Free Essay

Thesis in Filipino

In:

Submitted By Carree
Words 3203
Pages 13
Kabanata 1
Kaligiran ng Pag-aral Ang eroplano ay isang uri ng transportasyon na nakakapagbigay ng malaking tulong sa mga mamamayan upang mapadali ang kanilang biyahe patungo sa malalayong lugar. Ngunit, sa buhay natin ay marami tayong nararamdamang takot. Isa na rito ay ang takot sa pglipad o pagsakay ng eroplano. Ang ganitong uri ng takot ay may iba’t – ibang kadahilanan.
Ang takot sa paglipad ay maaaring pigilan ang isang tao mula sa pagpunta sa isang lugar, bakasyon, o pagbisita sa pamilya at mga kaibigan, at maaari itong sumira sa karera ng isang negosyante sa pamamagitan ng pagpigil sa kanila mula sa paglalakbay patungo sa isang lugar na may kaugnayan sa negosyo o trabaho.
Ang pobyang ito ay nangangailangan ng higit pang pansin kaysa sa karamihan ng iba pang pobya. Dahil ang paglalakbay o pagbiyahe sa pamamagitan ng panghimpapawid na transportasyon kagaya ng eroplano ay kadalasan mahirap para sa isang tao na ito’y iwasan lalo na sa mga propesyonal na konteksto, at dahil ang takot ay kalat na kalat, ito ay nakaaapekto sa isang makabuluhang minorya ng populasyon.
Ikaw ay mapalad kung naranasan mo nang sumakay ng eroplano sapagkat hindi lahat ng tao dito sa mundo ay may kakayahan upang tustusan ang pagsakay sa ganitong uri ng transportasyon.
Para sa mga kagaya rin ng mga mananaliksik na hindi pa naranasan makasakay sa anumang uri ng panghimpapawid na trnasportasyon, marahil ngayon ay sabik na sabik ka na makasakay ng eroplano, sabik ka na makakita ng mga magagandang flight attendant at ang mga kay gandang lalaki na mga piloto na siyang magpapalipad ng iyong sinasakyan, sabik kang malaman kung ano ba ang pakiramdam ng lumilipad sa himpapawid, makita ang mga ulap sa ere na animo’y bulak na lumulutang. Kay sarap isipin, hindi ba? Nakasisiguro ako, ilan pa lamang yan sa mga imahinasyon mo kung wala ka pang karanasan sa pagsakay ng eroplano. Ngunit, ano kaya ang iyong mararamdaman kung ay ikaw ay naroroon na mismo sitwasyon na lumilipad ang eroplano patungo sa lugar na iyong pupuntahan. Masabi mo kayang ito ay magandang karanasan o matatakot kang sumakay pang muli.
Sa mga ayaw naman talagang makaranas sumakay sa ganitong uri ng transportasyon, sa mga nakaranas na ngunit ayaw ng sumakay pang muli, at sa mga hindi pa nakaranas, bilang paghahanda kung sakaling makaramdam kayo ng sintomas ng takot sa paglipad, ang mga mananaliksik ay naghanap ng katugunan na maaaring makatulong sa isang indibidwal upang maiwasan ang takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano na makakapagbigay daan upang matamo ang mga bagay na nahadlangan ng kanyang takot.

Pagpapahayag ng Suliranin

Panlahat na Suliranin: Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa paghahanap ng katugunan na maaaring makatulong sa isang indibidwal upang mapagtagumpayan o iwasan ang kanyang takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano na nagiging hadlang upang pumunta sa isang lugar sa pamamagitan ng pagsakay ng eroplano.
Mga Tiyak na Suliranin:
Sinikap ng pag-aaral na ito na mabigyang kasagutan ang mga sumusunod na pahayag: 1. Malaman ang mga dahilan ng bawat indibidwal sa kanilang takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano. 2.1 Pinagmumulan ng takot ng mga hindi pa nakaranas sumakay ng eroplano o anumang uri ng panghimpapawid na transportasyon. 2.2 Sanhi ng pagkakaroon ng takot ng mga nakaranas ng sumakay ng eroplano 2. Mabigyan ng linaw ang iba’t-ibang kadahilanan ng isang indibidwal sa takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa isang inbidwal na may takot sa pagsakay ng eroplano.
Sa isinagawang pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos at sapat na impormasyon na may kaugnayan sa salik na ito na maaaring makatulong sa isang indibidwal upang maging kanilang basehan para maiwasan ang takot sa paglipad at malaman ang epekto nito.
Sa pamamagitan ng iba’t-ibang estilo ng pananaliksik, ang mga mananaliksik ay nangalap ng datos mula mga respondente at iba’t-ibang website sa internet. Ito ang magsisilbing basehan ng mga mananaliksik kung bakit may mga taong takot sumakay ng eroplano.
Maaari rin itong magbigay daan upang mas lalo pang maunawaan ang pag-aaral na ito.

Saklaw at Limitasyon Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa dahilan ng isang indibidwal sa takot sa paglipad o pasakay ng eroplano at pag-iwas nito ng ganitong uri ng pobya. Sinasaklaw din nito ang mga taong takot talagang sumakay ng eroplano ngunit napipilitan dahil sa mga pansariling kadahilanan. Nakatuon ang pananaliksik na ito sa mga taong nakaranas ng sumakay ng eroplano ngunit ayaw nang makaranas pang muli at sa mga taong ayaw talagang makaranas na sumakay sa ganitong uri ng transportasyon. Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay mula sa iba’t-ibang paaralan at unibersidad. Namili ang mga mananaliksik ng mga estudyante sa mula Our Lady of Fatima University, Pampanga High School, at New Era University.

Kahulugan ng mga Katawagan Ang bawat termino na mababanggit ay mapapaloob sulating pananaliksik an ito. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mga mambabasa upang maunawaan ng husto ang pag-aaral na ito, mas lumawak ang kanilang talasalitaan at upang maging pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang kahulugan ng mga salita sa diksyunaryo, internet, at iba pa.
Aerophobia – takot sa paglipad o iba pang uri ng panghimpapawid na sasakyan katulad ng helicopter.
Airlines - isang samahan na nagbibigay ng isang regular na pampublikong serbisyo ng panghimpapawid na transportasyon sa isa o higit pang mga ruta.
Aviatophobia o Aviophobia – (tignan ang kahulugan ng aerophobia)
Dayagnostiko - sintomas sa pamamagitan ng kung alin ang sakit ay kilala o nakikilala mula sa iba.
Eroplano – isang uri ng transportasyon na naglalakbay sa hangin
Pobya – isang matinding takot sa mhindi maipaliwanag na kadahilanan

KABANATA 2
PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang kabanatang ito ay tumatalakay ukol sa mga pag-aaral at mga babasahin na may kaugnayan sa paksa ng pananaliksik na ito. Ayon sa Wikipedia, ang pobya ay walang kadahilanan, matindi at palagiang takot sa isang sitwasyon, bagay, aktibidad, o tao. Ang labis at walang kadahilanang pag-iwas sa kinatatakutan ang pangunahing sintomas ng sakit na ito. Kapag hindi na mapigil ng isang indibidwal ang kanyang takot, o kung nakasasagabal na sa pang-araw-araw na buhay, maaaring magkaroon ng dayagnostiko sa ilalim ng isa sa mga sakit ng pagkabalisa. Ang Pteromerhanophobia naman o kilala bilang isang takot sa paglipad, ay isang takot ng pagsakay ng eroplano, o iba pang panghimpapawid na sasakyan tulad ng helicopter. Ito ay minsan din tinutukoy bilang Aerophobia, Aviatophobia, o Aviophobia.
Ang sintomas ng takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano ay isang antas ng pag-aagam-agam kaya mahusay ito na pumipigil sa isang tao mula sa naglalakbay sa pamamagitan ng hangin, o nagiging sanhi ng mahusay na pagkabalisa sa isang tao kapag siya ay naatasan upang maglakbay sa pamamagitan ng hangin.
Ang takot sa paglipad ang maaaring malikha sa pamamagitan ng iba't-ibang mga iba pang mga pobya at takot.
Batay sa about.com ang takot sa paglipad ay maaaring nauugnay sa iba pang mga pobya. Tinatayang may bilang na 25% ng mga tao ang maaaring maapektohan ng ganitong uri ng takot, bagaman ang isang sukdulan takot ay karaniwang mas mababa. Ang pagkaantala sa paglalakbay ay maaaring magpalala sa takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano.
Mula sa Phobia Source, ang pPPPPPjhhteromerhanophobia ay isang katanggap-tanggap, hindi makatwiran at matinding takot sa paglipad at malapit na nauugnay sa aviophobia o ang matinding takot na lumipad sa isang eroplano. Ang ganitong uri ng takot ay maaaring dulot ng isang traumatikong insidenteng tunay na naganap at agad na naglikha ng kanilang takot. Ang traumatikong insidente na sanhi ng matinding takot at ang taong iniuugnay ditto ay maaring makatulong sa kanya upang maiwasan ang ganoong sitwasyon. Ang paunang takot ay maaaring walang kinalaman sa paglipad at ang problema ay maaaring magsimula sa isang pagkakataon kapag sila ay nasa ilalim ng matinding stress para sa isang bagay ng talaga hindi kaugnay, ngunit kahit papaano ang isip ay nag-uugnay sa mga negatibong damdamin sa paglipad.
Ang ilang mga indibidwal ay maaaring hindi direktang nakaranas ng takot ngunit maaaring iugnay sa isang tao na nakararanas, maaari itong nangyari sa isang tunay na sitwasyon o napanood lamang sa isang pelikula o pag-iisip tungkol sa isang kahindik-hindik na pagbagsak ng eroplano.Ang takot sa paglipad ang maaaring maging sanhi ng matinding pagkabalisa ng isang tao kapag siya ay pinilit na maglakbay sa pamamagitan ng hangin. Maari silang maatake ng sindak o iba pang mga sintomas ng pagkabalisa tulad ng mabilis na pagtibok ng puso, pagduduwal, at panginginig. Sa matinding kaso, ang pagkasindak ay maaaring sa pamamagitan ng mga galos lamang na pagtingin sa isang sasakyang panghimpapawid o kaisipan o pagbanggit ng mga paglalakbay sa himpapawidTop of Form
Bottom of Form
.Bottom of Form
Ang paggagamot sa mga taong takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano ay maaaring sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaalaman hinggil sa mga panukalang pangkaligtasan ng mga paliparan ng mga eroplano o airlines at sa pamamagitan ng pag-alam kung paano lilipad isang sasakyang panghimpapawid. Ayon naman sa rehabs.com ang pteromerhanophobia ay malubha at mailalarawan sa pamamagitan ng sintomas pagkasindak, pisikal o sikolohikal kung saan ito ay bihira lamang. Kung hindi magagamot ang ganitong uri ng takot maaari itong bumuo at magdulot nang patuloy na nararanasan ang lahat ng masamang epekto ng nakakaantala sa pang-araw-araw na buhay.

Batayang Konseptwal/Teoretikal at Paradaym (Paradigm)
Takot/Pobya
(Respondente)

Pagsakay (Eroplano)

Dahilan/Sanhi
(Takot/Pobya)

Ang modelong nakalarawan ay tumutukoy sa takot sa pagsakay ng eroplano ng bawat respondente. Inilalarawan dito kung ang dahilan o pinagmumulan ng pobya o takot.

KABANATA 3
PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Pagkuha ng mga Kasangkot sa Pag-aaral
Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay mula sa iba’t-ibang paaralan at unibersidad. Minabuti ng mga mananaliksik na walang pinipiling respondente batay sa edad, kasarian, o estado. Sapagkat ang pag-aaral na ito ay para sa lahat upang maging handa kung makaranas man ng sintomas ng takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano at maiwasan ito.

Pangongolekta ng Datos Iba’t-ibang paraan ang ginamit sa pangongolekta ng datos o impormasyon na makatutulong sa mga mambabasa hinggil sa takot sa pagsakay sa eroplano. Ang pamamaran na isinagawa sa pangangalap ng datos para sa pag-aaral na ito ay nagsimula sa paggawa ng talatanungan at sinundan ng pag-e-edit sa instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong at upang matiyak ang kaangkupan ng mga tanong sa pag-aaral na isinasagawa ng mga mananaliksik. Ang paghingi ng pahintulot sa bawat kalahok ang sumunod. Personal na pinamamahalaan ng mga mananaliksik ang pagbibigay ng mga talatanungan sa bawat kalahok at ibinibigay ang tamang panuto sa pagsagot upang makuha ang nararapat na tugon. Kinalap ang mga instrumento at inihambing ang mga sagot ng bawat kalahok at binigyan ng kabuuan.

Estadistikong Pagtalakay ng mga Datos
Ang ististikal na tritment na ginamit sa pag-aaral na ito ay pagkuha ng porsyento o bahagdan upang makuha ang resulta ng pag-aaral na ito.

Bilang ng Sumagot × 100 Bilang ng Respondent

KABANATA 4
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS
GRAPH 1
Batay sa isinagawang sarbey mula sa limangpung(50) respondente, labingsiyam(19) o tatlumpung walong porsyento((38%) ang nakaranas nang sumakay ng eroplano o iba pang uri ng panghimpapawid na sasakyan. Samantala, Tatlumpu’t isa(31) o animnapu’t dalawang porsyento(62%) ang hindi pa nakaranas sumakay sa nasabing uri ng transportasyon. Samakatuwid, kakaunti pa lamang ang nakaranas ng sumakay ng eroplano.
GRAPH 2

Mula sa labingsiyam(19) o tatlumpu’t walong porsyentong(38%) respondente na nakaranas nang sumakay ng eroplano, Labingdalawa(12) o animnapu’t tatlong porsyento(63%) sa kanila ang nakakaramdam ng takot o nababagabag habang lumilipad o nakasakay ng eroplano. Pito(7) o tatlumpu’t pitong porsyento(37%) naman ang hindi takot o panatag ang loob habang nakasakay ng eroplano.

Graph 3

Batay sa labingdalawa(12) o animnapu’t tatlong porsyento(63%) sa mga respondente na nakakaramdam ng takot habang naksakay ng eroplano, inilalarawan sa graph ang iba’t-ibang dahilan kung bakit may takot sila na nararamdaman habang nakasakay ng eroplano.
Apat(4) o tatlumpu’t tatlong porsyento(33%) ang nagsabing baka kasi bumagsak o magcrash ang kanilang sinasakyan, kung saan karamihan sa mga rerspondente, ito ang dahilan ng kanilang takot base sa naging resulta.
Tatlo(3) o dalawampu’t limang porsyento(25%) mula sa labindalawang(12) respondent ang nagsabing dahil sa mga iniuulat na mga aksidente ng medya, naglilikha ito ng maling impresyon sa mga nakakapanood na ang paglipad o pagsakay ng eroplano ay mapanganib.
Dalawa(2) o labingpitong porsyento(17%) ay nagsabing pagkahilo o pagkalula habang nasa biyahe ang nagiging sanhi ng kanilang takot.
Gayundin ang bilang ng resulta sa mga nakaka-traumang karanasan sa paglalakbay sa himpapawid o anumang naranasang kaganapan na hindi maganda o hindi kanais-nais na konektado sa paglipad ay isa rin sa mga nagiging sanhi ng takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano. At ang natitirang isang(1) respondente o walong porsyento (8%) mula sa labindalawang respondente, ay nagsabing baka biglang umuga o magkaroon ng turbulence habang naglalakbay sa himpapawid kaya siya natatakot lumipad o sumaky ng eroplano.
Ang mga respondente na tinutukoy sa graph na ito ay mula sa labingsiyam(19) na nakaranas ng sumakay ng eroplano kung saan labindalawa(12) lamang sa kanila ang may takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano.

Graph 4

Ayon sa pitong(7) na respondente na nakaranas nang sumakay ng eroplano ngunit walang nararamdamang takot habang naglalakbay, apat(4) o limampu’t pitong porsyento (57% ) ang sanay na sa paglalakbay sa himpapawid kaya naman hindi sila natatakot sa pagsakay ng eroplano.
Dalawa(2) o dalawampu’t siyam na porsyento(29%) naman ang nagsabing unang beses palang nila nang maranasang sumakay ng eroplano kaya naman mas nangingibabaw ang kanilang pagkasabik.
Halos kapantay din naman nito ang nagsasabing pakiramdam nila ay mas ligtas na sumakay ng eroplano kaysa ibang uri ng transportasyon kung saan isa(1) o dalawampu’t walong porsyento(28%) ang nagsabi nito.

Tunghayan ang mga susunod na graph kung saan ang mga katanungan ay para sa mga hindi pa nakaranas sumakay ng eroplano.

Graph 5

Mula sa tatlumpu’t isa(31) o animnapu’t dalawang porsyento(62%) ng mga respondenteng hindi pa nakaranas sumakay ng eroplano, dalawampu’t siyam(29) o siyamnapu’t apat na porsyento (94%) sa kanila ang nais makaranas sumakay ng eroplano. Dalawa(2) o anim na porsyento(6%) naman ang ayaw talagang makaranas na sumakay ng eroplano.

Graph 6

Mula sa tatlumpu’t isa(31) o animnapu’t dalawang porsyento(62%) ng mga respondente na hindi pa nakaranas sumakay ng eroplano, labinganim(16) o limampu’t dalawang porsyento(52%) sa kanila ang may takot sa pagsakay ng eroplano, gayumpaman, ang ilan sa kanila ay nagsasabing nais makaranas sa pagsakay ng eroplano batay sa graph 4. Labinglima(15) o apatnapu’t walong porsyento(48%) ang nagsabing wala silang takot sa pagsakay ng eroplano.
Bilang resulta, mas mataas ang bilang ng mga may takot sa pagsakay ng eroplano.
Graph 7

Mula sa tatlumpu’t isang(31) respondente na hindi pa nakaranas sumakay ng eroplano, labinganim(16) sa kanila ay may takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano.
Ang graph na ito ay patungkol sa mga kadahilanan ng mga respondente kung bakit sila takot o may takot sa pagsakay ng eroplano bagaman hindi pa nila naranasan sumakay dito. Ang may pinakamataas na porsyento, kung saan anim(6) o tatlumpu’t pitong porsyento(37%) sa mga respondente ang nagsasabing baka bumagsak o mag-crash ang eroplanong sasakyan nila kaya sila natatakot sumakay ng eroplano. Lima(5) o tatlumpu’t isang porsyento(31%) naman ang nagsabing dahil sa mga napapanood nila sa medya na mga inuulat na aksidente sa mga eroplano. Sa kabilang dako, tatlo o labingsiyam na porsyento(19%) ang nagsabing baka kasi bumagsak ang eroplano sa tubig. Ang natitirang dalawa(2) o labingtatlong porsyento(13%) ay ang nagsabing baka sila mahilo o malula habang naglalakbay sa himpapawid.

Graph 8

Sa huling graph na ito, inilalarawan kung alin transportasyon ang hindi ligtas sakyan batay sa mga isinagot ng mga respondente ginawang talatanungan ng mga mananaliksik. Humigit kalahati sa mga respondente kung saan dalawampu’t anim o limampu’t dalawang porsyento(52%) ang nagsabing ang pantubig na transportasyon ang pinakadelikadong sakyan katulad ng mga barko, cruiseship at iba pa. Labinganim(16) o tatlumpu’t dalawang porsyento(32%) naman ang nagsabing mas delikado ang panlupa na uri ng transportasyon. Sa kabuuan, ang panghimpapawid na uri ng transportasyon ang ligtas sakyan sapagkat mula sa labinlimang(50) respondente na kalahok sa pag-aaral na ito, walo(8) o labinganim na porsyento(16%) lamang ang sumagot na hindi ligtas upang sakyan ang panghimpapawid na transportasyon.

KABANATA 5
LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Lagom
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matulungan ang isang indibidwal na maiwasan o mapagtagumpayan ang kanyang takot sa pagsakay ng eroplano. Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng metodolohiyang palarawan (descriptive) at pangkalagayang pag-aaral. Sa pamamagitan ng metodolohiyang palarawan ay nailahad ang mga karanasan ng mga respondente batay sa dahilan at epekto ng takot sa pagsakay ng eroplano. Isinagawa nag pag-aaral na ito sa pamamsgitan ng paggawa ng talatanungan at pag-e-edit sa instrumento para maiwasto ang kaayusan ng mga tanong. Matutunghayan sa pananaliksik na ito ang kabuuang ebalwasyon ng mga respondente sa pagkuha ng mga datos hinggil sa takot sa pagsakay ng eroplano. Sa mga impormasyon at datos na nalikom para sa lahat ng may takot sa pagsakay ng eroplano, natuklasan na ang takot na maraming paraan upang maiwasan ang takot sa paglipad bagaman hindi mo ito kayang alisin nang ganoon kadali.

Konklusyon Ang resulta mula sa mga datos na aming nalikom at nailahad, naririto ang ang aming mga batayan na makakatulong sa mg may takot sa paglipad o pagsakay ng eroplano: 1. Ang panghimpapawid na transportasyon ng pinakaligtas na uri ng transportasyon.
Ang mga balitang iniuulat sa medya na naglilikha ng takot ay dahil sa mga aksidente lamang ang kanilang iniuulat at walang sanggunian sa bilang ng mga paglipad na hindi nagtapos sa aksidente. 2. Mas marami ang sumasakay ng eroplano kaysa sa barko papunta sa malalayong lugar. 3. Ang mga piloto na nagpapalipad ng eroplano ay may sapat na kaalaman sa pagpapalipad ng eroplano sapagkat mahabang panahon ang kanilang ginugugol sa pag-aaral bago sila maging isang ganap na piloto. 4. Gayundin ang mga flight attendant na maaaring tumulong kapag nagkaroon ng sintomas ng takot sa pagsakay ng eroplano ang isang pasahero.

Rekomendasyon Kaugnay sa isinagawang pag-aaral, buong pagpapakumbabang iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga kinauukulang indibidwal na may takot sa pagsakay ng eroplano ang mga sumusunod na rekomendasyon: 1. Huwag mabahalang sumakay ng eroplano sapagkat ito ang pinakaligtas na uri ng transpotasyon. 2. Maaaring sumailalim sa dayasnostiko na makakatulong sa pag-iwas sa takot sa pagsakay ng eroplano, basahin sa ibaba: a. Mental health treatment b. Psychotherapy c. Exposure therapy. 3. Tulungan ang iyong sarili na magapi ang iyong takot. Narito ang ilang mga tip: d. Babaan ang iyong pangkalahatang antas ng pagkapagod e. Aliwin ang sarili habang naglalakbay sa himpapawid (Hal. Paglalaro sa gadgets, pakikinig ng musika) f. Kung ikaw ay maglalakbay, magpasama sa isang kaibigan o miyembro ng pamilya bilang taga-suporta.

BIBLIYOGRAPIYA
Mga Sanggunian: * http://tl.wikipedia.org/wiki/pobya * http://en.wikipedia.org/wiki/pteromerhanophobia * http://luxury.rehabs.com/phobias/pteromerhanophobia/ * http://www.phobiasource.com/pteromerhanophobia-fear-of-flying/ * http://phobias.about.com/od/phobialist/aerophobiaprof.htm

Similar Documents

Free Essay

Thesis in Filipino

...KABANATA 1 SULIRANIN AT SANDIGAN Kapag nakapagtapos ka ng hayskul, ano ba ang dapat na sunod mong gawain? Dapat ba na magtrabaho ka na o tumuloy sa pag-aaral at pumasok sa isang kolehiyo o unibersidad? Kapag pinili mo magtrabaho, sa tingin mo ba makakakuyha ka ng magandang trabaho kahit wala kang diploma? Kung pipiliin mo naman maging propesyonal at mag-aral pa, anong kurso ang kukuhanin mo? Ito ang mga tanong na madalas kinakaharap ng mga nagtatapos ng edukasyon sekondarya. Nagnanais tayo na magkaroon ng magandang buhay at ang mga simpleng desisyon natin ay maaring makaapekto sa ating kinabukasan. Sa pagkuha ng kursong tatahakin mo sa unibersidad, madaming salik ang kailang i-konsidera sa pagkuha na ito. Maaring isama dito sa mga salik na ito ang familiarity sa kurso, pagiging in-demand ng kurso, madaming job opportunities, ang unibersidad o eskwelahan na papasukan, at syempre kung may hilig o natural na galing ka sa kursong iyon. Mayroon bagong kurso na ino-offer ngayon sa iba’t-ibang unibersidad. Ito ay ang Bachelor of Arts in International Studies. Ang kurso na ito ay nakapailalim sa kursong Political Science. Mapag-aaralan ditto ang politika, ekonomiya, kultura, at sistemang sosyla sa bawat parte ng mundo. Dahil ito ay bagong kurso pa lamang, ito ay hindi pa gaanong kilala o pamilyar sa nakararami tulad ng mga kursong BS Nursing, AB Fine Arts, BS HRM, at marami pang iba. Isa na ang Far Eastern University sa mga unibersidad na mayroong kursong AB International Studies...

Words: 5055 - Pages: 21

Free Essay

Filipino Thesis

...Ang Pagsusuri sa Epekto ng Teknolohiya sa Edukasyon, Kalusugan at Pang Araw-araw na Gawain ng mga Kabataang Pilipino na may Edad 13-18 taong gulang. Thesis statement: Mga maganda at di magandang epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pamumuhay ng kabataang Pilipino. Nais naming matuklasaan kung gaano binabago ng teknolohiya ang mga kabataan at kung makakatulong ba ito o nakakasira sa kanilang paglaki at pag-uugali. SANGGUNIAN 1. Kiernan, J. T. (2011). Technology, Freedom and the Human Person: Some Teen Insights into Merton and Benedict XVI. Merton Annual, 24244-255 The article offers the author's insights on the implication of technology for human lives. Topics discussed importance of technology for enhancement of communication, risk factors associated with technology used, and the effects of technology on human behavior. Moreover, it provides the outlook of American Catholic writer Thomas Merton and Pope Benedict XVI regarding modernity. 2. Ives, E.A. (2012, October 1). iGeneration: The Social Cognitive Effects of Digital Technology on teenagers. The purpose of this study was to examine and better understand the social cognitive effects of digital technology on teenagers' brains and their socialization processes, as well as to learn best practices with regard to digital technology consumption. An extensive literature review was conducted on the social cognitive effects of digital technology on teenagers and an action research project was carried out gleaning quantitative...

Words: 2481 - Pages: 10

Free Essay

Filipino Thesis

...KABANATA IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos Sa kabanatang ito, ipinakikita ang paglalahad,pagsusuri,maging ang interpretasyon sa mga datos na nakalap.Sinuri ang mga datos ng may pag-iingat at buong katapatan. Talahanayan Blg. I Porsyente ng mga respondente ayon sa kanilang sagot batay sa unang katanungan. Dalas ng taong sumagot Dalas ng taong sumagot 30 30 10 10 19 19 10 10 20 20 6 6 24 24 63% 63% 67% 67% 37% 37% 100% 100% Sa katanungan blg 1,naipapahayag ang saloobin nainilalarawan sa column D ang may pinakamataas na porsyento ng mga mag-aaral na sumagot na ito ay positibong epekto ng pagpopost sa facebook, sumusunod ang nagiging palakaibigan sa isa’t isa na inilalarawan sa column A na may walumpung porsyento (80%) ang sumagot na oo habang dalawampung porsyento(20%) ang sumagot ng hindi, sumusunod naman dito ang nagiging palakaibigan ang isang mag-aaral na mahiyain na inilalarawan sa column B na may animnapu’t pitong porsyento (67%) ang sumagot ng oo habang tatlumpu’t tatlong porsyento (33%) ang sumagot ng hindi at panghuli dito na napapayaman ang social life na inilalarawan sa column C na may animnapu’t tatlong porsyento(63%) at may tatlumpu’t pitong porsyento(67%) ang sumagot ng hindi.Ipinapakita rin sa talahanayang ito ang dalas ng respondenteng sumagot ng oo at hindi. ...

Words: 566 - Pages: 3

Free Essay

Filipino Thesis

...KABANATA I Ang Suliranin at Kaligiran Nito Introduksyon Paaralan, dito inaasahang matututo ang mga estudyante. Ngunit, hindi lamang ‘yon ang serbisyong naibibigay ng paaralan. Merong mga organisasyong pwedeng salihan na maaring magturo sa kanila ng mga kaalaman o kakayahang hindi nila matututunan sa loob ng silid aralan o sa tradisyunal na pagtuturo. Ang mga oras na nilalaan dito ay bukod sa oras ng pagaaral. Sa kadahilanang ito, maaaring makaapekto sa pagaaral ng mga estudyante ang mga gawaing ito, nakasasama man o benepisyal. Ang mga gawain na ito ay tinatawag nating mga gawaing ekstra kurikular. Sa Techonological Institute of the Philippines - Quezon City, mayroong iba't ibang uri ng ekstra kurikular na aktibidad at mga organisasyon tulad ng mga sumusunod : TIP Voice, Talents guild, PJMA, atbp. Ang pag sali sa mga nabanggit na mga organisasyon ay hiwalay sa kurikulum ng paaralan at ito’y kusang loob na sinasalihan ng mga gustong maging kabilang sa mga organisasyon o iba pang aktibidad. Dahil maaaring mag dulot ito ng iba’t ibang epekto sa mga estudyante, nais ipakita ng mga mananaliksik ang mga epektong dulot ng pagkakaroon ng mga gawaing ekstra kurikular sa mga estudyanteng nasa ikatlong taon sa ilalim ng College of Business Education upang makatulong sa institusyon at sa mga kinauukulan.. Paglalahad ng Suliranin Isinagawa ang pag-aaral na ito upang malaman ang mga epekto ng mga gawaing ekstra kurikular sa mga estudyante ng Technological Institute of the Philippines...

Words: 3283 - Pages: 14

Free Essay

Thesis in Filipino

...Isang Pag-aaal na may layunin na alamin ang mga Sanhi ng Pagbagsak ng Isang Estudyante sa Kursong BSICT Filipino II ------------------------------------------------- ------------------------------------------------- Pangangailangan sa Asignaturang Filipino II Isinumite Kay: Dr. Dolores Sunga-Tanawan Isinumite nila: Alfon, Mary Joy Bunag, Rachel De Guzman, Tricia Engalgado, Mark Pamintuan, Jeffrey KABANATA I: KALIGIRAN NG PAG-AARAL Panimula Isa sa mga hakbang tatahakin ng bawat estudyante sa pag-aaral ay ang pagtungtong sa kolehiyo. Bawat taon milyon-milyong mga estudyante ang nagtatapos sa sekundarya at dahil dito marami rin ang nag-enrol sa bawat unirbesidad sa bawat sulok ng bansa. Sa bawat estudyante na pumasok sa kolehiyo hindi lahat ng ito ay sigurado sa kursong pinili mayroon din naming mga napilitan lamang. Maraming mga kursong inaalok ang bawat unibersidad, Isa sa mga kurso sa kolehiyo ay ang BS Information Communication Technology (BSICT), sa kursong ito kalimitan marami ang bumabagsak lalo sa mga asignaturang matematika (Plane Spherical Trigonometry, College algebra), Chemistry, Engineering Drawing at iba pa. Marami ang maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng isang estudyante sa bawat asignaturang nabanggit, maaring tamad magaaral, ayaw sa professor / terror na professor, mahirap ang mga asignatura, hindi patas sa pagbibigay ng grado at ang pinakahuli ayaw sa kurso. Isa sa mga dahilan ng pagbagsak ay ang...

Words: 2251 - Pages: 10

Free Essay

Filipino Thesis

...EPEKTO NG TALAMAK NA PAGGAMIT NG MAKABAGONG GADGETS SA MGA PILING MAG-AARAL NG TIP, TAONG PANURUAN 2013-2014 Mungkahing Tesis na Ihaharap sa Fakultad ng Kagawaran ng Humanidades at Agham Panlipunan TIP QC Bilang Bahagi ng Pagtupad sa Kahingian ng Kursong Fil002: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik 2nd Semester, SY: 2013-2014 Nina: Christel Joy Aznar Christine Joy Banaag DaivyDyanCruz Nathaniel Garcia Marc GreggoryLegaspina Kathlin Medrano Noimee Grace Navarro Lavinia Rose Peralta Michella Rose Sanalila Marso2014 Pasasalamat Taos-pusong ipinaaabot ng mananaliksik ang pasasalamat sa mga taong tumulong, nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng pamanahong-papel na ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang namin sa mga sumusunod: Bb. Aurora C. Cruz ang librarian ng Barangay Marikina na nagbigay sa sa mananaliksik ng mahahalagang impormasyon ukol sa pananaliksik at sa walang sawang pagtulong upang mapabilis at maayos ang mga impormasyon na sinasaliksik. Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan namin ng mga mahahalagang impormasyong ginamit para sa pananaliksik na ito. Sa mga respondente, sa paglalaan ng panahon upang matapos na masagutan ang inihandang mga katanungan/kwestyuneyr ng mga mananaliksik. Higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa mga dalangin lalung-lalo na sa mga sandaling kami ay pinanghihinaan...

Words: 2230 - Pages: 9

Free Essay

Filipino Thesis

...ANG EPEKTO NG COMPUTER GAMES SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE MGA NILALAMAN Kabanata Pahina 1. Ang Suliranin at ang Saligang Pag-aaral Nito Panimula 1 Layunin ng Pag-aaral 7 Kahalagahan ng Pag-aaral 8 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 9 Depinisyon ng mga Terminolohiya 9 2. Ang Kaugnay ng Pag-aaral 13 3. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik 19 Mga Respondente (Subjek) 19 Paglalarawan ng Instrumentong Kagamitan 21 Paglilikom ng Datos 21 Estatikong Pagtrato 21 4. Pagsusuri, Paglalahad at Interpretasyon Ng mga Datos 23 5. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Lagom 30 Kongklusyon 30 Rekomendasyon 34 BIBLIOGRAPHY 45 – 46 Questionnaires 47 Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT ANG SALIGANG PAG-AARAL NITO Panimula Sa pagpasok ng ika-20 siglo, nagsimula ang panahon ng Electronic Devices. Paglipas lang ng ilang dekada ito ay lumago at nakilala at naging isang pangkaraniwang bahagi na ng pangaraw-araw na pamumuhay ng tao. Habang lumalago ang industriyang ito, isinilang ang isa sa pinakamagandang nilikha ng tao para sa kanyang sarili – ang Computers. Isa itong aparato na gumagawa ng trabaho ng tao nang mas mabilis. Ang mga...

Words: 7094 - Pages: 29

Free Essay

Filipino Thesis

...EPEKTO NG CONTRACEPTIVE SA KALUSUGAN NG MGA MAYBAHAY, ANG EDAD AY MULA 20-30 ANYOS SA BARANGAY MARULAS, VALENZUELA CITY...

Words: 2087 - Pages: 9

Premium Essay

Filipino American Thesis

...For this History 150 class, I have chosen to write about Filipino-Americans for my research paper. One main reason for this choice is that I want to be more informed about the Filipino-American community and its significant history with America. In the past, books I used in previous history classes only briefly mentioned this particular group of people. So, by writing this research paper, I hope to increase my knowledge about Filipino-Americans. Another reason is that I want to know why these particular people immigrated to the United States, continued to stay in this country, and formed a community. Lastly, I am actually Filipino-American myself. Thus, I want to take this opportunity to dig up and discover the unique history that helped to shape Filipino-Americans, such as myself, in present-day America. By taking the initial steps to produce a well-revised paper, I hope to discover the painful and unique history that has created existing Filipino-American communities across the United States today. Itty...

Words: 507 - Pages: 3

Free Essay

Hrm Thesis for Filipino Students

...MERCHANT SHIPPING NOTICE MSN 1781 (M+ F) The Merchant Shipping (Distress Signals and Prevention of Collisions) Regulations 1996 Notice to Owners, Masters, Skippers, Officers and Crews of Merchant Ships, Fishing Vessels, Pleasure Vessels, Yachts and Other Seagoing Craft. This notice takes immediate effect and supersedes MSN M.1642/COLREG 1 Summary This Notice and the Rules referred to in it are an integral part of the Merchant Shipping (Distress Signals and Prevention of Collisions) Regulations 1996, which came into force on 1 May 1996. These Regulations implement the Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at Sea, 1972, as amended. They enhance safe navigation, by prescribing the conduct of vessels underway, specify the display of internationally-understood lights and sound signals and set out collision avoidance actions in close quarter situations. This notice incorporates amendments to the International Regulations for Preventing Collisions at Sea, 1972, up to and including those annexed to IMO Resolution A.910(22). In accordance with the Convention, the latest amendments come into force internationally on 29 November 2003. 1. Introduction This Notice and the Rules referred to in it are an integral part of the Merchant Shipping (Distress Signals and Prevention of Collisions) Regulations 1996, which came into force on 1 May 1996. These Regulations implement the Convention on the International Regulations for Preventing Collisions at...

Words: 13601 - Pages: 55

Premium Essay

Theater

...PHILIPPINE THEATER Theater in the Philippines is as varied as the cultural traditions and the historical influences that shaped it through the centuries. The dramatic forms that flourished and continue to flourish among the different peoples of the archipelago include: the indigenous theater, mainly Malay in character, which is seen in rituals, mimetic dances, and mimetic customs; the plays with Spanish influence, among which are the komedya, the sinakulo, the playlets, the sarswela, and the drama; and the theater with Anglo-American influence, which encompasses bodabil and the plays in English, and the modern or original plays by Fihpinos, which employ representational and presentational styles drawn from contemporary modern theater, or revitalize traditional forms from within or outside the country. The Indigenous Theater The rituals, dances, and customs which are still performed with urgency and vitality by the different cultural communities that comprise about five percent of the country’s population are held or performed, together or separately, on the occasions of a person’s birth, baptism, circumcision, initial menstruation, courtship, wedding, sickness, and death; or for the celebration of tribal activities, like hunting, fishing, rice planting and harvesting, and going to war. In most rituals, a native priest/priestess, variously called mandadawak, catalonan, bayok, or babalyan, goes into a trance as the spirit he/she is calling upon possesses him/her. While entranced...

Words: 9183 - Pages: 37

Premium Essay

What I Love

...Wives: Coping Strategies towards their Husbands’ Infidelity By: Arceo, S.L., Alamarez, A.B., Villena, J. & Yalung, C. Thesis Adviser: Ms. Editha Galura The aim of this study is to describe and identify the most common types of coping strategy used by wives who were affected by the infidelity of their partner. It also sought to provide demographic profiles of these wives. The researchers’ motivation of choosing this topic had been influenced by the everyday situation of people they knew who had experienced being separated to their husbands due to infidelity. Also, the media had contributed to their choice because nowadays, infidelity has been featured to many movies, television shows and social media sites. In this study, the researchers have employed a descriptive design. The participants involved in this research were 40 wives, age ranging from 25 to 65 years old and coming from different cities and towns of Pampanga, who have experienced infidelity of their husbands. Their sample was gathered through snowball sampling. For their theoretical framework, the researchers used the Lazarus model of stress and model of behavioral self-regulation. To quantify it, they used the Coping Orientation to Problem Experienced (COPE) inventory of Carver, Scheier, and Weintraub (1989). With the help of a professor, they have translated the inventory for their Filipino participants. They have also developed a demographic profile checklist. There were five variables in the checklist which...

Words: 561 - Pages: 3

Premium Essay

Belief on Filipino Subjects

...YEAR HIGH SCHOOLSTUDENTS OF SAN AGUSTIN INSTITUTE OF TECHNOLOGYTOWARDS FILIPINO SUBJECT THE BELIEFS AND ATTITUDES OF THE SELECTED FOURTH YEAR HIGH SCHOOLSTUDENTS OF SAN AGUSTIN INSTITUTE OF TECHNOLOGYTOWARDS FILIPINO SUBJECT MA. CLEOFE P. MANEGDEG ROBERTMEL BOY P. SIA JOANNE V. CAPURAS AN UNDERGRADUATE THESIS SUBMITTED TO THE EDUCATION DEPARTMENT OF SAN AGUSTIN INSTITUTE OF TECHNOLOGY IN PARTIAL FULFILLMENT OF THE REQUIREMENTS FOR THE DEGREE BACHELOR IN SECONDARY EDUCATION (MAJOR IN FILIPINO) San Agustin Institute of Technology Valencia City APPROVAL SHEET An undergraduate thesis here to entitle: “THE BELIEFS AND ATTITUDES OF THE SELECTED FOUTH YEAR HIGH SCHOOL STUDENTS OF SAN AGUSTIN INSTITUTE OF TECHNOLOGY TOWARDS FILIPINO SUBJECT. For the school year 2010 – 2011; prepared and submitted by ROBERTMEL BOY P. SIA, JOANNE V. CAPURAS AND MA. CLEOFE P. MANEGDEG in partial fulfillment of the requirement leading to the degree of Bachelor in Secondary Education major in Filipino is hereby accepted. AIDA C. SELESCIOS, Ph.D. Researcher Adviser MARLON FRIAS MS AMS ______________________ Thesis Adviser Date Signed VIRGINIA S. ARCALLANA, MAED______________________ Member, thesis Committee Date Signed ANALEE P. GARCIA ______________________ Member, thesis Committee Date Signed Accepted in partial fulfillment of the requirements leading to the degree of bachelor in Secondary Education major in Filipino. VIRGINIA S. ARCALLANA, MAED AIDA C. SELECIOS, Ph.D Education Chairperson...

Words: 9926 - Pages: 40

Premium Essay

123123123

..."FACTORS TO CONSIDER ON WHY FILIPINO STUDENTS ARE HAVING DIFFICULTIES IN THE THREE MAJOR SUBJECTS: ENGLISH, SCIENCE AND MATH.” In the Partial Fulfillment of the requirements In English III presented to the faculty of St. Agnes Academy of Caloocan Inc. Group I Añonuevo, Cris Jomel L. Benilan, Princess Niña G. Bulaclac, John Oliver N. Cariño, Patrick C. Fernandez, Lorenz P. Lucero,Karle Sedreke M. Pesalbon, Jhonmarc E. Salamero, Michaela Janzen Tacbas, Janrey Noah M. S.Y – 2013 – 2014 APPROVAL SHEET This thesis entitled “FACTORS TO CONSIDER ON WHY FILIPINO STUDENTS ARE HAVING DIFFICULTIES IN THE THREE MAJOR SUBJECTS: ENGLISH, SCIENCE AND MATH.” has been prepared by Group IV in partial fulfillment of the requirement in English III. This has been examined and recommended for acceptance and approval for oral examination. Mrs. Karen M. Corpuz English Teacher Approve by the committee on Oral defense with a grade of ________ on _________. ACKNOWLEDGEMENT: The researchers would like to express their heartfelt thanks and gratitude to the following person for the encouragement, suggestions, generosity of time, ideas and editing skills; and unending support for them to make this thesis a full and well done. Mrs. Luzviminda B. Flores, school directress, for this task for our future work. Mrs. Karen M. Corpuz, English teacher, for unstinted effort, support, patience, suggestions, time for editing thesis and the word of encouragement to her advice. Students...

Words: 1844 - Pages: 8

Free Essay

Decline of Values

...________________________ TOPIC: The Decline of Values in the Philippines THESIS SENTENCE: The Filipinos need a firm grip and stance on providing solutions regarding the decline of values in the Philippines such as organization of seminars and workshops centered on value education, compulsory moral education classes in schools, and the altruistic action of people to live by a good value system. TOPIC OUTLINE: I. Introduction A. Definition of values B. Brief explanation on the decline of values in the Philippines C. Thesis Sentence (possible solutions to the problem) II. Body A. Body Paragraph 1 1. How organization of seminars/workshops centered on value education can be a solution 2. Purpose, possible effects, and changes B. Body Paragraph 2 1. How compulsory moral education classes in schools can be a solution 2. Purpose, possible effects, and changes C. Body Paragraph 3 1. How the altruistic action of living by a good value system can be a solution 2. Purpose, possible effects and changes III. Wrapping Up INTRODUCTION: Values are cultural standards by which people assess desirability, goodness, and beauty. However, there is a continuous decline in the value system of Filipinos at present. This phenomenon greatly affects the citizens of the country especially...

Words: 1333 - Pages: 6