Free Essay

Liwayway

In:

Submitted By amor03
Words 2565
Pages 11
LATHALAIN:

“DR. JURGENNE HONCULADA- PRIMAVERA: BAYANI NG KALIKASAN”
Ni Dr. Arthur P. Casanova

Madalas na ikinakapit ang taguri o titulong BAYANI sa mga taong nagpamalas ng kagitingan para sa pagtatamo ng kalayaan o dili kaya’y pagtatanggol sa ating bayan kayat may mga Bayani ng Bansa at mga Bayani ng Digmaan. Ikinakabit din ang titulong ito sa mga Bayani ng Simbahan na tumutukoy sa mga santo at santo. Bayani ring itinuturing ang mga taong nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga gawaing pakikinabangan ng marami. Ito rin ang tawag sa mga pangunahing tauhan ng mga epiko at ng mga katha – BAYANI na nagbibigay konotasyon ng pagiging BIDA. Sa kasalukuyan, ginagamit ang salitang bida sa mga kuwento sa komiks, drama sa radyo, mga pangunahing karakter sa pelikula, dulang pantanghalan at teleseryeng nobela sa telebisyon. Iba-ibang KABIDAHAN o KABAYANIHAN din ang ating naririnig at nababasa ngayon: CNN Hero, ONDOY Storm Hero, at kung anu-ano pa. Sadyang ang kabayanihan ay hindi esklusibo para sa mga nagbuwis ng buhay sa digmaan dahil maraming anyo ng kabayanihan ang ating nasasaksihan sa ating panahon. Bayaning maituturing ang batang babaeng nagligtas sa kanyang kapatid buhat sa nasusunog na bahay. Maging ang pagbabalik ng pera at mga dokumentong naiiwan sa mga taksi o sa mga paliparan ay isa ring anyo ng kabayanihan. Maraming suliranin ang kinakabalikat ng ating lipunan at ng buong mundo sa kasalukuyan. Naririyan ang Eight Millennium Goals na binibigyang-diin ng United Nations (UN). Kabilang sa walong (8) mithiin ng UN ang wastong pangangalaga ng kapaligiran at ang mga suliranin hinggil sa pag-init ng globo (global warming). Kaugnay nito, sa larangan ng pangangalaga ng ekolohiya, isang taga-Butuan sa Agusan del Norte ang itinuturing na Mandirigma ng Ekolohiya. BAYANI NG KALIKASAN – ang titulong nararapat ikapit kay Dr. Jurgenne H. Primavera, isang Butuanon! Bakit binansagang BAYANI NG KALIKASAN si Dr. Jurgenne H. Primavera? Anu-anong mga kahanga-hangang proyekto para sa kalikasan ang kanyang nagawa? Ating alamin ang kanyang mga nakaraan upang lubos nating maunawaan at mapahalagahan ang kanyang kabayanihan. Sino nga ba siya? Namulat si Jurgenne tungkol sa pangangalaga ng kalikasan noong musmos pa siya. Lumaki siya sa Buenavista, Agusan del Norte at naging hilig niya ang umakyat sa mga punongkahoy na namumunga ng mga prutas tulad ng makopa, tambis, arabana, aratilis, mangga, at iba pa. Umaakyat siya sa mga puno ng balimbing na hawak ang isang dakot ng asin at doon sa ibabaw ng puno ay tila ibong nangingingain sa pugad. Nakagawian na niya ito hanggang sa pagsapit ng edad niya sa kasalukuyan. Kung baga, sanay na sanay siyang umakyat sa mga punongkahoy at doo’y ninanamnam niya ang kaligayahang dulot ng kalikasan.

Noong nagtapos siya sa mataas na paaralan, ninais niyang kumuha ng kursong Chemical Engineering nang pumasok siya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa Diliman, Lungsod ng Quezon. Ginusto rin niyang kumuha ng Pre-Med ngunit hindi iyon kasama sa listahan ng maaaring kunin ng mga iskolar ng National Development Board Scholarship (NSDB) kung kayat napilitan siyang kumuha ng B. S. Zoology, ang kursong malapit sa Pre-Med. Naisip niyang kung sakaling mawalan siya ng iskolarsyip, magiging madali na sa kanya ang pumasok sa Kolehiyo ng Medisina. Pinalad siyang magtapos ng kursong B. S. Zoology nang hindi nawala ang kanyang iskolarsyip mula sa NSDB. Ang totoo, natapos niya ang nabanggit na kurso noong 1966 bilang cum laude.

Inalok siyang magturo ng mga asignaturang Zoology at Biyolohiya sa Mindanao State University (MSU) sa Lungsod ng Marawi, Lanao del Sur. Doon, masaya niyang ibinahagi ang kanyang mga kaalaman tungkol sa agham ng buhay at kalikasan. Ang mga tagumpay na natamo niya sa kanyang napiling propesyon ay bunga rin ng maayos at masayang pagsuporta ng kanyang mapagmahal at maunawaing kabiyak, si Propesor Nick Primavera (propesor sa MSU ng may-akda ng lathalaing ito sa asignaturang Oral Interpretation), na nagturo ng asignaturang English sa MSU at tumulong sa paglinang ng pagtatanghal ng MSU-Darangan Cultural Troupe na itinatag ni Propesor Henrietta Eli at sa mga pagtatanghal ng mga teatrikal na produksyon ng Dulaang Maharlika ng Departamento ng Filipino (na aktibong pinangasiwaan nina Propesor Ligaya Tiamson Rubin at Arthur P. Casanova) sa nabanggit na pamantasan at naging tagapagsuporta ng MSU-Sining Kambayoka, ang bantog na pangkat panteatrong itinatag ni Frank G. Rivera na nakabase sa MSU.

Nagturo siya sa MSU sa loob ng halos sampung (10) taon ngunit nang malaunan ay nagpasya siya at ang kanyang pamilyang lumipat sa higit na mapayapang pook – sa Iloilo sa Isla ng Panay na matatagpuan sa Gitnang Visayas. Doon, nagtrabaho siya sa Aquaculture Department of the Southeast Asian Fisheries Development Center (AQD-SEAFEDEC). Dekada ’80 nang napagtuunan niya ng pansin ang masaklap na kalagayan ng aquaculture bunga ng kawalan ng maayos na pagpaplano. Nalipat ang kanyang interes sa mga ugnayan ng bakawan at hipon (penaeid shrimp) at sa tinatawag na mangrove-friendly aquaculture. Samantala, ang aquaculture o aquafarming ay ang pangangalaga ng mga isdang-tabang at/o mga organismong sa tubig-alat (karagatan) tulad ng mga isda, hipon, talaba at mga lumot-dagat (seaweeds). Sa kabilang dako, bakawan (mangroves) ang tawag sa mga punongkahoy at palumpong (shrubs) na tumutubo sa mga baybayin o sa mga wawa o bunganga ng ilog. Pinoprotektahan ng mga ito ang mga habitat mula sa mga erosyon, pagkasira dahil sa mga bagyo, at maging mga tidal wave, at nagsisilbing nursery ng mga marine life tulad ng mga hipon, talaba, alimango, at isda at naglalaan ng mga ligtas na lugar para sa mga bagong silang o mga bagong usbong na mga organismo. Sa pagtutok sa ganitong sistema ng ekolohiya, nakatutulong si Dr. Jurgenne H. Primavera sa paglinang ng biodiversity, isang mahalagang aspekto ng mga pagpupunyagi tungo sa konserbasyon.

Nang malaunan, natapos din niya ang kanyang MA sa larangan ng Zoology sa Indiana University sa U.S.A. at ng Ph.D. sa larangan ng Marine Science sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Ang mga mga pagpupunyagi niya tungkol sa mga pananaliksik sa aquaculture ang nagdala sa kanya upang matamo ang Ph.D. in Science, honoris causa na iginawad ng Stockholm University noong 2004. Nakapagsulat na siya ng isandaang (100) siyentipikong mga papel, rebyu, manwal, aklat, at iba pang mga publikasyon kabilang na ang Handbook of Mangroves in the Philippines – Panay, na nagtamo ng gawad-parangal na 2005 Outstanding Book Award of the National Academy of Science and Technology; nag-organisa ng iba’t ibang kumperensya/palihan (halimbawa: shrimp culture, 2006 Guimaras Oil Spill, Agusan Marsh, atbp.); nakalahok sa mga pambansa at pang-internasyunal na kumperensya at palihan tungkol sa larangan ng aquaculture, fisheries, mangroves, at ng kapaligiran; nakagawa ng mga gawaing pangkonsultant para sa UN-FAO/UNDP, Asian Development Bank at iba pang mga internasyunal na ahensya; at nanungkulan bilang miyembro ng lupon at tagapayo ng iba’t ibang organisasyong pangkalikasan.

Aktibo siyang nanungkulan sa Swedish Royal Academy on Agriculture and Forestry, Royal Belgian Academy for Overseas Sciences, Phi Kappa Phi, at iba pang samahan. Kabilang sa kanyang mga natamong gawad-parangal ang Dr. Elvira Tan Memorial Award (PCAMRD) para sa Best Paper in Aquaculture/Fisheries (1988, 1994, 2000 at 2004); Quadrennial General Assembly Award mula sa United Church of Christ in the Philippines (2006); at ang 2004 Pew Fellowship kung saan pinapurihan siya ng Kongreso ng Pilipinas at ng Iloilo Provincial Board. Kinilala siya bilang Scientist Emerita ng SEAFDEC/AQD nang siya ay nagretiro noong 2007; at itinanghal na isa sa 30 Time Magazine Heroes of the Environment (Scientists) at isa sa 50 DOST Men and Women of Science noong 2008, at ang University of the Philippines Distinguished Alumni Award in Environmental Conservation and Sustainable Development noong 2009. Pagkaraan ng mahabang panahon ng aktibo at mabungang gawain sa larangan ng agham, ipinagmamalaki niya ang kanyang pagtulong sa mga batang siyentipikong Pilipino ng kasalukuyang panahon sa pagsulong ng mga pananaliksik sa larangan ng aquaculture at ekolohiya sa pamamagitan ng kanyang mga pag-aaral hinggil sa penaeid na sugpo at hipon, lalo na sa tinatawag na giant tiger prawn (Penaeus monodon) o sugpo at ng mga bakawan.

Miyembro si Dr. Jurgenne Honculada-Primavera ng angkan ng mga Alviola sa Ampayon, Lungsod ng Butuan. Naging balediktoryan siya ng Agusan High School ng Class 1963 kung saan itinanghal namang salutatoryan ang kanyang kakambal na si Jurgette Alviola-Honculada. Nagtapos sila ng mga kurso sa magkaibang pamantasan at parehong nagtamo ng karangalan. Iba rin ang larangang tinahak ng kambal, sa agham si Jurgenne samantalang sa pamamahayag naman si Jurgette. Parehas na kinilala ang kani-kanilang galing sa larangang kanilang tinahak.

Noong 2005, parehong itinanghal sina Jurgenne at Jurgette bilang dalawa sa limang Outstanding Butuanons in BBY2K5. Pareho silang incorporator at mga founding trustee ng Butuan Global Forum, Inc. Tagapangulo si Jurgenne ng Environment Committee noong 2005, 2007 at 2008 at naging kasamang-tagapangulo noong 2009. Kasamang-tagapangulo naman si Jurgette ng Education Committee simula 2005.

Pinarangalan siya ng TIME Magazine noong 2008 bilang TIME Hero of the Environment para sa kanyang mga gawain tungkol sa pagpapalaganap ng pangmatagalang pangangalaga ng mga isda at iba pang organismo sa tubig-tabang at/o tubig-dagat o ang tinatawag na aquaculture. Natamo rin niya ang Pew Fellowship in Marine Conservation mula 2005 hanggang 2010 na nagbigay-daan sa kanya upang magtrabaho tungo sa pangangalaga ng mga bakawan sa pamamagitan ng pormal na edukasyon at pamamahala ng mga lokal na pamayanan at pamahalaan.

Pinalilipas niya ang kanyang mga ekstrang panahon sa pagtatanim ng mga binhi at punla ng mga halaman at punongkahoy sa mga pampublikong pook tulad mga patyo ng simbahan at mga kampus ng iba’t ibang paaralan. Kasama ng kanyang pamilya, nalinang nila ang isang maliit na gubat sa Miag-ao, Iloilo sa loob ng labinlimang (15) taon. Nasimulan na rin niya ang muling pagtatanim ng mga punongkahoy sa Oton, Iloilo na sumasakop sa tatlong (3) hektarya. Kasama ang buong pamilya niya sa pagpuputol ng mga damo, pagtatanim ng mga binhi o punla, pagtatayo ng mga silungan ng mga guwardya sa itaas ng puno, pagdaragdag ng mga abuno at pagdidilig ng mga halaman. Sa kasalukuyan, matagpuan sa mga gubat na nabanggit ang mga puno ng dao, dangcal, dita, at iba pang mga katutubong punongkahoy.

Para kay Dr. Jurgenne H. Primavera, ang pagtatanim ay nagbibigay ng pag-asa at pananalig – pananalig na ang mga binhi at punla ay mabubuhay, yayabong at magbibigay ng maraming bagay at kapakinabangan sa mga susunod na salinlahi. Naniniwala siyang kailangan nating magtanim ng mga punongkahoy para sa ating mga magiging anak, para sa kanilang magiging mga anak, at sa mga anak ng mga anak ng mga susunod pang mga henerasyon.

Nang magtrabaho siya sa Aquaculture Department of the Southeast Asian Fisheries Development Center (AQD-SEAFEDEC), napuna niya ang mga punong nakalinya sa mga paligid ng mga lawa-lawaan – ang mga bakawan. Natuklasan niyang ang mga iyon lamang ang nalabing mga bakawan pagkatapos na putulin ang mga ito para magbigay-daan sa paglinang ng lawa-lawaang gagamitin sa paglinang ng aquaculture. Iyon ng simula ng kanyang pagiging “Tagapagtanggol ng mga Bakawan.” Ayon pa kay Dr. Jurgenne A. Primavera:

“Healthy mangroves regulate floods, control erosion, recycle nutrients, trap sediments, and provide fishery and forest products. Mangroves also have cultural-historical significance. The premier Philippine city of Manila or Maynila owes its name to the species Scyphiphora hydrophyllacea, locally called nilad, which grew abundantly along Manila Bay and the river Pasig in pre-Hispanic times. Studies… show that the presence of mangrove-beach forest greenbelts mitigated the loss of lives and property during the horrific 2004 tsunami. [They also lessen the impact of typhoons], which visit the Philippines at the rate of 20 to 30 each year, causing hundreds of deaths and millions of pesos in damage.”

Umigting ang kanyang pagpupunyagi tungo sa konserbasyon ng mga bakawan bunga ng pagsuporta ng Pew Fellowship at ng Zoological Society of London. Dahil sa kanyang eksposyur sa iba’t ibang anyo ng midya, napabilis ang kamulatan niya tungkol sa kahalagahan ng mga bakawan. Nagbigay rin siya ng mga lektyur sa mga paaralan, pamantasan, mga sibikong samahan, mga labas-sa-pamahalaang organisasyon, mga pampamayanang samahang nagsusulong sa konserbasyon, pangangasiwa at rehabilitasyon ng mga bakawan, gubat sa dalampasigan, mga katutubong punongkahoy at pagbabago ng klima sa buong mundo.

Itinalaga siyang Tagapangasiwa ng Proyekto sa loob ng apat na taon ng Community-Based Mangrove Rehabilitation and Management Project (CMRP) sa ilalim ng pangangasiwa ng Zoological Society of London (ZSL). Sinusuportahan ng CMRP ang mga pamayanan sa mga baybaying-dagat para sa muling pagtatanim at pangangalaga ng mga bakawan at pagsasagawa ng rehabilitasyon ng mga ibinandonang palaisdaang inuupahan ng pamahalaan at mga napabayaang mga nipa sa pamamagitan ng pangangalaga ng mga malusog na gubat ng bakawan. Samantala, ang mga naunang fellowship niya ay may layuning panatilihin ang mga bakawan sa Isla ng Panay sa pamamagitan ng pormal na edukasyon tulad ng pagbibigay ng mga grant para sa mga tesis ng mga mag-aaral sa mataas na paaralan at kolehiyo, paglinang ng mga modyul at iba pang mga materyales na pang-edukasyon at mga poster, brosyur at mga mangrove identification sheet; at ng mga lokal na pamamahala hinggil sa proteksyon ng bakawan, at ibayong pagpapatupad ng mga regulasyon ukol sa greenbelt at ng pond reversion. Ang kanyang website na (http://www.seafdec.org.ph/pew) ay nagtatampok sa mga report at larawan ukol sa mga pagpupunyagi at hinggil sa kanyang mga propesyunal at personal na gawain.

Higit sa anupamang bagay, ipinagmamalaki niya, kasama ng kanyang kabiyak na si Nick Primavera, ang pag-aaruga at pagkalinga ng kanyang apat na anak na ngayo’y pawang mga nakapagtapos na sa pamantasan: Yasmin – may mga diploma sa BS at MA sa larangan ng Marine Fisheries at kasalukuyang nagtatapos ng Ph.D. in Fisheries sa University of the Philippines-Visayas; Nikos – nagtapos ng Sociology/Management na nangangasiwa ng rehabilitasyon ng munting-gubat; Karlo – isang sertipikadong kemiko at nagtapos ng M.S. Marine Chemistry at ngayo’y nagtuturo sa U.P. - Visayas; at si Jorge – na nagtapos ng kursong M.S. International Relations sa International University of Japan, at nagtapos din ng M.S. in Economic History mula sa Kyoto University at malapit nang simulan ang Ph.D. sa Kyoto University. Abala si Dr. Jurgenne H. Primavera sa pag-aalaga ng kanyang mga halaman sa harapan ng kanyang bahay kasama ang kanyang dalawang apo. Malaking oras din ang kanyang inilalaan para sa pagtatanim ng mga binhi ng halaman upang mapanumbalik ang maliit na gubat sa Oton, Iloilo. Isang libo’t isang kaligayahan ang dulot sa kanya ng mga gawaing ito para sa kalikasan. KABAYANIHAN ngang maituturing ang mga pagpupunyagi ni Dr. Jurgenne Honculada-Primavera na mapanatili at mapangalagaan ang mga bakawan at mga labang-dagat sa ating bansa. Ipinagkakapuri siya ng Unibersidad ng Pilipinas, ng Mindanao State University at ng SEAFDEC. Ang kanyang pagwawagi bilang TIME HERO OF THE ENVIRONMENT noong 2008 ay hindi lamang dangal ng mga Butuanon sa Agusan del Norte at mga Ilonggo sa Panay kundi maging ng buong Pilipinas. Sana ay dumami pa ang mga katulad niyang tunay na nagmamalasakit at nangangalaga sa kalikasan.

Tagapangalaga at tagapagtanggol siya ng kalikasan. Tunay na kapuri-puri ang MANDIRIGMA NG EKOLOHIYA! Ikaw, gusto mo rin bang maging bayani ng kalikasan? Halina, samahan natin si Dr. Jurgenne H. Primavera sa pangangalaga ng Inang Kalikasan.

Mabuhay ang “BAYANI NG KALIKASAN”!

TALASANGGUNIAN: http://www.femalenetwork.com/news-features/dr-jurgenne-honculadaprimavera-environmental-champion-and-heroine Smith-Bautista, Liana. FN Exclusive: Interview with TIME Hero of the Environment Jurgenne Primavera. Butuan Global Forum, Inc.

http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=Jurgenne_Primavera

Similar Documents

Free Essay

Biography

...Talambuhay Si Liwayway A. Arceo ay pangunahing mangangathang Tagalog at Filipino na nakasulat ng 90 nobela, 2 libong mahigit na kuwento, 1 libong mahigit na sanaysay, 36 tomo ng iskrip sa radyo, 7 aklat ng salin, 3 iskrip sa telebisyon, at di-mabilang na kuntil-butil na lathalain sa halos lahat ng pangunahing publikasyong Tagalog o Filipino. Binago ni Arceo ang topograpiya ng panitikang Tagalog, at ng ngayon ay tinatawag na panitikang popular, sa paglalathala ng mga akdang nagtatampok ng halagahan [values], lunggati [vision], at kaisipang Filipino. Ginamit din niyang lunsaran ang pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng masinop ng paggamit ng wika ay itinaas sa karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog, sa kabila ng pamamayani ng Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.  Mga pangunahing aklat  Kabilang sa mga pangunahing aklat ni Arceo ang sumusunod:  * Maling Pook, Maling Panahon. . .Dito, Ngayon (1998);  * Mga Bathalang Putik (1998)  * Titser (1995)  * Canal de la Reina (1985)  * Ina, Maybahay, Anak at iba pa (1998)  * Mga Kuwento ng Pag-ibig (1997)  * Mga Maria, Mga Eva (1995)  * Ang Mag-anak na Cruz (1990)  * Mga Piling Katha ni Liwayway A. Arceo (1992)  * Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba pang Katha (1968).  Sumulat din ng biyograpikong nobela si Arceo at kabilang dito ang Ako. . . Si Clara (1990) na hinggil sa buhay ni Santa Clara ng Assissi; Claret, ang Misyonero (1988) na hinggil sa pundador ng Misyong Claretian;...

Words: 813 - Pages: 4

Premium Essay

Smart C Global Plan

...meet the customer needs. For this purpose we have conducted SWOT analysis of the company to see the company’s strengths, weaknesses, opportunities, and threats. Then we have explained the purposes, benefits, and objectives of our product. Then we have made a marketing mix strategy for our product. We have divided market into different segments. And we have decided to place the product in all the markets in Singapore especially in canteens of colleges and universities. B. Situation Analysis I. Market Summary i. Company Profile Liwayway Holdings Company Limited, doing business as Oishi, is a snack company based in the Philippines. As of 2013 it is headed by Carlos Chan.  Russell Flannery of Forbes wrote that "Oishi’s spelling looks a lot like the Japanese word for delicious, oishii." Oishi, started in 1946 as Liwayway, was originally a family-owned corn starch repacking business.The name "Liwayway" was chosen because it reflected the optimism of the Philippines after World War II.  By...

Words: 1980 - Pages: 8

Premium Essay

The Japanese Period

...The Japanese Period (1941-1945) Historical Background:     Between 1941-1945, Philippine Literature was interrupted in its development when the Philippines were again conquered by another foreign country, Japan. Philippine literature in English came to a halt. Except for the TRIBUNE and the PHILIPPINE REVIEW, almost all newspapers in English were stopped by the Japanese.   This had an advantageous effect on Filipino Literature, which experienced renewed attention because writers in English turned to writing in Filipino. Juan Laya, who uses to write in English, turned to Filipino because of the strict prohibitions of the Japanese regarding any writing in English. The weekly LIWAYWAY was placed under strict surveillance until it was managed by Japanese named Ishiwara.      In other words, Filipino literature was given a break during this period. Many wrote plays, poems, short stories, etc. Topics and themes were often about life in the provinces. A. FILIPINO POETRY DURING THIS PERIOD      The common theme of most poems during the Japanese occupation was nationalism, country, love, and life in the barrios, faith, religion and the arts. Three types of poems emerged during this period. They were: 1. Haiku –a poem of free verse that the Japanese like. It was made up of 17 syllables divided into three lines. The first line had 5 syllables, the second, 7 syllables, and the third, five. The Haiku is allegorical in meaning, is short and covers a wide scope in meaning. 2. Tanaga...

Words: 742 - Pages: 3

Free Essay

Journalism

...History of Journalism in the Philippines Journalism has been a part of the Roces family. Their involvement had shifted from being mere publishers to defenders of press freedom. As we take a look in the history of journalism, we are to find out how the family became elemental in the development of the field. We areto learn how their contributions made them a significant dynasty in Philippine Print Media. Our glimpse of Philippine Journalism will be divided into seven era: Early Years The history of journalism in the Philippines goes back to the 16th century, the same period when England and Europe were starting on the proliferation of community newspapers. It was in the year 1637 when the "Father of Filipino Printing", Tomas Pinpin, launched the first Philippine newsletter called "Successos Felices" (Fortunate Events). The publication was written in Spanish and contained a 14-page report on current events. In 1799, following Pinpin's debut in printing, he again came up with his Hojas Volantes or "flying sheets". It was titled "Aviso Al Publico" (Notices to the Public), which served the Spaniards and had a role comparative to a "town crier." Surprisingly, it took a gap of a little more than a decade before the first actual newspaper, "Del Superior Govierno," was launched by Gov. Fernandez del Forgueras on August 8, 1811. It was the so-called first regularly issued publication that reported developments about Spain and Europe. It was also the first newspaper that included in...

Words: 4169 - Pages: 17

Free Essay

Poem

...araw mutyang mahalaga sa dagat Silangan kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis alindog sa kagalingan mo ay aking ding handog. Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip walang agam-agam, maluwag sa dibdib matamis sa puso at di ikahapis. Saan man mautas ay di kailangan, cipres o laurel, lirio ma'y putungan pakikipaghamok at ang bibitayan yaon ay gaon [?] din kung hiling ng Bayan. Ako'y mamamatay ngayong namamalas na sa kasilanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liwayway dugo ko'y isabog at siyang ikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw. Ang aking adhika sapul magkaisip ng kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsang masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit. Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyang kahihiyan. Sa kabuhayang ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyaw ng diwa pag hingang papanaw ngayong biglang bigla. Ikaw'y guminhawa laking kagandahang ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal, hininga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y masilong sa iyong kalangitan. Kung sa libingang ko'y tumubong mamalas sa...

Words: 627 - Pages: 3

Free Essay

Sanaysay

...SANAYSAY • Ang Sanaysay ang pinakagamitin sa halos lahat ng larangan ng mga mamamayan pampulitika, pang-ekukasyon, at iba pa. • Ang sanaysay ang laging ginagamit sa pagsagot sa isang bahagi ng pagsusulit, sa pagsulat ng liham, pag-uulat at pananaliksik, sa paglalahad ng mga kautusan,palibot-liham, alituntunin. Kahulugan ng Sanaysay • Sa diksyunaryo o Isang komposisyong pampanitikan sa isang natatanging paksa na higit na maikli at pormal kaysa alinmang akda Michael De Montaigne (9/15/1592- 2/28/1933) • lumikha ng sanaysay • pagtatangka o pagsubok sa bagong larangan ng panitikan ang mga kaisipan ay maaaring makipagsapalaran sa kanino mang mga kaibigan o kakilala • kung ang liriko ay sa panulaan, ang prosa ay para sa sanaysay Alejandro Abadilla (March 10, 1906-August 26, 1969) • kilalang makata at mananansay • Ang sanaysay ay kuha sa kahulugan ng pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay ng pagsasalaysay • idinugtong pa niya na walang iniwan sa isang tulang liriko sa larangan ng panunugma o pagtula at madalas ay sentido komon at nasa awtor Genoveva Edroza-Matute –(January 3, 1915- March 21, 2009) • Premyadong manunulat at mananasaysay • Ang sanaysay sa makitid na pagpapakahulugan ay pagtataya sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang maglalantad ng kaisipan, kuro-kuro o palagay, at ng kasiyahan ng manunulat upang umaliw, magbigay ng kaalaman, o magturo. • idinugtong pa niya na ang sanaysay ay isa na...

Words: 1061 - Pages: 5

Free Essay

Lalaki Sa Dilim

...Manila noong ika-16 ng Enero 1928. Ang kanyang magulang ay sina Domingo Pascual at Adriana Punongbayan. Napangasawa niya si Erminda Besabe at may lima silang anak. Nagsimulang sumulat si Pascual bilang isang kuwentista noong dekada 1950 bago sineryoso ang paiging isang nobeslista. Sumubok din siyan mag-ambag sa komiks, hanggang maging staff ng liwayway. Naging manunulat din si Pascual sa Ace Publication at hindi nagtagal ay inatasang maging staff para sa mga komiks na Espesyal, Hiwaga, Pilipino at Tagalog. Pinatunayan ni Pascual na may ibubuga siya sa pagsusulat kahit hindi siya nakatapos ng kursong Journalism sa Far Eastern University. Nagsulat din sa Ingles si Pascual at nagawa niyang makapaglathala ng ilang kwento sa Free Press at This Week Magazine. Sa labing dalawang kwento na naisusulat niya, anim lamang ang nakapapasa. Tinalikdan niya ang pagsulat sa Ingles makaraang makapagbulay, at hinarap niya ang hamon sa pagsusulat sa sariling wika. Bumukas ang pinto kay Pascual sa larangan ng panitikang Filipino nang ilathala ng Liwayway ang kanyang kuwentong “Ang Kulapi” noong 1952. Noong 1954, naging Literary Editor siya ng Liwayway at nagtagal iyon hanggang 1980. Tinatayang nakasusulat siya noon ng dalawang kwento kada buwan. Nagwagi ng dalawang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di ko Masilip ang Langit” (1981). Pagsapit ng 1975, nag-iba ang ihip ng simoy sa panulat ng mangangatha. Sineryoso niyang magsulat...

Words: 2649 - Pages: 11

Free Essay

The Feminine

...Output sa pilipino VI- Wisdom * Pamagat ng Aklat: Canal de la Reina * May- akda: Liwayway A. Arceo * Tagpuan: Bayan ng Canal de la Reina-isang tunay na pook sa Tundo, Maynila kung saan isinilang ang manunulat na si Liwayway A. Arceo. * Mga Tauhan: Pangunahing Tauhan: Ang mga tauhan sa nobela ay binubuo ng dalawang pamilya: ang pamilya de los Angeles at ang pamilya Marcial kaugnay ang kani-kanilang mga katiwala, si Osyong at si Ingga. A. Ang pamilyang de los Angeles–larawan ng maayos at may pagkakaisang pamilya. Sa mga wika nila sa nobela at sa pagsasalarawan ng may-akda malalaman na ang pamilyang ito ay may pinag-aralan at mayroon sa buhay. Salvador- inhinyero ng gawaing-bayan Padre de pamilya at mabuting asawa ni Caridad Caridad- Dating Caridad Reynante na naging maybahay ni Salvador Leni- maganda at mahilig sa pabangong Jasmine panganay na anak na babae nina Salvador at Caridad Junior- mas bata kay Leni ng limang taon ngunit mabulas at matipun Osyong- yumaong kababata ni Caridad B. Ang pamilyang Marcial - Magulo ang pamilyang ito sapagkat si Nyora Tentay lang ang maaaring masunod, walang maayos na komunikasyon kaya nagkakasamaan ng loob. Nyora Tentay- Matandang babaing hindi kukulangin sa anim na pung taong gulang, puti ang buhok at may matalim na mga mata. Victor- matangkad, malakas isa siya sa dalawang anak ni Nyora Tentay. Garcia- Maputi ang kutis, kitang-kita sa kanyang postura...

Words: 1367 - Pages: 6

Free Essay

The Research of My Project

...KABANATA 23 - ANG PANGINGISDA [pic] Sa dahilang ang tubig ay lubhang tahimik, ang mga baklad ay hindi lubhang nalalayo, at lubha pang maaga, ay pinagkasunduang iwan muna ang pagsagwan at ang lahat ay mag-agahan. Pinatay ang ilaw ng mga parol sapagkat ang bukang-liwayway ay nagpapaliwanag na sa kapaligiran. “Walang katulad ang salabat kung iinumin sa umaga bago magsimba!” ang sabi ni Kapitana Tika na ina ng masayang si Sinang; uminom ka ng salabat na kasama ng puto, Albino, at makikita mo, maiisipan mong muling magdasal.” “Iyon nga ang ginawa ko,” ang sagot ni Albino, “naiisip ko na ngang mangumpisal.” “Huwag!” sabi ni Sinang, “uminom kayo ng kape sapagkat nagbibigay ng masasayang kaisipan.” “Ngayon din, sapagkat nalulungkot ako ng kaunti.” “Huwag iyan!” paalaala sa kanya ni Tia Isabel, “uminom kayo ng tsa at kumain ng galyetas; sinasabing ang tsa ay nagpapatiwasay sa pag-iisip.” “Iinom po ako ng tsa na may galyetas!” sagot ng masunuring magpapari; “salamat na lamang at alinman sa mga iinuming ito ay hindi ang Katolisismo.” “Pero magagawa mo ba …? ang tanong ni Victoria. “Alin ang uminom pa ng sikulate? Aba, opo! Huwag sanang magtatagal ang tanghalian.” Kabanata XXIII PANGINGISDA Buod Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan. Ang mga...

Words: 624 - Pages: 3

Free Essay

Aking Ina

...Diche Kurso/Seksyon: BSPSY-1A I. Orihinal Na Tula May Lalambing Pa Ba? (Jose Laderas Santos, 2010) May lalambing pa ba sa salitang Ina, Na tigib ng lambing bigkasin pa lamang? May tatamis pa ba sa salitang Ina, Sa tamis na taglay…puno, umaapaw? May gigiting pa ba sa salitang Ina, Na ina ng mundo’t mundong kagitingan? May dadakilaba sa salitang Ina, Na simula’t wakas ng kadakilaan? Sa sinapupunan ng mahal na ina, Ay siyam na buwan, sanggol…dala-dala. Sa sangmaliwanag, nang magsilang siya, Ay nasa sa hukay…isa niyang paa. May hihigit pa ba sa salitang Ina, Na mapag-aruga sa sangkatauhan? May hihigit pa ba sa salitang Ina, Sa milyong ligaya’t milyong pagmamahal. May lalambing pa ba sa salitang Ina? Sanggunian: Liwayway Magazine – Mayo 31, 2010 – Pahina 2 II. Hawig Sa Pag-ibig Ni Nanay (Clarence T. Diche, 2012) Ilang tiis pa para malaman ang halaga? Na pag-alagang umaabot hanggang umaga. Dahil gustong makamtan ang malusog at ganda, Hindi alintana dahil isa kang biyaya. Ilang tulog pa para malaman ang halaga? Gabi-gabi ang ginugugol sa pag-aruga. Para ika’y tumahan, abala sa pagtimpla, Ngunit pag di pa sapat, ika’y magpapakarga. Ilang sakit pa para malaman ang halaga? Ang pabalang na sagot ng binata’t dalaga. Ang pagkakaroon ng asawa ng maaga, Ay ang simula ng pagkasira ng tiwala. Ilang hirap pa para malaman ang halaga? Para maalala ang pinanggalingang lungga. Ang mga nakaraan ay tila di sinasadya, Ngayo’y nagbalik dahil sa...

Words: 578 - Pages: 3

Free Essay

Noli Me Tangere

...Buod ng Noli Me Tangere nobela ni Jose P. Rizal Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra matapos mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang katipan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tyago. Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang binatamg hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga kababayan, gayundin marahil sa pagmamahal ng bayan sa kanyang yumaong ama. Nagdaos ng hapunan si Kapitan Tyago para sa pagbabalik ni Ibarra, naroon ang mga kilalang personalidad sa bayang iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan. Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso. Mababakas ang malamig na pagtanggap na Padre Damaso. Kapuna-puna rin ang panghahamak niya rito makalawang beses habang nagkukwentuhan sa hapag-kainan na pinalipas na lamang ng maginoong binata at sa halip ay nagpasya umuwi na lamang sa pagdadahuilang may mahalagang bagay pa siyang gagawin. Kinaumagahan ay nagpasya ang binata na dalawin ang kasintahang si Maria Clara at doon ay muli nilang ginunita nag kanilang pagmamahalan. Si Maria Clara ay larawan ng isang dalagang Pilipina na mapagmahala sa magulang, mahinhin, maganda at maka-Diyos.  Sa pag-uwi ng binata ay nakausap niiya si Tenyente Guevara, at ditto napag-alaman ang dahilan ng kamatyan ng kanyang ama na si Don Rafael, ang pinakamayamang Asendero sa kanilang bayan. Nalaman niya kung paanong idiniin ni Padre Damaso si Don Rafael sa kasalanang hindi niya sinasadya. Ito ay matapos na maipagtanggol niya ang isang...

Words: 917 - Pages: 4

Free Essay

Jollibee

...Jollibee Food Corporation Milestones / History 1975 * Mr. Tony Tan and his family opens a Magnolia Ice cream parlor at Cubao. This is later to become the 1st Jollibee Outlet 1979 * Spaghetti Special is introduced * 1st Franchise owned store opens at Ronquillo Sta. Cruz. 1985 * Jollibee becomes the market leader of the fastfood industry. * Breakfast Joys are introduced. * Langhap-Sarap awarded most effective ad campaign in the food category during the 9th Philippine Advertising Congress. 1992 * Jollibee sales hit the P3.365 billion. * Started using frozen patties for its popular hamburgers. * Improved softserve ice cream line by offering fruit flavored ice cream. * Acquired 73% if the Hamburger segment. * Opened another store in Jakarta, totaling to 2 stores in Indonesia. * Jollibee have 112 stores nationwide. * Maintained its advantage over its competitors by acquiring more than 50% share of the fast food industry. 2004 * The Chairman and Chief Executive Officer of the company, Mr. Tony Tan Caktiong was named the Ernst and Young’s 2004 World Entrepreneur of the Year 2008 * JOLLIBEE bested some of Asia Pacific’s biggest multinationals as it bagged the FMCG and F & B Asia Pacific Supply Chain Excellence Award at the SCM Logistics Excellence Award held in Singapore. * JOLLIBEE bested some of Asia Pacific’s biggest multinationals as it bagged the FMCG and F & B Asia Pacific Supply Chain Excellence...

Words: 1689 - Pages: 7

Premium Essay

Feminist Synthesis Essay

...Feminism and consciousness raising has moved in to the digital world, and in this it has used social media, blogs, and online testimonies to impacted feminism and consciousness raising in the modern twenty-first century, by allowing women to be heard. Social Media Social media has become a great ally for feminists and through social media websites such as Twitter; it is that women’s issues have become well know in the form of hash tags. Hash tags consciousness raising and covering issues with hash tags like #IWD2015, #BlackGirlsMatter, #WhyIStayed, #YouOkSis, amongst others. It is through these hash tags that women have begun to express themselves and let the whole world know about their struggles. Tweets like the one from tweeter kumander liwayway who describes how she remembers “thinking to herself that she would just have to wait till he died” because that is how trapped she felt. Tweets like this, although short, serve to illustrate how the third wave of feminism, has had a great impact. And it is not only one tweet, there are countless numbers of tweets being posted under that hash tag and these all serve to illustrate the scale of CR that has been reached ever since the second wave of feminism. And although social media has been a great ally to women, it has come with hardships. Trolls roam the Internet and they have attacked women by mocking them and making fun of theirs stories. Surprisingly though, social media websites like Twitter have also become a safe haven for women...

Words: 1883 - Pages: 8

Premium Essay

Art Is the Product of Its Time and Place

...UNIVERSITY OF NORTHEASTERN PHILIPPINES City of Iriga COLLEGE OF EDUCATION ------------------------------------------------- PHILIPPINE LITERATURE Reviewer (Midterm Examination) LITERARY WORKS IN DIFFERENT PERIODS | AMERICAN REGIME (1898-1941) | 1. EL NUEVO DIA (The New Day) - newspaper | Sergio Osmeña (1900) | 2. EL GRITO DEL PUEBLO (The Call of the Nation) – newspaper | Pascual Poblete (1900) | 3. EL RENACIMIENTO (The Rebirth) – newspaper | Rafael Palma (1901) | 4. KAHAPON, NGAYON, AT BUKAS – play 5. NAPON, NGENI, AT BUKAS (Kapampangan) - play 6. LUHANG TAGALOG - play | Aurelio Tolentino | 7. TANIKALANG GINTO – play | Juan Abad | 8. MALAYA – play | Tomas Remigio | 9. WALANG SUGAT – play | Severino Reyes | 10. A RIZAL (To Rizal) – poem | Cecilio Apostol | 11. CRISALIDAS – book of poems 12.1. INVOCACION A RIZAL (Call to Rizal) – poem | Fernando Ma. Guerrero | 12. REMEMBRANCE AND FORGETFULNESS – debate | Jesus Balmori (Batikuling) | 13. OLVIDO (Forgetfulness) – debate | Manuel Bernabe | 14. BAJO LOS COCOTEROS (Under the Coconut Trees) – book of poems 15.2. ANTE EL MARTIR (Before the Martyr) – poem | Claro M. Recto | 15. EL NIDO (The Nest) – song | Adelina Guerrea | 16. AROMAS DE ENSUEÑO (Scents of Dreams) – book | Isidro Marpori | 17. LA PUNTA DE SALTO (The Place of Origin) – legend | Macario Adriatico | 18. DECALOGO DE PROTECCIONISMO | Pedro Aunario | 19. FLORANTE AT LAURA | Francisco Balagtas...

Words: 1218 - Pages: 5

Free Essay

Vinzons Pilot High School

...Layunin Layunin ng papel na ito ang ilahad sa lahat ng mga mambabasa at potensiyal na mambabasa ang kasaysayan, ilang impormasyon at mga bagay-bagay na may kaugnayan sa paaralang aking pinagmulan – ang Vinzons Pilot High School, sa lalawigan ng Camarines Norte. Isa pang layunin ng papel na ito ay para makabahagi ang nagsulat ng artikulong ito ng kanyang mga karanasan bilang isang dating mag-aaral ng nasabing paaralan. Layunin din ng tagapagsaliksik ng papel na ito na mailagay sa mapa ng isipan ng kanyang mambabasa ang ideya tungkol sa kanyang napagtapusang paaralan. Hayaan niyo sanang maging gabay ninyo ang aking nasaliksik at nalikom na impormasyon para magabayan kayo sa isang paglalakbay patungo sa aking paaralang minahal at sinubaybayan sa loob ng apat na taon kong pag-aaral. Marapat lamang na bigyang pugay ang institusyong aking kinalakihan at kinamulatan. Maraming bagay akong natutunan sa nasabing paaralan at tama lamang na sa ganitong paraan, makapag-bigay ako ng pugay sa aking paaralan. Nararapat lamang na makatanggap ng isang simpleng parangal mula sa mga estudyante ang isang paaralan na nag-hubog at luminang sa aming mga kakayahan. Ito ang aking paraan – ang ipakilala ang aking paaralan sa lahat ng taong maaaring makabasa nito. Maliban sa lahat ng nabanggit ko, layunin din ng pananaliksik na ito ang ipakilala ang munting bayan ng Vinzons sa mga mambabasang maaaring hindi nakaaalam na mayroong bayang nagngangalang Vinzons sa lalawigan ng Camarines Norte. Pangkalahatang...

Words: 2683 - Pages: 11