Free Essay

Buod Ng Noli Me Tangere

In:

Submitted By reizel
Words 4024
Pages 17
Buod ng noli me tangere
(JOSE RIZAL)
Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salo-salo kung saan ito ay dinaluhan nina Padre Damaso, Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, Donya Victorina at ilang matataas na tao, sa lipunan Kastila. Sa hapunang iyon ay hiniya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego, ang binata ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.
Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara. Siya kilala bilang anak-anakan ni Kapitan Tiyago, isang mayamang taga-Binundok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa. Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.
Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang mag-aaral, nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata, nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang palad ay tumama ang ulo ng kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya, nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.
Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng kanyang ama na magpatayo ng paaralan.
Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.
Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.
Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.
Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.
Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.
Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.
Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.
Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng pagkakataon si Ibarrang magkausap sila ng lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta t pananakot. Ippinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.
Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay di magbabago kailanman.
Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.
Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.
Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong wala nang buhay.
Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Buod ng El Filibusterismo
(JOSE RIZAL)
Ang Fili ay nagsisismula sa isang paglalakbay ng bapor sa pagitan ng Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas at nagbabalatkayong si Simoun na dili iba't si Ibarra, ang makatang si Isagani, at si Basilio. Itong huli, na ngayo'y binata na. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.

Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagkakataon ay nakatagpo ni Simoun sa pagdalaw niya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nkilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag, ay tinangka ni Simoun na patayi si Basilio. Datapwa't nakapaghunos-dli siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral.

Habang ang Kapitan Henereal ay nagliliwaliw sa Los Banos, ang mga estudyanteng Pilipino ay naghain ng isang kahilingan sa Kanyang Kamahalan upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay, ayon sa nais ng mga estudyante, sapagka't napag-alamang ang mamamanihala sa akademyang ito ay mga prayle (samahan ng pananampalataya), samantalang ang mga estudyante ay magiging tagapangilak lamang. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.

Samantalang nangyayari ito, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa binabalak niyang paghihimagsik at mangulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subali't hindi naibunsod ang ganitong Gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hapong yaon.

Ang ga estudyante naman, upang mapapaglubag ang kanilang sama ng loob ukol sa kabiguang natamo sa panukalang pagtatatag ng akademya ng Wikang Kastila, ay nagdaos ng isang salu-salo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habnag sila'y nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.

Sapagka't ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang mapawalang-sala, kaya't sila'y nakalaya, maliban kay Basilio na walang makapamagitan ng kanyang karukhaan at pagkamatay ni Kapitan Tiyago. Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang mapalaya si Basilio nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento.

Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos upang ipagdiwang ang kasal, ang mga may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.

Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun. Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik na nauumang. Sinamantala ni Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita si binata ang bombing kanyang niyari. Ito ay isang lampara na may hugis Granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang pagkakayari. Ang ilawan ay ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin, ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang Granada ay sasabog at kasabay nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan --- at walang sinumang maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni Simoun.

DASALAN AT TOCSOHAN
( Marcelo H. Del Pilar)
Ang akdang ito ay salamin ng matinding kalupitan at kasakiman ng mga prayleng kastila nuon. Katapat nga ng masamang gawa ay ang mga matatalim na salita. At para kagiliwan at medaling maihain ito sa mga Pilipino nuon, ginamit ni Gat. Marcelo H. Del Pilar ang mga dasal at paniniwala na itinuro ng mga prayle. “ Ang Tanda, Pagsisisi, Ang Amain Namin, Ang Aba Guinoong Baria, Ang Aba Po Santa Baria, Ang mga Utos ng Fraile at iba pang mga kasabihan at paniniwala na isinalin ni Del Pilar sa matatalim na salita.
Isa sa tatlong kilalang dasal na kasama sa akdang ito ay ang “Ang Amain Namin”. Mula sa orihinal nitong dasal na “ Ang Ama Namin”. Sa mga salitang “ Amain namin, sumasaconvento ca, sumpain ang ngalan mo, malayo sa amain ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo ditto sa lupa para nang sa langit.”
Ang dasal na para sa Diyos Ama ay ginawa niyang dasal para sa “Amaing Fraile.” Kitang kita ang masidhing muhi ni Del Pilar at ng mga Pilipino sa mga paring kastila nuon.
Pangalawa ay “ Ang Aba Guinoong Baria,” galing sa orihinal nitong dasal na “ Ang Aba Guinoong Maria”. Dito inilahad ni Gat. Marcelo H. Del Pilar ang kasakiman sa pera at pagwaldas sa yaman ng lipunan ng mga prayle. Sa mga salitang ” Aba guinoong Baria nakapupuno ka ng alcancia ang Fraile’l sumasainyo bukod ka niyang pinagpala’t pinahiguit sa lahat, pinagpala naman ang kaban mong mapasok.” Ipinababatid niya sa mga Pilipino nuon, kung saan napupunta ang pera na inaabuloy ng simbahan na inaakala nilang bilang tulong sa Diyos.
“Ang mga Utos ng Fraile” na mula sa orihinal nitong parabola sa bibliya na “ Ang Sampung Utos ng Diyos.” Ang mga utos ng Fraile ay sampo:
Ang nauna: Sambahin mo ang Fraile na lalo sa lahat
Ang ikalaua: Huag kang mag papahamak manuba nang ngalang deretsos.
Ang ikatlo: Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta.
Ang ikapat: Isangla mo ang catauan mo sa pagpapalibing sa ama’t ina.
Ang ikalima: Huag kang mamamatay kung uala pang salaping pang palibing
Ang ikanim: Huag kang makiapid sa kanyang asaua.
Ang ikapito: Huag kang makinakaw.
Ang ikaualo: Huag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan.
Ang ikasiyam: Huag mong ipagkait ang iyong asaua.
Ang ikapulo: Huag mong itangui ang iyong ari.

Minulat ni Del Pilar ang mga Pilipinong alipin ng simbahan at bulag sa katotohanan. Na ang bawat gawa, sakripisyo at bigay ay hindi na napupunta sa Diyos at sinasamsam na ito ng mga Prayleng kastila.
Ang akdang ito ay karapat-dapt lang ipa-mukha sa mga kastila nuon. Ang mapang-insultong salita ay dapat lang sa mapang-insultong nilalang at epektibong pamulat sa mga iniinsulto nuon gaya ng mga Pilipino.
Ang Dasalan at Tocsohan ni Gat. Marcelo H. Del Pilar, lalu na ang mga parte nitong “Ang Amain Namin, Ang Aba Guinoong Baria at Ang mga Utos ng Fraile ay nakakayanot pa din o “offensive” pa din sa ngayon pero sa iba nang dahilan. Maganda na ang imahe ng simbahan ngayon kung ikukumpara mo sa panahon ng mga kastila. At maaaring maging kontrobersyal ito dahil sa dalang lait nito at makabagong pamimintang sa simbahan. Mas laganap ang katolisismo sa panahon ngayon at hindi malabong atakihin nito ang kanilang sensitibong damdamin. Pero, para sa bagong henerasyon, isa na lang itong kaalaman at gabay upang magsilbing Mata sa simbahan ng wastong paniniwala.

Fray Botod (Graciano Lopez Jaena)

Fray Botod, Fray Botod
May mantika ka sa hingod-hingod
Estofado, adobo kag lechon
Ginpanindahan ang koleksyon
Fray Botod, Fray Botod
May mantika ka sa hingod-hingod
Simbolo ka sang kasakon
Nga nagbunga sang rebolusyon
Pamatii mga utod
Ang isturya ni Fray Botod
Ginsulat ni Graciano
Nga inanak sang Jaro
Bangud sa libretto
Ginhingabot si Graciano
Sa Espanya nagpalagyo
Nangin iscribo didto
Si Graciano ang nakahibalo
Nga indi lamang diri sa Iloilo
Nagahari si Botod nga sakon
Apang sa bug-os nga pungsod naton
Bangud sa iya nga kabalaka
Sa pinalangga sini nga banwa
Ginlunsar nya ang Propaganda
Agud pukawon ang Korona
La Solidaridad iya gintukod
Nagkampanya sang matuodtuod
Sa diskurso kag mga sinulatan
Reporma, iya ginpanawagan
Nangin humalambal nga bantugon
Ginkilala sang mga Pilipinhon
Discursos y Articulos Varios
Iya ginhalad sa mahal nga Diyos
Si Jose kag Marcelo nangin iya abyan
Ila ginsakdag ang iya panawagan
Para sa pabag-o sang pagdumalahan
Mga pari nga tulisan dapat gid punggan
Bisan diin sa aton kapuluan
May Fray Botod nga kamkaman
Dagway siya sang abuso kag panonto
Nga ginpamatukan ni Graciano
Fray Botod, Fray Botod
May mantika ka sa hingod-hingod
Estofado, adobo kag lechon
Ginpanindahan ang koleksyon
Fray Botod, Fray Botod
May mantika ka sa hingod-hingod
Simbolo ka sang kasakon
Nga nagbunga sang rebolusyon

NOCHE BUENA
(ANTONIO LUNA)

. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng siga na hindi raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus. May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang na usa para sa kanyang inang si Sisa.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao. Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit ng kapwa.
Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na malaman ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay Linares.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kanyang ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay ng alperes. Nandu on ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan. Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti. Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting nagbalik ang katinuan ng kanyang isip. Nakilala rin niya ang anak. Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank. Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang kanyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak si Basilio. Patay na ang kanyang ina. Buong higpit na niyakap niya ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kanya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao kung anak siya ng namatay.
Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kanyang ina at pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking kayamanan na nakabaon sa may puno ng balite. Kay Basilio na raw ito kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral. Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin. Siya ay babawian ng buhay nang di nakikita ang pagbubukang-liwayway ng bayang kanyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag lamang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabi. Sa pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting nabuwal sa lupa.
Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan ni Sisa at Elias.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
( Andres Bonifacio)

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagka-dalisay at pagka-dakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
Alin pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

Ulit-ulitin mang basahin ng isip at isa-isahing talastasing pilit ang salita’t buhay na limbag at titik ng isang katauhan ito’y namamasid.

Banal na pag-ibig pag ikaw ang nukal sa tapat na puso ng sino’t alinman, imbit taong gubat, maralita’t mangmang nagiging dakila at iginagalang.

Pagpuring lubos ang nagiging hangad sa bayan ng taong may dangal na ingat, umawit, tumula, kumatha’t sumulat, kalakhan din nila’y isinisiwalat.

Walang mahalagang hindi inihandog ng pusong mahal sa Bayang nagkupkop, dugo, yaman, dunong, tiisa’t pagod, buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.

Bakit? Ano itong sakdal nang laki na hinahandugan ng buong pag kasi na sa lalong mahal kapangyayari at ginugugulan ng buhay na iwi.

Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan, siya’y ina’t tangi na kinamulatan ng kawili-wiling liwanag ng araw na nagbibigay init sa lunong katawan.

Sa kanya’y utang ang unang pagtanggol ng simoy ng hanging nagbigay lunas, sa inis na puso na sisinghap-singhap, sa balong malalim ng siphayo’t hirap.

Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal mula sa masaya’t gasong kasanggulan. hanggang sa katawan ay mapasa-libingan.

Ang na nga kapanahon ng aliw, ang inaasahang araw na darating ng pagka-timawa ng mga alipin, liban pa ba sa bayan tatanghalin?

At ang balang kahoy at ang balang sanga na parang niya’t gubat na kaaya-aya sukat ang makita’t sasa-ala-ala ang ina’t ang giliw lampas sa saya.

Tubig niyang malinaw sa anak’y bulog bukal sa batisang nagkalat sa bundok malambot na huni ng matuling agos na nakaa-aliw sa pusong may lungkot.

Sa kaba ng abang mawalay sa Bayan! gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay walang ala-ala’t inaasam-asam kundi ang makita’ng lupang tinubuan.

Pati na’ng magdusa’t sampung kamatayan waring masarap kung dahil sa Bayan at lalong maghirap, O! himalang bagay, lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.

Kung ang bayang ito’y nasa panganib at siya ay dapat na ipagtangkilik ang anak, asawa, magulang, kapatid isang tawag niya’y tatalikdang pilit.

Datapwa kung bayan ng ka-Tagalogan ay nilalapastangan at niyuyurakan katwiran, puri niya’t kamahalan ng sama ng lilong ibang bayan.

Di gaano kaya ang paghinagpis ng pusong Tagalog sa puring nalait at aling kaluoban na lalong tahimik ang di pupukawin sa paghihimagsik?

Saan magbubuhat ang paghihinay sa paghihiganti’t gumugol ng buhay kung wala ring ibang kasasadlakan kundi ang lugami sa ka-alipinan?

Kung ang pagka-baon niya’t pagka-busabos sa lusak ng daya’t tunay na pag-ayop supil ng pang-hampas tanikalang gapos at luha na lamang ang pinaa-agos

Sa kanyang anyo’y sino ang tutunghay na di-aakayin sa gawang magdamdam pusong naglilipak sa pagka-sukaban na hindi gumagalang dugo at buhay.

Mangyari kayang ito’y masulyap ng mga Tagalog at hindi lumingap sa naghihingalong Inang nasa yapak ng kasuklam-suklam na Castilang hamak.

Nasaan ang dangal ng mga Tagalog, nasaan ang dugong dapat na ibuhos? bayan ay inaapi, bakit di kumikilos? at natitilihang ito’y mapanuod.

Hayo na nga kayo, kayong ngang buhay sa pag-asang lubos na kaginhawahan at walang tinamo kundi kapaitan, kaya nga’t ibigin ang naaabang bayan.

Kayong antayan na sa kapapasakit ng dakilang hangad sa batis ng dibdib muling pabalungit tunay na pag-ibig kusang ibulalas sa bayang piniit.

Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak kahoy niyaring buhay na nilant sukat ng bala-balakit makapal na hirap muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.

Kayong mga pusong kusang (pugal) ng dagat at bagsik ng ganid na asal, ngayon magbangon’t baya’y itanghal agawin sa kuko ng mga sukaban.

Kayong mga dukhang walang tanging (lasap) kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap, ampunin ang bayan kung nasa ay lunas sapagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig hanggang sa mga dugo’y ubusang itigis kung sa pagtatanggol, buhay ay (mailit) ito’y kapalaran at tunay na langit.

Similar Documents

Free Essay

Simple

...KASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE Kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere Introduksyon Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer. kasaysayan ng noli me tangere Unang nobela ni Rizal ang El Filibusterismo. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong...

Words: 1048 - Pages: 5

Free Essay

Study Habits

...PAG-AARAL NG PANITIKAN Panitikan * Isang mabisang ekspreyon ng isang lipunan. * Isa ito sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalin ng kultura sa mga henerasyon na bumubuo ng bawat lipuna Apperception Theory- ang mga ideyang lumilitaw sa ganitong uri ng pag-iisp ay hindi galing sa pandama o pakiramdam kundi mula sa pagmumuni-muni o paglilimi ng isang tao sa kanyang isipan. Dalawang antas ng “Apperception Theory”: 1. Percept- ipinapakita ang mga huwaran na nasa anyo ng akdang pasulat. 2. Concept-pinagyayaman ang kahulugan at ang nilalaman ng wikang ginagamit. KATUTURAN NG PANITIKAN: *Ayon sa Bagong Pangkolehiyong Diksyunaryo ni Webster-ang panitkan ay ang kabuuan o kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa iasng tanging wika ng mga tao; ang mga naisatitik na pagpapahayag na may kaugnayan sa iba’t-ibang paksa; o anumang bungang-isip na naisatitik. *Ayon kay Bro. Azarias sa kanyang Pilosopiya ng Literatura-ito ay ang pagpapahayag ng mga damdamin tungkol sa ibat’t ibang bagay sa daigdig, sa pamumuhay,sa pamahalaan, sa lipunan at kaugnayan ng kaluluwa sa Dakilang Limikha. *Ayon naman kina Paz Nicasio at Federico Sebastian- ang panitikan ay kabuuan ng mga karansan ng isang bansa, mga kaugalian, paniniwala, pamahiin,kaisipan at pangnarap ng isang lahi na ipinahahyag sa mga piling salita; sa isang maganda at makasining na paraan, nakasulat man o hindi. Mga layunin sa Pag-aaral ng Panitikan 1. Maipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ianbang uri ng panitikan...

Words: 2232 - Pages: 9

Free Essay

Modyul

...Modyul sa Noli Me Tangere III (Kab.17-32) PANIMULA Ang modyul na ito ay makakatulong sa iyo upang tumuklas ng bagongt kaalaman msa araling ito.Ito’y makakatulong upang mapayaman ang inyong kaalaman tungkol sa panitikan at maaaring kapaulutan Ng aral.Handa ka na bang matutunan ang araling ito? PANANAW Malaki ang maitutulong sa iyo ng babasahing kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere .Sapagkat ito ay may mensahe o0 aral na maaring makatulong sa iyo para maging isang mabuting bata. PAALALA Naririto ang mga tagubilin upang mabatid mo ang mga nilalaman ng modyul na ito. 1.Basahin at pag-aralan ang modyul na ito. 2.Huwag susulatan at iwasang mapilas ang pahina 3.Panatilihin ang kalinisan ng pahina hanggang matapos ka ditto 4.Maging matiyaga at hindi magsawa sa mga gawaing inihanda para sa iyo. 5.Kailangang basahin mo nang may pang-unawa upang maging maayos ang pagsagot sa mga katanungan 6.Kailangang nakahanda kang may nakahanda kang malinis na sagutang papel sapagkat doon mo Ilalagay ang iyong sagot 7.Kung mahihirapan ka sa paksa mamari kang magtanong sa iyong guro 8.Pagkatapos sagutin ang mga pagsasanay pwede mo nang iwasto ang pagsasanay 9.Inaasahan kong magiging tapat ka sa itong sariling kakayahan PANUTO Kaibigan ,pagtunghay mo ngsa araling ito, kinakailanagan basahin at unawain ang mga sumusunod na panuto. 1.Basahin at pagtuunan ng pansin ang kabuuan ng binasang kabanata mula sa nobelang Noli Me Tangere 2.Pansinin ang mga nagging...

Words: 8475 - Pages: 34

Free Essay

Noli Me Tangere (Very Helpful)

...Noli Me Tangere Kabanata 9 – 16 Ipinasa nina: Gabriel Samonte Jerico Fandino Monique Tabilon Almira Marzan Diego Herradura Ipinasa Kay: Gng. Sandra Sarania Petsa: Marso 22, 2016 Kabanata 9 I. Mga Talasalitaan 1. Natambad : Nalantad 2. Nagbabata : Nagtitis 3. Pag-aalitan : pagaaway 4. Pagmamalabis : Pangabuso 5. Maluwalhating : Mapayapa II. Buod ng Kabanata 9 Nang Makita ni Ibarra si Padre Damaso sa Maynila ay papunta pala it okay Kapitan Tiyago, Pumunta siya doon para mapatunayan na mas mataas ang tingin sa kanya ng mga tao. Nang makasalubong niya si Kapitan Tiyago ay nagsaludo si Tiyago at hindi ito pinansin ng mga Prayle. Simbolo lamang na mas nakapangyayari sila. Samantala, matapos magmisa, nagtungo si Padre Sibyla sa kumbento ng kanilang korporasyon na nasa loob ng Maynila. Napagusapan nila ditto ang buhay ni Ibarra at paano nila mapapasanib si Ibarra sa kanilang panig. Habang naguusap ang mga pari ay naguusap parin si Padre Damaso at Kapitan Tiyago. At sa Paguusap na iyon ay nauto na naman ng paring Dominikano si Kapitan Tiyago III. Gintong Aral na may kaugnayan sa kasalukuyan Maraming tao na manloloko sa kahit saan tayo magpunta, minsan ay hindi natin inaasahan na ito ay ang matalik natin na kaibigan, kapamilya o mahal sa ating buhay. Ngunit kahit sino ay mayroong abilidad para manloko, at dapat tayo ay magingat sa mga ganitong klaseng mga tao. Kabanata 10 I. Mga Talasalitaan 1. Baybayin : Tabi 2. napagsasamantalahan : Naloloko 3....

Words: 1924 - Pages: 8

Free Essay

Noli Me Tangere

...Buod ng Noli Me Tangere nobela ni Jose P. Rizal Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra matapos mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang katipan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tyago. Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang binatamg hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga kababayan, gayundin marahil sa pagmamahal ng bayan sa kanyang yumaong ama. Nagdaos ng hapunan si Kapitan Tyago para sa pagbabalik ni Ibarra, naroon ang mga kilalang personalidad sa bayang iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan. Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso. Mababakas ang malamig na pagtanggap na Padre Damaso. Kapuna-puna rin ang panghahamak niya rito makalawang beses habang nagkukwentuhan sa hapag-kainan na pinalipas na lamang ng maginoong binata at sa halip ay nagpasya umuwi na lamang sa pagdadahuilang may mahalagang bagay pa siyang gagawin. Kinaumagahan ay nagpasya ang binata na dalawin ang kasintahang si Maria Clara at doon ay muli nilang ginunita nag kanilang pagmamahalan. Si Maria Clara ay larawan ng isang dalagang Pilipina na mapagmahala sa magulang, mahinhin, maganda at maka-Diyos.  Sa pag-uwi ng binata ay nakausap niiya si Tenyente Guevara, at ditto napag-alaman ang dahilan ng kamatyan ng kanyang ama na si Don Rafael, ang pinakamayamang Asendero sa kanilang bayan. Nalaman niya kung paanong idiniin ni Padre Damaso si Don Rafael sa kasalanang hindi niya sinasadya. Ito ay matapos na maipagtanggol niya ang isang...

Words: 917 - Pages: 4

Free Essay

Rizal

...Kabanata XXVIII Pagkatakot Buod Ipinangalandakan ni Ben Zayb sa El Grito na tama siya sa madalas niyang sabihing nakasasama sa Pilipinas ang pagtutuo sa kabataan. Ito’y pinatunayan ng mga paskil. Naging takot ang lahat mula sa Heneral hanggang sa mga intsik. Ang mga prayle ay di nakasipot sa basar ni Quiroga. Ang intsik man ay nag-ayos ng tindahan na madaling maisara kung sakali. Inisip ni Quiroga na magtungo kay Simoun at isangguni kung panahon na upang gamitin ang mga baril at pulbura’t bala na ipinatago nito sa kanya. Ayon sa himatong ni Simoun iyon ay palihim na ilalagay sa mga bahay-bahay at saka magpapahalughog ang pamahalaan. Daami ang madarakip at mabibilanggo. Maami, lalo sa mayayaman, ang patutulong sa kanila ni Simoun at iyon ay mangangahulugan ng malaking salapi. Nguni’t di niya nakausap si Simoun. Ipinasabi lamang na huwag galawin ni Quiroga ang anuman sa kinalalagyan. Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio upang isangguni kung dapat sandatahan ng intsik ang sariling tahanan. Ayaw ring tumanggap si Don Custodio ng sinuman. Kay Ben Zayb nagtungo ang intsik. Nang makita niya na nakapatong sa mga papeles ng manunulat ang dalawang rebolber, kaagad nagpaalam ang intsik. Umuwi ,nahiga at nagdahilang maysakit. Kinahapunan ay kumalat pa ang balitang may panayam ang mga estudyante at mga tulisan sa San Mateo; niyari daw ang balak na paglusob sa lungsod sa isang Pansiterya; may bapor pandigma aw ang mga Aleman sa look, katulong ng mga estudyante; may mga estudyante...

Words: 929 - Pages: 4

Free Essay

Rizal

...na historikal- bayograpikal I. Pamagat Sabi nga ng mga batikan nating direktor sa industriya gayundin sa larangan ng paggawa ng mga pelikula’t dokumentaryo, ang pamagat o ang titulo nito ang siyang pangunahin at huling elemento na kinakikitaan ng malaki at masusing pagkikritiko upang mabigyan ito ng mahusay na pagpapahalaga. Dito rin nakasalalay ang kabuuan ng istorya at hugis nito upang maihatid sa mga manunuod ang tunay o awtentikong pagpapakahulugan nito. Samakatwid, sa pelikulang pinanghawakan ni Abaya, ang “José Rizal” ay isang makapangyarihan at maipluwensiyang obra sapagkat matapang at puro ang intensyong ginamit nito upang mahikayat ang mga tao sa panunuod lalo na’t maraming mga mananaliksik at Rizalista ang naglalayong mas makilala ang pambansa nating bayani. Mabuti na lamang at patuloy pa rin ang pag- usbong ng mga ganitong direksyon sapagkat mas maimumutawi sa ating mga Pilipino ang tungkol sa mga bagay- bagay na siyang bumubuhay sa ating kasaysayan. II. Paksang Diwa Dito naipakita ang buhay ng ating Rizal gayundin ang relasyon nito sa kaniyang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Maliban rito ay napaisantabi rin ang mga pangarap niya para sa bansa, ang pagsasakripisyo niya para sa taong bayan, ang padungis nito sa katauhan para sa pagmamahal at sa pag- iwan nito sa Inang bayan at pamilya para sa edukasyon, karangalan at pagbuo ng isang lipi na maglalayong pakawalan ang bansa sa bisig ng mga mapanirang- puri at mapagmalabis na Kastila. Sa...

Words: 3721 - Pages: 15

Premium Essay

Research Paper

...ALAMAT NG MANGGA   Kaisa-isang anak nina Aling Maria at Mang Juan si Ben. Mabait at matulungin si Ben. Nagmana siya sakanyang mga magulang na mababait din naman. Isang araw, isang matandang pulubi ang kinaawaan niBen. Inuwi niya ang pulubi sa bahay, ipinagluto at pinakain. Isang araw naman, samantalangnangangahoy, isang matandang gutom na gutom ang nasalubong niya. Pinakain din niya ito at binigyanng damit.Makaraan ang ilang panahon, nagkasakit si Ben. Sa kabila ng pagsisikap ng mag-asawa na pagalinginang anak, lumubha ito at namatay pagkatapos. Ganoon na lamang ang iyak ng mag-asawa.Kinabukasan, habang nakaburol ang kanilang anak, dumating ang isang diwata. Hiningi nito ang puso niBen, Ibinaon ng diwata ang puso sa isang bundok. Ito ay naging punongkahoy na may bungang hugis-puso. Marami ang nakikinabang ngayon sa bungang ito. ------------------------------------------------- Pabula ------------------------------------------------- Ang pabula[1] (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral. Ang Agila at ang Maya Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang...

Words: 2609 - Pages: 11

Free Essay

Lalaki Sa Dilim

...Talambuhay ng may-akda Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-16 ng Enero 1928. Ang kanyang magulang ay sina Domingo Pascual at Adriana Punongbayan. Napangasawa niya si Erminda Besabe at may lima silang anak. Nagsimulang sumulat si Pascual bilang isang kuwentista noong dekada 1950 bago sineryoso ang paiging isang nobeslista. Sumubok din siyan mag-ambag sa komiks, hanggang maging staff ng liwayway. Naging manunulat din si Pascual sa Ace Publication at hindi nagtagal ay inatasang maging staff para sa mga komiks na Espesyal, Hiwaga, Pilipino at Tagalog. Pinatunayan ni Pascual na may ibubuga siya sa pagsusulat kahit hindi siya nakatapos ng kursong Journalism sa Far Eastern University. Nagsulat din sa Ingles si Pascual at nagawa niyang makapaglathala ng ilang kwento sa Free Press at This Week Magazine. Sa labing dalawang kwento na naisusulat niya, anim lamang ang nakapapasa. Tinalikdan niya ang pagsulat sa Ingles makaraang makapagbulay, at hinarap niya ang hamon sa pagsusulat sa sariling wika. Bumukas ang pinto kay Pascual sa larangan ng panitikang Filipino nang ilathala ng Liwayway ang kanyang kuwentong “Ang Kulapi” noong 1952. Noong 1954, naging Literary Editor siya ng Liwayway at nagtagal iyon hanggang 1980. Tinatayang nakasusulat siya noon ng dalawang kwento kada buwan. Nagwagi ng dalawang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di ko Masilip ang Langit” (1981). Pagsapit ng 1975, nag-iba...

Words: 2649 - Pages: 11

Free Essay

Filipino

...ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng inyong mga puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. ng kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at Kagawaran ng Edukasyon sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, Republika ng Pilipinas kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. EP E D C O PY Filipino – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento...

Words: 47092 - Pages: 189