Free Essay

Lalaki Sa Dilim

In:

Submitted By JustArrogance
Words 2649
Pages 11
KRITIKAL NA PAPEL sa “Lalaki sa Dilim” ni Benjamin P. Pascual

I. Ang may-akda at ang kanyang milyu A. Talambuhay ng may-akda
Si Benjamin P. Pascual ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-16 ng Enero 1928. Ang kanyang magulang ay sina Domingo Pascual at Adriana Punongbayan. Napangasawa niya si Erminda Besabe at may lima silang anak. Nagsimulang sumulat si Pascual bilang isang kuwentista noong dekada 1950 bago sineryoso ang paiging isang nobeslista. Sumubok din siyan mag-ambag sa komiks, hanggang maging staff ng liwayway. Naging manunulat din si Pascual sa Ace Publication at hindi nagtagal ay inatasang maging staff para sa mga komiks na Espesyal, Hiwaga, Pilipino at Tagalog. Pinatunayan ni Pascual na may ibubuga siya sa pagsusulat kahit hindi siya nakatapos ng kursong Journalism sa Far Eastern University.

Nagsulat din sa Ingles si Pascual at nagawa niyang makapaglathala ng ilang kwento sa Free Press at This Week Magazine. Sa labing dalawang kwento na naisusulat niya, anim lamang ang nakapapasa. Tinalikdan niya ang pagsulat sa Ingles makaraang makapagbulay, at hinarap niya ang hamon sa pagsusulat sa sariling wika.

Bumukas ang pinto kay Pascual sa larangan ng panitikang Filipino nang ilathala ng Liwayway ang kanyang kuwentong “Ang Kulapi” noong 1952. Noong 1954, naging Literary Editor siya ng Liwayway at nagtagal iyon hanggang 1980. Tinatayang nakasusulat siya noon ng dalawang kwento kada buwan. Nagwagi ng dalawang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di ko Masilip ang Langit” (1981).

Pagsapit ng 1975, nag-iba ang ihip ng simoy sa panulat ng mangangatha. Sineryoso niyang magsulat ng nobela. Tinatayang nakatapos ng labing tatlong nobela si Pascual. Pinatunayan ni Pascual ang pambihirang bisa ng kanyang panulat sa nobelang “Utos ng Hari” (1975) na nagtamo ng Grand Prize sa Cultural Center of the Philippines. Unang nalathala sa Liwayway ang “Lalaki sa Dilim” sa pamagat na “Pssst…Ako ang lalaki sa Dilim” (1976). Pinakabago niyang akda ang “Sapalaran, Walang Tanungan” (1997). Ang pinakarurok naman na nobela niyang ginawa ay ang “Halik sa Apoy” (1985).

Makalipas ang ilang dekadang dibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag niya sa pagsusulat ng maikling kwento, dula, at nobela. Sa edad na 69 ay hindi pa rin ito humihinto sa pagsusulat.

B. Milyu ng akda
Umiikot ang kwento sa panahon ng martial hanggang post martial law, ito ang umpisa ng pagiging liberal ng mga Pilipino dahil na rin sa pagkamulat ng kanilang diwa at damdamin upang maibalik ang demokrasya sa bansa. Dahil talamak ang karahasan ay naimpluwensiyanhan ang masa na mag-isip kung anong unang hakbang ang kanilang gagawin upang makawala sa diktatoryang Marcos

Nangingibabaw ang kahusayan ni Pascual sa pagkatha ng mga akda na kung saan, tulad ng istilo ni Rizal sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo, nakapupukaw ito ng damdamin upang mamulat sa katotohanan ang kanyang mambabasa. Ang kanyang nobela ay isang mahusay na halimbawa ng isang akdang modernista na kung saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang maging maginhawa ang pamumuhay ng bawat isa.

II. Buod ng Nobela
Ang kwento ay nagsimula sa pagkumbida ng mga kaibigan ni Rafael Cuevas, isang espesyalista sa mata, sa isang stag party na ginawa nila para kay Rafael bago siya makasal kay Margarita, isang singer sa opera. Sa mismong gabing iyon nakagawa si Rafael ng isang karumaldumal na krimen, ginahasa niya ang isang babaeng bulag na si Ligaya. Sinamantala ni Rafael ang pagiging bulag ni Ligaya at inakalang makalulusot siya sa kasalanang ginawa dahil iniisip niyang walang ebidensyang makapagtuturo sa kanya.

Para mabawasan ang konsensyang unti-unting lumalamon sa looban ni Rafael, naisipan niyang bigyan ng pera si Ligaya na nagkakahalagang limangpung libong piso at isang liham na nagsasaad na sa kanya na lamang magpagamot ng mata para masingil siya sa mas murang halaga. Nagbunga ang kaharasang ginawa niya tungo sa babaeng ginahasa niya. At sinunod ni Ligaya sa pangalan ni Rafael ang kanyang anak bilang pagtanaw ng nagawa niyang kabutihan dito. Naging inaanak niya ang bata sa binyag; ninong siya ng sarili niyang anak.

Habang nagsasama sina Rafael at Margarita bilang magasawa, nagkaroon ng ibang lalake si Margarita na nagngangalang Nick, ang matalik na kaibigan ni Rafael na asawa ni Marina. Sa pananaw ni Margarita ay ayos lamang na magkaroon sila ng ibang mangingibig, maliban sa kanilang dalawa, basta magkaroon sila nang pagkakaintindihan at pagiging totoo sa isa’t isa ngunit kinalaunan ay naghiwalay din ang sila.

Habang nagbabasa ng pahayagan si Rafael ay nagulantang siya sa kanyang nabasang balita na nagsasabing pinatay sina Margarita at Nick sa isang otel ng isang babaeng nasa edad 29 anyos. Ang tinutukoy na babae sa balita ay walang iba kung hindi si Marina, ang asawa ni Nick na matagal nang nagtitimpi sa mga pagkukunwari at panlolokong ginagawa sa kanya na umudyok sa pagkitil nito sa buhay ng sariling asawa at sa kinakasama nito.

Sa dulo’y mababatid na ang pisikal na pagkabulag ni Ligaya ang siyang nagbigay liwanag sa katauhang-dilim ni Rafael. Nagwakas ang siklo nang kapwa luminaw ang paningin nina Rafael, dahil sa pagibig, at Ligaya, dahil sa matagumpay na operasyon. Nagkaroon ng lakas loob na aminin ni Rafael kay Aling Sela, ina ni Ligaya, ang kanyang nagawang kasalanan.

III. Pagsususuri ng Akda A. Tema (Mensaheng Panlipunan)
Ang nobela ay sumasalamin sa uri ng lipunan mayroon sa kanilang kapanahunan. Ito ang panahon kung kailan pa-usbong na ang modernisasyon at nagsimula ng maging liberal ang kaisipan ng ilan sa mga Pilipino.
Ipinakita sa nobela ang naging papel ng konsensya sa pagbuo ng desisyon ng tao, partikular kay Rafael na tuluyang binago ang masamang bisyo sa babae matapos makagawa ng kahalayan sa isang bulag na dalaga. Ang kanyang pagpapasya na hugasan ang kanyang nagawang kasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad ng limang libong piso at pagagamot kay Ligaya ay tulak marahil ng konsensya na patuloy siyang binabagabag.
Isa din sa pinaka-kapansin-pansin sa nobela ay ang paglalarawan ng mga pagababagong nagaganap sa lipunan dahil sa impluwensiyang kanluranin. Makikita ito sa pamamagitan ng pagkumpara sa karakter ni Margarita at Ligaya. Si Margarita na isang opera singer ay masasabing isang makabagong babae sapagkat dala niya sa kanyang sarili ang bagong anyo ng isang dalagang Pilipina. Ayon kay Rafael, hindi itinuturing ni Margarita ang kasal bilang isang sagradong bagay sa mga sumusunod na kadahilanan. Una ay ang hindi pagiging birhen ni Margarita bago ikasal, nalaman ito ni Rafael matapos ang kanilang honeymoon sa Baguio. Ikalawa ay ang paginom ni Margarita ng pills upang hindi magka-anak. Karaniwan na sa mga bagong mag-asawa ang mag-abang ng mga sensyales ng pagdadalang-tao ng babae ngunit sinadya ni Margarita na hindi magka-anak dahil makakasisira daw ito sa kanyang propesyon. At ang ikatlo ay ayos lang kay Margarita na magkaroon ng ibang karelasyon si Rafael habang siya ay mayroon din.
Kabaliktaran lahat ito ng kay Ligaya na sumisimbulo sa tipikal na imahe ng isang dalagang pilipina; may pagpapahalaga sa pamilya at may takot sa Diyos. Isa sa magpapatunay dito ay noong nagbalik na kanyang paningin kung saan ganoon na lamang ang kanyang kasabikan na muling makita at mayakap ang kanyang ina at kapatid. Matatandaan din ang pagnanasa ni Ligaya na makilala ang ama ng kanyang anak. Ang pagnanasang ito ay hindi upang panagutin ang lalaki sa kanyang ginawa kundi upang ang bata ay hindi lumaki na hindi nakikilala ang kanyang ama. Mahalaga para kay Ligaya na masaya at sama-sama ang pamilya. Si Ligaya din ang pinakamagandang halimbawa ng pagkakaroon ng malakas na pananampalataya sa Panginoon. Maka-ilang ulit na mababasa na labis-labis ang pasasalamat ni Ligaya sa Diyos sa panunumbalik ng kanyang paningin. Ang pagkakaroon niya ng anak ay ikinukunsidera niya bilang isang biyaya at mariing niyang tinutulan ang pagpapalaglag nito. B. Wika at Estilo
Madali lamang basahin ang nobela sapagkat gumagamit ito ng wikang bahagya lamang pormal. Bihira gumamit si Pascual ng mga salitang madalang gamitin at malalim ang kahulugan, at kung meron man, ito ay nasasamahan ng mga pananda na makakatulong upang mabilis na maintindihan ang tinutukoy na salita. Ang wika rin ay napapanahon. Kahit na ang nobela ay naisulat higit sa isang dekada na ang nakakaraan, hindi naluluma ang pagsasalaysay ng may akda. Dahil dito, naging tuluyan ang aking pagbabasa habang hindi iniintindi na makatagpo ng mga salita at pangugungusap na para lamang sa kanilang henerasyon. Maliban na lamang siguro sa salitang V.D. na kahit malinaw na isang sakit ang tinutukoy, kinailangan ko pang hanapin sa internet ang kahulugan.
Bagamat sa kabuuan ng nobela ay namayani ang wikang Filipino, kapansin-pansin pa rin ang pagsulpot ng ilang mga salita sa wikang Ingles lalo na sa mga bahagi ng dialogo. Akma lamang ito upang maging mas natural ang dating ng mga piling tauhan sa mga piling eksena. Marami sa mga tagpo ay sensetibo at naglalaman ng mga eksena na hindi pwede sa mga batang mambabasa ngunit nagawa ni Pascual na mailahad ang mga ito sa kaparaanan na hindi bastos at hindi makaka-insulto.
Isang estilo marahil na ginamit ng may akda ay ang pagulit ng nakaraan pangyayari bago tuluyang lumipat sa susunod na kabanata. Kapansin-pansin din ang pagtutukoy sa tauhan matapos ang panghalip na ginamit para dito. Ito marahil ang naisip na solusyon upang mas lalong mapadali ang pagbabasa nang hindi na kinakailangan pang magpa-ulit-ulit sa mga talata para maintindihan at malaman kung sino ang tinutukoy ng mga paghalip lalo na kung maraming tauhan ang maaring tinutukoy ng mga “siya”. Naging tulong din ito upang mas medaling makabisado ang mga tauhan dahil sa paulit-ulit na pagpapakilala sa mga ito. A. Kulturang Pilipino
Makikita sa nobela ang kaugalian ng mga Pilipino na magiliw tumanggap ng mga bisita. sa kwento kahit na mahirap lamang sina Ligaya at Aling Selya ay hindi matatawaran ang aasikaso nila kay Rafael tuwing bibisita ito sa kanilang munting tahanan. Hindi maipagkakaila sa ating mga Pilipino na likas sa atin ang pagiging hospitable kung tawagin sa Ingles. Sinasabi na tayong mga Pilipino ay humahanap ng paraan kahit kaunti para lamang may maihandog sa ating mga bisita. Kahit hindi pa nga bisita, kahit isang kapitbahay lamang na napadaan ay inaalok na natin na makisalo sa kainan. Nakakatuwa ring isipin na nailalabas lamang ang mga pinakamagagandang at pinakabagongs mga kasangkapan sa kusina tuwing may darating na panauhin.
Maituturing ding bahagi ng ating kultura at tradisyon ang kasal at binyag na minana pa natin sa mga Kastila. Kabilang ang mga ito sa pitong sakramento ng Simbahang Katoliko. Maalala na nagdesisyon si Rafael na pakasalan na si Margarita sa pag-aakalang ito ang makalulunas sa sakit niya kung ituring ang pagkahilig sa babae. Hindi man binanggit sa libro ang detalye patungkol sa kasal, malalaman natin Katolikong Seremonya ng Kasal ang naganap sapagkat minsang nabanggit sa nobela na kapwa Katoliko ang kanyang mga magulang at siya rin ay minsan ay nakapagsisimba din. Hindi man kabuuan ng populasyon ng Pilipinas ay Katoliko o Kristiyano, hindi na maipagkakaila na ito ay bahagi na ng ating kultura at talaga namang pinaghahandaan at pinagkakagastuhan.
Mababasa na nagkaroon ng dalawang binyag sa nobela. Ang una ay sa anak nila Nick at Marina, kung saan imbitado ang mag-asawang Rafael at Margarita. At ang ikalawa ay sa anak ni Ligaya kung saan naging ninong si Rafael ng kanyang sariling anak. Sa prosesong ito nagiging inaanak ng mga ninong at ninang ang taong bininyagan, at nagiging mga magkaka-kumpadre at magkaka-kumadre ang mga magulang at ang nag-anak na ninong at ninang. Kultura na rito sa Pilipinas ang pagbibigay din ang mga ninong at ninang ng regalong maaaring salapi o bagay. Pagkatapos ng binyag ay isang handaan.

IV. Kabuluhan ng Akda sa Kasalukuyang Panahon
May dalawang bagay ang sa tingin kong nais ipangusap ng nobela sa kanyang mga mambabasa.
Ang una ay ang karangalan ng lalaki. Habang binabasa ang nobela, unti-unti itong nagkaroon ng kahulugan sa akin. Isa ito marahil sa na nais ipaintindi ng manunulat sa atin. Ano nga ba ang ibig sabihin ng karangalan na ito? Paano ito makakamit? Ano ang kabuluhan nito sa kasalukuyang Panahon? Sa ating lipunan? Ang nobela ay nakasentro kay Rafael at kung paano niya hinarap ang mga dagok sa kanyang buhay. Hindi naging madali ang mapanatili na maayos ang kanyang karangalan, hindi bilang isang doctor kundi bilang isang asawa. Hindi rin ito tungkol lamang sa kanyang pagkalalaki kundi may mas malalim na kahulugan. Nabanggit sa nobela na ang tinutukoy niyang karangalan ay ang pagkakaroon ng isang tahimik at matiwasay na buhay may-pamilya. Ngunit nabigo siya na makamit ito dahil sa pagtataksil ni Margarita. Magsilbi sanang paalala sa atin lahat ang masamang naibubunga ng pagtataksil at kasinungalingan.
At ikalawa ay ang panunumbalik ng paningin ni Ligaya. Siya marahil ang sumisimbolo ng pag-asa. Sa kabila ng kapansanan at kahirapan, naging maliwanag sa kanya ang pagbangon mula sa suliraning kinahaharap. Nakatulong din ng malaki ang pagkakaroon niya ng paniniwala sa Diyos upang makayanan lahat ng pasakit sa kanyang buhay. Marami sa ating mga kababayan ang tulad ang sitwasyon kay Ligaya. Hindi man bulag o may kapansanan tulad niya, marahil namumuhay din tayo na bulag sa ibang bagay. Hindi man naging biktima ng pangagahasa tulad niya, ngunit baka biktima naman tayo ng suliraning kinahaharap ng ating lipunan. Si Ligaya ay isang inspirasyon para sa marami sa atin na patuloy nakararanas ng hirap. Patuloy lamang tayong manalig sa Diyos at hindi mawalan ng pag-asa. Diringin ng Panginoon ang mga marunong maghintay. V. Konlusyon
Kung ating titignan, malayo-layo na rin ang narating ng moderno nating panahon. Hindi na natin maikukubli na tuluyan ng binago ng impluwensiyang banyaga ang marami sa atin. Bahagyang malayo na ito kung ikukumpara sa mga nakasaad sa nobela. Mas lalong lumala ang mga isyung panlipunan na noon pa sana’y nabigyan na ng lunas. Ang isyu sa kahirapan, prostitusyon, moralidad at edukasyon ay ilan lamang sa mga tinalakay sa nobela.
Nakakalungkot isipin na marami sa ating mga Pilipino lugmok pa rin sa kahirapan. Dahil dito, marami ang hindi makapag-aral, napipilitang gumawa ng krimen at pumasok sa mundo ng prostitusyon. Dapat ang maging pokus ng gobyerno ay ang paggawa ng mga batas at programa upang wala ng Aling Sela ang kailangan pang lumakad ng malayo upang makahingi ng gamut, wala ng tulad ni Ligaya na napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa kapansanan at wala ng mga hostes sa klab na makikipaglaro ng apoy.
Sa isyu naman ng moralidad, lahat ay maaring tamaan. Wala itong pinipiling antas ng edukasyon, uri ng propesyon at estado. Ipinakita sa nobela na kahit ang maganda at opera singer na tulad ni Margarita ay hindi nakalagpas sa suliraning ito. Maging si Rafael na isang doctor ay nagtataglay ng sakit sa pagkahilig sa babae, ganoon din si Nick na nakaangat at maginhawa ang buhay. Hindi ito simpleng bagay lamang na maaring ipagwalang bahala. Nakakangamba ang mapabilang dito sapagkat wala itong naidudulot na kabutihan, sa halip puro pagkawasak at problema ang dulot.
Sa kabuuhan, ang dapat maging sentro ng bawat Pilipino ay ang pamilya. Ang pagmamahal sa pamilya ay higit na mas matimbang sa kahit ano pa mang bagay sa mundo. Ang kahirapan, moralidad at iba pang isyung sa lipunan ay nabibigyan ng unang lunas sa loob ng tahanan. Ang pagkakaroon ng buklod-buklod na mag-anak ang makatutulong upang malagpasan ang kahirapan at pakikinig at pagsunod sa magulang ang susi upang maiwasan ang problema sa moralidad.

SOURCES:
CCP Encyclopedia of the Philippines Arts Vol. IX, Philippine Literature.
Lalaki sa Dilim, Pascual, B. P. (2004) http://www.scribd.com/doc/11216712/Lalaki-Sa-Dilim, Gonzales, C.M., Cerillo, L., Calimag, J.F., Nino, N.J., Ancheta, R., Alvaran, R., et al. http://michealdtacsayfiles.webs.com/researchenglish.htm, michealdtacsayfiles
Life on Exile: Secrets and Lies of Demented Little Boy http://angelblueblooded.multiply.com/reviews/item/1, Louise, A. (2008, September 2)
Ang Lalaki sa Dilim from Definitely Filipino http://definitelyfilipino.com/blog/2012/10/17/ang-lalaki-sa-dilim/, StormChaser

Similar Documents

Free Essay

Prinsesa

...prinsipe naman na naging kasintahan ng prinsesa. Naging masaya ang dalawa sa kanilang pag-iibigan, ngunit may biglang humadlang sa kanilang pag-iibigan at ito ay ang nag-iisang matandang magician sa kanilang kaharian. Nagbanta ang matanda na kong hindi mapapasakanya ang prinsessa ay papatayin niya lahat ng tao sa kanilang kaharian. Walang nagawa ang hari kundi ibigay ang prinsessa .Pero hindi pumayag ang prinsipe at nakipaglaban ito sa matanda. Nanalo naman ang prinsipe at binalikan niya ang prinsesa ngunit nang pabalik na siya ay may biglang sumaksak sa kanya sa likod at yun pala ang matanda na naghihingalo na. Biglang nahimatay ang prinsipe at namatay naman ang matanda. Pinahanap ng prinsessa ang prinsipe pero di na ito nakita pa. Ang prinsipe pala ay dinala ng isang babae sa kanilang bahay na labas na sa pinaghaharian ng prinsessa kaya di nila nakita ang prinsipe. Lungkot na lungkot ang prensesa sa pagkawala ng kanyang minamahal na prinsipe. Pagkaraan ng ilang araw ay namalayan na ang prinsipe at nakita niya na nasa bahay pala siya ng isang babae. Nagpasalamat ang prinsipe sa babae at sabay rin na umalis ang prinsipe pero hindi pumayag ang babae dahil natutunan na niyang mahalin ang prinsipe, pero nagpaliwanag ang prinsipe kung bakit hindi siya pwede magtagal at naintindihan naman ito ng babae at bumalik na ang prinsipe sa kanilang kaharian. Nang makarating siya doon ay nakita niya ang prinsesa na ikinakasal sa isang binata, pinigilan ng prinsipe ang kasal, pero hindi pumayag ang...

Words: 816 - Pages: 4

Free Essay

Buhay Ko O Buhay Mo

...kutsilyo sa aking leeg at ako’y papatayin, ngunit wala naman. Natagpuan ko ang aking sarili na naglalakad kasama ang dalawang malaking lalaki na naka-amarikanang itim. Nakahawak sila nang napakahigpit sa aking mga braso’t balikat na para bang ako’y tatakas. Sinusundan namin ang isang daan na yari sa malalaking parisukat na bloke ng semento. Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin kaya siguro ako natatakot. Hindi ako nangahas na tingnan ang kanilang mga mukha sa takot na saktan nila ako. Umaga ito dahil mahamog…malamig…hindi gumagalaw ang sariwang hangin…umumugong sa akin pandinig ang ganap na katahimikan ng paligid…mababa pa ang araw sa aming likod. May mga kalat-kalat na batang puno ng Acacia na nagsasala ng kaunting liwanag at gumagawa ng mahahabang puting guhit sa ere sa ibabaw ng malawak at madamong loteng ito. Hindi kalayuan mula sa lugar kung saan simula kong malaman ang mga pangyayari, may nakita akong pitong parihabang hukay sa kaliwa ng daan. Naisip kong maaaring magkasya sa isa doon ang isang tao kung nakahiga! Saka nagtanong sa aking sarili, “Para saan kaya ang mga ito?” Sa ‘di kalayuan, may naaaninag akong isang malaki at maitim na bahay na napapalibutan ng matatandang puno ng Acacia. Siguro, doon kami tutungo. Natatakot ako… Habang lumalapit kami, mas malinaw kong naaaninag ang bahay sa mas numinipis na hamog. Hindi ko maintindihan kung ito ay luma o bago dahil sa nakakaasiwa nitong anyo. Pumasok kami sa isang bukas na pinto sa gilid...

Words: 2155 - Pages: 9

Free Essay

Diyosa Ng Asya

...Diyosa sa Asya Hapon -Si Amaterasu  O-mi-kami ay ang Diyosa ng araw ng mgaHapones. -Sakanya nagmula ang mga emperador ng Japan. -Prominenteang sagisag ng araw sa bandila ng Japan dahil sa pagpaphalaga sa kanya. Dravidian  -Naniniwala rin sa a Diyosa at isa rito ayang diyosa ng buwan.  -Sapagdating ng mga Indo-aryan, naging lalaki lamang ang kanilang mga diyos Mga kababaihan sa Batas ni Hammurabi -Sa panahon ng mga Babylonians, isinabatas ni Haring Hammurabi ang maraming kaugalian na umiiral sa lugar. Ang nanging resulta ay ang batas ni Hammurabi.                 -Sinalamin ng ilang probisyon ng batas ni Hammurabi ang mababang pagturing sa kababaihan.                 Halimbawa:                                 Ang babae ai itinuring na bagay na maaaring ikalakal. Kaya’t ang pag-aasawa ay maituturing na isang transaksyong pananalapi. Ang ama ng babae at ama ng lalaki ang papasok sa isang kontrata. Magbibigay ng regalo, na karaniwan ay pera, ang ama ng lalaki sa ama ng babae. Kung sasang-ayon ang ama ng babae sa regalo, bibigyan niya ang kanyang anak na babae ng dote na mananatili sa kamay ng babae sa oras na ikasal siya. Ang doteng ito ay nagsisilbing proteksyon sa babae.                 -Madalas na pagkabata pa lamang ay inaayos na ang pagkasundong magpakasal ang isang babae at lalaki. Sa oras na may sapat na gulang na ang babae, sila ng lalaki ay maaari ng magbuklod. Samantala, ang babae ay nanatiling nakatira sa sariling bahay.                 -Ayon sa batas...

Words: 1994 - Pages: 8

Free Essay

A Not so Super Hero

...was chosen to give it to them. in a sort of stranger-suddenly-tells-you-everything's-going-to-be-fine-even-if-he-hardly-knew-you way. though I really know that everything will be okay. I mean, bibigyan ka ba ng pagsubok ng Diyos na hindi mo kaya? binigay niya sa'yo yan dahil alam niyang kaya mo. alam niya na hindi ka susuko. katulad ngayon, sinusubukan na naman ata ako ng nasa itaas. late ako nagising off to work ang ka-macho-han ko, pero traffic masyadong magulo aligaga ang mga tao pero may isa dito na para bang kinuha sa kanya ang pagkakataong huminga manlang pagsakay ko sa jeep, may nakita akong babae, kakaiba siya, tila bumagal ang mundo. heto na naman po tayo masikip, mainit, maalingasaw pinagtitinginan siya ng mga ibang pasahero tumatawa, tinuturo siya pero hindi niya alintana yon malayo ang tingin, malalim ang iniisip heto na naman po tayo tumabi ako sa kanya, di dahil maganda siya wala na kasi akong...

Words: 2426 - Pages: 10

Free Essay

Noli Me Tangere

...ni Jose P. Rizal Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra matapos mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang katipan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tyago. Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang binatamg hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga kababayan, gayundin marahil sa pagmamahal ng bayan sa kanyang yumaong ama. Nagdaos ng hapunan si Kapitan Tyago para sa pagbabalik ni Ibarra, naroon ang mga kilalang personalidad sa bayang iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan. Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso. Mababakas ang malamig na pagtanggap na Padre Damaso. Kapuna-puna rin ang panghahamak niya rito makalawang beses habang nagkukwentuhan sa hapag-kainan na pinalipas na lamang ng maginoong binata at sa halip ay nagpasya umuwi na lamang sa pagdadahuilang may mahalagang bagay pa siyang gagawin. Kinaumagahan ay nagpasya ang binata na dalawin ang kasintahang si Maria Clara at doon ay muli nilang ginunita nag kanilang pagmamahalan. Si Maria Clara ay larawan ng isang dalagang Pilipina na mapagmahala sa magulang, mahinhin, maganda at maka-Diyos.  Sa pag-uwi ng binata ay nakausap niiya si Tenyente Guevara, at ditto napag-alaman ang dahilan ng kamatyan ng kanyang ama na si Don Rafael, ang pinakamayamang Asendero sa kanilang bayan. Nalaman niya kung paanong idiniin ni Padre Damaso si Don Rafael sa kasalanang hindi niya sinasadya. Ito ay matapos na maipagtanggol niya ang isang bata sa kamay ng isang kubrador...

Words: 917 - Pages: 4

Free Essay

Stories

...na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos. Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon… Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng  balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan ang mga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi’y patuloy na dumarating kay Fak…  Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya’y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nag-iwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyang isipan. Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niya bubuweltahin ang mga nanakit sa kanya. Natatandaan niya nang malinaw na dalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tieng at Tid Song. Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na dinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at...

Words: 23011 - Pages: 93

Free Essay

Walang Sugat

...Walang Sugat Ano ang sarswela? - Ano ang importansya nito? - Paano mo ito maipanatili? _maipapanatili ko ito kung patuloy kong ibabahagi sa iba at patuloy na ituturo sa iba kung ano ang importansya nito. ~~~~~~~~~~~~ Unang Bahagi I TAGPO (Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika) Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo, Kapag namali ng duro Burda nama’y lumiliko Julia : Anong dikit, anong inam Ng panyong binuburdahan, Tatlong letrang nag-agapay Na kay Tenyong na pangalan. Koro : Ang karayom kung itirik tumutimo hanggang dibdib. Julia : Piyesta niya’y kung sumipot Panyong ito’y iaabot, Kalakip ang puso’t loob, Ng kaniyang tunay na lingkod. Si Tenyong ay mabibighani Sa dikit ng pagkagawa Mga kulay na sutla, Asul, puti at pula. Panyo’t dito ka sa dibdib, Sabihin sa aking ibig Na ako’y nagpapahatid Isang matunog na halik. Koro : Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo. Hoy tingnan ninyo si Julia Pati panyo’y sinisinta, Kapag panyo ng ibig Tinatapos ng pilit Nang huwag daw mapulaan Ng binatang pagbibigyan: Ang panyo pa’y sasamahan Ng mainam na pagmamahal. At ang magandang pag-ibig Kapag namugad sa dibdib Nalilimutan ang sakit Tuwa ang gumugiit. Mga irog natin naman Sila’y pawang paghandugan Mga panyong mainam Iburda ang kanilang pangalan. Julia : Piyesta niya’y kung...

Words: 3489 - Pages: 14

Free Essay

Noli Me Tangere (Very Helpful)

...Kabanata 9 Nang Makita ni Ibarra si Padre Damaso sa Maynila ay papunta pala it okay Kapitan Tiyago, Pumunta siya doon para mapatunayan na mas mataas ang tingin sa kanya ng mga tao. Nang makasalubong niya si Kapitan Tiyago ay nagsaludo si Tiyago at hindi ito pinansin ng mga Prayle. Simbolo lamang na mas nakapangyayari sila. Samantala, matapos magmisa, nagtungo si Padre Sibyla sa kumbento ng kanilang korporasyon na nasa loob ng Maynila. Napagusapan nila ditto ang buhay ni Ibarra at paano nila mapapasanib si Ibarra sa kanilang panig. Habang naguusap ang mga pari ay naguusap parin si Padre Damaso at Kapitan Tiyago. At sa Paguusap na iyon ay nauto na naman ng paring Dominikano si Kapitan Tiyago III. Gintong Aral na may kaugnayan sa kasalukuyan Maraming tao na manloloko sa kahit saan tayo magpunta, minsan ay hindi natin inaasahan na ito ay ang matalik natin na kaibigan, kapamilya o mahal sa ating buhay. Ngunit kahit sino ay mayroong abilidad para manloko, at dapat tayo ay magingat sa mga ganitong klaseng mga tao. Kabanata 10 I. Mga Talasalitaan 1. Baybayin : Tabi 2. napagsasamantalahan : Naloloko 3. Kahangalan : Kamangmangan 4. Simboryo : Kampanaryo 5. Matatas : Malinaw II. Buod ng Kabanata 10 Ang Bayan ng San Diego ay halos nasa baybayin ng lawa at napaliligiran ng malalawak na bukirin at palayan. Ang mga nanirahan dito ay mga magsasaka at ang inaani nila ay palay, asukal, kape at mga punong kahoy. Ang higit na agaw atensyon sa San Diego ay ang tila isang malapulong gubat...

Words: 1924 - Pages: 8

Free Essay

Fanfic

...yun. Isa pa, para sa amin din naman ito ‘di ba? Alangan naman mag-stay na lang ako doon habang-buhay at maghintay sa wala? Ano ba itong iniiyak-iyak ko? Sus, para yun lang! Ako pa! Wala naman akong hindi kinakaya. Kahit ano pang lakas ng bagyo at ulan, walang-wala naman yan sa akin. Basta ‘wag lang sobrang lakas, eh iba naman usapan na iyon. Pagsakay na pagsakay ko sa bus at unti-unti na ring umaandar, parang gustung-gusto ko nang bumaba at yakapin sila uli. Tinignan ko na lang yung huling pabaon sa akin ni Papa, at nung tinignan ko uli yung direksiyon nila eh unti-unti na ring lumiliit yung itsura nila sa kinakatayuan nila. Sabay-sabay silang kumakaway sa akin. Mahigit dalawang oras yung biyahe simula sa bahay namin. Medyo may kalayuan yung bahay namin sa bus station, at simula doon eh isang napakahabang biyahe papunta sa Villejas City. Isang napakahabang istorya rin kung bakit paalis na naman ako, pero sa ngayon, itutulog ko na lang muna yung sama ng loob ko. Nananaginip pa ako noon. Kasama pa sa panaginip ko si Richard Gutierrez at si Patrick Garcia. Sa panaginip ko, nagsho-shooting daw kami ni Richard ng isang scene sa drama na kami yung magka-partner. Bigla na lang pumasok si Patrick at naglabas ng baril. Niyakap na lang ako ni Richard sa panaginip ko at si Patrick naman eh nagsisigaw ng, “Holdap ‘to! Holdap ‘to!” Ang random naman nun. Bigla na lang nang-holdap bigla si Patrick Garcia. “Miss! Miss!” narinig ko na lang na may tumatawag sa akin. Nagising...

Words: 32485 - Pages: 130

Free Essay

Freedom Writers

...aking nuno sa bahay ng isang mangangalakal na kastila. Isang gabi, nasunog ang bahay. Elias: Ang sunog ay nakatupok ng malaking halaga. Hinanap ang may sala at ang aking nuno ang siyang isinakdal. Babae: (umiiyak) Hahanap tayo ng paraan asawa ko, upang mapawalang sala ka. Kukuha tayo ng magaling na abogado at— Nuno: (hinawakan ang kamay ng asawa) Saan tayo kukuha ng pera? Mahirap lamang tayo, walang maipambayad. Babae: Ngunit… Nuno: (umiling) Wala na tayong magagawa. (close curtain) scene 4 -bundok background- (pisi, kabayo, latigo) SF: yapak ng kabayo, tunog ng latigo. Narrator: Nahatulan ang nuno ni Elias. Siya’y ipinaseo sa lansangan na nakagapos at pinagpapalo sa bawat panukulan ng daan. (nasasaktan sa bawat palo. Nawalan ng malay ang nuno) Elias: Nagkasakit siya at nang gumaling ay namundok sila. Nanganak ang babae ngunit namatay ang sanggol. Ilang buwang lumipas, nagbigti siya nang hindi na niya matiis ang kanyang kasawian. Babae: (napatakip sa bibig nang makita ang asawa na nakalambitin at patay na) Asawa ko! Elias: Ilang buwan din ay nanganak ng sanggol na lalaki ang asawa. Ang panganay na anak ay tinawag na Balat na kilalang kilabot. Ang ina ay nakilala sa tawag na Delingkuwente at napalo. Ang bunso dahil sa mabait ay tinawag lamang na anak ng ina. Isang araw, nakita ng anak ang ina na patay na. Sinundan niya ang mga mata nito at nakita nito ang pugot na ulo ng kanyang kapatid. -close curtain- Elias:Tumakas siya at napadpad sa Tayabas....

Words: 3022 - Pages: 13

Free Essay

I Dont Have Any

...Introduksyon : Hindi ba’t isa sa pinaka masayang parte n gating buhay ay iyong mga panahon ng pagkabata ung tipong, pag naalala mo ang mga bagay na pinag gagagawa mo di mo na namamalayan na napapangiti kana pala . minsan pa nga naiisip mo kung gaano ka kauto-uto nung bata ka . Huwag mong sa bihin na nung bata ka hindi mo naranasan na kumanta sa harap ng electric fan ?, dati pa nga tuwa-tuwa kapa sa alikabok ng mga sasakyan kase dahil sa mga alikabok na iyon nagagawa mong magsulat. Naaalala mo paba ung mga panahon na tinatakasan mo ang nanay mo kapag oras na ng pag tulog sa tanghali?tapos kapag naman nag papaalam kna na maglalaro sa labas dadali nanaman ng pananakot ang nanay mo may sasabihin pa yan na “Sige lumabas ka para makuha ka ng manunupot,tapos papatayin ka,tapos ilalagay yung dugo mo sa tulay” o kung minsan naman ipapanakot pa ang mga bumbay . Totoong masarap maging bata. Kasi kapag bata ka wala kang iintindihin na mabigat na problema gaya ng bayad sa kuryente,tubig telepono at iba pa. Tapos hindi pa sasakit ang ilo mo kakagawa ng projects, assignments, thesis at iba pang nakakaluka na Gawain sa paaralan. Kapag kasi bata ka simple lang ang buhay mo,dahil simple lang din naman ang tingin at pananaw mo sa mga bagay bagay sa paligid. Malaya kang maglaro, Malaya kang magkamali, Malaya kang magsaya dahil Malaya ka sa resposibilidad Masarap talagang maging bata.Di natin maitatanggi na marsmi sa atin ay gusto nalang manatili sa pagigig musmos. Ngunit hindi na...

Words: 2676 - Pages: 11

Free Essay

Factors Affecting Study Habits

...Asyano Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga mula sa mga publikong paaralan, kolehiyo at/o unibersidad. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. DRAFT April 1, 2014 Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas (Gabay ng Guro) 1 DRAFT April 1, 2014 MGA AKDANG PAMPANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA 2 I. PANIMULA Matapos na pag-aralan sa Baitang 8 ang mga panitikang pambansa, tiyak na napaghandaan ng mga mag-aaral ang malalim na pagtalakay at pag-unawa sa iba’t ibang genre ng panitikan ng mga karatig-bansa sa Asya. Sa Modyul1, matutunghayan natin ang mga akdang pampanitikan ng TimogSilangang Asya. Inaasahan nating ang mga aralin sa module na ito ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao ng karatig-bansa ng Pilipinas. Inaasahang pagkatapos ng Unang Markahan, ang mga mag-aaral ay nakapagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pamapanitikan ng Timog-Silangang Asya sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiya na gagabay sa mga mag-aaral sa higit na malalim at kapaki-pakinabang na pagkatuto. Nilalayon ng Modyul 1 na nakagagawa ang mga mag-aaral ng isang malikhaing panghihiyakat sa pamamagitan ng book fair at ilang pamamaraan na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sa mga susunod na mga...

Words: 8963 - Pages: 36

Free Essay

Communication

...com/2015/09/27/ang-reyna-ng-espada-at-mga-pusa/ II. Buod ng Katha Ang kuwento ng Ang Reyna ng Espada at mga Pusa ay tungkol sa isang tao na nag ngangalan na Jose T. Clutario III o mas kilalang Clutario. Siya ay nakulong dahil sa salang pagpatay, at binigyan siya ng Presidente ng Pilipinas ng Executive clemency, o isang paraan para makalaya siya. Pero ayaw ni Clutario lumabas sa bilangguan dahil ayaw niya iiwan ang kanyang kaibigan. Ang kaibigan niya na si Peng, ay nagulat iniisip ni Clutario dahil para kay Peng, hindi niya ito dapat palalagpasan na pagkakataon. Si Peng naman ay gustong-gusto na makalaya sa kulungan at tinanong ang kanyang kaibigan niya kung pwede siya sumama. Ngunit sinagot siya ni Clutario na hindi, dahil ayaw niyang lumbas sa dahilan na wala siya raw pupuntahan kapag nakalaya na siya, at hindi niya gusto na iiwan lamang ang mga kaibigan niya sa kulungan. Sinabi ni Peng kay Clutario na nanaginip siya na naglalaro siya ng solitaryo at tinanong niya kung lalabasba talaga si Clutario. Ang sabi ni Peng, kapag ang kulay ng baraha ay nakakasunod-sundo, halimbawa pula na hearts at itim na spades (o para kay Peng tinagawag niya ito na “bulaklak”) ay oo ang sagot nga mga baraha. Naglaro si Peng kasama kay Clutario at binuksan niya ang mga baraha, hanggan nakapadpad sila sa Queen of Spades na hindi naman kamukha ng Queen of Spades, ito ay dahil noong na wala ang mga baraha ni Peng gumawa si Clutario ng bago, mula sa mga sa karton ng sigarilyo. At ginuhit ni Clutario ang Queen of Spades na parang pusa. At doon...

Words: 6678 - Pages: 27

Free Essay

Blah Blah Blah

...Ang Pananakop ng mga Espanyol Kolonisasyon at Kristiyanisasyon Sa pagdating ng mga dayuhang Espanyol sa ating bansa, naging magulo na ang pamumuhay ng mga Pilipino. Layunin ng mga Espanyol na sakupin at pamunuan ang Pilipinas. Mayroong dalawang estratehiya sa pananakop ang mga  Espanyol, ang Ebanghelisasyon; na sinasagisag ng krus. Ito ay isinasagawa sa mapayapang paraan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa ating bansa sa paraang Kristiyanisasyon. Ikalawa ay ang Kolonisasyon; ito ay isinasagisag ng espada. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng lakas-militar. Subalit naging mas epektibo ang paggamit ng ebanghelisasyon na pinamunuan ng mga prayleng Espanyol na ginamitan nila ng sandatang krus, rosaryo at dasal. Nabihag naman nila ang puso ng mga pilipino dahil sa pamamaraang ito. Nagpatupad sila ng mga patakaran katulad na lamang ng Entrada, Reduccion at Doctrina, na nagdulot ng matinding transpormasyon sa mga sinaunang pamayanang Pilipino. Entrada; ito ang unang pagsakop na isinagawa ng mga Espanyol na ginamitan nila ng puwersang militar. Matapos nito sumunod naman ang mga paring misyonero at mga pinunong sibilyan naman ang pumasok sa bagong sakop na katutubong komunidad. Sila ang nangasiwa sa organisasyong politikal sa pamamagitan ng reduccion. Samantala, ang mga paring misyonero naman ang nangasiwa sa pagpapatupad ng doctrina. Sila ang nangangasiwa sa pabibinyag ng mga katutubong itinurin nilang pagano. Maliban dito nagpatupad din sila ng "sistemang...

Words: 2453 - Pages: 10

Free Essay

One Act Play

...TAGPO Gabi. Sa isang kwarto ng isang beach resort. Naglalatag ng kumot si Jigs sa sahig habang inaayos ni Yumi ang kanyang higaan. Yumi: Sige na, Jigs. Huwag ka nang magpaka-gentleman. Naawa ako sa’yo e. Tabi na tayo sa kama. Jigs: Hindi, okay lang ako dito. Yumi: Huwag ka nang maarte. As if naman re-rapin kita no. Malaki naman itong kama e. Hatiin na lang natin sa gitna Jigs: Sure ka? Yumi: Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no? Jigs: (Matatawa) Okay ka lang? Yumi: Kung gusto mo, gamitin na lang natin iyang kumot na divider. Jigs: Good Idea. Isasampay nila ang kumot mula sa kisame para mahati ang kama sa gitna. Magse-settle down ang dalawa. Ilalabas ni Jigs ang libro niya: “Puppy Love and other Stories” ni F. Sionil Jose. Si Yumi naman ay magpapatugtog ng Japanese Zen Music habang nagsa-zazen. Yumi: Do you mind? Jigs: No, go ahead. I’m just reading. Magsa-zazen si Yumi. Magbabasa si Jigs. Pareho silang dim aka-concentrate. Papatayin ni Yumi ang CD player niya. Yumi: I can’t believe our friends. Jigs: Oo nga e… Yumi: Dapat ginagawa nila ‘to sa mga bagong pasok sa barkada o kaya sa bagong… ay oo nga pala. Bagong graduate ka. Congrats. Jigs: Thanks. Yumi: So what’re your plans? Jigs: Kinukuha akong researcher sa ADB. Kinukuha rin ako ng BPI sa OTP nila. Yumi: Wow naman. In demand. Jigs: Di naman masyado. Who the hell invented this tradition anyway? Yumi: (Matatawa) You won’t believe it. Jigs: Ikaw...

Words: 6093 - Pages: 25