Free Essay

Uri Ng Teknik

In:

Submitted By 987456321
Words 4499
Pages 18
PAGTALAKAY SA IBA’T IBANG URI
NG TEKNIK SA PAG-AARAL

Isang Konseptong Papel na
Iniharap kay Propesor Vilma A. Malabuyoc
Klaster ng Filipino
Malayan Colleges Laguna
Cabuyao, Laguna

Bilang Pagtupad sa Pangangailangan para sa Filipino 002
Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Magana, Melvin B.
Umambac, Gene Roy B.

Ika – 2 Semestre, 2013-2014

PAGPUPUNTOS SA PANANALIKSIK

Lider : Umambac, Gene Roy
Miyembro : Magana, Melvin
Programa/Seksyon : CE/ B11

Batayan sa Paggrado ng Sulatin A. Pormat 35% B. Nilalaman 50% C. Mekaniks 15%
TOTAL

Batayan sa Paggrado ng Pasalitang Pagsusulit (Oral Defense) A. Kakayahang sumagot sa katanungan 40% B. Presentasyon 30% C. Kalinawan ng pagsasalita 10% D. Tinig 10% E. Personalidad 10% TOTAL

BUOD NG MARKA KABUUANG MARKA
PASULAT 60% ____________
PASALITA 40% ____________

Inaprubahan ni: ___________________

PASASALAMAT

Taus-pusong pasasalamat ang ipinaaabot ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa mahahalagang tulong , kontribusyon at/o suporta tungo sa matagumpay na katuparan ng pananaliksik na ito: * Kay Propesor Vilma A. Malabuyoc, ang kanilang butihing guro sa Filipino, sa pagbibigay ng ideya upang maging tama ang paggawa sa pananaliksik, sa pagtulong at paggabay. * Kay Larry Page at Sergey Brin, ang mahuhusay na tao na gumawa ng Google sa internet upang magkaroon ng mga sanggunian ang mga mananaliksik.

I. Panimula
Ang pag-aaral ay isang proseso na nagbibigay kaalaman sa sino mang taong dumadaan dito. Ito ay pangunahing nararanasan sa eskwelahan na ibinabase ang natutunan sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagsusulit, akitibidad at kompitisyon. Sinasabi na ang pag-aaral ay labis na makakatulong sa pag-hubog, paggawa at paghahanda sa magiging buhay sa hinaharap.
Ang kasanayan sa pag-aaral ay mga paraan o teknik upang magamit nang husto ang oras, materyales at pang-akademikong potensyal. Sa pagpapaunlad at pagpapabuti sa kasanayan sa pag-aaral ay makakatulong upang matapos ang mga trabaho sa maikiling oras. Kung gagamitin nang tama ang oras, magiging madali ang pag-aaral at magiging pangmatagalang memorya, magiging sulit ang pagsisikap na ginawa. Higit sa lahat, ang paglalaan sa pagkatuto ay higit na mapapakinabangan ang ginagawang pagpapaulad sa estratehiya ng pag-aaral mas mapataas nito ang pagkakataon na magkaroon ng matagumpay at magandang buhay.
Kung kaya’t ang pag-aaral na ito ay tumutok sa iba’t ibang teknik sa pag-aaral na makatutulong sa mga mag-aaral sa kolehiyo upang maging epektibo at kumpiyansa. Ang mga teknik na ito ay magagamit upang mapadali ang pagkatuto, maging pang-matagalan sa memorya, lumalim ang pang-unawa at pag-intindhi, maging positibo sa pag-aaral, malibang sa pag-aaral at mabago ang di magandang kinaugaliang istilo sa pag-aaral.
Napili ng mga mananaliksik ang paksa tungkol sa iba’t ibang teknik sa pag-aaral dahil nais maibahagi ang mga ideya o impormasyon na makakatulong sa mga mag-aaral. Gayun din, upang maging positibo ang pananaw at pag-uugali tungo sa pag-aaral lalo na nang mga nakakaranas ng kahirapan mag-aral at para rin maging masaya ang buhay sa pag-aaral.

II. Layunin ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong maisakatuparan ang mga sumusunod:

1. Malaman ang iba’t ibang uri ng teknik na maaaring epektibo para sa pangmatagalan na memorya. 2. Matalakay ang iba’t ibang uri ng mga teknik sa pag-aaral sa kolehiyo. 3. Matukoy kung anong teknik o pamamaraan ang posibleng higit na makakatulong sa pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo.

III. Paglalahad ng Suliranin
Sa Pag-aaral na ito ay tinalakay at sinuri ang iba’t ibang uri ng teknik sa pag-aaral na kadalasang hindi alam ng mga mag-aaral.
Sisikaping sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan: 1. Anong teknik ang mas magagamit sa pag-aaral bilang mag-aaral sa kolehiyo? 2. Anong teknik ang babagay upang maging mabisa sa pangmatagalan na memorya? 3. Anu-ano ang mga mabisang teknik sa pag-aaral sa kolehiyo?

IV. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod: a. Mag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang mas maintindihan ng mambabasa (lalo na ang mga estudyante) ang kahalagahan ng iba’t ibang teknik sa pag-aaral upang ang maling nakasanayan ay maituwid sa gayon mas mapadali ang buhay sa pag-aaral. Higit pa rito, ang nilalaman ng pag-aaral na ito ay makakapagbigay-linaw kung bakit ang isang uri ng teknik ay epektibo sa pag-aaral. Ang paggamit ng tama sa mga mababanggit na mga teknik ay siguradong mapapakinabangan ng mambabasa lalo ito ay mapapatunayan ng mga dalubhasa mula sa nakalap na impormasyon.
Bilang karagdagan, maaari rin na magamit itong pag-aaral ng mga mananaliksik na maging basehan sa mga susunod na pag-aaral sa hinaharap. Kung may magiging mas malalim na pag-aaral ukol sa pag-aaral ngayon ng mananaliksik, ito ay magsisilbing gabay at magbibigay din ng impormasyon na magagamit ng mga susunod na mananaliksik. b. Guro
Ito ay mahalaga dahil patuloy sa pag-aaral ang mga guro upang may maibahaging bagong kaalaman sa mga estudyante na kung saan makakapulutan ng inspirasyon, ideya at impormasyon. Dahil sa patuloy na pag-aaral ng mga guro, maaaring magamit din ang mga teknik upang mas mapadali ang ibang gawain, mahusto ang paggamit ng oras at maibahagi ang personal na karanasan sa paggamit ng teknik. c. Lipunan
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa lipunan dahil maaaring maibahagi ito sa iba para malaman din ang kahalagahan ng pananaliksik na ito. Makakatulong din ito sapagkat maaaring maging basehan at maging karagdagang kaalaman sa mga susunod na mananaliksik na magmumula sa lipunan.

V. Paglalahad ng Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

1. Sikreto sa mabisang pag-aaral 2.1. Bawal magdahilan! Gawing kasanayan ang pag-aaral
Upang maging epektibo ang nakaugalian na istilo sa pag-aaral, subukang sanayin na mag-aral sa loob ng 10-15 minuto at habang lumilipas ang araw sa ganitong proseso, unti-unting dagdagan ang minuto ng pag-aaral hanggang sa tuluyang makasanayan ang mahabang oras sa pag-aaral. Higit pa rito, gumawa ng makabuluhang talaan sa pag-aaral na madaling masusunod. Sa pamamagitan nito, nahuhusto ang paggamit ng oras at malalaman kung saan pa maaaring mailaan ang ibang oras kapag may libre o bakante. (http://www.silvic.usv.ro/diverse_doc/secrets_studying.pdf) Planuhin ang oras sa pag-aaral. Maglaan ng sapat na oras sa bawat asignatura lalo na sa mas mahihirap. Sa kolehiyo, kalimitan anim na oras ang pag-aaral kada linggo o dalawang oras kada klase kaya kapag ang mag-aaral ay may problema sa pag-aaral mas maiging maglaan pa ng mahabang oras upang mag-aral. Higit pa rito, ang pagprayoridad sa oras ay kinakailangan gaya ng pag-alis ng ibang aktibidades na labas sa eskwelahan upang magawa ang layunin bilang mag-aaral. Ang paggamit din ng schedule planner ay makakatulong sapagkat mairerekord ang mga nakatakdang pasahan ng takdang aralin, pagsusulit o iba pang gawain. (Mayland Community College, 2002)

2.2. Gumawa ng tamang lugar sa pag-aaral
Maghanap ng tahimik at komportableng lugar para mag-aral. Kung sa tingin mo ay marami ang maaaring makagambala sa bahay, pumunta sa aklatan upang doon mag-aral dahil tiyak ang katahimikan. Maging kumpleto sa lahat ng materyales na kailangan sa pag-aaral upang mas maging epektibo. Sa lugar na nakasanayan mong doon mag-aaral, ito ay higit na makakatulong sa upang mapataas ang konsentrasyon dahil sa pagiging komportable at maging ang pagiging positibo sa nakaugaliang pag-aaral.
May mga lugar na di angkop upang mag-aral kagaya ng mga sumusunod: * Nakahiga sa kama. Ito ay mali sapagkat ang utak ay nakapokus na sa pagtulog imbes na mag-aral. Dito kadalasang biglaang nakakatulog at mas ninanais na matulog. * Huwag mag-aral sa harap ng telebisyon sapagkat ito ay malaking abala sa pag-aaral. * Huwag kumaen habang nag-aaral. (http://www.silvic.usv.ro/diverse_doc/secrets_studying.pdf)

2.3. Hustuhin ang iyong oras
May mga mag-aaral na ganado mag-aral sa umaga at meron din naman sa gabi. Mag-aral sa oras kapag ikaw ay hindi pagod, kapag gising na gising, alerto at kapag ramdam mong nais mong makasagap ng bagong impormasyon mula sa pag-aaralan mo. Sa paghusto ng oras, ito ay nagpapakita ng magandang nakaugalian sa pag-aaral sapagkat alam mo kung saan ka epektibo upang mag-aral at kung kelan ka desididong tumanggap ng mga bagong impormasyon.
Gamitin din ang anumang oras na libre para makapag-aral dahil makakatulong ito upang mapaunlad ang nakaugalian na pag-aaral at madalas na panandaliang sesyon na pag-aaral. May mga ilang dapat tandaan upang mas magamit ng husto ang oras: * Wag magsayang ng oras. * Tapusin ang nasimulan. * Himayin sa mas detalyadong parte ang mga gawain. * Gumawa ng buod tungkol sa mga nagawang layunin, kung saan tumigil at kung saan sunod na magsisimula. * Kapag nalaman mo na kung ano ang gagawin, simulan na. (Donoghue, 2006), (Carroll, 1990)
Ang Time Management ay hindi isang abilidad sa pag-aaral ngunit ang pagiging epektibo sa pag-aaral ay nangangailangan ng oras sa pag-aaral bago at pagkatapos ng klase. Gayun din, nangangailang din ng oras upang mabasa muli ang mga naitala sa klase, maging aktibo hanggat maaari habang nag-aaral. Dapat din magrebyu tuwing pagkatapos ng klase upang masariwa muli ang mga natutunan sa klase at hindi agad makalimutan. Rebyuhin din ang mga naitala sa kwaderno bago magsimula ang klase. Higit pa rito, mas maigi na pag-aralan ang mahirap na asignatura sa oras na aktibo ang iyong utak at iwasan mag-aral kung ikaw ay pagod na. Itala sa iyong schedule planner kung kailan mo pag-aaralan ang mahihirap mong asignatura. (Carroll, 1990)

2.4. Gumamit ng materyales na makakatulong sa iyong pag-aaral
Ang paggamit ng Flash cards ay isang mabisang materyales sa pag-aaral, lalo na sa pagkabisa o pagsasaulo ng mga mahahalagang termino o katawagan at depenisyon at kung saan ka nahihirapan. Ang Video ay isa ring mabisang materyales dahil mas naiintindihan ng mag-aaral ang isang paksa kapag napapanood at napapakinggan lalo na sa bagong kaalaman para sa kanila. At sa karagdagan, maaari rin mai-rewind at mai-play muli hanggang ilang beses mong naisin. (Carroll, 1990)

2.5. Gumamit ng teknik sa pagsasaulo
Ang Acrostic ay isang uri ng pagsusulat na kung saan ang mga unang letra sa bawat linya o talata ay baybayin sa isang salita o parirala. Halimbawa ay “Every good boy does fine?”, ito ay mula sa mga letra na ginagamit sa pagtugtog ng gitara na “E, G, B, D,F”.
Ang Acronym naman ay binubuo umula sa unang letra ng bawat salita. Halimbawa:
N - National
A – Aeronautics and
S – Space
A – Administration Ang Recitation ay ang pinakamabisang paraan sa pagsasalin ng ideya o impormasyon mula sa panandaliang memorya patungo sa pagmatagalang memorya sa pamamagitan ng pagsasalita ng malakas mula sa sariling depenisyon o pagkakaunawa. Ang Repetition ay nakakatulong din kapag paulit-ulit mong binabasa ang mga mahahalgang detalye at kapag ito ay sinasabi mo ng malakas, isinusulat, at paggawa ng acronym. Ang teknik na ito ay madaling makakapagsaulo kung madalas ginagawa ang isang bagay ng paulit-ulit at ito ay magiging pangmatagalang memorya. (http://www.silvic.usv.ro/diverse_doc/secrets_studying.pdf)

2.6. Isipin ang bunga at harapin ang iyong kina-aayawan sa pag-aaral Mahalaga na ang mga negatibong ugali sa pag-aaral ay mabago sa isang positibong ugali upang makapasa sa anumang pagsusulit. Pero paano nga ba magkakaroon ng positibong ugali? Ang unang dapat isipin ay kung ano ang posibleng mararamdaman natin kapag tayo ay nagtagumpay sa isang layunin natin sa pag-aaral. Isipin mo na kapag nagtagumpay ka sa iyong layunin, isang di mapantayang ngiti ang magagawa mo, makakapag relaks at isipin mo na maibabahagi mo sa pamilya o kaibigan mo ang magandang balita. Maging masaya sa tagumpay na nagawa mo. Sa isang pagsusulit, di maiiwasan na maging kabado o tensyonado kaya bago magsimula ang pagsusulit, huminga ng malalim habang unti unting dumadaloy ang hangin at napupuno ang baga. Pigilan ang paghinga sa loob ng tatlong segundo saka ilabas ng dahan-dahan palabas sa bibig habang sinasabi sa isipan na salitang relaks. Gawin ito ng tatlo hanggang apat na beses hanggang maramdaman mong maginhawa na ang iyong pakiramdam. Lagi mo ring isipin na nagtitiwala ka sa sarili mo na kaya mong ipasa ang pagsusulit at lahat ng pinag-aralan mo ay matatandaan mo. (http://www.silvic.usv.ro/diverse_doc/secrets_studying.pdf)

2.7. Magrelaks sa gabi bago ang araw ng pagsusulit
May ilang mga mag-aaral ang nais hindi na muling mag-aral pagkatapos ng hapunan bago ang kinabukasang pagsusulit. Sahalip, kanilang inirerelaks ang kanilang sarili sa pamamagitan ng paglanghap ng sariwang hangin sa gabi habang naglalakad, nagbabasa ng ibang libro o kahit anong paraan upang sila ay maging relaks. Kung sa tingin ng mag-aaral na nasunod ng tama ang ginawang plano sa pag-aaral, magiging preparado para sa nakatakdang pagsusulit. Kailangan din na magkaroon ng magandang pagtulog dahil ang pagpupuyat o pakikipagsaya sa labas ay hindi makakatulong para maging relaks ang katawan at isipan. (http://www.silvic.usv.ro/diverse_doc/secrets_studying.pdf)
Sa araw ng pagsusulit, unang gawin ay basahin at intindihin mabuti ang nakalagay na panuto para hindi magkamali. Bago simulan ang pagsasagot, mas mabuti na tigan muna ang kabuuan ng exam para malaman agad kung anong sagot sa ibang tanong at dahil dtio magkaroon ng ideya kung ilang minuto ng pagsasagot ang ilalaan sa bawat tanong. Maiiwasan nito na makalimutang sagutan ang ilang tanong na maaaring madali para sa kumukuha ng pagsusulit. Magsimula muna sa pinakamadaling parte ng pagsusulit subalit siguraduhin na maglaan ng sapat na oras para sa mahihirap na parte. Kung ang pagsusulit ay binubuo ng multiple choice at essay, mas maigi kung unahin muna ang madadali dahil magkakaroon ng momentum sa pagsasagot at pagkatapos ay balikan na lamang ang mga mahihirap na tanong. (http://www.silvic.usv.ro/diverse_doc/secrets_studying.pdf)

2. Pag-tala 3.8. Pag-tala sa klase
Ang pag-tatala sa klase ay nangangailangan ng abilidad na makinig at magsulat ng mabilis habang nakikinig at isinusulat ang mahahalagang salita. Ito ay hindi madaling gawain, maaaring ikaw ay magaling sa pakikinig ngunit hindi sa pagpili ng tamang salita na iyong isusulat o maaaring mahusay ka sa kung ano ang tamang isusulat subalit hindi sa pakikinig. Ang teknik na ito ay nangangailangang ng matinding praktis upang mas maging mahusay at mahasa ang teknik na ito. Ang layunin ng teknik na ito ay para madagdagan ang kaalaman at maging preparado sa lahat ng oras para sa pagsusulit, surpresa man o hindi. Ang pagtatala sa klase ay magiging epektibo sa pagpaparami ng kaalaman kapag ito ay organisado at wastong-wasto. Higit sa lahat, madali itong gamitin sa pagrerebyu bago ang pagsusulit. (Carroll, 1990)
Halos ang mga estudyante sa unibersidad at kolehiyo ay hindi gumagamit ng ganitong uri ng teknik at hindi rin nagbibigay atensyon para madiskubre kung papaano gumawa ng isang epektibong pagtatala. Sa katunayan, may mga estudyante na gumagamit ng tape recorders o kaya hinihiram ang mga naitala ng ibang estudyante. Ang teknik na ito ay makikitang bilang isang magandang ideya at para sa akademikong konteksto, ang pagtatala ay isang mahalagang sulat-kamay na gawain bilang isang proseso sa pagkatuto ng mag-aaral.
Narito ang ilang rason kung bakit mahalaga ang teknik na ito: * Ang pagtatala sa klase ay makakatulong upang mapalawak ang nasasaklaw ng atensyon nang isang mag-aaral. Natural sa isipan ng isang tao na habang nagbabasa o nakikinig ay may ibang bagay na biglang pumapasok sa isipan na maaaring tungkol sa gawain, pera o relasyon. Datapwat, ang pagtatala ay tumutulong upang maging pokus at hindi mawala ang konsentrasyon sa paksa na pinag-aaralan. * Ang pagtatala sa klase ay makakatulong upang matandaan o maalala ang ano mang nabasa o narinig habang ginagawa ito. Mas nagiging epektibo ang mag-aaral kapag nagagamit ang multiple senses dahil kapag nakikinig at nagsusulat ginagamit ang utak at muscles. Higit sa lahat, sa pamamagitan ng pagtatala, ikaw ay gumagamit ng paraphrasing na nagmumula sa lecture o reading material na isinasalin mo sa iyong sariling salita, pagkakaintindi o pagkakaunawa na mas komportable kang rebyuhin. * Nakakatulong din ito para maging organisado ang mga ideya at impormasyon na natututunan at nalalaman habang na sa klase.
Sa pagtatala habang na sa klase, mahalaga na isulat ang tinatawag na relevant facts and educated opinions na nagmumula sa guro. Ang teknik na ito ay hindi kailangang word for word at hindi eksaktong kopya. Ito ay pagbubuod ng mahahalaga at importanteng ideya o impormasyon na makakatulong upang magtagal sa memorya. (http://education.exeter.ac.uk/dll/studyskills/note_taking.PDF)
Ang isa sa pinakamagandang rason para sa mga mag-aaral na magtala sa klase ay para matukoy ang mga mahahalagang punto ng guro lecture. May mga guro na organisado ang kanilang lecture para maging madali sa mga mag-aaral na maunawaan at maintindihan subalit may mga guro rin na random kung magturo. Makakatulong ito para maaalala ang mga impormasyon para sa pagsusulit dahil may mga guro na hindi nagbibigay ng mga paksa na pag-aaraln kung kaya kailangan maging wasto ang pagtatala ng mga mag-aaral bilang gabay na rin sa pagrerebyu. Hindi lamang din sa libro natututo ang mag-aaral, dahil sa mga ibinibigay na impormasyon o ideya ng mga guro sa mga estudyante ay dumadagdag din sa kaalaman lalo ang mga hindi pamilyar o bago sa pandinig ng mga ito. Bukod dito, ang pagtatala sa klase ay kinakailangan ng mahusay na pakikinig sa lahat ng sasabihin ng guro. Dito matututunan ng mga estudyante kung ano ang mga importante o mahahagalang bagay sa asignatura at makakagawa ng pang-sariling gabay sa pagsusulit ang mga mag-aaral. Sa patuloy na paggamit ng teknik na ito, mas magiging aktibo sa klase ang mag-aaral at tataas ang partisipasyon sa pagkatuto kaysa sa nakikinig lamang. Ang mga estudyanteng aktibo na matuto habang sa oras ng klase ang may mas kakayahang mapadali ang pagsusulit. (Edwards, 2007)
Ang pagtatala sa klase ay nagpapakita ng pagiging aktibo sa pakikinig sa pamamagitan ng konsentrasyon habang nagtuturo ang guro. Madalas na nararanasan ng mga mag-aaral ay habang nakaupo at sinusubukang making sa guro ay wala namang ideya ang mga mag-aaral sa sinasabi ng guro. Nagiging problema rin ay kapag nagambala na ang atensyon ng mga mag-aaral o kaya ay nag-daydream, malaki na ang nawalang impormasyon para sa mag-aaral. Kung kaya, ang pagtatala sa klase ay makakatulong para mapataas at mapabuti ang konsentrasyon sa klase. Ang layunin nito ay para maitala ang mga mahahalagang punto na sinasabi ng guro. May mga mag-aaral na tinatamad sa klase kaya mas gusto nila na maging masaya at aktib ang kanilang pagkatuto. Ang pagtatala sa klase ay isang active process na napapaangat ang lebel ng pagkatuto sa pagsusulat ng sariling pagkakaintindi sa mga sinasabi ng guro. Hindi lamang ito simpleng teknik, dahil iniisip ng mag-aaral kung ano ang mga mahahalagang impormasyon na nakapaloob sa sinasabi ng guro, nalalaman ang pinagkaiba ng mga impormasyon at nagkakaroon ng ideya kung ano ang susunod na sasabihin dahil nagtatala ang mag-aaral sa pamamagitan ng pangsaraling salita o depenisyon depende sa pagkakaunawa at pagkakaintindi nito lalo at ginagawang organisado ang mga naitalang impormasyon. Ang mahalagang bagay sa pagtatala sa klase ay nagiging active listener ang mag-aaral at active participant sa klase. (Van Blerkom, 2012) (a) One-word Note

(b) Block Notes & Modified-Block Notes

3.9. Nilalaman at lenggwahe ng iyong pagtatala
Ang paggamit ng abbreviation ay para mas mapabilis ng nilalaan na minuto sa pagtatala sa klase. (http://www.law.harvard.edu/current/student-services/taking_notes.pdf&http://www.northshore.edu/support_center/pdf/listen_notes.pdf)

3.10. Mind Mapping
Ang mind mapping ay ginagamitan ng concentration skill at nagmula sa pagtatala na iniuugnay ang kada ideya sa bawat ibang ideya at isang graphic representation na nilalaman ng lecture. Ito ay makakatulong upang makita ang kasalukuyang natututunan sa lecture at madaling mabago sa pagtatala sa pamamagitan ng pagdadagdag ng mga numero, marka o kulay. (http://www.law.harvard.edu/current/student-services/taking_notes.pdf)

3.11. Outline Method
Ang teknik na ito ay ginagamit upang maitala ang mga mahahalagang punto sa isang organisadong disenyo sa pamamagitan ng space indention. Ang pinakamahalagang salita ay nasa pinakadulo sa kaliwa at ang mas detalyadong depenisyon ay isinusulat pakanan. Nababawasan nito ang posibilidad na pag-edit sa mga naitala at madaling marerebyu ang mga mahahalagang impormasyon. Ginagamit ang teknik na ito kapag may sapat na oras habang nasa klase at pinaka epektibo kung ang kakayahan sa pagtatala ay mahusay at kayang maisabay ang pakikinig at pagsusulat ng walang sagabal sa atensyon. (http://www.law.harvard.edu/current/student-services/taking_notes.pdf)

3.12. Charting Method
Ang teknik na ito ay isinasagawa sa paggawa ng hanay and paglalagay ng tamang pamagat na parang isang table format. Tinutukoy nito ang kategorya na tinatalakay sa lecture at habang nakikinig ay isinusulat ang mga salita, parirala o ideya sa tamang kategorya na ginawa. Ito ay magagamit din sa pagsasaulo at pagkukumpara ng mga naitalang impormasyon sa mas madaling paraan. (http://www.law.harvard.edu/current/student-services/taking_notes.pdf)

3. Pagsasalin mula panandaliang-memorya sa pang-matagalang memorya 4.13. Maglarawan
Subukang gamitin ang imahinasyon sa iyong binabasa. Damhin ang iyong binabasa. Gawing makatotohanan. Sa paggamit ng mas maraming senses, mas napapagana mo ang iyong imahinasyon na mas makakatulong upang matandaan o maalala ang impormasyon. (Mayland Community College, 2002) 4.14. Highlight
I-highlight, markahan o i-underline ang iyong naitala. Isa itong paraan upang maisalin sa pang-matagalang memorya ang mga impormasyon o ideya. Maaaring maglagay ng komento o tanong sa mga libreng espasyo upang mas maging malinaw at maunawaan ng maayos kung bakit at kung papaano may ganoon na impormasyon. (Mayland Community College, 2002) 4.15. Pag-babahagi
Ibahagi sa iba ang impormasyon o ideya na iyong nalaman o natutunan. Ito ay makakatulong para masuportahan ang iyong pagkatuto at mapatunayan kung naintindihan o hindi ang impormasyon. Ang pinakamabisang paraan upang gawin ito ay sa pamamagitan ng group study para maituro, makapagtanungan sa isa’t isa at maibahagi ang mga bagong kaalaman. (Mayland Community College, 2002)
Sinasabi na ang group study ay ibang uri n paraan para matuto ang mga mag-aaral at madagdagan ang kaalaman. Sa ganitong paraan, naibabahagi ng bawat isa ang kanya-kanyang ideya o kaalaman, opinyon, nagtutulungan para maresolba ang isang problema sa asignatura, na dapat lahat ng miyembro ay aktibo at may nakikipartisipa, nakakatulong rin sa pagpokus, magbigay ng kauukulang atensyon at nakikinig ng mabuti sa iba, tinatalakay sa ibang miyembro ang ideya, may magandang komunikasyon at kayang umunawa sa sinasabi ng iba. (Dawood, 2010) 4.16. Overlearning
Ito ay isang importanteng teknik lalo na at magagamit para sa pagsusulit. Ang overlearning ay isang proseso na patuloy pa rin ang pag-aaral sa isang lecture kahit na ito ay natutunan dahil pumapasok ito sa pangmatagalang memorya. Marami sa mga mag-aaral ang tumitigil sa pagpapraktis na sagutin muli ang mga tanong o depenisyon kapag nakuha na ang ng isang beses ang tamang sagot. Subalit kung ang mag-aaral ay patuloy na inaaral muli ang mga tamang sagot at kasabay habang inaalam kung bakit mali ang dating sagot, ito ay nagiging overlearning at nakakatulong sa paghasa sa memorya. Sa bawat pagsasagot ulit ng mga naaral na paksa, nababawasan ang tiyansa na malimutan ang mga tamang sagot at mas napapatibay ang daan para pumasok sa pangmatagalang memorya. Higit sa lahat, nakakatulong ito para mas mabilis na maalala o makuha ang mga nakaimbak na impormasyon mula sa pangmatagalang memorya. (Van Blerkom, 2012)

VI. Metodo
Ang mga mananaliksik ay hindi gumamit ng sarbey o panayam

VII. Pagtalakay ng Resulta
Sa kasalukuyang panahon, masasabi na may kanya-kanyang istilo sa pag-aaral ang mga estudyante at maaaring doon sila komportable o hindi. Ang pag-aaral ay isang pinakamahalagang bagay na maaaring makamit ng isang tao sa mundo dahil ito ang sasagot sa magiging buhay pagdating ng araw.
Dahil edukasyon ang yaman na kayang ipamana ng mga magulang, tinalakay dito ang iba’t ibang uri ng teknik sa pag-aaral. Ayon sa riserts, ang motivation ay ang pinakaunang hakbang para maging matagumpay ang pag-aaral. Dito ginagawa ang mga layunin na dapat matapos sa nakalaang oras sa pag-aaral. Kinakailangan na magkaroon ng tamang lugar sa pag-aaral kung saan magiging komportable at aktibo ang pagiisip. Ang paggamit ng time management ay makakatulong para maging alerto sa bawat limitadong oras na nakalaan para sa bawat gawain na nakatakda.

Rekomendasyon
Base sa mga nakalap na impormasyon na isinagawang riserts ng mga mananaliksik, narito ang ilang rekomendasyon ng mananaliksik: 1. Gamitin ang teknik na pagtatala habang nasa klase upang maging aktibo ang kasipan ng mag-aaral. Mailalagay ang mga mahahalagang impormasyon na nagmumula sa mga guro lalo na kung wala sa visual aid ng guro. 2. Ang paggamit ng abbreviation ay makakatulong upang mas mapabilis ang pagtatala habang nagsasalita ang guro. Nakakabawas din sa espasyo ng papel kaya mas maraming impormasyon ang mailalagay at magiging organisado. 3. Ang outline method ay mabisang paraan din ng pagtatala ng mga mahahalagang salita at depenisyon nito. Mailalagay rin ang mga mas detalyadong impormasyon na magmumula sa kaliwa papuntang kanan. 4. Ang pagbabahagi na idinadaan sa group study ay mabisang aktibidad para maging pangmatagalang memorya ang mga impormasyon na itatalakay sa ibang miyembro at gayun din ang mga makakalap na bagong ideya o impormasyon na magmumula naman sa ibang miyembro.

VIII. Sanggunian

Carroll, R. T. (1990). Study Skills. Student Success Guide.
Dawood, T.G. (2010). How to develop good study habits. USA: Xlibris Corporation.
Developing Effective Study Habits. Hinango noong ika-10 ng Nobyembre, 2013 mula sa http://www.mayland.edu/aca111/StudyHabits.pdf
Donoghue, R. O. (2006). STUDY SKILLS: MANAGING YOUR LEARNING. A Guide for Students in Higher Education.
Edwards, S. (2007). Ways to improve your study habits. Encouragement Press.
Effective Listening and Note Taking. Hinango noong ika-10 ng Nobyembre, 2013 mula sa http://www.northshore.edu/support_center/pdf/listen_notes.pdf
Mayland Community College (2002). Developing Effective Study Habit.
Note taking skills-from lectures and readings. Hinango noong ika-10 ng Nobyembre, 2013 mula sa http://education.exeter.ac.uk/dll/studyskills/note_taking.PDF
Seven secrets to studying. Hinango noong ika-10 ng Nobyembre, 2013 mula sa http://education.exeter.ac.uk/dll/studyskills/note_taking.PDF
Taking Notes: Evaluate your present note-taking skills. Hinango noong ika-10 ng Nobyembre, 2013 mula sa http://www.mayland.edu/aca111/StudyHabits.pdf
Van Blerkom, D.L. (2012). College study skills 7th edition. Memory and Learning. USA: Nelson Education Ltd, pp.104-105

Apendix A

Si Gene Roy B. Umambac ay kasalukuyang kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Civil Engineering sa Malayan Colleges Laguna at nasa ika-5 lebel na sa kolehiyo. Siya ay nakatira sa Villa Palao, Banlic, Calamba City at nagtapos ng sekondaryang antas sa Liceo De Mamatid, Cabuyao, Laguna noong taong 2008. Nais niya maging ganap na inhinyero kaya napili niyang mag-aral sa Malayan Colleges Laguna dahil sa dekalidad na edukasyon ng nasabing eskwelahan. Ang pagiging inhinyero ang pinakapangarap niya upang balang araw ay makatulong siya sa magulang, maibalik ang naging sakripisyo ng magulang sa pagtataguyod sa pag-aaral.

Similar Documents

Free Essay

Pananaliksik

...Kahulugan ng Pananaliksik Ayon Sa Mga Dalubhasa Ang pananaliksik ay pagtuklas  at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. Ang  pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito. Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.  Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon.                              ...

Words: 1164 - Pages: 5

Free Essay

Thesis

...kabataan ngayon ay nagsisimulang mahumaling sa panunuod ng iba’t ibang programa sa telebisyon at dito rin nila napapanood ang iba’t ibang uri ng mga patalastas o “advertisement.” Simula pa noon ay naging bahagi na sa buhay ng mga tao ang panood ng iba’t ibang klase ng patalastas o “advertisement” sa kanilang mga telebisyon. Habang lumilipas ang panahon, ang midya ay nakakadagdag ng iba’t ibang impormasyon na makapagbibigay sa kanila ng mahahalagang datos ng mga kaalaman upang sa ganoon makapili ng magaganda at mga epektibong produkto ng sa telebisyo’y ipinatatalastas. Habang tumatagal, nang dahil sa panonood ng mga patalastas sa telebisyon ay mas lumalawak ang kaisipan ng mga kabataan. Nagkakaroon din sila ng mga iba’t ibang uri ng ideya kung paano mamili ng mga produktong nakikita nila sa mga patalastas. Darating din ang panahon na ang lahat ng kanilang mga nalalaman o nalaman ay kanilang magagamit sa ibat-ibang bagay o sitwasyon. Ngunit ang panonood ng patalastas o “advertisements” sa telebisyon ay may masama ring naidudulot sa mga kabataan. Katulad nalamang ng isa sa mga patalastas ng “McDonalds”, kung saa’y isang “special child” ang kanilang ginamit sa pag-eendorso sa kanilang produkto at nagsasabi ng “smile ka din, konti lang” sa kapatid niyang nakita ang kanyang hinahangaang babae. Maraming natuwa ngunit marami ring ginagamit ito sa kanilang pang-aasar o panunukso sa kanilang mga kaibagan at kung madalas, nagiging sanhi ito ng hindi pagkakaunawaan. Nakakasama din ito sa ilang...

Words: 2390 - Pages: 10

Free Essay

Epekto Ng Sigarilyo

...Makati City MG AEPEKTO NG PANINIGARILYO SA KALUSUGAN NG NGIPIN AT MGA PARAAN KUNG PAPANO ITO MAIIWASAN Isang Pananaliksik Na Iniharap Sa Kagawaran Ng Pilipino Bilang Pagtupad Sa Mga Kahiligan Para Sa Asignaturang Filipno 12 Nina: Custodio, Ma. Shaira Jeune F. Dominguez, Valerie Joy P. Francisco, Angelica Mae M. Galvez, Alexandra Kate M. Poblete, Kathryn Zoielou V. Roman, Christine Anne C. KABANATA 1 Ang Mga Suliranin At Sandigan Nito Panimula Ang paninigarilyo ay isang bisyo na mahirap malunasan. Nalulunasan kung kaya ng mga tao na mapigilan ang paggamit nito. Iba-iba ang dahilan kung bakit naninigarilyo ang tao. Ang una ay dahil nakakatanggal ng kaba, pangalawa nakakataas ng pangatlo ay gusto lang itong gamitin dahil maraming ding gumagamit nito. Ayon sa isang pananaliksik ay ang isang epekto ng paninigarilyo at ang pagkawala ng ngipin. Kahit saan ka pumunta ngayon ay may makikita kang naninigarilyo at iyon ay isng sa mga problema ng hindi malulutas, kung paano maitigil ang paninigarilyo. Sabi nila kapag nasimulan mo nang gamitin ito, mahihirapan nang pigilin ito. Ang sigarilyo ay para na rin isang droga dahil sa isa sa mga sangkap nito ay ang nacotin na isang droga, ma labis na nakaka-adik. Ngunit hindi alam ng mga maninigarilyo ang epekto ng paninigarilyo sa kanilang ngipin. Ang pag-gamit ng sigarilyo ang dahilan bakit nagkakaroon ng mga sakit tulad ng sakit sa puso, emphysema at iba’t ibang uri ng kanser tulad ng kanser sa baga, lalamunan...

Words: 4672 - Pages: 19

Free Essay

Kanser Sa Suso

...Pumili ng paksang tatalakayin. Brainstorming Activity 1 Kalusugan Dentista Ospital Pasyente Gamot Ehersisyo Dyeta Serbisyong pang-medikal Medisina DOH Red Cross Tuberculosis Kanser Check-up Dengue Nars Medical Technologist Radiological Technologist Pharmacist Physical Therapist Malaria AIDS HIV Bitamina Sustansya Nutrisyon Bakuna Kalinisan Kapaligiran Paunang lunas Operasyon Protina Epidemya Lagnat Sipon Ubo Diabetes SARS Resistensya Lunas Trangkaso Dextrose Blood test Injection Klinika Mikrobyo Virus Fungi Dumi Hepatitis Emphysema Asthma Cardiologist Pulmonologist Neurologist Obstetrician Gynecologist Pediatrician Activity 2: Med Tech CLSI LAI Shigella Salmonella E. Coli Venipuncture Cloning Urine Fecalysis Semenalysis Urinalysis Stem cells Fecal matter CBC FBS ART Blood Hematocrit Hemoglobin RBC WBC Thrombocytes Clinical Chemistry Parasitology Hematology Microbiology Blood Banking Histopathology Clinical Microscopy Immunology Serology Pathology Code of Ethics Biomedical wastes PAMET PASMETH Microscope Slides Syringe Cover slip Cuvette Aspirator Pipette Stains Reagents Body fluids Universal precaution Streptococcus pyogenes Staphylococcus Malariae Vivax Ovale Falciparum Clostridium Anne Fagelson Hippocrates Centrifuge Ospital Test tube Test tube holer Gloves Lab gown Giardia lamblia ASCP Goggles Bacillus anthracis Sterilize RA 5527 ...

Words: 2416 - Pages: 10

Free Essay

Dasdsdasdassadasd

...Impluwensya ng Makabagong Gadget sa Academic Performance ng Mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering sa Paaralan ng Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus Taong Pampaaralan 2014-2015 KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG NITO Panimula Ngayon tayo ay na sa ika-21 siglo na ng panahon, marami na ang nagbabago gaya ng ating pamumuhay, mas madali na ang mga gawain dahil sa makabagong teknolohiya. Ang transportasyon, komunikasyon at pag-aaral ay hindi na mahirap ngayon dahil sa mga ito. Isa sa mga bagong teknolohiya na kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ay ang gadget, isang bagay na ginagamit ng halos lahat ng tao sa mundo. Ang teknolohiya na ito ay kadalasang ginagamit sa komunikasyon, sa pagkalap ng mga impormasyon at sa pagbibigay aliw. Maraming nagsasabi na isa ito sa mahalagang imbensyon sa kasaysayan. Ayon naman kay D. Chandler (1996) ang teknolohiya ay may malaking impluwensya sa sosyalidad dahil sa mga bago at kapakipakinabang na naidudulot nito sa sangkatauhan. Sinasabi naman ni M. Underwood (2009) na ang teknolohiya ay isang kasangkapan sa pakikipag komunikasyon. Napapadali at napapabilis nito ang pag sagap ng mga balita. Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang pag-imbento ng mga makabagong teknolohiya. Halos sa lahat ng pagkilos ng mga tao ay may teknolohiyang kasama. Isa na dito ang gadget. Nakapaloob sa kategorya ng gadget ang cellphone, laptop, computer at...

Words: 7553 - Pages: 31

Free Essay

Persepsyon Ng Mga Piling Mag-Aaral Sa Angeles University Foundation Hinggil Sa Ikatlong Kasarian

...Angeles City A.Y. 2013-2014 PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION HINGGIL SA IKATLONG KASARIAN __________ IsangPapelPananaliksik Iniharapsamgaguro ng Fil02 __________ IsangBahagi ng mgaGawaingKailangan Sa Pagpasasa Fil02 _________ nila: Arrozal, Mikee B. Carlos, Carla Mae F. Cortez, Donna Fe Guinto, Nickey Y. Gutierrez, Shiela Mae Magbag, Sarah Manalang, Daryll C. Tallorin, Justine Marie V. DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang isang bahagi ng kailangan sa asignaturang Filipino 02a, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “PERSEPSYON NG MGA PILING MAG-AARAL SA ANGELES UNIVERSITY FOUNDATION HINGGIL SA IKATLONG KASARIAN” ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik mula sa seksyong BS PSY ng Angeles University Foundation, S.Y. 2013-2014, ika-unang pangkat at itinagubilin sa guro para sa kaukulang PASALITANG EKSAMINASYON. Mga Mananaliksik, Arrozal, Mikee B. Carlos, Carla Mae F. Cortez, Donna Fe Guinto, Nickey Y. Gutierrez, Shiela Mae Magbag, Sarah Manalang, Daryll C. Tallorin, Justine Marie V. Mrs. Mary Grace S. Razon Guro March 12, 2014 Petsa PASASALAMAT Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng mga taong naging susi upang maikasatuparan ang pananaliksik na ito. Sa mga respondyente na nagbigay ng kanilang oras at malugod na sinagutan ang sarbey kwestyoner na inihanda ng mga mananaliksik na nagbigay ng mga datos na kailangan sa pananaliksik...

Words: 17158 - Pages: 69

Free Essay

Asdfghjkl

...everyone “Paano ba maging writer?”             Itong tanong na nasa itaas ng pangungusap na binabasa mo ngayon ay isang tanong. Madalas ko na ‘tong mabasa sa iba’t ibang lugar. Sa isang page ng sikat na publishing company sa Peysbuk (Facebook). Sa mensaheng nakita kong nakasulat sa isang lamesa ng siksikang canteen namin tuwing labasan ng estudyante. Naghahamon pa ang sumulat ng isang pen-spinning battle with matching pag-drawing ng putol na kamay na may hawak na Panda pen tapos may whirlwind effect para magmukhang umiikot (Bakit kaya hindi na lang s’ya naghamon sa larangan ng pagdo-drawing? Mukhang may mas talento ‘yung sumulat na ‘yun sa pagdrawing eh). Sa mensaheng naka-vandal sa isang sulok ng armchair sa isang high school. Sa iba’t ibang sulok ng agiw ng Internet. So, may itatanong lang din ako. “’Dre, pa’no ba maging writer?”             Isa-isahin natin para mas maging petiks ang pag-intindi. Ang word natin ay “writer.” Sa wikang Tagalog, manunulat. Ang “root word” ay ang salitang “write” o “sulat.” Kung iisipin at batay sa katiting at walang kwentang pag-aanalisang ginawa natin kanina, masasabing ang pagiging writer ay pagiging manunulat (malamang). Pagsumulat ka, posible ka nang matawag na writer? Hindi rin naman masasabing mali ang pag-a-analyze na ginawa natin kanina dahil ang essence nga ng pagiging manunulat ay ang, uhm…Pagsulat.             So, ang dali-dali lang pala? Dahil halos lahat naman ng taong edukado man o hindi basta marunong magbasa at magsulat, na nasa...

Words: 1783 - Pages: 8

Free Essay

Sample Theesis

...Kabanata 1 SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL Itinatampok ng kabanatang ito ang suliraning inaral ng mananaliksik at ang kaligirang kasaysayan nito. Malaki ang papel na ginagampanan ng pagsukat at pagtataya sa edukasyon. Ito ang pangunahing batayan sa pagtukoy sa lalim at lawak ng naunawaan, tumimo at kaalaman ng isang mag-aral na siyang huhubog ng kaniyang mga kasanayn bilang isang tao (Gregorio, 2001). Kinakailangang alamin ang natutunan at nalinang na mga kaalaman at kasanayan sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsukat at pagtataya sa kanilang mga nalalaman at natandaan. Pamalagian itong ginagawa ng mga guro sa buong panahon ng kanilang pagtuturo particular na ,matapos sa bawat leksyon. Ang pagbibigay ng mga pagsusulit ang siyang pinakakaraniwan at kilalang paraan upang sukatin at tayain ang kaalaman at kasanayan g bawat isang mag-aaral. Sa pamamagitan ng masining na paglikha at paghahanay ng mga katanungan hinggil sa mga araling tinalakay ay mabibigyang pagkatukoy ng guro ang lawak na saklaw ng natutunan ng isang mag-aaral. Pinakamalaking bahagi ng pondo n gating bansa taon-taon ay inilalaan para sa edukasyon. Ito ay sa layunin n gating pamahalaan na mapataas pa ang kalidad at sistema n gating edukasyon sa bansa. Buhat sa pondong ito, naglulungsad an gating pamahalaan ng iiba’t ibang mga programa upang mapag-ibayo at mapalakas ang sistema at kalidad n gating edukasyon. Taon-taon ay naglulungsad ng mga Pambansang pagsusulit ang Kagawaran ng Edukasyon para sa Mababa...

Words: 17541 - Pages: 71

Free Essay

Thesis

...PANGLINIS AT PAMPATIBAY NG NGIPIN TAONG 2010-2011 _______________ Tisis na Iniharap sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Kampus ng Lungsod Quezon _______________ Bilang Bahagi ng Kahingian Sa Pagtatamo ng Digring Batsilyer ng Agham sa Pamamahalang Pangangalakal _______________ Nina Decelyn P. Gonzales Geneva M. Zinampan Mary Grace L. Esparas Rose Ann C. Alejandrino Ma. Celina Janine C. Garzo Marso 2011 PAHINA NG PAGPAPATIBAY Bilang bahagi ng kahingian sa pagtatamo ng Digring BATSILYER NG AGHAM SA PAMAMAHALANG PANGANGALAKAL - ang tisis na ito na may paksang “Herbal Tooth Powder” Bilang Alternatibong Panglinis at Pampatibay ng Ngipin Taong Aralang 2010-2011 ay naihanda at isinumite nina Decelyn P. Gonzales, Geneva M. Zinampan, Mary Grace L. Esparas ,Rose Ann C. Alejandrino, at Ma. Celina Janine C. Garzo ay iminumungkahing maiharap sa Oral na Pagsusulit. _________________________ JENNIFOR LOYOLA AGUILAR Tagapayo LUPON NG TAGAPAGSULIT Pinagtibay ng mga lupon sa Oral na Pagsusulit na may markang ______. Bejamin Jose Cada Jr. Lupon ng Tagapagsulit Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng kahingian sa pagtatamo ng digring Batsilyer ng Agham sa Pamamahalang Pangangalakal. PROF. DORIS B. GATAN PROF. PASCUALITO B. GATAN Tagapangulong Pang-akademiko Direktor, PUP- Lungsod Quezon Marso 2011 PAGHAHANDOG Taos-pusong inihahandog ng mga mananaliksik...

Words: 5822 - Pages: 24

Free Essay

Mine

...4 Toclong 1st - C Imus, Cavite Permanent Address Mobile Number Email Address 0927 412 1288 maevelyn018@yahoo.com Date and Place of Birth July 18, 1988 Mandaluyong City EDUCATION Secondary Level St. Emilene Academe Imus, Cavite Primary Level St. Emilene Academe Imus, Cavite WORK EXPERIENCE Associate Producer / Assistant Camera Person Sa Ilalim ng Tulay, Cinemaone Originals October 2011 Video Editor Talk, Understand, Care: Discipline Without Violence October 2011 Intern, Roadrunner Inc., May-June 2009 PASASALAMAT Ipinararating ang taos pusong pasasalamat sa lahat ng taong sumuporta at gumabay upang maisakatuparan ang proyektong ito. Pasasalamat sa aking mga magulang na sina Mobil at Leny Calapardo para sa pagmamahal at walang sawang pagtitiwala sa aking kakayahan. Sa aking mga kapatid na sina Maybelle at Marbile Calapardo para sa walang patid ninyong suporta. At para sa sa aking pamangkin na Si Daniel Marcus Cadag na laging nagpapangiti sa gitna ng aking mga pinagdaraanan. Sa aking punong gabay, kay Prop. Libay Cantor na siyang unang nakakita ng potensyal ng pelikulang ito. Maraming salamat sa iyong tiwala at walang-humpay na pang-unawa. Sa aking mga kaibigang sina...

Words: 30375 - Pages: 122

Free Essay

Thesis

...Nakapokus ang unang kabanata ng pananaliksik sa kaligirang kasaysayan ng paksang pinili ng mga mananaliksik. Tinalatalakay ng kabanatang ito ang mga dahilan kung bakit pinili ng mga mananaliksik ang ninais na paksa at kung anu-ano ang magsisilbing kanilang gabay sa pag-aaral. Panimula Ang pagsali sa mga fraternity ay isa sa mga pinag-uusapang kalakaran noon hanggang ngayon na palasak sa mga mag-aaral ng kahit anong kolehiyo at unibersidad. Binigyang kahulugan ang fraternity bilang isang samahan ng mga kalalakihan na naglalayon ng iisang adhikain, halimbawa ay pagtulong sa iba at pagtatanggol sa isa’t-isa sa mga oras ng kagipitan at pangangailangan. Sari-saring opinyon ang sinasabi ng mga tao hinggil sa isyung ito, ang iba ay positibo habang ang iba ay negatibo. Iba’t iba man ang dahilan kung bakit dapat o hindi dapat sumali sa isang fraternity, higit na dapat pagtuunan ng pansin may kinalaman sa usapin ay kung paano ito maaaring makaimpluwensya sa abilidad ng mag-aaral na makisalamuha sa iba at sa kakayahan niyang mag-isip at magpasya sa lohikal at epektibong paraan, kasali na rito ang “academic standing” sa pangkalahatan ng mga mag-aaral na miyembro ng fraternity. Kaya napagkasunduan ng mga mananaliksik na gumawa ng isang mapanuring pagtalakay na may temang “Ang Ginagampanan ng Fraternity sa Pagpapaunlad ng Sosyal at Intelektwal na Kakayahan ng mga Mag-aral ng TIP-QC.” Kaligirang Kasaysayan Hindi na kaila ang padami na padaming bilang ng mga mag-aaral na namatay...

Words: 4084 - Pages: 17

Free Essay

Stories

...PAGHUHUKOM (Bahagi ng Nobela) Isinalin ni Lualhati Bautista Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos. Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon… Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng  balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi’y patuloy na dumarating kay Fak…  Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya’y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyang isipan. Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niya bubuweltahin ang mga nanakit sa kanya. Natatandaan niya nang malinaw na dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim...

Words: 23011 - Pages: 93