...kanyang buhay mula sa kasaysayang pang-elementarya hanggang sa PI 100 sa kolehiyo. Nakatatak ang kanyang pangalan sa napakaraming lansangan. Nakaukit ang kanyang mukha sa ating piso. Hindi nakapagtatakang isa na namang monumento ang itinayo para sa ating pambansang bayani . Sa pagkakataong ito, sa anyo ng pelikulang Jose Rizal ni Marilou Diaz-Abaya. Aakalaing nakakapagal ang pelikula --tipong katulad ng walang kaluluwang centennial celebration na isinasagawa ng gobyerno at ng National Centennial Commission (na isa sa mga tumulong upang maisakatuparan ang proyektong ito). Bukod pa sa tumatakbo nang mahigit sa tatlong oras ang pelikula, mahirap umasa ng anumang bago sa isang kuwento na makailang-ulit nang inilahad sa iba't ibang paraan. Ano pa ba'ng tungkol kay Rizal ang hindi nabanggit ng ating mga libro sa kasaysayan? Ano pa ba ang hindi natin napanood sa light and sound show sa Luneta, sa "Dalawang Bayani," o sa "Rizal sa Dapitan. Sa simula pa lamang nito ay mabilis na napapapawalang-totoo ang mga ganitong palagay. Dito na marahil magsisimula ang ating listahan ng mga hindi inaasahan sa pelikula. Hindi inaasahan, dahil na rin sa relatibong mababang kalidad ng ilang pelikulang Pilipino -- pang-sentenaryo man o hindi -- sa kasalukuyan." "Hindi inaasahan," dahil na rin sa relatibong "mababang kalidad" ng ilang pelikulang Pilipino -- "pang-sentenaryo" man o hindi -- sa kasalukuyan.Pinasisilip kaagad ang manonood sa isang aspeto ng buhay ni Rizal (Cesar...
Words: 3129 - Pages: 13
...ukol sa storya ng buhay ng ating pambansang bayani, Si Dr. Jose Protacio Mercado Alonso y Realonda o mas kilala bilang Dr. Jose Rizal. Ang pelikula ay umiikot sa layuning makagawa ang mga tauhan (Ricky Davao at Cris Villanueva) ng isang dokumentaryo na nagpapakita ng akma at mga mismong nangyari sa buhay ni Rizal. Sa pelikulang ito makikilala ang ating pambansang bayani sa isang mas malalim na perspektibo sa pamamagitan ng pananaliksik sa iba' ibang panig ukol sa pagkabayani ni Rizal. Hangad nitong ipaalam sa mga manonood ang mga isyung bumabalot sa buhay ni rizal at ang mga katotohanang nakakubli rito. Ang unang isyung tinalakay ay ang retraksyon. Totoo nga ba ito o hindi? Maraming argumento. Naipakita nila ang pagpapaliwanag tungkol sa retraksyon sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga tauhan sa buhay ni Rizal tulad nina Doña Lolay ( Daria Razon ), Josephine Bracken ( Lara Fabregas ), Doña Narcisa at Trining ( Rio Locsin at Cherry Pie Picache) , Paciano ( Joonie Gamboa ) at Padre Ballaguer at Oba at siyempre kay Rizal. Kaugnay ng isyung retraksyon, lumutang din ang kaduda-dudang relasyon nina josephine Bracken at Rizal. Sinasabing ginawa ni Rizal ang retraksyon upang tanggapin siya muli ng simbahan at maikasal kay Bracken. Diumano, matapos gawin ang retraksyon ay hindi ito nilagdaan ni Rizal dahil gusto nya munang maikasal sila ni Bracken. Ang paglulunsad din ni Rizal ng tahimik na rebolusyon ay umani ng iba't ibang batikos. sa kabila ng paghihikayat ni Pio Valenzuela na...
Words: 471 - Pages: 2
...Ang Buhay ng Isang Bayani Kagaya ng karamihang Pilipino, ipinakilala si Rizal sa kin noo’y ako ay bata pa lamang, sabalit para sa akin, na marahil ay gaya rin sa lahat, si Rizal ay nanatili lamang bilang isang pangalan. Sa eskwelahan, si Rizal ay ang bayaning lumaban sa mga Kastila gamit ang kanyang talino imbis na lumaban gamit ang mga sandata (sa madugong paraan). Ilang daang taon na ang nakalipas mula noong pinatay si Rizal, makikita pa rin sa mga Pilipino na buhay na buhay pa rin siya sa ating puso at damdamin. Bawat isa sa atin ay mayroong nalalaman tungkol sa kanya. Subalit alam nga ba talaga natin ang buo at totoong kwento ng ating kinikilalang pambansang bayani na nagligtas sa atin sa ilalim ng pananakop ng mga Espanyol? Base sa pinanunod naming palabas, Ang Buhay ng Isang Bayani, nakaraang Martes, marami akong natutunang mga bagong kaalaman tungkol kay Rizal. Marami akong naunawaang bagay hindi lamang iyong mga may kinalaman sa mga ginawa ni Rizal ngunit pati na rin sa sambayanang Pilipino. Namulat ako sa mas detalyadong buhay na pinagdaanan ni Jose Rizal. Tunay ngang kay hirap ng kanyang pinagdaanan, mula sa kanyang simpleng buhay sa probinsya patungo sa napakomplikadong estado o sitwasyon sa kulungan. Ngunit tulad ng isang pruparo, naging makulay ang kinahantungan ng kanyang buhay. Marami siyang kinailangang isakripisyo upang makapag-aral ng mga iba’t ibang kurso. Kinakailangan niyang iwanan ang kanyang pamilya at maglakbay patungo sa kabilang dako ng mundo...
Words: 405 - Pages: 2
...Ang Batas Rizal at Pagkapili sa Bayani ng Lahi I. Ano ang Batas Rizal? Hunyo 12, 1956- pinagtibay ang Batas ng Republika Blg. 1425 at tinawag itong Batas Rizal. Agosto 16, 1956- Naipanukala kaagad ito bilang tugon ng Lupon ng Pambansang Edukasyon sa pangunguna ng tagapangulo na si Senador Jose P. Laurel Sr. Nasasaad sa batas Rizal na dapat maging bahagi ng kurikulum ng lahat ng dalubhasaan. II. Ano ang layunin ng Batas Rizal? 1. Maikintal sa isipan ng bawat mag-aaral na sa mga akdang isinulat ni Rizal nagmula ang simulain ng kalayaan at nasyonalismo 2. Maipaunawa na ang mga simulain, mithiin, kaisipan at pagpapahalaga sa kalayaan ng bayan ay mga naging dahilan ng kamatayan ni Rizal. 3. Mailahad nang maayos ang mga katangian, kaasalan kakayahan at pagkatao ni Rizal gayundin ang kanyang kaisipan at mga ideya nang sa gayon, malinang ang kagandahang-asal, disiplinang pansarili, mga sibikong Gawain at pagkamabuting mamamayan. III. Paano napili si Rizal bilang Pambansang Bayani? Mga Nagpasiyang pumili ng isang pambansang bayani na magiging huwaran ng mga mamamayang Pilipino. 1. Komisyoner William Howard Taft 2. W. Morgan Shuster 3. Bernard Moises 4. Dean Warcester 5. Henry Clay Ide 6. Trinidad Pardo de 7. Gegorio Araneta 8. Cayetano Arellano 9. Jose Luzurriaga Pinagpasiyahan nila na si Dr. Jose Rizal ang nararapat na maging pambansang bayani ng Pilipinas. Ayon kay Dr. H. Otley Beyer, dalubhasa sa Antropolohiya at teknikal...
Words: 1484 - Pages: 6
...Isang pagsusuring pampelikula ni Marilou Diaz-Abaya sa pagdulog na historikal- bayograpikal I. Pamagat Sabi nga ng mga batikan nating direktor sa industriya gayundin sa larangan ng paggawa ng mga pelikula’t dokumentaryo, ang pamagat o ang titulo nito ang siyang pangunahin at huling elemento na kinakikitaan ng malaki at masusing pagkikritiko upang mabigyan ito ng mahusay na pagpapahalaga. Dito rin nakasalalay ang kabuuan ng istorya at hugis nito upang maihatid sa mga manunuod ang tunay o awtentikong pagpapakahulugan nito. Samakatwid, sa pelikulang pinanghawakan ni Abaya, ang “José Rizal” ay isang makapangyarihan at maipluwensiyang obra sapagkat matapang at puro ang intensyong ginamit nito upang mahikayat ang mga tao sa panunuod lalo na’t maraming mga mananaliksik at Rizalista ang naglalayong mas makilala ang pambansa nating bayani. Mabuti na lamang at patuloy pa rin ang pag- usbong ng mga ganitong direksyon sapagkat mas maimumutawi sa ating mga Pilipino ang tungkol sa mga bagay- bagay na siyang bumubuhay sa ating kasaysayan. II. Paksang Diwa Dito naipakita ang buhay ng ating Rizal gayundin ang relasyon nito sa kaniyang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Maliban rito ay napaisantabi rin ang mga pangarap niya para sa bansa, ang pagsasakripisyo niya para sa taong bayan, ang padungis nito sa katauhan para sa pagmamahal at sa pag- iwan nito sa Inang bayan at pamilya para sa edukasyon, karangalan at pagbuo ng isang lipi na maglalayong pakawalan ang bansa...
Words: 3721 - Pages: 15
...Jose Rizal Directed by: Marilou Diaz-Abaya; GMA FILMS PRODUCTION 19th Century Spain saw her empire crumble away as colonies like Chile, Peru and Cuba rose in arms and achieved their independence. In the Philippines, Spain faced the threat of yet another revolution due to mounting social unrest among the natives. Jose Rizal, at age of 35, was the greatest political enemy of Spain in the Philippines. With his exceptional linguistic ability and interest in the science and arts, Rizal was most effectibe in his campaign for freedom as a writer. His novels Noli Me Tangere and El Filibusterismo were scathing indictments of Spanish tyranny and of the Church which came to acquire immense political power. Ghent, Belgium. 1891 – Rizal “Ang bayan ay may cancer, na panlipunan, na kailangan ibilad sa templo ng sambayanang Pilipino, at sa hangahang ito, sisikapin kong maikintal ang iyong kalagayan ng buong katapatan ng walang itinatanggi. Itataas ko ang lambong na nagtatago sa kalinisan na ipinagpapakasakit ng lahat sa katotohanan. Maging ang pag-ibig sa sarili, sapagkat bilang anak, alos kong ako man ay may sarili ring pagkukulang at katuwaan. Ang aklat ay nagkakaroon ng mga bagay na ngayon lang may magsisiwalat. Napakaselan ng mga ito, kaya’t sinuman ay walang sumalang. Pinagsikapan kong isagawa ang ayaw isagawa ng iba. Sinikap kong sagutin ang mga paghamak na sa loob ng daang taon ay naitambak sa atin at sa ating lupang sinilangan.” Panunuring Pampelikula JOSE...
Words: 2076 - Pages: 9
...FINANCE SI RIZAL BILANG KRITIKO NANG PAMAHALAANG KASTILA AT SALAMIN NG OPOSISYON NG KASALUKUYANG ADMINISTRASYON Bilang bahagi ng pangangailangan sa ANG BUHAY AT MGA SINULAT NI DR. JOSE RIZAL Bachelor of Science in Business Administration Major in Finance & Treasury Management Ipinasa ni: Bernardo, Maria Paula Dañas, Janine Alyssa Fernando, Luisa Faye Formoso, Fate Celynne Pili, Sarah Mae Salonga Jovie Lyn Ipinasa kay: Propesor Santiago Pebrero 15, 2016 I.INTRODUKSYON Naging biktima ang Pilipinas sa malupit at mapang-abusong pamamalakad at pananakop ng mga kastila. Marami sa ating mga kababayan o ninuno ang nakaranas ng paghihirap at pagmamalupit sa ilalim ng kanilang pamumuno. Naging magulo ang pulitika ng mga kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-1833). Apektado ang ating bansa dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Hindi makatarungan, malupit, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas. Na lanmang ni heneral Rafael de Izquierdo, na gumalit sa mga pilipino noong ipapatay niya kahit inosente ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Nawalang ng karapatan ang mga pilipino at ang batas daw ay para sa mga puting espanyol lamang. Ilan lamang iyan sa maga bagay na ginawa ng mga kastila sa ating bansa, na gumising sa pagka-makabayan ng ating bayaning si rizal. Pinamunuan...
Words: 3782 - Pages: 16
...Filibusterismo ay nobela ni Rizal na konektado sa kanyang unang libro na Noli Me Tangere. Mula sa Noli Me Tangere nasaksihan natin ang mga pangyayari na kung saan nagsimula ang lahat sa masasayang bagay at nagtapos sa malungkot na pangyayari. Tulad na lamang ng pagkamatay ni Elias na nagligtas sa buhay ni Crisostomo Ibarra at si Sisa, ang inang nangugulila sa kanyang mga anak sa loob ng mahabang panahon.Sa nobela ng Noli Me Tangere naipakita na sa ating mga mambabasa kung gaano kalupit ang mga namumuno sa atin noong unang panahon, Ipinakita ni Rizal sa atin na ang kasiyahan noong kanyang panahon ay saglitan lamang dahil sa kalupitan ng espanya, ang namuno sa ating bayan noon, Unang ipinapakita sa eksenang pagpapapatay sa amain ni Crisostomo Ibarra na si Don. Rafael Ibarra ang kalupitan ng pamahalaan at simbahan at ang huli naman ay ang pagmamalupit nila kay Crisostomo Ibarra na siyang dahilan kung bakit ito tumakas ng San Diego at magbagong buhay. Mula sa Europa ang Crisostomo Ibarra na ating nakilala ay bumuo ng bago nitong katauhan na kung saan ang mapagmahal at matulungin na binata ay naging isang malupit, mapusok at walang puso na mag aalahas na wala nang ibang hinagad kundi ang maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang ama at ang pagpapahirap ng mga espanyol sa mga Pilipino. Ipinakita sa Nobela na ito na ang kabaitan at pasensya ng tao kapag nasagad ay may hangganan din, ‘masyado tayong minaliit ng mga taong tingin sa sarili ay may kaya’ yan ang bumalot sa puso’t isipan ni Ibarra kaya siya...
Words: 1163 - Pages: 5
...Paksa: Pangalawang Paglalakbay ni Rizal sa Paris at Eksposisyong Unibersal ng 1889 Taga-Ulat: Jim Nepomuceno Roselyn Odiaman Veneracion Calderon Asignatura: M.S. 1 (Buhay at Gawa ni Rizal Instructor: Edna A. Pante Ed.D ____________________________________________________________________________________ Pangalawang Paglalakbay ni Rizal sa Paris at Eksposisyong Unibersal ng 1889 Pangalawang Paglalakbay ni Rizal sa Paris at Eksposisyong Unibersal ng 1889 Marso 1889 - naging mahirap para sa isang bisita ang paghahanap ng matitirahan sa Paris Mayo 6, 1889 - Eksposisyong Unibersal - nakahikayat ng maraming turista kaya lahat ng akomodasyon ng mga otel ay nakuha na. Naging mataas ang halaga ng pamumuhay sa Paris. - nanamantala ang mga may-ari ng mga paupahang bahay at otel kaya naging mataas ang renta. Hirap sa Paghahanap ng Matitirahan sa Maynila Blg. 45 Rue Maubeuge - bahay ng kanyang kaibigan na si Valentin Ventura - pansamantalang tumuloy si Rizal dito - dito niya iniayos ang kanyang anotasyon sa aklat ni Morga Lumipat siya ng bahay at otel ng makailang beses Nakakuha rin siya ng maliit na silid. Kasama niya rito sina Kapitan Justo Trinidad - dating gobernadorsilyo ng Santa Ana at isang takas mula sa pagmamalupit ng mga Espanyol at si Jose Albert - batang estudyanteng taga-Maynila Hirap sa Paghahanap ng Matitirahan sa Maynila Kahit masaya ang buhay niya sa Paris, makabuluhang bagay pa rin ang kanyang pinagkakaabalahan. Buhay sa Paris Bibliotheque Nationale...
Words: 1952 - Pages: 8
...| | |Konsepto ni Rizal ng "Tao" at ng "Lipunan" | | |ni Ronda Chu Casaclang | | | | | | Ayon pag-aaral ni Cesar Majul, ang pangunahing pananaw ni Rizal sa "tao" ay bilang isang nilalang na moral at ang | | |"lipunan" bilang sistema ng ugnayang moral. Ang teorya ni Rizal sa tao at lipunan ay may dalawang mithiin. Una, nais niyang | | |ikintal at palaguin sa isipan ng kanyang mga kababayan ang pagkakaroon ng moral na dignidad. Pangalawa, ninais niyang mgahain | | |ng apela sa Espanya upang bigyan ng pagkilala ang mga karapatan ng mga Pilipino. Kanyang pinanindigan na ang pag-unlad ng moral| | |na dignidad ng mga Pilipino ay ang paangunahing sangkap sa pagtaguyod ng ilang pangunahing reporma at sa pagkilala ng kanilang | | |karapatan, ito'y paawang hinihiling sa pamahalaan ng Espanya. Ang konsepto ni Rizal ng "tao" at "lipunan" ay ginagabayan ng | | |tatlong pangkabuuang prinsipyo. Una, ang tao by nature ay nagtataglay ng natatanging intelektwal at moral na kakayahan. | | |Ikalawa, ang mga kakayahang ito ay may natural na agos tungo sa pag-unlad, pag-unlad na sa pagkakahulugan ay kabuuang pag-unlad| | ...
Words: 6956 - Pages: 28
...9 Panitikang Asyano Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo at/o unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. DRAFT April 1, 2014 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas (Gabay ng Guro) 1 DRAFT April 1, 2014 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA 2 I. PANIMULA Matapos na pag-aralan sa Baitang 8 ang mga panitikang pambansa, tiyak na napaghandaan ng mga mag-aaral ang malalim na pagtalakay at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan ng mga karatig-bansa sa Asya. Sa Modyul1, matutunghayan natin ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa module na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Inaasahang pagkatapos ng Unang Markahan, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral...
Words: 8963 - Pages: 36
...Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro 2. Layunin ng may akda Maipaalam ang mga dahilan kung bakit tinatawag na tamad ng mga dayuhan o ng mga Kastila ang mga Pilipino na tamad sa kabila ng mga bagay na ginawa nng ating mga ninuno sa kanila.Mga dahilang siyantipiko at mga katotohanang tayo tayo lamang ang nakakaintindi sa panahong iyon. 3. Kaugnayan ng akda sa buhay ng manunulat Isinulat ito ni Rizal sa pangalawang pagkakataong pagpatong nya ng Europa. Hinggil sa mga sinasabi ng mga Kastila na paninira nila sa ating mga Pilipino mga pang-iinsulto na mayroong mga maling batayan. Ang pagsasabi nila ng tamad sa ating mga ninun ang pinakarason ni Rizal patungkol dito. Mga pasubali na binigyan ni Rizal ng mga katanggap-tanggap na mga kasagutan. 4. Ipaliwanag ang Sosyo-Pulitika na na ugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito. Hindi pantay para sa mga Pilipino ang pamumuhay noon dahil na rin sa pananakop. Ngunit, naging malaking parte ang mga akda dahil isa ito sa naging instrumento panglaban sa mga dayuhan. Hindi man halata, nagbigay ito ng lakas ng loob sa mga Pilipino upang lumaban. 5) Paano parin ito nakaimpluwensya sa ating panahon? Magtala ng halimbawa na mangyayari sa ating lipunan. Dahil sa kakaibang...
Words: 1617 - Pages: 7
...Nagsimula ang lahat sa paglalahad ni Rizal ng katotohanan sapamamagitan ng kanyang mga nobela. Ang Noli Me Tangere at El filibusterismo ang naging hakbang sa pagtaas ng tabing upang itambad ang nasalikod na mapanlilang na salita ng pamahalaan at simbahan. Sa nobela sinagot ang mapanirang puring paratang sa mga Pilipino. Inilahad ang kawawang kalagayan ng Pilipinas, ang kanilang daing. Dahil sa mga nobela ni Rizal, nabuhay sa puso ng mga Pilipino ang kanilang galit sa pamahalaan maghimagsik at makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa mapanlinglang na pamahalaan ng Espanya. Sa kadahilanang ito, ang pamahalaan ng Espanya ay pinagbibintangan si Jose Rizal bilang pasimuno ng rebelasyon. Maging ang kanyang kapatid na si Paciano ay pinahirapan para paaminin na si Rizal ay may-kaugnayan sa nasabing rebelasyon. Nobyembre 1896 nadakip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon siya ay pilit na ipinaaamin kung may kinalaman siya sa rebelasyon. Nagunita rin ni Rizal ang kanyang nakaraan, kung paano naikwento sa kanya ni Paciano ang pagbitay sa tatlong paring martyr na GOMBURZA, ang pagtuturo ng kanyang ina na si Teodora Alonzo ng tamang pagdarasal at ang kwento ng batang gamo-gamo, ang pagpunta niya sa Biñan upang mag-aral, ang pagkakakulong ng kanyang ina ng dalawang taon dahil sa bintang na nilason niya ang kanyang hipag, ang buhay niya sa Ateneo Municipal at ang paggamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang nanang. Katulad ng ibang nasasakdal, si Rizal ay pinapili ng kanyang abugado...
Words: 1538 - Pages: 7
...Pag-Ibig ni Rizal Kuwento ni Alberto Segismundo Cruz Silahis, Abril 22, 1 -- Ang lalong matatamis na alaalang pinitas sa sanga ng walang-kamatayang pakikipagsapalaran ng ating bayani sa larangan ng pag-ibig, ang atin ngayong matutunghayan. -- Si Rizal, katulad din ng lahat ay may puso at sa pitak ng pusong iya’y minsan ding namugad ang pag-ibig. I. Kung may kamaliang maituturing sa panig ng mga nagsisulat ng talambuhay ni Dr. Jose Rizal ay walang iba kundi ang pagtutulad sa kanyang katauhan sa isang Bathala at hindi sa isang karaniwang taong may mga paang putik. Dahilan diya'y lumabo na tuloy ang mga dapat lumiwanag na kabanata sa kanyang buhay lalo na ang nauukol sa kanyang pag-ibig sa pangunang matuwid na ang pag-ibig na ito kailan ma'y hindi kinilala ng mga pangunahing manunulat ng kanyang talambuhay na isang damdamin ng kabataan o isang damdaming katugon ng karaniwang tibok ng puso. At, tanggapin man sakaling ang pag-ibig na iyan ng Bayani ng Kalamba'y nabuo sa isang dakilang damdaming makabayan, dili iba kundi ang pag-ibig sa kanyang Tinubuan, sukat na kanyang dahilan iyan upang huwag na mabatid ng mga huling salin ng lahi ang tunay na damdamin ng kanyang puso? "Fiat Lux." Pabayaan nating magkaroon ng liwanag. At ang liwanag na hinihintay ng abang maykatha nito'y walang iba kundi ang ilaw ng katotohanan. Sapagka't naniniwala't nananalig pa ang maykatha nito na sa pagkakabunyag ng malalabong kabanatang ito sa buhay ni Dr. Rizal ang kadakilaan...
Words: 4387 - Pages: 18
...Talambuhay ni Andres Bonifacio Si Andrés Bonifacio ay isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng Noviembre 1863 sa isang bahay na pawid sa puok sa harap ng himpilan ngayón ng tren (ferrocarril, railroad) sa daang Azcárraga (Claro M. Recto avenue ngayon), sa Tondó, Manila. Ang kanyang amá ay si Santiago Bonifacio, na ang hanap-buhay ay mananahi (sastré, tailor). Ang kanyang ina naman ay si Catalina de Castro. Mga taal na taga-Maynilà. Ang kanyang mga magulang ay mga taong dukha kaya siya naman ay isang taong mahirap. Nagkaroon siya ng 4 kapatid, sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang 2 una at ang huli ay patay na. Ang babae ay buhay pa (nuong 1922), asawa ng nasirang bayani, si Teodoro Plata, na isá sa mga masikhay (matalik, malapit) na kasama ni Andrés Bonifacio. Siya ay nag-aral sa paaralan ng isang guro, si Guillermo Osmeña, sa pook ng Meisik, Binundok (Binondo ngayon), Manila. Datapwa nang siya ay tumutuntong na sa ika-14 taon, namatay ang kanyang mga magulang at dahil dito, naputol ang kanyang pag-aaral. Siya nuon ay maalam nang bumasa at sumulat ng wikang sarili (Tagalog) at Castila. Upang siya ay mabuhay, sampu ng kanyang mga kapatid, binatak ang sariling buto at siya ay naglako ng mga tungkod (bastones, walking sticks) at mga pamaypay na papel na ginagawa niya sa luob ng kanilang bahay. Gayon din ang ginawang hanap-buhay ng kanyang mga kapatid. Nang si Bonifacio'y nakapagsanay na sa pagsulat, siya ay pumasok na utusan sa bahay-kalakal...
Words: 619 - Pages: 3