...Kahulugan ng Pananaliksik Ayon Sa Mga Dalubhasa Ang pananaliksik ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan. Ang pananaliksik ay isang makaagham na pagsisiyasat ng phenomena, ideya, konsepto, isyu at mga bagay na kinakailangang bigyang linaw, patunay o pasubali. Ayon kay Good (1963), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito. Ayon kay Aquino (1974), ang pananaliksik ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ayon kina Manuel at Medel (1976), masasabing ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. ...
Words: 1164 - Pages: 5
...Presentasyon at Interpretasyon ng Datos Filipino Presentasyon ng mga Datos * Sa pananaliksik, ang presentasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-oorganisa ng mga datos sa lohikal, sikwensyal, at makahulugang kategorya at klasipikasyon ayon sa isinasagawang pag-aaral at interpretasyon. * Calderon at Gonzales: nagtukoy ng tatlong paraan ng presentasyon ng mga datos na nakalap sa pananaliksik: * Tekstwal * Tabular * Grapikal Tekstwal na Presentasyon * Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos * Layunin: upang maipokus ang antensyon sa ilang mahahalagang datos at upang magsilbing suplement ng presentasyong tabular at grapikal * Ayon kay Bernales et al: kailangan nitong taglayin ang mga ss na katangian – * Kaisahan: pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng talata * Kohirens: pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa loob ng talataan * Empasis: pagbibigay ng angkop at sapat na diin sa datos na nangangailangan niyon. * Bukod sa tatlo, dapat din nitong taglayin ang mga sumusunod na katangian: * Malinaw: ang mga pangungusap ay hindi Malabo o hindi maaaring magbunga ng iba’t ibang interpretasyon * Tuwiran: iwasang maging paliguy-ligoy ang mga pahayag. * Tandaang ang tekstwal na presentasyon sa pananaliksik ay isang teknikal na sulatin at hindi isang akdang literari o malikhain. * Maikli: sa teknikal na pagsulat, ang brevity ay isang pangangailangan * Wasto ang grammar: kailangang maging maingat sa konstruksyon...
Words: 540 - Pages: 3
...ginagami, pamamaraan sa pangangalap ng mga datos, mga instrumentong ginagamit sa pangangalap ng mga datos, at pamamaraan sa pagsusuri ng mga datos na nakalap. Disenyo ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng “Disenyong Palarawan”. Inilarawan dito ang kasalukuyang ginagamit na mga pagdulog, pamamaraan, teknik at naaangkop ito sa mga estudyanteng mahihilig maglaro ng Online games tulad ng Clash of Clans, Marami itong epekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kanilang kalusugan at sa pakikipag-ugnayan nila sa ibang tao. Ang pamamaraan na ginagamit sa pangagalap ng mga datos ay ang “Pamaraang Sarbey”. Lokal Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa ACLC(AMA) College of Mandaue na matatagpuan sa Mandaue City, Cebu. Ayon sa ginawang pananaliksik at pag-aaral na ito tungkol sa Social Networking Sites, Sinabi nila dito na sa paglabas ng kompyuter at pangkonekta nito sa internet, nabuksan din ang ibat-ibang tsanel na maari nating magamit sa pakikipagkapwa at pakikipagpalitan ng impormasyon upang mapanatili ang ating mga gawain at mapabilis ang proseso ng pagkatuto at pagaaral. Respondente Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay maaaring sumagot sa baway talatanungan na aming ipapamahagi ay ang mga naglalaro ng online games. Talahanayan 2 Mga tagatugon ng Pag-aaral Pangkat | Guro | Tagatugon | Accountancy | 36 | 18 | IT | 36 | 18 | HRM | 33 | 17 | CBA | 34 | 17 | Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos Ang pamamaraan ng pangangalap ng datos ay nagsisismula sa...
Words: 500 - Pages: 2
...University of Perpetual Help System Laguna – Jonelta Sto. Niño, City of Biñan, Laguna “PANANALIKSIK UKOL SA EPEKTO NG PANINIGARILYO” Isang Pamanahong – Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Arte at Siyenya DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito napinamagatang Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo Ipinasa Nina: * Acero, Aphodite Venus P. * Francisco, Precious Joy G. * Gigawin, Madel Angela P. * Ocampo, Lois Ma. Levine B. * Roscain, Shien G. * Zamora, Rick Raymund B. PASASALAMAT Buong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito kay Ginoong Villanueva ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapagandaat mailathala ang aming papel,- sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ngmahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ngkabutihan na lubos na nakatulong sa amin,- sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindiako maliliwanagan at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upangmatapos ang aking pinaghirapang trabaho. Muli, maraming-maraming salamat...
Words: 2856 - Pages: 12
...Ikaw na nagbabasa ngayon, pustahan tayo, ayaw mo ng math. Maraming estudyante, matalino man o hindi, taga-kolehiyo o mataas na paaralan, Pinoy o Amerikano, pribadong paaralan o publiko, mataba o payat, ang nasisindak sa lagim at panay ang reklamo sa hirap na dulot nito. Bihirang-bihira ang makakita ng taong lantarang sasabihin ang kahiligan sa mga nakababasag ulong mga cosine function o logarithmic expressions. Ngunit, bakit ganito na lamang kanegativo ang reaksyon nating mga estudyante sa asignaturang ito? Inisa-isa ni Wichael (n.d.) sa artikulo niyang “Why some teens dislike math and science” ang mga dahilan kung bakit kinapopootan ang hilig ng mga walang malay na matematisyan. Ang ilan sa kanyang mga punto ay bibigyang linaw sa mga sumusunod na talata: Kawalan ng Pagunawa. Ang isa sa mga pinaka karaniwang katwiran ng mga estudyante ay ang kawalan ng pagunawa sa isa o dalawang mga aralin ng kurso. Madalas, sa matematika, ang pagkakaturo ng mga leksyon ay sa paraang mula sa pinaka madali hanggang sa pinaka mahirap, at kung ang estudyante ay mawawalan ng pagunawa sa bandang gitna ng proseso, mararamdaman niyang siya ay “nawawala”. Mas mapapalala ang sitwasyon kung iba-iba ang bilis ng pagkakatuto ng isang lupon ng mag-aaral: may mga maiiwan, may mga mauuna, at walang magagawa ang guro kundi magpatuloy sa pagtuturo. Maaari ring hindi sanay sa matinding pagaaral sa bahay ang bata, o magulo ang pagkakaturo ng leksiyon. Gayunman, kung hindi naiintindihan kahit ang...
Words: 716 - Pages: 3
...Maynila Main (Mabini) Campus Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika Departamento ng Filipinolohiya Taong 2009-2010 ISANG PANANALIKSIK TUNGKOL SA MGA BATAYAN NG PAGIGING ISANG IDEYAL NA PINUNO Isang Pag-aaral na iniharap sa Kaguruan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Bilang Kahingian sa Filipino 1023 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Mananaliksik: Agulay, Vivian Zen D. Taon/Kurso/ Seksyon: BSBA-HRDM I-2d Propesor: Gng. Victoria Apigo Pebrero 2010 PANIMULA “Pagbabago sa isip, sa salita at sa gawa” Isa lamang ito sa mga di maubos na daing ng mamamayan kung ang pag-uusapan ay ang pulitika. Sa kadahilanang naging saksi ang bayan sa nakalululang paglalantad ng iba’t ibang kaso at eskandalo sa pamahalaan. Marami man ang nawawalan na ng pag-asa subalit simple lang ang mensahe ng pagbabago at may posibilidad na ito ay mangyari pa sa henerasyon ngayon. Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay isang mabisang instrumento upang muling gisingin ang nahihimlay na diwa ng taumbayan pagdating sa usaping pulitika. Sapagkat nasa kamay ng mga susunod na pinuno ang pagbabagong inaasam ng bawat isa. Gayunpaman, nakapokus ang pananaliksik na ito sa mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno. Sa tulong nito ay may posibilidad na mabago ang persepsyon ng mamamayan sa tamang pagpili ng nararapat na mamuno ng bansa. Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang-linaw ang mga haka-haka ng taumbayan tungkol sa kung may pag-asa pa kayang makabangon ang bansang ito...
Words: 6865 - Pages: 28
... METODOLOHIYA Makikita sa bahagi ng pananaliksik ang mga kagamitan at paraang ginamit ng mga mananaliksik upang makatulong sa kanilang pag-aaral. Ang kagamitan at ang pamamaraang ito ay ang pinakamahalaga sa pag-aaral na ito. Ang bahagi ng pananaliksik na ito ay naglalaman at nahahati sa mga a.) Metodolohiya ng Pananaliksik b.) Pantulong na Instrumento c.) Kalahok sa Pananaliksik at d.) Mga hahakbangin ng Pananaliksik. METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay gagamit ng pamaraang deskriptib (Discriptive Case Study), na kung saan ang mga mananaliksik ay mangangalap ng mga impormasyon at pagseserbey. Ang grupo ng mananaliksik ay magsasagawa ng serbey sa lahat ng mag-aaral ng St. Andrew's School. Ang pagkuha ng impormasyon na ito ay magiging batayan ng kanilang pag-aaral. Ito ay makakatulong sa mga mananaliksik upang mahanap ang kasagutan sa pag-aaral na ito. PATULONG NA INSTRUMENTO Ang mga kagamitang pang pananaliksik ay mahalaga upang makakuha ng impormasyon ang mga mananaliksik. Ang mananaliksik ay gagamit ng Survey Forms na sasagot sa mga katanungan ng mga piling mag-aaral. Ang Survey Forms na ito ay may mga nilalamang katanungan ukol sa suliranin ng pag-aaral. Maliban sa mga Survey Forms, ang mga mananaliksik ay makikipanayam sa mga mag-aaral upang higit na maunawaan ang kanilang panig at kasagutan. KALAHOK SA PANANALIKSIK Ang kalahok sa pag-aaral na ito ay ang lahat ng mga mag-aaral ng...
Words: 509 - Pages: 3
...pamanahong-papel na ito na pinamagatang “Epekto ng mga MakabagongTeknolohiyang Ginagamit sa mga Pasyenteng may Malalang Sakit´ ay inihanda at iniharap ng mag-aaral mula sa: Tinatanggap ang Pamanahong Papel na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino, Governor Feliciano Leviste Memorial National High School sa bayan ng Lemery lungsod ng Batangas, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino. TALAAN NG NILALAMAN KABANATA I, Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral * Panimula * Paglalahad ng Suliranin * Kahalagahan ng Pananaliksik * Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral * Paradigma ng Pag-aaral * Paglalahad ng Haypotesis * Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino KABANATA II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura * Lokal na Literatura * Dayuhang Literatua KABANATA III, Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik * Paraan ng Pananaliksik * Mga Pokus ng Pag-aaral * Mga Instrumentong Pampananaliksik * Tritment ng mga Datos Listahan ng mga Sanggunian * Aklat * Journals * Internet KABANATA I Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral Panimula Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao. Maraming karamdaman ang umiiral sa ating bansa, karaniwa’y aspetong pisikal ang apektado di kaya nama’y ang mga organ sa loob ng...
Words: 1944 - Pages: 8
...FILIPINO (PANANALIKSIK) Pananaliksik – bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. – maaaring pang-isahan o kaya’y panggrupo – sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao Aquino – ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impor- masyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan Manuel at Medel – ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan Parel – ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik Treece at Treece – ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon Atienza atbp. – (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK • Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso. • Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema...
Words: 1554 - Pages: 7
... Ipinasa kay: Bb. Brenda Hermogeno (Guro, Filipino 102) Pasasalamat/Pagkilala Sa ilang linggo na pananaliksik ng mga mag-aaral ng Pangasinan State University sa kanilang paksa ay tagumpay nila itong nagawa ng mabuti para sa kanilang pamanahong papel sa asignaturang Filipino 102. Sa likod nito, ay may mga taong naging dahilan para magawa nila ito. Kaya naman ang mga mag-aaral ay lubos na nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng pananaliksik nila. Kay Gng. Corazon A. Aquino na may-ari ng isa sa mga stall sa Malimgas Market para sa tulong na ginawa nila sa pamamagitan ng pagsagot sa aming mga katanungan at pagbibigay ng mga mahahalagang impormasyon o datos na aming kinakailangan at iba pa. Kay Ma’am Marissa Fabon na manedyer ng Product Center para sa iba pang mga impormasyon tungkol sa mga produkto ng lungsod at ang produksyon ng bangus na nakapagbigay sa amin ng ideya tungkol sa aming paksa. Sa aming guro na si Bb. Brenda Hermogeno na gumabay din sa amin para sa pamanahong papel na ito. Sa mga mag-aaral na naging bahagi ng pananaliksik at walang sawang nagtulong-tulong upang magkaroon ng magandang presentasyon at interpretasyon ng mga datos na kanilang nakalap. Higit sa lahat sa Panginoon na nagbigay sa amin ng gabay, talino at kakayahan upang mabuo ang pamanahong papel na ito. Maraming, maraming salamat...
Words: 1301 - Pages: 6
...Kabanata III METODO NG PANANALIKSIK Ang kabanata na ito ay tungkol sa metodo ng pananaliksik kung saan inihahayag ng mga mananaliksik ang mga nakuhang datos, ideya at impormasyon sa aming pananaliksik. Ang kabanata na ito ay binubuo ng limang bahagi, ito ang pamamarang ginamit, pangangalap ng datos, instrumenting ginamit, deskripsyon ng kalahok at komputasyong estadistikal. Pamamaraang Ginamit Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pamamaraan. Sa tulong ng teknolohiya, ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay gumamit ng ibat-ibang basehan at hanguan upang makakalap ng impormasyon. Pangangalap ng Datos Ang mga mananaliksik ay mayroong ibat-ibang ginawang hakbang sa pangangalap ng datos. Ang mga mananaliksik ay binigyan ng karampatang panahon upang makakalap ng datos para sa aming pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay pumunta sa silid-aklatan at yung iba naman ay nag research sa internet upang makakuha ng ideya at mga impormasyon para sa aming pananaliksik. Ngunit limitado lamang ang aming nakuhang impormasyon sa silid-aklatan kaya kumuha kami ng ibang ideya at impormasyon sa internet. Mas maraming datos ang aming nakuha sa Internet. Ang mga nakalap naming datos at impormasyon ay malaking tulong sa aming pananaliksik kung saan mas napadali ang paghahanap namin ng ideya at impormasyon tungkol sa aming pananaliksik kung saan tungkol ito sa kapasidad ng baterya ng piling ibat-bang brand ng selpon sang ayon sa mga piling mag-aaral ng TIP-Quezon City. Instrumentong...
Words: 305 - Pages: 2
... kung saang asignatura ito pangagailangan, kung sino ang gumawa at komplesyon. Nagmukhang inverted pyramid ang pagkakaayos nito. c) Dahong Pagpapatibay – ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at pagkakatanggap ng guro ng pamanahong-papel. d) Pasasalamat o Pagkilala - tinutukoy rito ang sinumang nakatulong ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik gayo’y nararapat na pasalamatan. e) Talaan ng Nilalaman - nakaayos ang pagbabalangkas ng mga bahagi at nilalaman ng pamanahong papel at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. f) Talaan ng Talahanayan o graf - nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa. g) Fly Leaf 2 – isang blangkong papel o pahina bago ang katawan ng pamanahong papel. KABANATA 1. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO a) Ang Panimula o Introduksyon >ay isang maikling talataang kinapapalooba n ng pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik. b) B. Layunin ng Pag-aaral > inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan...
Words: 898 - Pages: 4
...Ibang Disiplina Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito na pinamagatang “Dulot ng Reproductive Health Bill (RH Bill) May Asawa at Planong Mag-asawa” ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik mula sa A18 na binuo nina: Kristian Jocson Jerwyn Ballesteros Michael Padas Mercado Tinatanggap ang pananaliksik na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino, ICCT Foundation Inc, Cainta, Rizal, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Tungo sa Pananaliksik. Bb. Anagine Sindac Guro – Filipino PAGHAHANDOG Lubos ang aming pasasalamat sa mga nagsilbing aming inspirasyon at mga nagging bahagi ng pananaliksik na ito. Una sa lahat nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa amin. Sa kanyang pag-iingat at paggabay sa aming mga gawain sa araw-araw at sa mga biyayang walang hanggan na siyang nangunguna na naging dahilan ng aming pananatili sa mundong kanyang nilikha. Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-aaral at pagbibigay sa lahat ng suportang moral at maging pinansyal, upang kami ay makapanaliksik nang maayos at para maipagpatuloy ang aming pag-aaral. At higit sa lahat, sa pinakamamahal at kagalang-galang naming guro na si Bb. Anagine Sindac na walang sawang gumabay sa aming pag-aaral sa asignaturang Filipino 2. Gayundin sa bawat kasapi ng aming pangkat na nagbigay at nagbuhos ng oras at pagod upang ang pananaliksik na ito ay maisakatuparan...
Words: 990 - Pages: 4
...EPEKTO NG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA BUHAY NG TAO Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Arte, Syensya at Edukasyon sa Unibersidad ng Batangas Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik Iniharap kay Gng. Emilia Laguardia Guro sa Filipino 2 Marso,2012 DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinamagatang “Epekto ng mga Makabagong Teknolohiya sa Buhay ng Tao ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik mula sa isang grupo na binubuo nina: Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. PASASALAMAT Buong-puso namin pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa matagumpay na pagbuo pamanahong-papel na ito: - , ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda at mailathala ang aming papel, - , para sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong mailathala ang aming pamanahong papel sa kanilang website, ang Tinig.com, - sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aming pinaghanguan ng aming mahahalagang impormasyon sa una at ikalawang kabanata ng pamanahong papel...
Words: 819 - Pages: 4
...epekto sa mga estudyante ng Unibersidad ng Bulakan B. Paksa at Suliranin -Pagtukoy ng Paksa Ang paksa ng pananaliksik na ito ay ang mga games na nilalaro ng mga estudyante at ang mga masasamang epekto nito sa bawat isa sa kanila. -Paglalahad ng Suliranin Sa kasalukuyan nakikita ng mga mananaliksik na malaki ang epekto sa mga estudyante ng BulSU ang paglalaro ng computer games at ito ay nakaka apekto sa kanilang mga grado. -Pansarali o Panlipunang udyok sa pag pili ng paksa Ang mga mananaliksik ay kasalukuyang estudyante ng BulSU na gustong ipaalam sa mga estudyante kung ano-ano ang mga maaring masamang mangyari kapag ikaw ay naglalaro ng mga kompyuter games. Ang mga mananaliksik ay isa rin sa mga manlalarong nakakaranas ng mga bagay na nakakasama sa kanilang kalusugan pati na rin sa kanilang grado sa eskuwelahan. Gusto rin nila malaman kung paano ba ito mawawaksi o maiiwasan at upang makatulong din sila sa mga taong nakakaranas nito. C. REBYU / PAG-AARAL Sa pananaliksik na ito halos lahat ng impormasyon na pinagkuwaan ng mga mananaliksik ay ang internet. D. LAYUNIN A. Pangkalahatan - Layunin ng pananaliksik na ito ang maipakita ang lumalaking bilang nang mga mag-aaral na nagkakaroon ng adiksyon sa pag-lalaro ng kompyuter games, at kung bakit nawawala na ang interes ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral nang dahil dito. B.Tiyak -Layunin ng pananaliksik na ito na makahanap ng mga impormasyon kung ano-ano ang mga epekto sa paglalaro ng kompyuter games at kung paano...
Words: 1902 - Pages: 8