Free Essay

Mga Tula

In:

Submitted By ikilledwolfgang
Words 13887
Pages 56
1.Humanismo at Ideyalismo LUHA
RUFINO ALEJANDRO
I
Walang unang pagsisi,ito'y laging huli
Dalong aking luha...daloy aking luha, sa gabing malalim Sa iyong pag-agos,ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso-yaring abang pusong luray sa hilahil
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tusin!

II
Nang ako'y musmos pa at bagong pamukad yaring kaisipan
May biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay
"Bunso,kaiingat sa iyong paglalakad as landas ng buhay, ang ikaw,y mabuyo sa gawang masamay dapat iwasan."

III
Ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y hinamak;
Sa inalong dagat ng buhay sa mundo'y mag-isang lumayag,
Iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap
Nang ako'y lumaki,ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,aon na aking tinanggap

IV
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
Na ito'y huli na'y nakilalang alak na nanatay.
Ang piangbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't
Isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa kinabukasan!

V
Kaya naman ngayon,sa katandaan ko ay walang nalabi
Kundi ang lasapin ang dila ng isang huling pagsisisi; tumangis s alabi ng sariling hukay ng pagkaduhagit
Iluha ang aking palad na napakaapi!

VI
Daloy, aking luha...Dumaloy ka ngayon at iyaong hugasa
Ang pusong nabagbag sa dagat ng buhay;
Ianod ang dusang dulot ng tinamang nga kabiguan,
Nang yaring hirap ko't suson-susong sakit ay gumaan-gaan!

2. Pagsusuri sa pormalismo Sa Aking Bayan Simon A. Mercado
1 Kumislap ang isip ng pantas na malay
2 At ang sandaigdig ay naliwanagan
3 Nagsipamulaklak ng dunong na yaman
4 Ang nangagpunyaging paham na isipan;
5 At tayo’y nagising sa bagong kandungan
6 Ng pagkakasulong ng sandaigdigan!

7 Natuklas ng dunong na kahanga-hanga
8 Ang Atom na siyang panggunaw sa lupa;
9 Tila niloob ng Poong Bathala
10 Na tayo’y matapos sa sariling nasa;
11 Nakapabingit na sa pagkariwari
12 Ang ating daigdig na lutang sa luha!

13 Sa bagong liwanag ng pagkakasulong
14 Ay nangatuklasan ang lihim kahapon;
15 Ang mundo’y kumitid sa lipad ng dunong,
16 Nalakbay ang langit sa bakal na ibon,
17 Nasisid ang mga dagat na maalon
18 Ng taong palakang nagwagi sa layon!

19 Sa bilis ng bagong nilikhang panuklas
20 Narating ang buwan ng bakal na limbas;
21 Noon naman unang sa buwa’y lumunsad
22 Ang dalawang bunying astronaut na tanyag;
23 Subalit hindi pa lubos na matiyak
24 Kung ang buhay rito doo’y magluluwat.

25 Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog
26 Kapag may malaking bombang sinusubok,
27 Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
28 At saka malihis sa kanyang pag-ikot
29 Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
30 Dahil sa paghinto ng kanyang inog!

31 Hindi lamang iyan, may panganib pa ring
32 Ang mundo’y matapos hindi man mithiin,
33 Sa dalawa kayang malakas ay alin
34 Ang hindi magnasang ang isa’y linlangin?
35 Mundo’y matatapos, dapat na tantuin,
36 Sa sandaling biglang ang isa’y magtaksil!

37 May panganib pa rin sa bawat pagsubok
38 Ng bombang may lasong buga sa fall out;
39 Ito kung pumuksa sa tao’y kilabot
40 Higit na mabangis sa alinmang salot;
41 Pag ito’y kumalat sa katakut-takot,
42 Walang mabubuhay sa buong sinukob!

43 Sa ngayon, ang hanging ating nalilingahap
44 Ay may kahalo nang maruruming sangkap;
45 Kapag ito’y hindi nalunasan agad
46 Ay sa lason tayo mapupuksang lahat;
47 Kung bakit ang tao’y habang umuunlad
48 Saka nalalapit na lalo sa wakas!

49 Nang ang Hiroshima’t Nagasaki’y minsang
50 Bagsakan ng bombang karaniwan lamang,
51 Sa dalawang pook na pinaghulugan
52 Ay napakaraming nakitlan ng buhay;
53 Kung ang ibabagsak ay bombang pangunaw
54 Dagat na ang Hapon sa kasalukuyan!

55 “Pag bombang awtom ang siyang ginamit
56 Sa Luson, Bisaya, Mindanaw, karatig,
57 Dahilan sa lakas na napakalabis
58 Ang sangkapulua’y lulubog sa tubig;
59 Huwag nawa sanang loobin ng Langit
60 Na ang Santinakpa’y maglaho sa titig!
61 Ang pag-uuganahan ng dalawang lakas
62 Na sa kalawakan ay magharing ganap,
63 Ay nagbabalang di na magluluwat
64 At tayo sa digma’y muling magsisiklab;
65 Maanong loobin ng Nasa Itaas
66 Na huwag na sanang dumating ang wakas!

67 Ang Arabya, Jordan, Israel, Ehipto
68 Cambodia’t Vietnam, nag-iipu0ipo;
69 Ang hihip ng hangin kapag di nabago
70 Sa apoy ng digma’y masusunog tayo;
71 Lalo pag ang Tsina’y nagtaas ng ulo
72 At saka ang Rusya’y gumamit ng Maso!

73 Nais na lagumin ng Maso at Karit
74 Kung magagawa lang, ang lupa at langit;
75 Ang Agila naman sa pagpupumilit
76 Na siyang mauna’y hindi matahimik;
77 Bakit ba kung sino ang sa yama’y labis
78 Siyang mapangamkam, siyang mapanlupig?

79 Wala pang sanggol sa kasalukuyan
80 Sa pambobombang higit ang labis sa ingay,
81 Kaya kapag tayo’y biglang sinalakay
82 Di makakahanda nais mang lumaban;
83 Dahil dito kaya dapat pagsikapan
84 Na mapagkasundo ang sangkatauhan!

85 Hindi nga masamang ang tao’y
86 Lalo kung may mithiing dakila at tapat,
87 Pagkat likas lamang sa taong maghangad
88 Kung nasa ibaba, na siya’y mataas,
89 Ngunit ang masama’y ang magpakapantas
90 Upang ang mabuting binuo’y iwasak!

91 Di dapat gumamit ng mga sandatang
92 Bukod sa pangwakas, may lasong kasama;
93 Idalangin nating magkaisa sana
94 Ang sangkatauhan sa mithi at pita;
95 Pag tayo’y nabubuklod na gintong panata
96 Ang sandaigdiga’y wala nang balisa!

97 Kapag nagkaroon ng lason sa tubig
98 Gayon din ang hangin na dating malinis,
99 Lahat ng may buhay sa Silong ng langit
100 Ay matatapos nang parang panaginip;
101 Saka lamang naman magiging tahimik
102 Kung dito’y wala nang mga manlulupig!

103 Dahil dito kaya kinakailangan
104 Iwasan ang imbot at mga hidwaan;
105 Pagsikapan nating tuparing lubusan
106 Ang aral na tayo ay mangag-ibigan;
107 Sapagka’t ang Eden ay naglaho lamang
108 Nang si Ada’t Eva’y lumabag sa aral!

109 Agawin sa kamay ng imbot at inggit
110 Ang kapayapaan nitong sandaigdig;
111 Sugpuin ang dahas at lakas ng lupit
112 Sa pamamagitan ng Santong Matuwid;
113 Ang Diyos ay gising, di ipinagkait
114 Ang Kanyang saklolo sa api at amis!

115 Kapag ang Ama nang Makapangyarihan
116 Ang siyang nagtatanggol sa aping kat’wiran,
117 Hindi maglalao’t ang sangkatauhan;
118 Ay makakandong na ng kalwalhatian;
119 Saka ang ligalig na sandaigdigan
120 Ay mahihimbing na sa katahimikan.

3. Pagsusuri sa pormalismo

Ang Kalupi
Benjamin P. Pascual

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na barungbarong. Aliwalas ang kanyang mukha: sa kanyang lubog na mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kanyang malalagong kilay ay nakikintal ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. At sa kanyang manipis at maputlang labi, bahagyang pasok sa pagkakalat, ay naglalaro ang isang ngiti ng kasiyahan. Araw ng pagtatapos ng kanyang anak na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang natapos niya ang apat na taong inilagi sa mataas na paaralan. Ang sandaling pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pagpapaaral ay dumating na. Ang pagkakaroon ng isang anak na nagtapos ng high school ay hindi na isang maliit na bagay sa isang mahirap na gaya niya, naiisip niya. Sa mapangarapin niyang diwa ay para niyang nakikita ang kanyang anak na dalaga sa isang kasuotang puting-puti , kipkip ang ilang libro at nakangiti, patungo sa lalo pang mataas na hangarin sa buhay, ang makatapos sa kolehiyo, magpaunlad ng kabuhayan at sumagana. Maaaring balang araw ay magkaroon din siya ng mamanuganging may sinabi rin naman. Nasa daan na siya ay para pa niyang naririnig ang matinis na halakhak ng kanyang anak na dalaga habang paikut-ikot nitong isinusukat sa harap ng salamin ang nagbuburdahang puting damit na isusuot sa kinagabihan. Napangiti siyang muli.

Mamimili si Aling Marta. Bitbit ng isang kamay ng isang pangnang sisidlan ng kanyang pamimilhing uulamin. Habang daan, samantalang patungo sa pamilihang bayan sa Tundo, ay mataman niyang iniisip ang mga bagay na kanyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at kailangang magkaroon silang mag-anak ng hindi pangkaraniwang pananghalian. Bibili siyang ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at dalawang piling na saging. Bibili rin siya ng grabansos. Gusto-gusto ng kanyang magtatapos na anak ang minatamis na grabansos.

Mag-iikasiyam na nang dumating siya sa pamilihan. Sa labas pa lamang ay naririnig na niya ang di magkamayaw na ingay na nagbubuhat sa loob, ang ingay ng mga magbabangos na pagkanta pang isinisigaw ang halaga ng kanilang paninda, ang salit-salitang tawaran ng mga mamimili.

Linggo ng umaga at ang palengke ay siksikan. Sa harapan niya piniling magdaan. Ang lugar ng magmamanok ay nasa dulo ng pamilihan at sa panggitnang lagusan siya daraan upang magdaan tuloy sa tindahan tuloy sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng mantika. Nang dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang na papasok, ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang dibdib. “Ano ka ba?” ang bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung lumabas!”

Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pinag-ilang - lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-mahirap.

“Pasensiya na kayo, Ale’ ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na bangos. Tigbebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya. “Hindi ko ho kayo sinasadya. Nagmamadali ho ako, e.”

“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang –ingat mo’y pagpapasensiyahan nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.”

Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok. Paano’t pano man, naisip niya, ay ako ang huling nakapangusap. Higit kong daramdamin kung ako na itong nagawan ng di mabuti ay sa kanyang pa manggagaling ang huling salita. Mataman niyang inisip kung may iba pang nakakita sa nangyari. Marahas ang kanyang pagkakapagsalita sa bata at maaaring may kakilala siyang nagdaraan na nakarinig ng kanyang mga sinabi. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang kartong mantika.

“Tumaba yata kayo, Aling Gondang, “ ang bati niya sa may kagulangan nang tindera na siya niyang nakaugaliang bilhan. Nakangiti siya at ang babae ay ngumiti rin.

“Tila nga ho, “ ani Aling Gondang. “Tila ho nahihiyang ako sa pagtitinda.”

Natawa si Aling Marta at pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang bestido upang magbayad. Saglit na nangulimlim ang kanyang mukha at ang ngiti sa maninipis niayng niyang labi ay nawala. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ng kanyang anyo.

“Bakit ho? anito.

“E . . . e, nawawala ho ang aking pitaka, “ wala sa loob na sagot ni Aling Marta.

“Ku, e magkano ho naman ang laman?” ang tanong ng babae.

Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi. Sabado. Ngunit aywan ba niya kung bakit ang di pa ma’y nakikiramay ang tonong nagtatanong ay nakapagpalaki ng kanyang loob upang sabihing, “E, sandaan at sampung piso ho.”

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, wari’y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari. Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Tumama ang siko nito sa kanyang dibdib, sa kanyang katawan! Dali-dali siyang tumalikod at patakbong lumabas. Hindi pa marahil iyon nakalalayo; may ilang sandali pa lamang ang nakaraan, ang tabas ng mukha, ang mukha, ang gupit, ang tindig. Sa labas, sa harap ng palengke na kinaroroonan ng ilang tindahang malilliit at ng mangilan-ngilang namimili at ang batang panakaw na nagtitinda ng gulay, ay nagpalingan-linga siya. Patakbo uli siyang lumakad, sa harap ng mga bilao ng gulay na halos mayapakan na niya sa pagmamadali, at sa gawing dulo ng pusisyon na di kalayuan sa natatanaw niyang karatig na outpost ng mga pulis, ay nakita niya ang kanyang hinahanap. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa malas niya ay tumatawad. Hindi siya maaring magkamali: ang wakwak na kamiseta nito at ang mahabang panahon na ari’y salawal ding ginagamit ng kanyang ama, ay sapat nang palatandaan upang ito ay madaling makilala. At ang hawak nitong bangos na tigbebente.

Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa liig. “Nakita rin kita!” ang sAbi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!”

Tiyakan ang kanyang pagkakasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa pag-aapuhap ng isasagot ay masukol niyang buong-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong sumagot:

“Ano hong pitaka? “ ang sabi. Wala ho akong kinukuha sa inyong pitaka.“

“Ano wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumudukot ng pitaka ko at wala ng iba. Kunwa pa’y binangga mo ‘ko, ano ha ? Magaling, magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”

Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at babaeng namimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa liig ng bata at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.

“Aba, kangina ba namang pumasok ako sa palengke e banggain ako, “ang sabi niya. “Nang magbabayad ako ng pinamili ko’t kapain ko ang bulsa ko e wala nang laman!”

“Ang mabuti ho’y ipapulis ninyo, “sabing nakalabi ng isang babaing nakikinig. “Talagang dito ho sa palengke’y maraming naglilipanang batang gaya niyan.”

“Tena, “ang sabi ni Aling Marta sa bata. “Sumama ka sa akin.”

“Bakit ho, saan ninyo ako dadalhin?”

“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang liig ng bata. “Ibibigay kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”

Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya ang hawak na bangos upang dalawahing – kamay ang pag-alis ng mabutong daliri ni Aling Marta na tila kawad sa pakakasakal sa kanyang liig. May luha nang nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod sa mga pagkakataong tulad niyon, at nang ito ay malapit na ay sinimulan ni Aling Marta ang pagsusumbong. “Nasiguro ko hong siya dahil sa nang ako’y kanyang banggain, e, naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa, “patapos niyang pagsusumbong. “Hindi ko lang ho naino kaagad pagkat ako’y nagmamadali.”

Tiningnang matagal ng pulis ang bata, ang maruming saplot nito at ang nagmamapa-sa duming katawan, pagkatapos ay patiyad na naupo sa harap nito at sinimulang mangapkap. Sa bulsa ng bata, na sa pagdating ng pulis ay tuluyan nang umiyak, ay lumabas ang isang maruming panyolito, basa ng uhog at tadtad ng sulsi, diyes sentimos na papel at ang tigbebenteng bangos.

“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka? “ang tanong ng pulis kay Aling Marta.

“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta.

“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalasik na tanong ng pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung di ay dadalhin kita.”

“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kanya, “sisiguk-sigok na sagot ng bata. “Maski kapkapan ninyo ‘ko nang kapkapan e wala kayong makukuha sa akin. Hindi ho ako mandurukot.

“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin naming sa iyo kung ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapuwa mo mandurukot! O, ano, hindi ba ganon kayong mga tekas kung lumakad …. dala-dalawa, tatlu-tatlo! Ku, ang mabuti ho yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kuwartel. Baka roon matulong matakot iyan at magsabi ng totoo.”

Tumindig ang pulis,” Hindi ho natin karaka-rakang madadala ito ng walang evidencia. Kinakailangang kahit paano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang siya nga ang dumukot ng inyong kuwarta. Papaano ho kung hindi siya?”

“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo? ang sabi ni Aling Marta na nakalimutan ang pamumupo. “Sinabi nang binangga akong sadya, at naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking bulsa. Ano pa? Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang gawain, maya’y maling naupo at dumukot ng isang lapis at isang mallit na kuwaderno sa kanyang bulsa.

“Ano ang pangalan mo? ang tanong niya sa bata.

“Andres Reyes po.”

“Saan ka nakatira? ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa kanyang paligid, inisa– isa ang mga mukhang nakatunghay sa kanya. “Wala ho kaming bahay,” ang sagot. ” Ang tatay ko ho e may sakit at kami ho, kung minsan, ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira, sa Blumentritt, kung minsan naman ho e sa mga ko sa Kiyapo at kung minsan e sa bahay ng kapatid ng nanay ko rito sa Tundo. Inutusan nga lang ho niya ‘kong bumili ng ulam para mamayang tanghali.

“Samakatuwid ay dito kayong mag-ama nakatira ngayon sa Tundo?” ang tanong ng pulis.

“Oho, “ang sagot ng bata, “pero hindi ko nga lang ho alam ang kalye at numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hindi ho ako marunong bumasa e.”

Ang walang kaawa awang tanong at sagot na naririnig ni Aling Marta ay makabagot sa kanyang pandinig; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating; sa palagay ba niya ay para silang walang mararating. Lumalaon ay dumarami ang tao sa kanilang paligid at ang pulis na umiusig ay tila siyang –siya sa kanyang pagtatanong at pagsusulat sa kuwaderno. Nakaramdam siya ng pagkainis.

“Ang mabuti ho yata e dalhin na natin iyan kung dadalhin, “ ang sabi niya.”Pinagkakaguluhan lamang tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari. Kung hindi naman ninyo kaya ay sabihin ninyo at tatawag ako ng ibang pulis.’

“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad , e” sabi ng pulis. “Buweno , kung gusto n’yong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sumama sa akin sa kuwartel . Doon sabihin ang gusto ninyong sabihin at doon n’yo gawain ang gusto n’ong gawain.”

Inakbayan niya ang bata at inilakad na patungo sa outpost, kasunod ang hindi umiiyak na si Aling Marta at ang isang hugos na tao na ang ilan ay pangiti-ngiti habang silang tatlo ay minamasdan. Sa harap ng outpost ay huminto ang pulis.

“Maghintay kayo rito sandali at tatawag ako sa kuwartel para pahalili, “ ang sabi sa kanya at pumasok . Naiwan siya sa harap ng bata, at ngayon ay tila maamong kordero sa pagkakatungo, sisiguk-sigok, nilalaro ng payat na mga daliri ang ulo ng tangang bangos. Luminga-linga siya. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita niyang pumasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang ipaghintay bago siya makauwi; dalawa, tatlo o maaaring sa hapon na. Naalala niya ang kanyang anak sa dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa paghihintay; at para niyang narinig ang sasabihin nito kung siya’y darating na walang dala ano man, walang dala at walang pera. Nagsiklab ang poot sa kanya sa kangina pa nagpupuyos sa kanyang dibdib; may kung anong sumalak sa kanyang ulo; mandi’y gagahanip ang tingin niya sa batang kaharap. Hinawakan niya ito sa isang bisig, at sa pagdidilim ng kanyang paningin ay pabalinghat niyang pinilit sa likod nito.

“Tinamaan ka ng lintek na bata ka! Ang sabi niyang pinanginginigan ng laman. “Kung walang binabaing pulis na makapagpapaamin sa iyo, ako ang gagawa ng ikaaamin mo! Saan mo dinala ang dinukot mo sa ‘kin? Saan/ Saan?

Napahiyaw ang bata sa sakit; ang biig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. Ang mga nanonood ay parang nangangapatdan ng dila upang makapagsalita ng pagtutol. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng bata; sinapo ito ng bata ng kanyang kamay at nang mailapit sa kanyang bibig ay buong pangigil na kinagat.

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitisgas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, ng siya ay bitiwan ng nasaktang si Aling Marta at makalayong papaurong, ay naalaala niya ang kalayaan, kay Aling Marta at sa dumaakip na pulis, at siya ay humahanap ng malulusutan at nang makakita ay walang lingun-lingon na tumakbo, patungo sa ibayo nang maluwag na daan. Bahagya na niyang narinig ang mahahayap na salitang nagbubuhat sa humahabol na si Aling Marta, at ang sigaw ng pulis at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kanyang pandinig ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa kanya ang buong paligid at sa pagmumulat na muli ng kanyang paningin, sa pagbabalik ng kanyang ulirat, ay wala siyang nakita kundi ang madaliin ang anino ng kanyang mukhang nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan.

Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata Maputla ang kulay ng kanyang mukha at aywan ba niya at pati siya ay tila pinanawan ng lakas. Malanig na pawis ang gumigiti sa kanyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog. Hindi siya makapag-angat ng paningin; sa palagay ba niya ay sa kanya nakatuon ang paningin ng lahat at siyang binubutan ng sisi. Bakit ba ako nanganganino sa kanila? Pinipilit niyang usalin sa sarili. Ginawa ko lamang ang dapat gawin ninuman at nalalaman ng lahat na ang nangyayaring ito’y pagbabayad lamang ng bata Sa kanyang nagawang kasalanan.

Ang pulis ay nakabalik na sa outpost at sa isang ospital na tumatawag. Ang bata ay napagtulungan ng ilan na buhatin sa bangketa upang doon pagyamanin at ipaghintay ng ambulansiya kung aabot pa. Ang kalahati ng kanyang katawan, ang dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at ang gulanin niyang kasuotan ay tuluyan nang nawalat sa kanyang katawan. Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling nagmulat ito ng paningin at ang mga mata ay ipinako sa maputlang mukha ni Aling Marta.

“Maski kapkapan niniyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang sabing paputul-putol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong pitaka.”

May kung anong malamig ang naramdaman ni Aling Marta na gumapang sa kanyang katawan; ang bata ay pilit na nagsasabi ng kanyang pahimakas. Ilang sandali pa ay lumulungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang naroroon ay marahan itong napailing. Patay na, naisaloob ni aling Marta sa kanyang sarili.

“Patay na ang dumukot ng kuwarta ninyo,” matabang na sabi ng pulis sa kanya. Nakatayo ito sa kanyang tabi at hawak naman ang kuwaderno at lapis. “Siguro’y Matutuwa na kayo niyan.”

“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni Aling Marta.

“Wala naman, sa palagay ko,” Ang sagot ng pulis. “ Kung may mananagot niyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan , “ may himig pangungutya ang tinig ng pulis.

“Makaaalis na po kayo?” tanong ni Aling Marta.

“Maaari na”, sabi ng pulis. “Lamang ay kinakailanang iwan ninyo sa akin ang inyong pangalan at direksiyon ng inyong bahay upang kung mangangailangan ng kaunting pag-aayos ay mahingan naming kayo ng ulat.”

Ibinigay ni Aling Marta ang tinitirhan at pagkatapos ay tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan . Para pa siyang naghihina at magulong-magulo ang kanyang isip; Sali-salimuot na alalahanin ang nagsasalimbayan sa kanyang diwa. Lumakad siya ngayon na walang tiyak na patutunguhan. Naalala niya ang kanyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuuwi na, at ang nananalim, nangungutyang mga mata ng kanyang asawa sa sandaking malaman nito ang pagkawala ng pera. Magtatanong iyon, magagalit, hanggang sa siya ay mapilitang sumagot. Magpapalitan sila ng mahahayap na pangungusap, sisihan, tungayawan, at ang mga anak niyang ga-graduate ay magpapalahaw ng panangis hanggang sila ay puntahan at payapain ng mga kapitbahay.

Katakut-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi sinasadya ay muling nadako ang pinag-uugatang diwa sa banghay ng bata na natatakpan ng diyaryo, na siyang pinagmulan ng lahat.

Kung hindi sa tinamaan ng lintik na iyon ay hindi ako masusuot sa suliraning ito, usal niya sa sarili. Kasi imbi, walang pinag-aralan, maruming palaboy ng kapalarang umaasa sa taba ng iba. Mabuti nga sa kanya!

Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian. Pagkakain ng kanyang asawa ay malamig na ang kukote nito at saka niya sasabihin ang pagkawala ng pera. Maaaring magalit ito at ipamukha sa kanya, tulad ng madalas na sabihin nito, na ang lahat ay dahil sa malabis niyang paghahangad na makapagdala ng labis na salaping ipamimili, upang makapamburot at maipamata sa kapwa na hindi sila naghihirap. Ngunit ang lahat ay titiisin niya, hindi siya kikibo. Ililihim din niya ang nangyaring sakuna sa bata; ayaw ng kanyang asawa ng iskandalo; at kung sakali’t darating ang pulis na kukuha ng ulat ay lilihimin niya ito. At tungkol sa ulam mangungutang siya ng pera sa tindahan ni Aling Gondang at iyon ang kanyang ipamimili – nasabi niya rito na ang nawala niyang pera ay isang daan at sampung piso at halagang iyon ay napakalaki na upang ang lima o sampung ay ipagkait nito sa kanya bilang panakip. Hindi iyon makapahihindi. May ngiti ng kasiyahang naglalaro sa manipis na labi ni aling Marta nang ipihit niya ang kanyang mga paa patungong pamilihan.

Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang bago siya pumasok sa tarangkahan, ay natanaw na niya ang kanyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barung-barong. Nakangiti ito at siya ay minamasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw ang payat na mukha ng kanyang asawa.

“Saan ka kumuhang ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kanyang anak na ga-graduate.

“E… e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta. “Saan pa kundi sa aking pitaka.”

Nagkatinginan ang mag-ama.

“Ngunit, Marta,” ng sabi ng kanyang asawa , “Ang pitaka mo e naiwan mo! Kanginang bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa bulsa ng iyong bestidong nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako, pero nakalimutan kong isauli. Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan ?”

Biglang –bigla, anaki’y kidlad na gumuhit sa karimlan, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito; Maski kapkapan ninyo ako, e wala kayong makukuha sa ‘kin. Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kanyang asawa’t anak, at ang papaliit at lumalabong salitang: Bakit kaya? Bakit kaya?

4.Eksistensyal at Marksismo

Banaag at Sikat
Lope K. Santos

Umiinog ang nobela sa buhay nina Delfin at Felipe, na kapuwa nagtataglay ng sungayang ideolohiyang may kaugnayan sa sosyalismo. Si Delfin ay mula sa angkan ng mayayaman, ngunit naghirap nang yumao ang kaniyang mga magulang, at ampunin ng ibang tao. Madaranas niya ang hirap sa pagpasok sa iba’t ibang trabaho, at ang hirap na ito ang magiging kabiyak na praktika ng mga teoryang nasagap niya sa pagbabasa ng mga aklat na sumusuysoy sa sosyalismo sa Europa. Samantala, si Felipe ay anak-mayaman din, ngunit itatakwil ng kaniyang sariling ama dahil iba ang nais pag-aralan at lumilihis sa itinatakdang landas ng pagpapanatili ng kayamanan ng angkang maylupa. Ang karanasan ni Felipe bilang manlilimbag sa imprenta, bilang manggagawang bukid sa lupain ng kaniyang ama, at bilang kasintahan ni Tentay ang magbubukas sa kaniya ng paningin hinggil sa malaganap na kahirapang bumubusabos sa maraming tao. Ang naturang karanasan din ang kapilas ng pilosopiya ng anarkismong ibig niyang yakapin at palaganapin sa bansa.

Mapapaibig si Delfin kay Meni, na anak ni Don Ramon Miranda, at mabubuntis ang dalaga makalipas ang mga lihim na pagtatagpo. Ngunit hahadlang si Don Ramon, at tatangkaing paghiwalayin ang dalawa. Bugbugin man ng ama si Meni ay hindi magbabawa ang pasiya nitong samahan si Delfin. Hanggang mapilitang pumayag si Don Ramon sa pagpaparaya sa anak, at maglalagalag sa Amerika kasama ang aliping si Tikong, at ipagkakait ang mana kay Meni. Pagnanasahan naman ni Honorio Madlang-Layon ang kayamanan ni Don Ramon, at gagamitin ang katusuhan bilang abogado upang mapasakamay niya at ng kaniyang asawang si Talia ang lahat ng salapi, sapi, yaman, at lupain ng matanda. Si Talia, na isa pang anak ni Don Ramon, ay pipiliting kumbinsihin si Meni na iwan ang esposo nito at balikan ang layaw na tinalikdan. Matatauhan si Meni, at mananaig sa kaniya ang puri ng taong ayaw sumandig sa kayamanan ng magulang, at tapat na nagmamahal sa asawa.
Sa kabilang dako’y mahuhulog ang loob ni Felipe kay Tentay, na mula sa dukhang pamilya. Ito ang ikangingitngit ni Kapitang Loloy, ang ama ni Felipe, sa paniwalang walang mabuting kinabukasan ang mangyayari kung magkakatuluyang magsama ang magkasintahan. Sapilitang iuuwi ni Kapitang Loloy si Felipe sa lalawigan, subalit magsasagawa naman ng indoktrinasyon si Felipe sa mga magsasaka hinggil sa pinaniniwalaang rebolusyong panlipunan, at magiging sanhi ito upang isuplong siya ng katiwala sa ama. Mapopoot si Kapitang Loloy, at itatakwil ang anak. Pagkaraan, magbabalik si Felipe kay Tentay, at makikipamuhay dito nang parang mag-asawa, matapos ipagtanggol ang mag-anak nito laban kay Juan Karugdog na isang manyakis, bagaman ayaw magpakasal noong una si Felipe dahil sa pananalig na sukdulang kalayaan ng indibidwal.

Sa dulo ng nobela, magbabalik na bangkay si Don Ramon sa Filipinas, makaraang paslangin ni Tikong dahil sa labis na pagmamalupit ng amo. Ipakikilala si Doroteo Miranda, ang pamangkin ni Don Ramon, na maghahatid ng bangkay, kasama si Ruperto na siya palang kapatid ni Tentay. Si Ruperto, na bartender sa Nuweba York, ay ilalahad ang kaniyang pakikipagsapalaran sa iba’t ibang bansa sa pananaw ng migranteng manggagawang Filipino, at mapapaibig kay Marcela na siyang kapatid naman ni Felipe. Magtatagisan ng paniniwala sina Delfin at Felipe doon sa sementeryo hinggil sa sosyalismo at anarkismo, hanggang dumako sila sa yugtong hindi pa napapanahon ang rebolusyon ng mga anakpawis dahil hindi umaabot sa kalagayang malaganap na ang kaisipang sosyalismo sa kapuluan. Ang tagisan ng mga paniniwala ng magkaibigan ay waring karugtong ng balitaktakang ikinapoot nina Don Ramon at Don Filemon sa batis ng Antipulo na binanggit sa ikalawang kabanata ng nobela, at sa pagtatalo nina Delfin at Madlang-Layon sa Kabanata XIV.
Magwawakas ang nobela sa tagpong may salo-salo sa tahanan ng mga Miranda, at sa ganap na paghihiwalay nina Meni at Talia bilang magkapatid, dahil tumanggi si Meni na hiwalayan si Delfin kapalit ng rangya, layaw, at yamang pangako ng kapatid. Lilisanin nina Delfin, Meni, Felipe, at Ruperto ang tahanan ng pamilyang Miranda, bago magkabasagan ng bungo sina Delfin at Madlang-Layon, at masasaisip ni Ruperto ang kabatirang “may mga bayani ng bagong Buhay!”
Kayamanan at Kapangyarihan
Masalimuot ang banghay dahil ipinakita ni Santos ang iba’t ibang madilim na pangyayari sa buhay ng mahahalagang tauhan, gaya nina Don Ramon, Don Filemon, Kapitang Loloy, Ñora Loleng, Meni, Talia, Julita, at Tentay, o nina Marcela, Martin Morales, Isiang, Ruperto, Juan Karugdog, at iba pang panuhay na tauhan, na pawang may kaugnayan sa buhay nina Delfin at Felipe. Halimbawa, titindi ang galit nina Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang Loloy kay Delfin dahil siya umano ang pasimuno ng kaisipang sosyalismo mulang pahayagang El Progreso hanggang pagbilog sa ulo ni Felipe. Sina Don Ramon at Don Filemon ay kapuwa nagmamay-ari ng palimbagan at pahayagan, at ibig kontrolin kahit ang opinyon ng taumbayan, samantalang sinusupil ang mga karapatan ng obrero. Natatakot din ang tatlong matanda na mawala sa kanilang kamay ang yaman at kapangyarihan, at kumalat ito sa mahihirap. Samantala, ang pagiging matapobre ni Ñora Loleng—na asawa ni Don Filemon—ay kaugnay sa pagpapanatili ng yaman at lihim na relasyon kay Don Ramon.
Ang manipestasyon ng yaman, rangya, at kapangyarihan ni Don Ramon ay aabot kahit kahit sa pakikipagtalik kay Julita na bayarang babae, sa pakikiulayaw kay Ñora Loleng, at sa pakikisama sa iba’t ibang babae sa Amerika. Ang patriyarkal na pananaw ni Don Ramon ay ilalapat niya kahit sa pagpapalaki ng kaniyang dalawang anak na babae, na ang isa’y tradisyonal at gahaman (Talia), samantalang ang isa’y makabago at mapagbigay (Meni). Hindi malalayo rito ang patriyarkal na pamamalakad ni Kapitang Loloy, na ibig diktahan kung paano dapat mamuhay ang mga anak na sina Felipe at Marcela. Ang iba’t ibang libog ay makikita naman sa asal ni Juan Karugdog, alyas “Kantanod,” na sinaunang stalker at ibig gahasain si Tentay. Maihahalimbawa rin ang libog ni Ñora Loleng na kahit matanda na’y ibig pa ring makatalik si Don Ramon; o ang kalikutan ni Isiang na dinaraan sa pagpipiyano ang lihim na ugnayang seksuwal kay Morales. Sukdulang halimbawa ng kalibugan sina Meni at Delfin, na nagtitipan kung gabi sa hardin upang doon iraos ang silakbo ng hormone, ngunit ginagawa lamang nila ito dahil sinisikil ni Don Ramon ang kanilang kalayaang mag-usap bilang magkasintahan.
Ang bisa ng yaman at kapangyarihan ay mababanaagan kahit sa palimbagan, sa bukirin, sa tahanan, at sa malalayong lupain na pinaghaharian nina Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang Loloy. Kapani-paniwala rin ang nakalulunos na paglalarawan sa tahanan ng mag-anak na Tentay, o kaya’y ng naghihikahos na mag-asawang Delfin at Meni, na maitatambis sa marangyang kasal nina Honorio at Talia o sa paglulustay ng oras nina Morales at Isiang sa ngalan ng aliwan. Ang kasal nina Honorio at Talia ay halimbawa ng pagsasanib ng dalawang maykayang pamilya, at si Honorio ang abogadong tagapagtanggol ng ekonomikong interes ng pamilyang Miranda. Iisa lamang ang ibig sabihin nito: Nasa yaman ang kapangyarihan, at ang kapangyarihang ito ay kayang dumungis ng dangal ng tao o sambayanan.
Gayunman, ipinamamalas din ng nobela na hindi lahat ay kayang bilhin at paikutin ng salapi. Ang pagtalikod nina Meni, Delfin, at Felipe sa ipinangangakong yaman ng kanilang magulang ay pahiwatig na pananalig sa sariling pagsisikap, sa mataas na pagpapahalaga sa “puri” o “dangal,” at ang anumang yaman ng pamilya ay hindi dapat manatili sa pamilyang iyon lamang bagkus marapat matamasa rin ng iba pang mahihirap na tao. Ang paniniwala ni Delfin, na kung minsan ay sususugan ni Felipe, ay ang tao ay tagapangasiwa lamang ng yaman, at ang yamang ito ay dapat pag-aari ng sambayanan upang magamit sa higit na patas at abanseng pamamaraan.

Pagbasa sa Agos ng Kasaysayan
Natatangi ang pagbasa ni Delfin ukol sa agos ng kasaysayan, at kung bakit aniya hindi pa napapanahon nang oras na iyon ang ipinapanukalang rebolusyong sosyal ni Felipe. Para kay Delfin, ang buhay ng mga lahi at bayan ay dumaraan sa tatlong yugto: una, ang panahong iniaasa at iniuukol ang lahat sa Diyos; ikalawa, ang panahong ipinipintuho at kinikilalang utang ang lahat sa mga bayani; at ikatlo, ang panahong ang lahat ay kinikilala ang galing at mapauwi sa lahat. Ang Filipinas ay nasa ikalawang yugto na umano nang panahong iyon, at naghihintay ng ganap na pagkahinog. Ang bisyon ng kabayanihan ni Delfin ay sumasaklaw sa sangkatauhan, at hindi lamang sa iilang tao. Upang mapasimulan ang gayong bisyon ay kailangan ang mabubuting halimbawa.
Iniugnay ni Delfin ang kaniyang paniniwala sa ideolohiya ng Katipunan (Kataas-taasan, Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan) nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto. Ano-ano ito? Na dapat magkakapantay ang uring panlipunan ng mga tao; Na ang kayamanang hawak ng iilang tao o insitusyon ay dapat maipamahagi at pakinabangan ng lahat ng tao; Na ang mga pinuno’y dapat tagaganap lamang ng lunggati at nais ng taumbayan imbes na diktahan ang taumbayan; Na ang mga manggagawa’y dapat magtamo ng pakinabang sa lahat ng kanilang pinagpagalan. Ang banggit hinggil sa uring manggagawa ay ikayayamot ng mga maykayang sina Don Ramon, Don Filemon, at Kapitang Loloy dahil manganganib ang kanilang ari-arian at malalagay sa alanganin ang seguridad ng kanilang buong angkan.
Pambihira ang ginawang taktika ni Santos sa kaniyang nobela upang mailahad ang kaisipang sosyalista. Masinop niyang ginamit ang usapan nina Delfin at Felipe, bukod kina Don Ramon, Don Filemon, Ruperto, at Madlang-Layon, upang maitampok ang mga hiyas na diwain. Ang nasabing kaisipang sosyalista ay hindi purong sosyalismong inangkat lamang nang buo sa Europa, bagkus hinugisan ng bagong anyo upang iangkop sa mga pangyayari sa Filipinas at nang maangkin ng mga Filipino. Mapapansin kung gayon na ang presentasyon ng karukhaan, inhustisya, at kalagayan ng uring manggagawa sa nobela ay malayo sa sitwasyong industriyal ng Europa, ngunit iniangkop sa piyudal na sistema sa Filipinas. Ang problema lamang ay lumalabis kung minsan ang salitaan, at animo’y nagtatalumpati ang mga tauhan na siyang maipupuwing sa punto de bista ng sining sa pagkatha. Ang pananaw na sosyalista ay tutumbasan sa nobela ng mapapait na karanasan ng mga dukha, mulang panlalait at pag-aaglahi hanggang tandisang pananakit at pangigigipit mula sa anak at alila hanggang obrero at magsasaka. Dito bumabawi ang nobela, dahil ang mga tauhan ay nagkakaroon ng gulugod, at ang kanilang paghihimagsik sa dustang kalagayan ay hindi lamang basta hinugot sa aklat bagkus sa tunay na buhay.

Estetika ng Nobela
Ginamit sa Banaag at Sikat ang bisa ng ligoy at paghihiwatigan ng mga Tagalog noon kaya mapapansin ang mabubulaklak na usapan. Ang nasabing paraan ng komunikasyon ay nagpapamalas ng mataas na konteksto ng usapan at ugnayan, na nagpapatunay na ang mga Tagalog ay malaki ang pagpapahalaga sa kausap na maaaring matalik sa kaniyang puso kung hindi man “ibang tao.” Naiiba ang naturang komunikasyon sa gaya ng komunikasyon ng mga Amerikano, na ang ibig palagi ay tahas ang usapan, at walang pakialam sa niloloob ng kausap.
Ang mga usapan ay nabubudburan ng mga siste, at ang kabastusan ngayon ay binibihisan noon ng mga talinghaga upang maikubli ang kalibugan, kalaswaan, at kasaliwaan ng mga pangyayari. Maihahalimbawa ang usapan nina Meni at Delfin sa bakuran o sa Antipolo, o nina Felipe at Tentay sa isang dampa, o kahit ang landi ng mga tagpo sa panig ng tatsulok na relasyong Ñora Tentay, Don Ramon, at Julita, hanggang sa pahabol na pagliligawan nina Ruperto at Marcela sa dulo ng nobela.
Kahanga-hanga ang lawak ng bisyon ni Santos sa pagkatalogo ng mga pangyayari, at sa mga paglalarawan ng mga tauhan, tagpo, at tunggalian. Mulang sinaunang pamahiin sa pagbubuntis ni Meni hanggang lumang paniniwala sa paglilibing kay Don Ramon, nahuli ng awtor ang kislot ng guniguni ng karaniwang Tagalog at ito ang mahirap pantayan ng mga kapanahong akda ng Banaag at Sikat. Maihahalimbawa ang detalyadong paglalarawan sa Antipolo, na maihahambing noon sa Baguio at iba pang tanyag na resort ngayon, at kung paanong ang pook na ito ay kapuwa nagtataglay ng kabanalan at kalaswaan. Pambihira rin ang deskripsiyon mula sa limbagan, at maiisip kung gaano kabigat ang ginagawa noon ng mga trabahador sa imprenta; o kaya’y ang paglalahad sa hirap na dinaranas ng mga Filipino na napipilitang sumakay ng barko upang makipagsapalaran sa iba’t ibang bansa. Sa paglalangkap ng diyalohikong agos ng mga pangyayari at diyalohikong usapan ng mga tauhan, nakalikha si Santos ng kahanga-hangang kaisipang nakapaghahayag ng panukalang sosyalismong Tagalog para sa Katagalugang kumakatawan sa buong bansa, ayon sa sipat ng Katipunan.
Ang tinutukoy na “Banaag at Sikat” sa nobela ay ang posibilidad ng malawakang pagbabago sa lipunan, at ang pagbabagong ito ay may kaugnayan sa distribusyon ng kayamanan, oportunidad, at kapangyarihan. Maaaring munting sinag mula sa malayo ang nakikita ni Santos noon, at siyang ipinaloob niya sa diwa nina Delfin at Felipe na inaasahang magpapasa rin ng gayong diwain sa kani-kaniyang anak. Ang ipinunlang kaisipan ng awtor ay masasabing napapanahon na, at sumisikat na sa kaisipan ng bagong henerasyong nasa alaala na lamang ang gaya ng Colorum at HUKBALAHAP sa harap ng Bagong Hukbong Bayan at Bangsamoro. Gayunman, makabubuting magbasa muna ng aklat, at basahing muli ang Banaag at Sikat, nang matiyak nga kung anong silakbo ang iniwan ni Lope K. Santos sa kaniyang mga kapanahong manunulat at siyang umaalingawngaw pa rin magpahangga ngayon sa ating piling.

5. Pagsusuri sa dula
Sa Pula, Sa Puti
Francisco “Soc” Rodrigo

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.
Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa.
(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).
Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8 ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito.Ito'y walang pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).
Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan kana.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok na kalaban.
Sioning:
(May kahinaan din ang ulo).
Sa anong dahilan?
Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at tumaas ang balahibo. Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo, ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.
Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo…
(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan!
(Ibababa ang tinali.)
Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno, hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.
Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo, hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.
Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan) ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)
Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
Aling Celing, natalo po tao.
Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.
Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?
Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo awawalan. Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang ulol na…
Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.
Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.)

6. Pagsusuri sa naturalismo
Mabangis ang lungsod
Efren R. Abueng 1. Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong sa araw-araw ay may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring maninipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

2. Ang gabi ay hindi napapansin ng lalabindalawang taong gulang na si Adong. Ang gabi ay tulad lamang ng pagiging Quiapo ng pook na iyon. Kay Adong, ang gabi’y naroroon, hindi dahil sa may layunin sa pagiging naroon, kundi dahil sa naroroon, katulad ng Quiapo. Sa walang muwang na isipan ni Adong, walang kabuluhan sa kanya kung naroon man o wala ang gabi— at ang Quiapo.

3. Ngunit isang bagay ang may kabuluhan kay Adong sa Quiapo. Alisin na ang nagtatayugang gusali roon, alisin na ang bagong lagusan sa ilalim ng lupa, alisin na ang mga tindahang hanggang sa mga huling oras ng gabi’y mailaw at maingay. Huwag lamang matitinag ang simbahan at huwag lamang mababawasan ang mga taong pumapasok at lumalabas doon, dahil sa isang bagay na hinahanap sa isang marikit. Sapagkat ang simbahan ay buhay ni Adong.

4. Kung ilang hanay ang mga pulubing naroroon at mga nagtitinda ng tiket sa suwipistek, ng kandila, ng kung anu-anong ugat ng punongkahoy at halaman. At sa mga hanay na iyon ay nakatunghay ang simbahan, naawa, nahahabag. At nakatingala naman ang mga nasa hanay na iyon, kabilang si Adong. Hindi sa simbahan kundi sa mga taong may puso pa upang dumukot sa bulsa at maglaglag ng singko o diyes sa maruruming palad.

5. Mapapaiyak na si Adong. Ang tingin niya tuloy sa mga ilaw-dagitab ay parang mga piraso ng apoy na ikinakalat sa kalawakan. Kangina pa siyang tanghali sa loob ng marusing na bakuran ng simbahan. Nagsawa na ang kanyang mga bisig sa kalalahad ng kamay, ngunit ang mga sentimong kumakalansing sa kanyang bulsa ay wala pang tunog ng katuwaan. Bagkus ang naroon ay bahaw na tunog ng babala. Babalang ipinararamdam ng pangangalam ng kanyang sikmura at sinasapian pa ng takot na waring higad sa kanyang katawan.

6. “Mama…Ale, palimos na po.”

7. Ang maraming mukhang nagdaraan ay malalamig na parang bato, ang imbay ng mga kamay ay hiwatig ng pagwawalang-bahala, ang hakbang ay nagpapahalata ng pagmamadali ng pag-iwas.

8. “Singko po lamang, Ale…hindi pa po ako nanananghali!”

9. Kung may pumapansin man sa panawagan ng Adong, ang nakikita naman niya ay irap, pandidiri, pagkasuklam. “Pinaghahanapbuhay ‘yan ng mga magulang para maisugal,” madalas naririnig ni Adong. Nasaktan siya sapagkat ang bahagi ng pangungusap na iyon ay untag sa kanya ni Aling Ebeng, ang matandang pilay na kanyang katabi sa dakong liwasan ng simbahan.

10. At halos araw-araw, lagi siyang napapaiyak, hindi lamang niya ipinapahalata kay Aling Ebeng, ni kanino man sa naroroong nagpapalimos. Alam niyang hindi maiiwasan ang paghingi sa kanya nito ng piso, sa lahat. Walang bawas.

11. “May reklamo?” ang nakasisindak na tinig ni Bruno. Ang mga mata nito’y nanlilisik kapag nagpatumpik-tumpik siya sa pagbibigay.

12. At ang mga kamay ni Adong ay manginginig pa habang inilalagay niya sa masakim na palad ni Bruno ang salapi, mga sentimong matagal ding kumalansing sa kanyang bulsa, ngunit kailan man ay hindi nakarating sa kanyang bituka.

13. “Maawa na po kayo, Mama…Ale…gutom na gutom na ako!”

14. Ang mga daing ay walang halaga, waring mga patak ng ulan sa malalaking bitak ng lupa. Ang mga tao’y bantad na sa pagpapalimos ng maraming pulubi. Ang mga tao’y naghihikahos na rin. Ang panahon ay patuloy na ibinuburol ang karukhaan.

15. Ang kampana ay tumugtog at sa loob ng simbahan, pagkaraan ng maikling sandali, narinig ni Adong ang pagkilos ng mga tao, papalabas, waring nagmamadali na tila ba sa wala pang isang oras na pagkakatigil sa simbahan ay napapaso, nakararamdam ng hapdi, hindi sa katawan, kundi sa kaluluwa. Natuwa si Adong. Pinagbuti niya ang paglalahad ng kanyang palad at pagtawag sa mga taong papalapit sa kanyang kinaroroonan.

16. “Malapit nang dumating si Bruno…” ani Aling Ebeng na walang sino mang pinatutungkulan. Manapa’y para sa lahat na maaaring makarinig

17. Biglang-bigla, napawi ang katuwaan ni Adong. Nilagom ng kanyang bituka ang nararamdamang gutom. Ang pangambang sumisigid na kilabot sa kanyang mga laman at nagpatindig sa kanyang balahibo ay waring dinaklot at itinapon sa malayo ng isang mahiwagang kamay. Habang nagdaraan sa kanyang harap ang tao—malamig walang awa, walang pakiramdam—nakadarama siya ng kung anong bagay na apoy sa kanyang gutom at pangamba. Kung ilang araw na niyang nadarama iyon, at hanggang sa ngayon ay naroroon pa’t waring umuuntag sa kanya na gumawa ng isang marahas na bagay.

18. Ilang singkong bagol ang nalaglag sa kanyang palad, hindi inilagay kundi inilaglag, sapagkat ang mga palad na nagbigay ay nandidiring mapadikit sa marurusing na palad na wari bang mga kamay lamang na maninipis ang malinis. Dali-daling inilagay ni Adong ang mga bagol sa kanyang bulsa. Lumikha iyon ng bahaw na tunog nang tumama sa iba pang sentimong nasa kanyang palad at sa kaabalahan niya’y hindi niya napansing kakaunti na ang taong lumalabas mula sa simbahan. Nakita na naman ni Adong ang mga mukhang malamig, ang imbay ng mga kamay na nagpapahiwatig ng pagwawalang-bahala, ang mga hakbang ng pagmamadaling pag-iwas.

19. “Adong…ayun na si Bruno,” narinig niyang wika ni Aling Ebeng.

20. Tinanaw ni Adong ang inginuso sa kanya ni Aling Ebeng. Si Bruno nga. Ang malapad na katawan. Ang namumutok na mga bisig. Ang maliit na ulong pinapangit ng suot na gora. Napadukot si Adong sa kanyang bulsa. Dinama niya ang mga bagol. Malamig. At ang lamig na iyon ay hindi nakasapat upang ang apoy na nararamdaman niya kangina pa ay mamatay. Mahigpit niyang kinulong sa kanyang palad ang mga bagol.

21. “Diyan na kayo, Aling Ebeng…sabihin ninyo kay Bruno na wala ako!” mabilis niyang sinabi sa matanda.

22. “Ano? Naloloko ka ba, Adong? Sasaktan ka ni Bruno. Makita ka ni Bruno!”

23. Narinig man ni Adong ang sinabi ng matanda, nagpatuloy pa rin sa paglakad, sa simula’y marahan, ngunit nang makubli siya sa kabila ng bakod ng simbahan ay pumulas siya ng takbo. Lumusot siya sa pagitan ng mga dyipni na mabagal sa pagtakbo. Sumiksik siya sa kakapalan ng mga taong salu-salubong sa paglakad. At akala niya’y nawala na siya sa loob ng sinuot niyang mumunting iskinita. Sumandal siya sa poste ng ilaw-dabitab. Dinama niya ang tigas niyon sa pamamagitan ng kanyang likod. At sa murang isipang iyon ni Adong ay tumindig ang tagumpay ng isang musmos sa paghihimagsik, ng paglayo kay Bruno, ng paglayo sa gutom, sa malalamig na mukha, sa nakatunghay na simbahan, na kabangisang sa mula’t mula pa’y nakilala niya at kinasuklaman. At iyon ay matagal din niyang pinakalansing.

24. “Adong!” Sinundan iyon ng papalapit na mga yabag.

25. Napahindik si Adong. Ang basag na tinig ay naghatid sa kanya ng lagim. Ibig niyang tumakbo. Ibig niyang ipagpatuloy ang kanyang paglaya. Ngunit ang mga kamay ni Bruno ay parang bakal na nakahawak na sa kanyang bisig, niluluray ang munting lakas na nagkaroon ng kapangyarihang maghimagsik laban sa gutom, sa pangamba, at sa kabangisan.

26. “Bitawan mo ako, Bruno! Bitawan mo ako!” naisigaw na lamang ni Adong.

27. Ngunit hindi na niya muling narinig ang basag na tinig. Naramdaman na lamang niya ang malulupit na palad ni Bruno. Natulig siya. Nahilo. At pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.

7. Pagsusuri sa dekonstruksyon

Tata Selo Rogelio Sikat
Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-pamahalaan. Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa'y naghahangan makalapit sa istaked. "Totoo ba, Tata Selo?" "Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya." Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo. Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao. "Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo," umiiling na wika ng kanyang kahangga, "talagang hindi ko ho mapaniwalaan." Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang Sikat ng araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang nagsasalisod na alikabok. "Bakit niya babawiin ang saka?" tanong ng Tata Selo. "Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba't kaya maraming nagagalit sa akin ay dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?" Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas ngunit wala siyang sino mang tinitingnan. Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa," anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque, na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked. Mataas ito, maputi, nakasalaming may kulay, at nakapamaywang habang naninigarilyo. "Binabawi po niya ang aking saka," sumbong ni Tata Selo. "Saan pa po ako pupunta kung wala na akong saka?" Kumumpas ang binatang mayaman. "Hindi katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa. Ari niya ang lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras." Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas. "Ako po'y hindi ninyo nauunawaan," nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. "alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng Kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na naman po mababawi, masasaka man lamang po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. 'kung maaari po sana, 'Besa'', wika ko po, 'kung maaari po sana, huwag naman po ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka, 'Besa. Totoo pong ako'y matanda na, ngunit ako pa nama'y malakas pa.' Ngunit…Ay! Tinungkod po niya ako nang tinungkod, Tingnan po n'yong putok sa aking noo, tingnan po 'nyo." Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa'y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang pulis. "Pa'no po ba'ng nangyari, Tata Selo?" Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya. Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata. Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik. "Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang," paliwanag ni Tata Selo. "Doon ba sa may sangka. Pinaalis ako sa aking saka, ang wika'y iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako'y tinungkod ako. Ay! Tinungkod ako, amang, nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?" "Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo." Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata. "Patay po ba?" Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat. "Pa'no po niyan si Saling?" muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo na ulila na sa ina. Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. "Pa'no po niyan si Saling?" Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo. Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang noo'y di pa nag-aalisang tao. Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked. "Patay po ba? Saan po ang taga?" Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang dalawang kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe. "Saan po tinamaan?" "Sa bibig." Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing ihinagod hanggang sa kanang punog tainga. "Lagas ang ngipin." Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked. "Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo," anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.

"Pa'no nga ba'ng nangyari?" kunot at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo. "Binawi po niya ang aking saka, Presidente," wika ni Tata Selo. "Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo-" "Alam ko na iyan," kumukupas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde. Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw nang luha sa kanyang malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. "Ako po naman, Presidente, ay malakas pa," wika ni Tata Selo. "Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po." "Saan mo tinaga ang Kabesa?" Matagal bago nakasagot si Tata Selo. "Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po'y talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po'y lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka. 'Bakit po naman, 'Besa?' tanong ko po. Ang wika'y umalis na lang daw po ako. 'Bakit po naman, 'Besa?' Tanong ko po uli, 'malakas pa po naman ako, a' Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit ako po'y… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod." "Tinaga mo na no'n," anag nakamatyag na hepe. Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin-may mga eskribante pang nakapasok doon-ay nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik, maalikabok at luyang paa. "Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?" usisa ng alkalde. Hindi sumagot si Tata Selo. "Tinatanong ka anang hepe." Lumunok si Tata Selo. "Umuwi na po si Saling, Presidente." "Kailan?" "Kamakalawa po ng umaga." "Di ba't kinakatulong siya ro'n?" "Tatlong buwan na po." "Bakit siya umuwi?" Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya. "May sakit po siya." Nang sumapit ang alas-dose-inihudyat iyon ng sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na katapat lamang ng munisipyo-ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama ang hepe at dalawang pulis. "Napatay mo pala ang kabesa," anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na Nakayuko at di pa natitinag sa upuan. "Binabawi po niya ang aking saka." Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos mangudngod si Tata Selo. "Tinungkod po niya ako ng tinungkod," nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo. Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe. "Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod…"
Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis. "Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e," sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe. Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo'y dapat nang nag-uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas. "Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo," anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa loob ng istaked. "Don ka suguro ikukulong." Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid niya'y natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa steel matting na siyang panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maiitim na kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon. "Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo," patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked. Makintab ang sapatos ng alkalde. "Patayin na rin ninyo ako, Presidente." Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po ang Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako." Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ng mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo nang nakiling ito. May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa'y nagtataka, hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal. Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol. Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito'y ipinatawag sa kanyang tanggapan. Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos buhatan siyang dalawang pulis. Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing nakaupo sa harap ng mesa ng presidente. Nagyakap ang mag-ama pagkakita. "Hindi ka na sana naparito Saling," wika ni Tata Selo na napaluhod. "May sakit ka, Saling, may sakit ka!" Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha. Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis. "Umuwi ka na, Saling" hiling ni Tata Selo. "Bayaan mo na…bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag, huwag ka nang magsasabi…" Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa istaked, pinanood na naman siya ng mga tao. "Kinabog kagabi," wika ng isang magbubukid. "Binalutan ng basang sako, hindi ng halata." "Ang anak, dumating daw?" "Naki-mayor." Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya'y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa'y ilang sandali ring iyo'y tila huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya narinig na may tila gumigising sa kanya. "Tata Selo…Tata Selo…" Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag sa kanya. Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon. Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya. "Nando'n amang si Saling sa Presidente," wika ni Tata Selo. "Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo." Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata'y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa'y takot at bantulot nang sumunod… Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Selo'y wala roon. Nasa init siya, nakakapit sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-aaninaw na mata'y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo'y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi. Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay! Ang lahat ay kinuha na sa kanila.

8. Pagsusulat ng paglalahad
Greenhouse Effect

Ang green house effect ay ang pagtaas ng temperatura na nararanasan ng daigdig dahil nahaharang ng ilang gas (tulad ng water vapor, carbon dioxide, nitrous oxide, at methane) ang enerhiya mula sa araw. Kung wala ang mga gas na ito, muling makakatakas ang init ng araw pabalik sa kalawakan at, dahil dito, magiging mas lalamig nang 60F ang temperatura ng daigdig. Dahil pinaiinit nila ang daigdig, greenhouse gases ang tawag sa mga gas na ito. madaling maunawaan ito kung nakakakita ka na ng isang greenhouse. Parang maliit na bahay na salamin ang karamihang greenhouse. Ginagamit ang mga greenhouse sa pagpapatubo ng mga halaman, lalo ng kung ang panahon ay tag- ulan o tagyelo. Pinapasok sa mga greenhouse ng mga panel na salamin ang init na mula sa araw, ngunit di nila ito pinalalabas. Nagiging sanhi ito upang umunit ang greenhouse, tulad ng pag init ng loob ng kotse na nakalantad sa init ng araw. Sa liib ng mainit na greenhouse, nabubuhay ang mga halaman kahit na sa panahon ng tagyelo.
NAKAPALIGID sa atin ang atmospera ng daigdig. Iyon ang hanging hinihinga natin. Ang mga greenhouse gas sa atmospera ay para ring mga salaming panel sa isang greenhouse. Pumapasok ang init o enerhiya ng araw sa atmospera at dumaraan sa lambong na mga greenhouse gas. Pagdating sa ibabaw ng daigdig, sinisipsip iyon ng lupa, tubig, at biosphere. Pagkatapos masipsip, ibinabalik sa atmospera ang enerhiyang ito. Nakababalik kalawakan ang bahagi ng enerhiyang ito, ngunit nananatili sa atmospera ng daigdig ang malaking bahagi nito dahil sa pagharang ng mga greenhouse gas. Ito ang dahilan kung bakit umiinit ang daigdig.

Similar Documents

Free Essay

Mattel and Its Challenges

...problem surrounding Mattel Inc., one of the world’s largest toy companies, is their mismanagement of international subcontractors and vendors and the production of certain toys (the manufacturing process), as well as their inability to adapt their marketing strategy or product to the constantly changing “demographic and socioeconomic trends” (Ferrell, et. all 466). This is supported by Mattel’s legal battle with Carter Bryant and MGA, their forced recall of certain toys that were manufactured overseas, and the increasing rate at which traditional toys are becoming less appealing to today’s young audience. Essentially, Mattel’s mismanagement and oversight lead to violations in terms of ethical and social responsibilities and safety standards. Issues Relevant to the Problem: Mattel’s problem of mismanagement can be divided into several issues that need to be considered: legal issues, international supply chain issues, and an increase in technology-based toys. In regards to legal issues, Mattel has been involved in prolonged litigation with Carter Bryant and MGA over a breach of an employment contract and copyright infringement. Due to Mattel’s poor management of its overseas manufacturers, in which unauthorized subcontractors and third-party suppliers were hired and unsafe materials used, several toy products were recalled. Advances in technology and changes in socioeconomic and demographic trends have created marketing, privacy, and product development issues for Mattel. Analysis...

Words: 3368 - Pages: 14

Premium Essay

Mattel

...third party overseas manufacturers * They have little pricing power due to heavy reliance on Wal-Mart and Target * Keeping children’s interest when they are growing into the tween demographic. * Opportunities * Online and Video Game Market * Barbie retail store * Social Media * Create new alliances with other companies to help market products * Changing focus from traditional toys (Barbies/Hot Wheels) to electronic toys * Moving production from china back to the United States or a more sustainable country * Threats * Decreasing demand for toys * Economic recession * Raising oil prices * Children are outgrowing toys at an earlier age * MGA Entertainment Inc. Criteria: 1) Long term profitability (10) 2) Rebuild customer trust in product safety (10) 3) Relative time to implement (8) 4) Cost to implement (8) 5) Sustain competitive advantage (7) 6)...

Words: 262 - Pages: 2

Free Essay

Business

...problem surrounding Mattel Inc., one of the world’s largest toy companies, is their mismanagement of international subcontractors and vendors and the production of certain toys (the manufacturing process), as well as their inability to adapt their marketing strategy or product to the constantly changing “demographic and socioeconomic trends” (Ferrell, et. all 466). This is supported by Mattel’s legal battle with Carter Bryant and MGA, their forced recall of certain toys that were manufactured overseas, and the increasing rate at which traditional toys are becoming less appealing to today’s young audience. Essentially, Mattel’s mismanagement and oversight lead to violations in terms of ethical and social responsibilities and safety standards. Issues Relevant to the Problem: Mattel’s problem of mismanagement can be divided into several issues that need to be considered: legal issues, international supply chain issues, and an increase in technology-based toys. In regards to legal issues, Mattel has been involved in prolonged litigation with Carter Bryant and MGA over a breach of an employment contract and copyright infringement. Due to Mattel’s poor management of its overseas manufacturers, in which unauthorized subcontractors and third-party suppliers were hired and unsafe materials used, several toy products were recalled. Advances in technology and changes in socioeconomic and demographic trends have created marketing, privacy, and product development issues for Mattel. Analysis...

Words: 3390 - Pages: 14

Free Essay

Dolphy

...hyFilms 2010s Year | Title | Role | Producer | 2010 | Father Jejemon | Father Jejemon | RVQ Productions Inc. | | Rosario | Hesus (Special Participation) | CineMabuhay | 2000s Year | Title | Role | Producer | 2009 | Nobody, Nobody But... Juan | Juan | RVQ Productions, Kaizz Ventures Inc. and Joe Aldeguer Productions | 2008 | Dobol Trobol: Lets Get Redi 2 Rambol! | Macario | APT Entertainment, RVQ Productions, M-Zet Productions | 2002 | Home Alone da Riber[14] | Upoy | RVQ Productions | 2000 | Markova: Comfort Gay | Walter Dempster Jr./Walterina Markova | | | Daddy O! Baby O! | Mario | Star Cinema Productions | 1990s Year | Title | Role | Producer | 1998 | Tataynic | Nicardo "Tatay Nic" De Carpio | RVQ Productions | 1997 | Home Along da Riles The Movie 2 | Kevin Kósme | Star Cinema | 1996 | Aringkingking | Maroy | Premiere Entertainment Productions | | Da Best in da West 2: Da Western Pulis Stori | Sgt. John Paul Quezada | Regal Films | 1995 | Father & Son | Johnny | RVQ Productions | | Home Sic Home | Berto | Star Cinema | 1994 | Wanted: Perfect Father | Roy | | | Hataw tatay hataw | Marlon | Regal Films | | Abrakadabra | Aladding/Ding | Moviestars Productions | 1993 | Home Along da Riles The Movie | Kevin Kósme | Star Cinema | 1992 | Buddy en Sol (Sine ito) | | | 1991 | John en Marsha ngayon '91 | John H. Purúntong | RVQ Productions | | Onyong Majikero (Onyong the Magician) | Grandfather Onyok | Regal Films | ...

Words: 1310 - Pages: 6

Free Essay

Hahaha

...Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao  ang wika ay isang lengguwahe === sa pilipinas === Ang kahulugan ng wika ay lengguwahe.  ang wika ay may sistema, binubuo ng arbitrayong simbolo ng mga tunog, at ginagamit para sa komunikasyon ng mga tao Ang wika ay masistemang balangkas. Lahat ng wika sa mundo ay gumagamit ng isang tiyak na balangkas, mapagramatika man o mapangkahulugan.  Ang wika ay sinasalitang tunog. Ang wika ay hindi maituturing na wika kung hindi ipinamamahagi. Ito ay dumadaan mula sa isip ng tao patungo sa artikulador at resonador na siyang nag-aamplify ng tunog.  Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Ang wika ay hindi maaaring gamitin kung hindi rin lang nagkakaintindihan. Ginagamit natin ang wika para makipag-usap sa tao sa paraang maiintindihan niya.  Ang wika ay arbitraryo. Ang wika ay natututunan sa isang lipunan. Samakatwid, hindi matututo ng wika ang tao kung hindi siya makikihalubilo.  Ang wika ay ginagamit at ito ay...

Words: 1180 - Pages: 5

Free Essay

Ang Pag-Inom Ng Alak

...pag-inom ng alak, isang napaka-karaniwang karanasan para sa isa Pilipino. Mapababae o lalaki, bata o matanda, halos lahat yata ng mga Pilipino ay umiinom ng alkohol. Bakit nga ba marami ang umiinom? At bakit parang pabata ng pabata yata ang natututong gawin ito? Tama bang ang alak ay nakakabawas ng problema? At bakit nga ba ang hilig uminom ng Pilipino? Bakit isinasabay sa problema ang pag-inom ng alkohol? Ano nga ba ang mas naidudulot nito, masama o maganda? Ano nga ba ang nagtutulak sa mga kabataan ngayon sa pag-inom. Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi ba nakapagtataka na sa lahat ng okasyon ay perfect attendance ang alak. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda. Halos ginagawa na nilang tubig ang alak. Ang mga Pilipino talaga ay hidi mapakali kapag walang ginagawa. ‘Yan tuloy ang nagiging hobby na ng halos lahat ng Pilipino, ang pag-inom. Isa pa, kahit na hindi masarap ang lngunit sa tingin naming asa ng alak ay mahilig pa rin tayo ditto. Siguro dahil ito sa “tama” na nadadala ng pag-inom ng maraming alak. Hindi rin mawawala ang all time partner ng alak, ito ay ang pulutan. Kaya namin ito napili. Upang madagdagan an gaming kaalaman tungkol sa bagay na ito, dahil kami mismo ay ginagawa ito. Isa pang dahilan ay para mabigyang linaw naming ang bagay na ito sa mga taong hindi umiinom ng alkohol. Mayroon na kaming konting kaalaman tungkol dito, ngunit sa tingin namin ay kulang pa ito, marami...

Words: 2281 - Pages: 10

Free Essay

Filipino

...kapasyahan. Naglalayon itong mapakilos ang mga nakikinig sa isang simulain o adhikain. Ang Talumpati ay binibigkas sa harap ng mga tapakinig, maaaring sa isang kapulungan. * Iba’t ibang uri ng Talumpati: 1. Impromptu – ito ay biglaang talumpati na binibigkas pamamaraan na maaaring gamiting gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati. Ibinibigay rito ang paksa sa oras na mismo ng pagsasalita. 2. Isinaulong talumpati – sa bahaging ito ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati. Samakatwid, may paghahanda na sa ganitong tipo ng pagtatalumpati at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati. 3. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya- makikita sa bahaging ito ang kasanayan sa pagsulat ng papel na babasahin sa kumperensya. Ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng panimula, katawan at wakas/kongklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan. Parte ng talumpati A. Panimula * pagbati * pagbukas ng paksa B. Paglalahad * ipaliwanag ang paksa C. Paninindigan * mga ebidensiya ng nagtatalumpati D. Pamimitawan * pangwakas na bati Mga kasangkapan ng tagapagsalita o mananalumpati 1. Tinig 2. Tindig 3. Galaw 4. Kumpas ng mga kamay Maikling kwento * Ang maikling kwento ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng kakintalan sa isip ng mga mambabasa. Mga bahagi ng maikling kwento 1. Panimula...

Words: 2105 - Pages: 9

Free Essay

Jrizal

...“Ang Katamaran ng mga Pilipino” 1. Anyo ng Panitikan Sanaysay - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro 2. Layunin ng may akda Maipaalam ang mga dahilan kung bakit tinatawag na tamad ng mga dayuhan o ng mga Kastila ang mga Pilipino na tamad sa kabila ng mga bagay na ginawa nng ating mga ninuno sa kanila.Mga dahilang siyantipiko at mga katotohanang tayo tayo lamang ang nakakaintindi sa panahong iyon. 3. Kaugnayan ng akda sa buhay ng manunulat Isinulat ito ni Rizal sa pangalawang pagkakataong pagpatong nya ng Europa. Hinggil sa mga sinasabi ng mga Kastila na paninira nila sa ating mga Pilipino mga pang-iinsulto na mayroong mga maling batayan. Ang pagsasabi nila ng tamad sa ating mga ninun ang pinakarason ni Rizal patungkol dito. Mga pasubali na binigyan ni Rizal ng mga katanggap-tanggap na mga kasagutan. 4. Ipaliwanag ang Sosyo-Pulitika na na ugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito. ...

Words: 1617 - Pages: 7

Free Essay

Factors Affecting Study Habits in School

...MGA IMPLUWENSYA NG IBA’T – IBANG MUSIKA SA MGA MAG AARAL NG ESKWELA Isang pamanahong papel na Iniharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng Sining, Technological Institute of the Philippines Bilang pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Nina : Del Amen Joanna Marie M. Angeles , Jack Daniel S. Daraug , Almin John P. Martinez , Ranillo B. Andal , Jun M. Marso 2011 DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang Mga Impluwensya ng Iba’t – Ibang musika sa mga mag aaral ng TIP - QC ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa SEKSIYON na binubuo nina: Jun M. Andal Jack Daniel S. Angeles Almin John P. Daraug Joanna Marie M. Del Amen Ranillo B. Martinez _______________________________________________________________________ Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo at Sining, Technological Institute of The Philippines, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. G. Alberto S. Coderias II Guro sa Filipino PASASALAMAT Kabanata 1 ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksiyon Ang bawat tao sa mundo ay gustong malibang sa Iba’t – Ibang paraan o sa Iba’t – ibang istilo . Ang ibang tao ay nais malibang sa pakikinig ng musika ...

Words: 1008 - Pages: 5

Free Essay

Asa Ka

...panitikan sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa ng malakas ng isang koro o pangkat. Ito ay isang matimbang o maindayog na pangkatang tinig na nagpapahayag ng isang uri ng kaisipang matinig at madamdamin. Nagtataglay ito ng kaisahan at kagandahang halos katulad ng kahulugang pangkoro sa musika,isang pamamaraan ng masining na pagbigkas sa pamamagitan ng sama-sama,magkakatugma,magkakabagay at magkakatugong-tinig,isang tuloy-tuloy na aliw-iw ng mga salita. Ang koro ay nagtataglay ng iba’t ibang uri ng tinig. Pinagsasanib-sanib ang mga ito ayon sa wasto nilang tunog, himig, puwersa at lakas na siyang nagbibigay ng kariktan. Sinisabing ang higit na pinakamabisang pamukaw/panghikayat ng damdamin ng tao ay yaong nakatitigatig ng lahat ng pandama-nakikita, naririnig at nadarama. Taglay ng Sabayang Pagbigkas ang lahat ng sangkap na ito kung kaya mabisa at mabunga ang nagiging epekto nito sa mga manonood/tagapakinig,gayon din naman sa mga bumibigkas/koro. (Andrade,1993) Ayon din kay Andrade,ang pakikilahok sa Sabayang Pagbigkas ay nagdudulot sa mga mag-aaral ng mga sumusunod: 1. Ito ay mabisang paraan ng pagkatuto ng wika. 2. Ito ay mabisang pamaraan sa paglinang at isang panghikayat sa pagkakaroon ng kabatiran at lubod sa pagpapaunlad ng panitikan. 3. Ito’y isang pangunahing pagsasanay sa talumpati ,pagbigkas ng isahan,pagpapakahulugan at pag-arte sa tanghalan. 4. Naglalaan ito ng malawak na pagkalugod sa sining. 5. Nakatutulong ito sa pagtamo ng pag-unawa sa lipunan bunga...

Words: 848 - Pages: 4

Free Essay

Aking Ina

... Diche Kurso/Seksyon: BSPSY-1A I. Orihinal Na Tula May Lalambing Pa Ba? (Jose Laderas Santos, 2010) May lalambing pa ba sa salitang Ina, Na tigib ng lambing bigkasin pa lamang? May tatamis pa ba sa salitang Ina, Sa tamis na taglay…puno, umaapaw? May gigiting pa ba sa salitang Ina, Na ina ng mundo’t mundong kagitingan? May dadakilaba sa salitang Ina, Na simula’t wakas ng kadakilaan? Sa sinapupunan ng mahal na ina, Ay siyam na buwan, sanggol…dala-dala. Sa sangmaliwanag, nang magsilang siya, Ay nasa sa hukay…isa niyang paa. May hihigit pa ba sa salitang Ina, Na mapag-aruga sa sangkatauhan? May hihigit pa ba sa salitang Ina, Sa milyong ligaya’t milyong pagmamahal. May lalambing pa ba sa salitang Ina? Sanggunian: Liwayway Magazine – Mayo 31, 2010 – Pahina 2 II. Hawig Sa Pag-ibig Ni Nanay (Clarence T. Diche, 2012) Ilang tiis pa para malaman ang halaga? Na pag-alagang umaabot hanggang umaga. Dahil gustong makamtan ang malusog at ganda, Hindi alintana dahil isa kang biyaya. Ilang tulog pa para malaman ang halaga? Gabi-gabi ang ginugugol sa pag-aruga. Para ika’y tumahan, abala sa pagtimpla, Ngunit pag di pa sapat, ika’y magpapakarga. Ilang sakit pa para malaman ang halaga? Ang pabalang na sagot ng binata’t dalaga. Ang pagkakaroon ng asawa ng maaga, Ay ang simula ng pagkasira ng tiwala. Ilang hirap pa para malaman ang halaga? Para maalala ang pinanggalingang lungga. Ang mga nakaraan ay tila di sinasadya, Ngayo’y nagbalik dahil...

Words: 578 - Pages: 3

Free Essay

Study Habits

...lipunan. * Isa ito sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipuna Apperception Theory- ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisp ay hindi galing sa pandama o pakiramdam kundi mula sa pagmumuni-muni o paglilimi ng isang tao sa kanyang isipan. Dalawang antas ng “Apperception Theory”: 1. Percept- ipinapakita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat. 2. Concept-pinagyayaman ang kahulugan at ang nilalaman ng wikang ginagamit. KATUTURAN NG PANITIKAN: *Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster-ang panitkan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa iasng tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t-ibang paksa; o anumang bungang-isip na naisatitik. *Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura-ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin tungkol sa ibat’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay,sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Limikha. *Ayon naman kina Paz Nicasio at Federico Sebastian- ang panitikan ay kabuuan ng mga karansan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,kaisipan at pangnarap ng isang lahi na ipinahahyag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Mga layunin sa Pag-aaral ng Panitikan 1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ianbang uri ng panitikan mula sa panahon bago dumating ang mga Kastila gangggang sa kasalukuyan...

Words: 2232 - Pages: 9

Free Essay

Thesis

...sa Panginay, Bigaa (ngayo’s Balagtas),Bulacan noong Abril 12, 1788. Ang mga magulang niya ay sina JuanBalagtas at Juana de la Cruz. Kilala rin siya sa pangalang Francisco Baltazar o Kikong Balagtas. Ang kanyang asawa ay si Juana Tiambeng taga Orion,Bataan at nagkaroon ng pitong anak.Bata pa si Kikong Balagtas as mahilig na talaga siya sa kalikasan tulad ng pagmamasid sa mga luntiang kapaligiran, pakikinig sa mga pagaspas ng mgadahon ang awit ng mga ibon. Mahilig din siyang magkumpara and mga bituin sa mga alipato at apoy na nagmumula sa pagpapanday ng kanyangama, at ang tunog ng sapatos ng mga kabayo na para sa kanya ay inihambingniya sa musika.Sa murang idad, hindi maikaila kay Kiko ang mga pagmamalupit ng mgaEspanyol sa mga kababayan niyang Pilipino. Hindi siya mapakali sanararamdaman na may hindi magandang nangyayari sa kanyang bayanngunit di niya ito lubos na maunawaan. Hanggang sa nasubukan niyangumibig sa pamamagitan ni Celia. Ngunit ang pag-iibigang ito ang nagbigayng gulo sa kanyang buhay. Siya ay ipinakulong ng walang kasalanan atkatarungan ng kanyang karibal na Espanyol at may mataas na katuangkulansa bayan noong panahon ng kastila. At isa itong cacique, doon niyanaunawaan ang mga nangyayari at nararamdaman ng kanyang mgakababayan. At dahil dito, isinulat niya ang kanyang tula na “Florante atLaura”. Ito ang kanyang obra maestro, na nagbubulgar sa mga pang-aabusoat pagmamalupit ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ang tulang ito aynaglalarawan kung ano ang tunay na nangyayari...

Words: 296 - Pages: 2

Free Essay

Hamaka Yunit 1 & 2

...IV Sofia Grace Lopez Galve Filipino IV Mga Nilalaman Yunit I Aralin I Paalam sa Pagkabata 2 II Miliminas: Taong 0069 3 III PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim 4 IV Panambitan 5 V Babang-Luksa 6 VI Walang Sugat 7 VII Tata Selo 8 Yunit II Aralin I Kay Estella Zeehandelaar 10 II Si Kesa at si Morito 11 III Aanhin Nino ‘Yan? 12 IV Plop! Click! 13 V Tahanan ng Isang Sugarol 14 VI Uhaw ang Tigang na Lupa 15 VII Tatalon 16 Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat Tata Selo Paalam sa Pagkabata Miliminas: Taong 0069 PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim Panambitan Babang-Luksa Walang Sugat...

Words: 5395 - Pages: 22

Free Essay

Michelle

...kang naglalakad tayo ng nakapaa dito sa damuhan. Sa ganitong oras ng gabi. Tinitigan mo ang mga bituin, tapos, bigla kang tumingin sa lupa, ngumiti, may kinuha sa damo. Isang kulisap. Ikaw: Alam mo ba. Sabi nila, pwede ka daw bumulong sa mga kulisap. Pwede mo daw ibulong yung hindi mo masabi-sabi. Tapos sila ang magiging mensahero ng binulong mo, sa taong pinapadalhan mo ng mensahe. Ako:Talaga?! Sige nga, akin na. At bumulong ako sa kulisap. At ang sabi ko sa kulisap.. mahal kita. Ikaw: Ano binulong mo? Ako: Secret! Ikaw: Ako naman! At pumikit ka.. at bumulong sa kulisap na hawak mo. Ako: So, ano sabi mo? Ikaw: Na mahal din kita. MENSAHE Ako’y gumawa ng isang sulat pasasalamat, para sa inyong walang sawang pagsubaybay sa aking likhang-isip. Nais kong ipabatid mga kapuso, kapamilya at mga kapatid ang hatid ninyong kasiyahan sa akin ay hindi mapapatid. Dahil hanggang may matang bumabasa, kamay ko’y titiklada upang bumuo ng samo’t saring kuwento na aking imbento. Kaya kahit mata ko’y gusto nang pumikit ay pilit pa ring sumisilip sa inyong mga magagandang komento sa aking likhang-isip. Kayo ang aking inspirasyon sa aking bagong destinasyon. Ang aking likhang- isip ay alay sa inyo. Isa, dalawa, tatlo; taong bumasa sa aking likha, ako ay napapangiti; dahil aking minimithi ay inyong tinupad pagbasa sa aking likha, hatid ay ngiti sa aking labi. Dahil ang dati kong mga tula at kuwento ay muling nagkakulay, dahil sa bigay ninyong kumento, ako’y muling nagkuwento. ...

Words: 1600 - Pages: 7