...ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA Ang tunguhin o outcome ng pag-aaral sa batayang edukasyon (basic education) ay ang kapaki-pakinabang na kakayahan para sa lahat (functional literacy). Taglay ito ng bawat mag-aaral kung mayroon silang mga kompetensing pangkognitibo, apektibo at asal na magbibigay sa kanila ng kakayahan upang: • mamuhay at magtrabaho • linangin ang kanilang mga potensiyal • gumawa ng mga pasyang mapanuri at batay sa impormasyon, at • kumilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan upang mapabuti ang uri ng kanilang pamumuhay at ng kanilang lipunan (Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997). . Ang depenisyong ito at ang limang palatandaan (strand indicators) nito ay batay sa Apat na Pillar ng Edukasyon at ang konsepto ng UNESCO tungkol sa Life Skills na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang limang strand indicators ay: kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at paglutas ng suliranin, mapanagutang paggamit ng mga likas na yaman para sa susunod na salinlahi at pagiging produktibo, paglinang ng sarili at ng kakayahan sa pakikipagkapwa at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw. Sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP), ang palatandaan o core competency ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EP na linangin at paunlarin ang pagkataong moral ng mga kabataan. Upang maipamalas ito...
Words: 8647 - Pages: 35
... | | | Ayon pag-aaral ni Cesar Majul, ang pangunahing pananaw ni Rizal sa "tao" ay bilang isang nilalang na moral at ang | | |"lipunan" bilang sistema ng ugnayang moral. Ang teorya ni Rizal sa tao at lipunan ay may dalawang mithiin. Una, nais niyang | | |ikintal at palaguin sa isipan ng kanyang mga kababayan ang pagkakaroon ng moral na dignidad. Pangalawa, ninais niyang mgahain | | |ng apela sa Espanya upang bigyan ng pagkilala ang mga karapatan ng mga Pilipino. Kanyang pinanindigan na ang pag-unlad ng moral| | |na dignidad ng mga Pilipino ay ang paangunahing sangkap sa pagtaguyod ng ilang pangunahing reporma at sa pagkilala ng kanilang | | |karapatan, ito'y paawang hinihiling sa pamahalaan ng Espanya. Ang konsepto ni Rizal ng "tao" at "lipunan" ay ginagabayan ng | | |tatlong pangkabuuang prinsipyo. Una, ang tao by nature ay nagtataglay ng natatanging intelektwal at moral na kakayahan. | | |Ikalawa, ang mga kakayahang ito ay may natural na agos tungo sa pag-unlad, pag-unlad na sa pagkakahulugan ay kabuuang pag-unlad| | |o perpeksyon ng intelektwal at moral na bahagi ng tao. Ikatlo, anumang pagsubok na pigilin ang kakayahan ng tao o ng natural na| | |pag-unlad ay ikakasirang moral ng tao. Dito, naniniwala si Rizal na mayroong malalim na halaga ang tao na dapat pabayaang hindi| | |mapagsamantalahan at hayaang umunlad....
Words: 6956 - Pages: 28
...ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan...
Words: 17033 - Pages: 69
...of Content Kabanata 1 Panimula…………………………………………………………………….1 Modelong Konseptwal……………………………………………………..2 Kaligiran sa pananaliksik…………………………………………………..3 Paglalahad ng suliranin Hinuha Kahalagahan ng pag-aaral Katuturan ng mga katawagang ginagamit Kabanata 2 Kaugnay na literature Pangmagaa Kabanata 1 Panimula Ayon sa mga departamento sa edukasyon tulad ng Commission on Higher Education o CHED at Department of Education o DepEdang Algebra daw ay dapat isali sa kurrikula ng mga magaaral na pumapasok sa mga unibersidad, colegio o mga institute. Sa kadahilanan na ito raw ay makakatulong sa mga magaaral. Ngunit ano nga ba ang asignaturang ito? Algebra ay ang pag-aaral ng mga numero, dami, mga relasyon at istrakturasangay ng matematika. Ang Algebra pangkalahatan ay itinuro sa mga colegio,na nagpapakilala sa Algebra pangunahing ideya: Kapag aming pag-aralan figure para sa karagdagan o pagpaparami kung ano ang mangyayari kapag, at upang maunawaan ang mga konsepto at kung paano lumikha ng isang variable polynomials at makita ang kanilang mga Roots. Algebra bagay ng pag-aaral ay hindi lamang isang numero, ngunit ng iba't-ibang mga istraktura abstraction. Bilang halimbawa, ang hanay ng mga integer na may karagdagan, pag paparami ng order at kaugnayan ay isang hanay ng mga algebraic istraktura. Sa ang lamang namin ay interesado sa isang iba't ibang mga relasyon at mga katangian, at parasa "ang bilang mismo ay kung ano" ang problemang ito ay hindi...
Words: 4029 - Pages: 17
...PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya 96 Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya 4. Mga Kaisipang...
Words: 20598 - Pages: 83
... Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay kabilang sa iisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa Metro Manila...
Words: 44725 - Pages: 179
...traditional processional walk; hindi na rin natin nakamayan ang lahat ng nag-abang. Medyo masama po kasi ang ating pakiramdam sa kasalukuyan. Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong Fidel Valdez Ramos at Joseph Ejercito Estrada; Senate President Franklin Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano Belmonte, Jr. at mga miyembro ng Kamara de Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga kagalang-galang na kagawad ng kalipunang diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay; mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking mga Boss, ang mga minamahal ko pong kababayan: Magandang hapon po sa inyong lahat. Ito ang aking ikaanim na SONA. Muli akong humaharap sa Kongreso at sa sambayanan upang iulat ang lagay ng ating bansa. Mahigit limang taon na ang lumilipas mula nang itinigil natin ang wang-wang, hindi lang sa kalsada, kundi sa buong lipunan; mula nang pormal tayong nanumpang labanan ang katiwalian upang masugpo ang kahirapan; at mula nang natuto muling mangarap ang Pilipino – ang atin pong mga Boss. Mga Boss, ito ang kuwento ng ating paglalakbay sa Daang Matuwid. Nito lang pong Biyernes, pinasinayaan natin ang Muntinlupa-Cavite Expressway. Una po ito sa nakapilang Public-Private Partnerships na tayo ang nag-apruba, at sa ilalim ng administrasyon natin binuksan sa publiko. Sa ating mga sinundan: Halos magmakaawa...
Words: 12396 - Pages: 50
...Filipino EP E D C O Modyul para sa Mag-aaral D Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya...
Words: 47092 - Pages: 189