impious & scandalous in the religious order; anti-patriotic, subversive of public order, injurious to the government of Spain & its functions in the PH islands in the political order • Governor General Terrero – dissatisfied with the report – Dominicans were prejudiced against Rizal • Permanent Commission of Censorship – composed of priests and laymen • Fr. Salvador Font (Agustinian cura of Tondo) – head of the Commission - Noli – subversive ideas against the church & spain - Importation, reproduction...

Words: 1127 - Pages: 5

Premium Essay

Introduction to Rizal Course

...LECTURE GUIDE IN SOC 6 WEEK 1—ORIENTATION / INTRODUCTION TO RIZAL COURSE WEEK 2 BACKGROUNDER OF RIZAL’S FAMILY / HISTORICAL BACGROUND OF RIZAL: A. ANCESTRY OF RIZAL. Rizal came from a mixture of races. From his father side, his great grandfather was a Chinese merchant from Amoy, China. In the closing year of the 17th century, Domingo Lamco who assumed the family surname “ Mercado “ in consonance with the decree of Governor General Narciso Claveria to free all Spanish subjects and their children from prejudices associated with having Chinese surnames. Lamco married a wealthy Chinese mestiza, Ines dela Rosa and from Manila, they moved to Binan and became tenants in the Dominican hacienda which those time large portion of the town were owned by Dominican friars. Rizal’s great grandfather was Francisco Mercado, the son of Domingo and Ines dela Rosa, who married a Chinese mestiza Cirila Bernacha, had a son by the name of Juan Mercado, who married a Chinese mestiza Cirila Alejandrino, serving as Riza’s grandfather. Juan and Cirila had 14 children, one of whom was Francisco Mercado, Rizal’s father who married Teodora Alonzo. Rizal’s father was an erudite man. He took courses in Latin and Philosophy at Colegio de San Jose in Manila. For Rizal, his father was a model father because of his honesty, industry and prudence. Rizal inherited from his father self – respect, serenity and poise, seriousness and a deep sense of dignity. On the other hand, from his mother side, Rizal’s...

Words: 12010 - Pages: 49

Free Essay

Thesis

...INTRAMUROS Intramuros (Latin: within the walls) is the historic centre and oldest district of Manila, the capital city of the Philippines. Also known as the Ciudad Murada (Walled City) because of its most famous feature: a nearly three-mile-long circuit of massive stone walls and fortifications that almost completely surrounds the entire district. Understand From the city's foundation in 1571 to the end of Spanish rule in 1898, Intramuros was Manila. The Spanish conquistador Miguel López de Legazpi laid the foundations of the new capital on the former site of Maynilad, a palisaded riverside settlement ruled by a native chieftain. To protect the inhabitants from attack, in the late 1500s construction began on a series of stone walls and fortifications that would eventually enclose a pentagonal area approximately 0.67 sq km in size, within which lay a tight grid-like system of streets and a main square surrounded by government structures. The defensive curtain was more or less completed by the 1700s, although improvements and other construction work continued well into the next century. Within the protective walls rose a city of stone palaces, churches, monasteries, convents, schools, and fine courtyard houses. In the centuries that followed, Manila (meaning Intramuros) served as the capital of the Spanish East Indies - the centre of commerce, education, government, and religion in Spain's most distant imperial possession. Except for a brief period under British rule (1762-1764)...

Words: 4150 - Pages: 17

Free Essay

Buhay Ni Rizal

...BUHAY NI JOSE RIZAL PERYODISASYON 1861 – 1882 (Mga Taon ng Pagsibol) 1882 – 1887 (Pagyabong sa Ibayong Lupain) 1887 – 1888 (Pagsapit ng Unos) 1888 – 1892 (Pakikibaka at Radikalisasyon) 1892 – 1896 (Takipsilim ng Isang Buhay at Bukangliwayway ng Isang Bayani) 1861 – 1882 Mga Taon ng Pagsibol ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna mula sa pamilyang inquilino umuupa sa mga Dominico Francisco Mercado Rizal (1818 – 1898) Teodora Alonso Realonda (1826 – 1911) bininyagan noong Hunyo 22, 1861 ng kura parokong si Padre Rufino Collantes Padre Pedro Casañas – nagsilbing ninong Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ika-7 sa 11 magkakapatid Saturnina (1850-1913) Paciano (1851-1930) Narcisa (1852-1939) Olimpia (1855-1887) Lucia (1857-1919) Maria (1859-1945) Jose (1861-1896) Concepcion (1862-1865) Josefa (1865-1945) Trinidad (1868-1951) Soledad (1870-1929) Calamba pusod ng kasaganaang agrikultural tubo, palay, mais, prutas maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina bahay na bato sa tapat ng simbahan, may karwahe at pribadong aklatan maagang edukasyon ina – unang guro (alpabeto, dasal, tula) pribadong guro Maestro Celestino Maestro Lucas Padua Leon Monroy mga tiyo Gregorio - pagbabasa Manuel – palakasan Jose Alberto – sining Sa Aking mga Kabata Biñan – Maestro Justiniano Aquino Cruz mga kasawian sa batang gulang pagkamatay ng kapatid na si Concepcion sa edad na 3 dahil sa sakit pagkakakulong ng 2 ½ taon...

Words: 4465 - Pages: 18

Premium Essay

Rizal

...TALAHANAYAN NG BUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A. Pagsilang 1. Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2. Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3. Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4. Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A. Magulang 1. Francisco Mercado 1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose 3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. 4. Namatay noong Enero 5, 1898. 2. Teodora Alonzo 1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila 2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa 3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. 4. Namatay noong Agosto 16, 1911 A. Magkakapatid na Rizal 1. Saturnina 2. Paciano 3. Narcisa 4. Olympia 5. Lucia 6. Maria 7. Jose 8. Concepcion 9. Josefa 10. Trinidad 11. Soledad A. Mga Ninuno 1. Ninuno sa Ama 1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si 2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak...

Words: 15260 - Pages: 62

Premium Essay

Rizal

...sBUHAY, GINAWA, AT MGA SINULAT NI JOSE RIZAL KABANATA 1 - ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI A.    Pagsilang 1.     Isinilang si Rizal Noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna 2.     Bininyagan sa simbahan ng Calamba noong Hunyo 22, 1861. 3.     Padre Rufino Collantes - paring nagbinyag kay Rizal 4.     Padre Pedro Casanas - nagsilbing ninong ni Rizal A.    Magulang 1.     Francisco Mercado 1. Ipinanganak noong Mayo 11, 1818 2. Nag-aral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San San Jose 3. Lumipat ng Calamba upang maging kasama sa Haciendang Dominicano sa Calmba. 4. Namatay noong Enero 5, 1898. 2.     Teodora Alonzo 1. Ipinanganak noong Nobyembre 8, 1826 sa Maynila 2. Nag-aral sa Colegio de Santa Rosa 3. Mayroong interes sa literatura at mahusay sa wikang Espanyol. 4. Namatay noong Agosto 16, 1911 A.    Magkakapatid na Rizal 1.                 Saturnina 2.                 Paciano 3.                 Narcisa 4.                 Olympia 5.                 Lucia 6.                 Maria 7.                 Jose 8.                 Concepcion 9.                 Josefa 10.            Trinidad 11.            Soledad A.    Mga Ninuno 1.     Ninuno sa Ama 1. Domingo Lamco (Mercado) napangasawa si Ines de la Rosa naging anak si 2. Francisca Mercado at napangasawa si Cerila Bernacha naging anak si 3. Juan Mercado at napangasawa si Cerila Alejandro at naging anak si 4. Francisco...

Words: 16364 - Pages: 66