Free Essay

Baybayin

In:

Submitted By aldrinmarklee12
Words 1727
Pages 7
Click on flag for

English version MGA NILALAMAN Mga Pantig Mga Titik ng Baybayin Ang mga Katinig Ang Kudlit Ang mga Titik na Patinig Mga Huling Katinig Mga Naiibang Katinig Mgs Bantas Ang Kastilang Kudlit Mga Bilang Mga Salitang Banyaga Mga Kaugnay na Pahina Kasaysayan ng Baybayin How do I write my name? Baybayin Styles Old Baybayin Doc's Free Baybayin Fonts Baybayin Links

Isang Aralin sa Pagsulat ng mga Sinaunang Filipino ni Paul Morrow

Hindi mahirap ang sumulat ng baybayin ngunit may kahirapan ang pagbasa nito.
May isang Kastilang manunulat noong panahon ng mga Espanyol na nagsabing "kung ano ang dali ng pagsulat ng baybayin ay siya namang hirap ng pagbasa nito." Ipapaliwanag natin ito mamaya. Pag-aralan muna natin kung paanong sumulat ng baybayin.

Inaakala ng maraming tao na ang baybayin ay isang kakaibang alpabeto lamang at ang kailangang gawin ay matutuhan lamang na sumulat ng mga titik at saka gamitin ang mga ito gaya ng ginagawa natin sa alpabeto ngayon. Akala nila ay maaaring UWIAN ipagpalit lamang ang bawat modernong titik ng isang titik ng baybayin. Subalit hindi puwede ito sa baybayin dahil may kaibahan ang baybayin sa mga alpabeto. Ang baybayin ay isang papantig, o syllabic na paraan ng pagsulat.

Ang Bawat Titik ay Katumbas ng Isang Pantig
Sa ating modernong alpabeto, ang bawat titik ay isang payak na tunog o phoneme na maaaring isang patinig (vowel) o isang katinig (consonant). Pinagsasama natin ang mga ito upang mabuo ang mga pantig (syllables). Ang mga pantig na ito ay pinagsasama upang mabuo ang mga salita. Subalit sa mga tinatawag na papantig na paraan ng pagsulat, tulad ng baybayin, ang bawat titik ay katumbas ng isang buong pantig. Ang pantig ay maaaring isang kumbinasyon ng ilang tunog o di kaya'y isang patinig lamang, ngunit karaniwang hindi maaaring maging isang katinig lamang. Ang bilang ng mga titik na baybayin sa anumang salita ay laging katumbas ng bilang ng mga pantig dito.

Ang mga Titik ng Baybayin

Ito ang lahat ng titik sa "alpabetong" baybayin. Maaaring may iba't ibang anyo ang bawat titik ayon sa pagsulat ng bawat tao. (Tingnan ang Baybayin Styles.) Ang halimbawang ito ay aking sariling pagsasama ng iba't ibang lumang istilo. Ang mga titik ay nakahanay ayon sa dating abakada. (Tingnan ang sinaunang hanay ng mga titik sa unang sanaysay.)

Ang mga Katinig
Ang bawat titik na katinig (consonant letter) ay isang pantig na may kasamang patinig na a. Halimbawa, ang titik na ay hindi isang b lamang kundi ang pantig na ba. Kung isusulat ang salitang basa, dalawang titik lamang ang kailangan: at hindi apat na titik: Narito ang ilan pang halimbawa:

Ang Kudlit
Ano kaya ang dapat nating gawin kung may isusulat tayo na may ibang patinig bukod sa a? Sa ibang mga palapantigan o syllabary, tulad ng Katakana o Hiragana ng Hapon, kailangang matuto ng marami pang ibang titik para sa lahat ng kumbinasyon ng mga katinig at patinig. Subalit ang baybayin ay hindi isang palapantigan lamang. Ang baybayin ay may mga katangian ng isang palapantigan at ng isang alpabeto rin. Ang tawag sa ganitong paraan ng pagsulat ay isang abugida. Gagamitin pa rin natin ang mga titik na katinig na nakahanay sa itaas at lalagyan natin ang mga ito ng isang pananda, na tinatawag na kudlit, upang mapalitan ang tunog ng nilalamang patinig na a. Ang kahulugan ng kudlit ay gurlis o galos at ito nga ang anyo ng kudlit noong unang panahon, noong inuukit pa ang baybayin sa kawayan. Ngayon, sumusulat na tayo sa pamamagitan ng bolpen at papel o

inuukit pa ang baybayin sa kawayan. Ngayon, sumusulat na tayo sa pamamagitan ng bolpen at papel o computer kaya may iba't ibang hugis ang panandang kudlit. Karaniwang tuldok ito o maikling guhit, o minsan naman, ay may hugis ng letrang v o hugis ng ulo ng palaso >. Ang hugis ng kudlit ay walang kaugnayan sa pagbigkas ng isang titik; ang pagbigkas ay batay sa kinalalagyan ng kudlit. Kung ang kudlit ay nasa itaas ng titik, ang pagbigkas ay I o E. Ganito:

Kung ang kudlit ay nasa ibaba, U o O ang dapat bigkasin. Ganito:

Ang mga Titik na Patinig
Bagama't ang mga kudlit ay karaniwang ginagamit upang maipakita ang tunog ng mga patinig (vowels), mayroon din namang tatlong bukod-tanging titik na patinig:

Madaling makita na kung may pantig na walang katinig, wala itong titik na malalagyan ng isang kudlit. Kaya, ang dapat gamitin ay isang titik na patinig. Ang mga titik na ito ay hindi nilalagyan ng anumang kudlit. Halimbawa:

Tatlo lamang ang mga patinig dahil hindi binigyang pansin ang kaibahan ng bigkas sa I at E, at sa U at O sa maraming wika ng mga sinaunang Filipino bago nila hiniram ang mga salitang Kastila. Hanggang ngayon, mapagpapalit ang mga patinig na ito sa mga salita tulad ng lalaki/lalake, babae/kababaihan, uod/ood, puno/punung-kahoy, at oyaye/oyayi/uyayi (duyan o panghehele). Ang baybayin ay katulad ng alphabet na Ingles na may limang titik na patinig ngunit may iba't ibang bigkas ang bawat isa. (Tingnan ang unang sanaysay para sa karagdagang kaalaman tungkol dito.)

Mga Huling Katinig
Nakita na natin na may mga bukod na titik para sa mga patinig na hindi sumusunod sa isang katinig, ngunit papaano ang mga katinig na hindi sinusundan ng isang patinig? Ito ang tinatawag na mga huling katinig ng pantig (syllable final consonants) at ito ang dahilan kung bakit mas mahirap basahin ang baybayin kaysa sulatin ito. Walang paraan upang maisulat ang mga huling katinig na ito. Halimbawa, sa isang salita tulad ng bundok hindi maaaring isulat ang mga titik na n at k dahil walang patinig ang mga ito at ang lahat ng katinig ng baybayin ay laging binibigkas nang may patinig. Kung isusulat natin ang n at k, ang bigkas sa salita ay magiging bu-na-do-ka. Kaya, hindi dapat isulat ang ganitong mga titik. Ang kailangan ay hulalan lamang ng mambabasa ang kahulugan at tamang bigkas ng isang salita batay sa paksa o pinag-uusapan ng sulatin. Ganito ang pagsulat sa bundok: hindi: Heto ang ilan pang halimbawa:

Mga Kakaibang Katinig
Hindi kakaiba ang mga titik na d at ng sa mga sinaunang Filipino subalit dapat suriin natin ang mga ito upang hindi tayo malilito. Ang Titik Para sa Da at Ra Isa lamang ang titik sa baybayin para sa d at r, ang . Ang pagbigkas nito ay batay sa kinalalagyan ng

titik sa loob ng isang salita. Maihahambing ito sa patakaran natin ngayon na kapag ang d ay napagitna sa dalawang patinig, ito ay karaniwang ipagpapalit sa r. (Marami ang kataliwasan sa patakaran ngayon ngunit mas sinusunod ito noong unang panahon.) Halimbawa, kung ikakabit nating ang panlaping ma sa mga salitang dangal at dunong, ang kalalabasan ay marangal at marunong ngunit sa baybayin, hindi papalitan ang titik na .

Ang ibang mga wika sa Filipinas noong unang panahon ay may ibang pamamaraan upang isulat ang tunog ng r. May gumamit ng titik na d/ra ( ) gaya ng Tagalog at may iba namang gumamit ng titik na la para sa tunog ng r. At may iba pa ring gumamit ng pareho. Tingnan ang unang sanaysay para sa karagdagang kaalaman. Ang Titik Para Sa Nga Sa kasalukuyang wikang Filipino, ang ng ay itinuturing na iisang titik ngunit dalawang titik ang kailangan upang maisulat ito, ang n at ang g. Sa baybayin, ang ng ay talagang iisang titik lamang, ang , at ito ang dapat gamitin para sa tunog ng ng. Halimbawa, kung isusulat natin sa baybayin ang salitang hanga nang may n at g, ang bigkas dito ay magiging ha-na-ga. Ganito ang dapat: hindi:

Mga Bantas
Ang mga bantas (punctuation) sa baybayin ay isa o dalawang guhit na patayo lamang, ||, ayon sa kagustuhan ng manunulat. Ang paggamit sa guhit ay katulad ng isang kuwit (comma) o tuldok (period). Sa katotohanan, magagamit ito gaya ng anumang bantas na mayroon sa ating sulat ngayon. Ang karaniwang pagsulat ng mga sinaunang Filipino ay tuloy-tuloy at walang agwat-agwat sa pagitan ng mga salita. Paminsan-minsan ay pinaghiwalay nila ang isang salita sa pagitan ng dalawang guhit subalit kadalasan ay inilagay lamang nila ang mga guhit kahit saan nila gusto. Kaya ang mga pangungusap ay nahati-hati nang may iba't ibang bilang ng salita sa bawat bahagi.

Ang Kastilang Kudlit +
Inimbento ng isang prayleng Kastila na si Francisco Lopez ang isang bagong uri ng kudlit noong taong 1620 upang malutas ang suliranin sa pagsulat ng mga huling katinig. Hugis krus ang kaniyang kudlit at inilagay niya ito sa ibaba ng mga titik upang bawiin ang tunog ng patinig. Halimbawa:

Hindi tinanggap ng mga Filipino noon ang paraan ni Lopez dahil nakasagabal lamang daw ito sa madaling pagsulat at hindi naman kasi sila nahirapan sa pagbasa sa dating paraan. Ngunit popular na ngayon ito sa mga taong natuklasan muli ang baybayin na hindi nakakaalam ng pinagmulan ng Kastilang kudlit. (Tingnan ang unang sanaysay tungkol dito.)

Heto ang dalawang anyo ng isang awit. Sa kaliwa, ginamit ang kudlit ni Lopez (+) at pinaghiwalay ang mga salita upang madaling basahin. Sa kanan naman, makikita ang paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Filipino.

Mga Bilang
Noong panahon bago dumating ang mga Kastila, karaniwang ginamit ng mga sinaunang Filipino ang baybayin sa pagsulat ng mga tula lamang o di kaya'y maiikling mensahe sa isa't isa. Hindi nila iniangkop ang baybayin upang gamitin sa pangangalakal o mga kaalamang pang-agham kaya hindi ito nagkaroon ng mga pambilang. Ang mga bilang ay isinulat nang buo kagaya ng lahat ng ibang salita. May isang kasulatan na may mga bilang sa Baybayin Handwriting of the 1600s.

Ang Pagsulat ng mga Salitang Banyaga
Mahirap talaga ang sumulat ng ilang salitang banyaga sa baybayin. Maraming tunog ay walang katumbas na titik sa baybayin at hindi maisulat ang mga katinig ng wikang Ingles kapag magkakadikit ang mga ito. Sa ganitong mga pagkakataon, ang kailangan ay baguhin ang mga salitang Ingles, o kung hindi, baguhin ang baybayin. Tinatalakay ang iba't ibang paraan upang maisulat ang mga salitang banyaga sa pahinang may pamagat na How do I write my name in baybayin? Maaaring subukin ang inyong natutuhan tungkol sa baybayin sa "online baybayin translator" ni Victor Quimson sa Ating Baybayin. Ano man ang ita-type ninyo sa programang ito ay ipapakita sa inyo sa sulat baybayin. UWIAN E-MAIL

UWIAN

E-MAIL

Paul Morrow 29 December 2002 Last updated: 18 November, 2004

Similar Documents

Premium Essay

Baybayin

...Although the baybayin had spread so swiftly throughout the Philippines in the 1500s, it began to decline in the 1600s despite the Spanish clergy’s attempts to use it for evangelization. Filipinos continued to sign their names with baybayin letters throughout the 17th, and even into the 18th century, though most of the documents were written in Spanish. Gaspar de San Agustín still found the baybayin useful in 1703. In his Compendio de la lengua Tagala he wrote, “It helps to know the Tagalog characters in distinguishing accents.” And he mentioned that the baybayin was still being used to write poetry in Batangas at that time. But in 1745 Sebastián Totanes claimed in his Arte de la lengua Tagala that, Rare is the indio who still knows how to read [the baybayin letters], much less write them. All of them read and write our Castilian letters now. However, Totanes held a rather low opinion of Philippine culture and other writers of the period gave a more balanced view. Thomas Ortiz felt it was still necessary to describe the Tagalog characters in his Arte y Reglas de la lengua Tagala of 1729 and as late as 1792 a pact between Christians and Mangyans on the island of Mindoro was signed with baybayin letters, which is not surprising because the Mangyans never stopped using their script. Many people today, both ordinary Filipinos and some historians not acquainted with the Philippines, are surprised when they learn that the ancient Filipinos actually had a writing system of their...

Words: 929 - Pages: 4

Free Essay

Alibata

...Many people today, both ordinary Filipinos and some historians not acquainted with the Philippines, are surprised when they learn that the ancient Filipinos actually had a writing system of their own. The complete absence of truly pre-Hispanic specimens of the baybayin script is puzzling and it has lead to a common misconception that fanatical Spanish priests must have burned or otherwise destroyed massive amounts of native documents as they did so Social expediency was another reason for Filipinos to abandon the baybayin in favour of the alphabet. They found the alphabet easy to learn and it was a skill that helped them to get ahead in life under the Spanish regime, working in relatively prestigious jobs as clerks, scribes and secretaries. With his usual touch of exaggeration, Fr. Pedro Chirino made an observation in 1604 that shows how easily Filipinos took to the new alphabet. But if reasons of practicality were behind the demise of the baybayin, why did it not survive as more than a curiosity? Why was it not retained for at least ceremonial purposes such as inscriptions on buildings and monuments, or practiced as a traditional art like calligraphy in other Asian countries? The sad fact is that most forms of indigenous art in the Philippines were abandoned wherever the Spanish influence was strong and only exist today in the regions that were out of reach of the Spanish empire. Hector Santos, a researcher living in California, suggested that obligations...

Words: 1493 - Pages: 6

Free Essay

Thesis

...GENNY ROSE M MATIBAG #168 Tiquiwan, Rosario, Batangas 09321014742/09173834961 OBJECTIVES To be able to work in an established company that will promote my professional growth and thereby contribute in the productivity and development of the company. Educational Background: Elementary : Baybayin Elementary School Baybayin, Rosario, Batangas 2000-2006 Secondary : Baybayin National High School Baybayin, Rosario, Batangas 2006-2010 College : Bachelor of Science in Criminology 2010-2013 Work Experience EPPI: Epson Precision Philippines Inc,. May 27, 2013 – November 4, 2013 Job Description: Quality Assurance Inspector November 5, 2013 – March 5, 1014 Job Description: Repair Analysis and Evaluation Operator Personal Data Birth Date : July 25, 1994 Birth Place : Tiquiwan, Rosario, Batangas Age : 20 yrs old Gender : Female Height : 5’1 Weight : 56kgs Language : English & Filipino Status : Single Religion : Roman Catholic Mother : Mary Rose Matibag Occupation : House Wife Father : Isagani Matibag Occupation : Security Guard Related Skills • Proficient in using Microsoft office specifically in Word, Excel and Power Point Presentation • Fluent in written and oral communication using English and Filipino languages • Computer Literate • Flexible Trainings and Seminars Attended Summer Cadre Training Fernando Air Base, Lipa City April-May 2011 Drug Awareness RECS...

Words: 277 - Pages: 2

Free Essay

Akinto

...singitan dito |   | lagyan ng tuldok |   | Lagyan ng kuwit |   | Lagyan ng tuldok-kuwit |   | Lagyan kolon |   | Lagyan ng panipi |   ‘ | Lagyan ngkudlit | | Lagyan ng panaklong | | Lagyan ng braket |   | Lagyan ng superskrip | | Punan ang patlang | | Lagyan ng subskrip |   | Kaltasin o alisin |   | Pagdugtungin o pagkabitin |   | Lagyan ng espasyo |  (stet) | Panatiliin |   | Itranspos o pagpalitin ng puwesto |   | Iusog o iurong sa kaliwa |   | Iusog o iurong sa kanan |   | Igitna |   | Itaas |   | Ibaba |  = | Ipantay o ituwid |   | Ilinya |   | di-perpekto |   l | Indensyonan o isaparapo |   | Maling paghahati o pagpapantig | = | Pagtama ng bantas sa salita |   | Baybayin, isulat ng buo |  = | Malaking titik lahata | /  | Maliit na tittik |   | Italisa |   | Iset sa Roman |   | Iset sa bold |  ^p^p | Walang parapo | | Lagyan ng ligature |   | Pigura o itambilang o numero |   | Maling font o tipo | | Tanung sa awtor |  / / | Paghiwalayin |...

Words: 277 - Pages: 2

Free Essay

Filipino

...Del Pilar at Gregorio del Pilar. Ito ay kilala sa mga malalawak na sakahan, dam, at lungsod na may mauunlad na industriya. Ang Bulakan ay nasa timog-kanlurang bahagi ng Gitnang Luzon. Ito ay nasa hanggahan ng Nueva Ecija mula hilaga, ng Aurora at Quezon sa silangan, ng Pampanga sa kanluran at Kalakhang Maynila at Look Maynila mula sa timog. Binubuo ng 2,625.0 kilometro kuwadrado ang buong lalawigan ng Bulakan. Humigit kumulang 14 na porsiyento ng buong sukat ng Luzon ang sinasaklaw ng Bulakan. Mayroon itong 21 munisipalidad, tatlong lungsod at 569 barangay. Ang Lungsod Malolos ang kabisera ng naturang lalawigan. Pinagmulan Natuklasan ng mga mangingisda ang lugar na ito bago pa dumating ang mga Kastila sa bansa. Nanggaling sila mula sa baybayin ng Maynila at lumipat sa lupaing ito kung saan mataba ang lupa at napapaligiran ng ilog at batis. Lumaki ang bilang ng mga naninirahan dito at ngayon ay kilala na bilang lalawigan ng Bulakan. Pinaniniwalaang mula sa salitang "bulak" (kapok) o tinipil na salitang "bulaklak". Maaaring tumutukoy noon ang "Bulakan" sa pook na may maraming tanim na bulak o bulaklak. Ang paglagda sa kasunduan sa Biyak-na-Bato ang isa sa mga mahahalagang bahagi ng kasaysayan ng Bulakan. Ang lalawigang ito ay isa sa mga lalawigang nag-alsa sa mga Kastila. Ang Simbahan ng Malolos at Simbahan ng Barasoain ang isa sa mga naging punong himpilan ni Pangulong Emilio Aguinaldo at ng kanyang batasan. KILALANG MANUNULAT SA BULACAN AT KANILANG AKDA Francisco Balagtas ...

Words: 364 - Pages: 2

Free Essay

Glue Out of Milk

...bilang relihiyon at mga kulturang Islam. Ang teritoryo ng Soviet Azerbaijan ay nakuha ng Russia mula sa Persian gamit ang Treaty of Gulistan noong 1813 at ng Treaty of Turkamanchai noong 1828. Pagkatapos ng rebolusyong Bolshevik, ipinahayag ng Azerbaijan ang kanilang kalayaan mula sa Russia noong Mayo 1918. Ang republika'y nasakop muli ng Red Army noong 1920 at idinugtong sa Transcaucasian Soviet Socialist Republic noong 1922. Ito'y itinatag bilang isang hiwalay na republikang Soviet noong Disyembre 5, 1936. Ipinahayag ng Azerbaijan ang kanilang kalayaan mula sa bumabagsak na Unyon noong Agosto 10, 1991.  Ang Azerbaijan ay isang bansa sa rehiyon ng Caucasus, sa daan na sumasabubong sa Europa at ang timog-kanlurang Asya, na may silangang baybayin sa Dagat Caspian. Pinaliligiran ito ng Russia sa hilaga, Georgia at Armenia sa kanluran, at Iran sa timog. Ang Awtonomong Republika ng Nakhichevan (isang bahagi ng Azerbaijan) ay pinaliligiran ng Armenia sa hilaga, Iran sa timog, at Turkiya sa kanluran. Ang malaking reserba ng langis ay isang sektor kung bakit maganda ang ekonomiya ng Azerbaijan. Ang kanilang opisyal na pera, ang Azerbaijan Manat, ang naging stable na taong 2000. Currency: 1 Manat = 100 qəpik GDP Nom.: $68.8 billion  GDP growth: 0.2%  GDP per capita: $10,200  GDP by sector: agriculture (5.5%), industry (62.7%), services (31.8%)  Inflation (CPI): 1.1%  Population below poverty line: 11%  Gini coefficient: 36.5 Labour...

Words: 311 - Pages: 2

Free Essay

Bio-Essay

...grupo. Katulad ng alinmang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang baryedad ng wika para sa iba-ibang sitwasyong sosyal, sa mga nagsasalita nito na may iba’t ibang sanligang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at matalisik na pagpapahayag. 20 titik ng lumang alpabeto: Malalaking mga titik | A | B | K | D | E | G | H | I | L | M | N | NG | O | P | R | S | T | U | W | Y | Maliliit na mga titik | a | b | k | d | e | g | h | i | l | m | n | ng | o | p | r | s | t | u | w | y | Bago dumating ang mga Espanyol, ang karamihan ng mga wika ng Pilipinas ay sinusulat na gamit ang talapantigan ng Baybayin. Ang mga Espanyol ay ipinakilala ang Latin na Panitik sa Pilipinas. Noong unang kalahating bahagi ng ika-20 na siglo, ang mga Pilipinong wika ay sinusulat na gamit ang Palabaybayang Kastila(Ortograpiyang Espanyol). Si Dr. Jose Rizal ang unang nagmungkahi sa pag-indihenisado ng pagsulat sa Pilipinas.[2] Noong ipinakilala ang Wikang Pambansa Batay sa Tagalog, ang mambabalarilang si Lope K. Santos ay gumawa ng bagong alpabeto na binubuo ng 20 na titik. Ito...

Words: 364 - Pages: 2

Free Essay

Term Paper

...300TH AIR INTELLIGENCE AND SECURITY GROUP. PAF FS 12B, 301ST AIR INTELLIGENCE AND SECURITY SQUADRON Poblacion, San Juan, Batangas ORDER OF BATTLE WORKSHEET | |OB FACTOR | | |REFERENCE | |REMARKS | | |COMPOSITION | | |Daily Intelligence | | | |Journal dtd |Info from @ Andoy revealed that a certain Ka Celso (TNU) is a CTL under GFC 7 operating at the southwest|B2Y | |02 May 13, SI Nr 2 |portion of the Municipality of San Juan, Batangas. | | |Daily Intelligence |Info from @ Bong revealed that a certain Ka Doring (TNU) is a CTL under GFC 47 operating within the |B2Y | |Journal dtd |south eastern portion of the Municipality of San Juan, Batangas. | | |03 May 13, SI Nr 3 | ...

Words: 3494 - Pages: 14

Free Essay

Pananakop Ng Dayuhan

...Minsan ba’y sumagi sa isipan niyo kung ano nga ba ang mga pangyayaring naganap nung sinaunang panahon, bakit nga ba naging ganito tayo at sino ang nakaimpluwensya sa atin? Maraming katanungan ang di pa nasasagot. Kaya’t talakayin natin ang UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA TIMOG AT KANLURANG ASYA (16-17 SIGLO) Bago ang pagtuklas at pananakop may ugnayan ng nagaganap sa mga Europeo at mga Asyano. Nagsimula ang ugnayang ito sa pamamagitan ng palitan ng kalakal sa mga Asyano at Europeong mangangalakal. Ang pinakatagpuan nila ay nagaganap sa tatlong pangunahing ruta ng kalakan sa Asya. Una, ang Hilagang ruta, na nagpapasimula sa China at tatawid sa lungsod ng Samarkand at Bokhara. Pangalawa, ang Gitnang Ruta, na papunta sa baybayin ng Syria at dadaan sa Golpo ng Persia at ang huli ay ang Timog Ruta na maglalayag mula sa India babagtasin ang Karagatang Indian hanggang sa makarating ng Egypt sa pamamagitan ng Red Sea. Dumating ang panahon na ang ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga mangangalakal na Asyano at Europeo ay sinakop ng naghaharing Turkong Ottoman. Nang sinakop ito ng mga Turkong Ottoman tanging ang mga Italyanong mangangalakal ang pinayagan na makadaan at makipag-ugnayan sa mga mangangalakal na Asyano. Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na Magtungo sa Asya : Krusada: (insert Pic) Ang Krusada ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng Kristiyanong Europeo laban sa mga Turkong Muslim upang mabawi ang Jerusalem sa kamay ng mga ito. Ayon...

Words: 1845 - Pages: 8

Free Essay

Thomas Pinpin

...Tomas Pinpin – “Prince of Filipino Printers” or the “Patriarch of Filipino Printing.” He was a printer, writer and publisher from Abucay, a municipality in the province of Bataan, Philippines, who was the first Filipino printer and is sometimes referred as the "Prince of the Filipino Printers." He is thought to have first come into contact with the printing world around 1608 or 1609, learning from the work of other Christian Chinese printers such as Juan de Vera, Pedro de Vera, and Luis Beltran who had already printed several books for Spanish missionaries. He learned the art of printing about the end of 1608 in the Dominican-owned printing press in Abucay. In Abucay, Father Blancas employed in 1609 young Pinpin as an apprentice at the printing shop and taught him the art of printing. In just one year he had developed enough skills to be promoted to printing manager. The following year, 1610, he printed the famous book of Father Blancas de San Jose, Arte y Reglas de la Lengua Tagals (Art and Rules of the Tagalog Languages). Also in Abucay, Bataan, he printed his book entitled Librong Pagaaralan nang mga Tagalog nang Wicang Castila. He wrote this in order to help people learn the Spanish language easily. The last book he printed was Father Perez de Nuero’s book, Relacion de la Vida y Martirio del Jusuita P. Mastrilli; (Report on the Life and Martyrdom of the Jesuit Father Mastrilli). “Vocabulario de al Lengua Tagala.” The first Tagalog dictionary written...

Words: 828 - Pages: 4

Free Essay

Noli Me Tangere (Very Helpful)

...nasa loob ng Maynila. Napagusapan nila ditto ang buhay ni Ibarra at paano nila mapapasanib si Ibarra sa kanilang panig. Habang naguusap ang mga pari ay naguusap parin si Padre Damaso at Kapitan Tiyago. At sa Paguusap na iyon ay nauto na naman ng paring Dominikano si Kapitan Tiyago III. Gintong Aral na may kaugnayan sa kasalukuyan Maraming tao na manloloko sa kahit saan tayo magpunta, minsan ay hindi natin inaasahan na ito ay ang matalik natin na kaibigan, kapamilya o mahal sa ating buhay. Ngunit kahit sino ay mayroong abilidad para manloko, at dapat tayo ay magingat sa mga ganitong klaseng mga tao. Kabanata 10 I. Mga Talasalitaan 1. Baybayin : Tabi 2. napagsasamantalahan : Naloloko 3. Kahangalan : Kamangmangan 4. Simboryo : Kampanaryo 5. Matatas : Malinaw II. Buod ng Kabanata 10 Ang Bayan ng San Diego ay halos nasa baybayin ng lawa at napaliligiran ng malalawak na bukirin at palayan. Ang mga nanirahan dito ay mga magsasaka at ang inaani nila ay palay, asukal, kape at mga punong kahoy. Ang higit na agaw atensyon sa San Diego ay ang tila isang malapulong gubat na nasa...

Words: 1924 - Pages: 8

Free Essay

Mmmmmmm

...Ang Klima Ang daigdig ang tanging planeta sa solar system na kayang makapagpanatili ng buhay. Ang malaking bahagi ng ating planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw, init at tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level. Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito. Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na lubhang nap Paksa: Heograpiyang Pantao Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Wika Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay...

Words: 6009 - Pages: 25

Free Essay

Akeolohikong Labi Sa Pilipinas

...10 Arkeolohikong Labi sa Filipinas Mahaba ang kasaysayan ng Pilipinas kung babalikan ang mga arkeolohikong tuklas ng mga siyentipiko. Maraming labî ang nasa pribadong koleksiyon sa loob man o labas ng Pilipinas, ngunit higit na nakararami ang nasa pangangalaga ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Narito ang 10 halimbawa ng mga pambihirang artifak na nahukay sa iba't ibang panig ng bansa, at itinanghal sa Treasures of the Philippine Museum(1995) na sinulat ni Maria Elena Paterno, nilapatan ng mga kuhang-retrato ni Neal M. Oshima, at inilathala ng Bookmark, Inc. Pinili ang mga ito upang maging paalaala sa bagong henerasyon ng mambabasang Pilipino na may maipagmamalaking kultura ang Pilipinas. 1. Bungo mula sa Bolinao. Animo'y mula sa matipuno, matangkad, at mabangis na mandirigma ang bungong may mga ngiping pinalamutian ng ginto. Masinop na dinikitan ng ginto ang bawat ngipin, at maiisip na hindi karaniwang tao ang nagpagawa niyon, bagkus isang maharlikang mataas ang katungkulan sa lipunan. Tinatayang nasa ika-14 hanggang ika-15 siglo ang tanda ng naturang bungo na natagpuan sa Bolinao, Pangasinan. 2. Paleograpiya sa Butuan. Pahaba at sapad na pinilakang metal ito na ang rabaw ay inukitan ng kung anong misteryosong titik ng mga sinaunang tao. Walang nakababatid kung ano ang ibig sabihin ng mga titik; at mahihinuhang kaugnay iyon ng bangkay na nasa ataul na yari sa mula sa matigas na kahoy. Anuman ang ibig ipahiwatig niyon, at mananatiling palaisipan lalo pa't noong ika-13 hanggang...

Words: 858 - Pages: 4

Free Essay

Education

...Mga dapat gawin Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VI- Western Visayas DIVISION OF NEGROS OCCIDENTAL Cottage Road, Bacolod City ARALING PANLIPUNAN I (Unang Markahan sa Unang Baitang) S.Y. 2015-2016 I. Panuto: Basahing mabuti ang mga hinihinging impormasyon. Piliin ang titik ng tamang sagot. Ipinakilala ni Ana ang kanyang sarili sa harap nag klase. Alin sa sumusunod ang dapat niyang isabi? A. Ang pangalan ko ay si Ana De Belen B. Si Ana ako C. Ako si Ana Tinanong ng guro si Rex. “Ilang taong gulang ka na? Alin dito ang tama niyang isagot? A. Nasa unang baitang ak B. Ako ay may anim na taong gulang na po. C. Si Rex po ako Nawawala si Carla sa mall at umiiyak siya nang biglang lapitan ng “Security Guard” Nawawala ka ba , saan ka nakatira? “ tanong ng guard. Alin sa sumusunod ang isasagot ni Carla? A. Ipinanganak ako noong Ika -3 ng Enero taong 2008 B. Nakatira po ako sa Kalye Rizal, Barangay Mabini C. Ako po si Carla. Isa-isang tinanong ng bisita ang mga mag-aaral kung saan sila nag-aaral. Alin sa kanila ang sumagot ng wasto. A. ako ay anim na taong gulang B. Ako ay nakatira sa Barangay Rizal C. Ako ay nag-aaral sa Paaralng ng Sto. Rosario. II. Panuto: Piliin ang mukha na pangpapakita ng iba't – ibang damdamin. Iguhit ito sa papel MalungkotMasayaNagulat ______________ 5. Binulaga ka ng iyong kaklase. ______________ 6. Dumating si tatay may dalang bagong laruan. ______________...

Words: 6898 - Pages: 28

Premium Essay

Curriculum Innovations

...PASIG CATHOLIC COLLEGE College Department Course Syllabus Course No: History 1 Course Title: Philippine History Credit Units: 3 I. COURSE DESCRIPTION This course deals with the history of the Philippines from the ancient past to the present scene to the pro-Filipino point of view. It aims to enrich the students’ knowledge of our history and character as a people thus, instilling in them the spirit of Filipinism. The students’ learning of the history of our country will be facilitated thru the use of the interpretative method because in history interpretation is more important. Similarly, it aims to give the students the knowledge, values and skills with the integration of PCC core values and religion as the core of the curriculum to effectively deal with the reconsideration of the facts of our history as a people. II. OBJECTIVES At the end of the course, the students should be able to: a. Demonstrate a thorough understanding of the facts of our history as a people from the point of view of the Filipinos for excellence thru classroom participation and academic achievements; b. Apply knowledge of Philippine History interpreted from a Filipino standpoint in their daily life toward efficient and effective respect for human dignity, Christian discipleship and responsible stewardship thru life witnessing; and c. Express gratitude and appreciation of the heroic deeds of the great men and women of the Philippine History as...

Words: 1463 - Pages: 6