...batang Pinoy ang hindi dumaan sa paglalaro ng taguan-pung? Bagaman isa itong sikat na larong pambata, hindi maituturing na pambatang babasahin ang Taguan-Pung at Manwal ng mga Napapagal (UST Publishing House, 2006) ni Eros S. Atalia, isang propesor sa Filipino sa Faculty of Arts and Letters. Tinatalakay nito ang mga morbid na isyu gaya ng pagpapakamatay. Bukod sa ito ang unang libro ni Atalia, ito rin ang unang koleksiyon ng mga dagling katha o flash fiction sa Filipino na binigyang buhay ng mga dibuho ni Jaime Pacena III, isang propesor sa College of Fine Arts and Design. Karaniwang binubuo ng hindi hihigit sa 2,000 salita ang mga dagling katha, hindi katulad ng ordinaryong katha na binubuo ng 2,000 hanggang 20,000 salita. Nahahati sa dalawang bahagi ang aklat: ang ?Taguan-Pung,? na binubuo ng 14 na dagling katha; at ang ?Manwal ng mga Napapagal,? isang ?gabay? sa pagpapatiwakal ayon sa karakter na si Karl Vlademir Lennon ?Intoy? J. Villalobos. Umiikot ang paksa ng ?Taguan-Pung? sa kabataan at sa mga nakakatuwang sitwasyong kanilang kinakaharap kahit sa paglalaro. Isang halimbawa nito ang kuwentong ?Cleanliness is Right Next to Godliness,? kung saan kinailangang dakutin ng isang batang lalaki ang sariling duming umapaw mula sa baradong inidoro. Sa sitwasyong ito, wala siyang ibang maasahan sa kubeta kundi ang sarili. Nakakaengganyong basahin ang mga kwento sa koleksiyong ito dahil sa sorpresang twist sa bandang huli, gaya na lamang sa ?Telebisyon: Kapuso ng Bawat Kapamilya...
Words: 791 - Pages: 4
...Metro Manila Ang teoryang feminismo at ang mga nagtaguyod nito: Isang pagsusuri Joan Loraine V. Naife IV-St.Scholastica G-15 Jan.28,2014 S.Y 2013-2014 Gng.Roxanne Cabrejas I.Panimula A.Saligan ng pag aaral Ang mga Pilipino ay maraming kakayahan sa lahat ng mga bagay-bagay, ngunit nagkakaiba lamang ito sa uri ng paggawa. Ditto sa pilipinas mapa babae o lalaki ka man kayang kaya gawin ang lath ngunit bakit ang akala nang karamihan hindi kaya ng mga babae ang ginagawa ng mga kalalakihan sapagkat ang karamihan sa ay mahina at hindi kayang gawin ang trabaho o tungkulin ng isang lalaki pero para sa akin ay pantay pantay lamang ang lahat.Bago ko simulant itong term paper ko nais ko munang ibahagi ang kahulugan ng feminism.Feminism uri ng teorya na naglalaman ng pag kakaroon ng karapatan ng mga babae upang gawin ang mga nagagawa ng lalaki at makipagsabayan kung ano ang ginagawa ng kalalakihan. Ang pag aaral ng feminism ay ang pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki. Ang pagkakapantay-pantay ng diskriminasyon sa pagitan ng babae at lalaki. Ang pagkakapantay-pantay ng magkainbang kasarian ay mahalaga ngayon sa ating panahon dahil hndi lahat ng mga Gawain ay nakalimita lang sa lalaki o babae.minsan ay may mga bagay ngayon na hindi lamang ang lalaki ang nakakagawa. Ang isang halimbawa ditto ay ang pamamaneho. kapag naririnig natin ang trabahong ito,karaniwang nasa isip natin ay ang mga kalalakihan ang gumagawa nito ngunit normal...
Words: 2254 - Pages: 10
...Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa. Maynila Main (Mabini) Campus Kolehiyo ng mga Wika at Linggwistika Departamento ng Filipinolohiya Taong 2009-2010 ISANG PANANALIKSIK TUNGKOL SA MGA BATAYAN NG PAGIGING ISANG IDEYAL NA PINUNO Isang Pag-aaral na iniharap sa Kaguruan ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Bilang Kahingian sa Filipino 1023 Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Mananaliksik: Agulay, Vivian Zen D. Taon/Kurso/ Seksyon: BSBA-HRDM I-2d Propesor: Gng. Victoria Apigo Pebrero 2010 PANIMULA “Pagbabago sa isip, sa salita at sa gawa” Isa lamang ito sa mga di maubos na daing ng mamamayan kung ang pag-uusapan ay ang pulitika. Sa kadahilanang naging saksi ang bayan sa nakalululang paglalantad ng iba’t ibang kaso at eskandalo sa pamahalaan. Marami man ang nawawalan na ng pag-asa subalit simple lang ang mensahe ng pagbabago at may posibilidad na ito ay mangyari pa sa henerasyon ngayon. Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay isang mabisang instrumento upang muling gisingin ang nahihimlay na diwa ng taumbayan pagdating sa usaping pulitika. Sapagkat nasa kamay ng mga susunod na pinuno ang pagbabagong inaasam ng bawat isa. Gayunpaman, nakapokus ang pananaliksik na ito sa mga batayan ng pagiging isang ideyal na pinuno. Sa tulong nito ay may posibilidad na mabago ang persepsyon ng mamamayan sa tamang pagpili ng nararapat na mamuno ng bansa. Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang-linaw ang mga haka-haka ng taumbayan tungkol sa kung...
Words: 6865 - Pages: 28
...2016 I.Layunin ANO ANG MGA LAYUNIN NG ISYUNG ITO? A.) Naipapaliwanag ang mga salik o dahilan ng kahirapan sa bansang Pilipinas. B.) Napapahalagahan ang mga aksyon hindi lamang ng pamahalaan kundi pati narin ang mga Pilipino upang mabawasan ang kahirapan sa bansa. C. Nakakapagbigay ng alternatibo sa dapat na maging tunguhin ng Pilipinas ukol sa pagkitil ng kahirapan. II. Paunang Salita TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO? Ikaw ay nasa ika- 1 ng modyul pa lamang. Sa puntong ito, hindi pa gaano kalawak ang iyong kaalaman kung ano ang isyu na isinasaliksik sa modyul na ito, Ang kaalaman na ito ay maaari mong magamit upang mas maunawaan ang mga dahilan, salik at pinagmumulan ng kairapan ng isang bansa. Maraming problema ang kinakaharap ng bawat bansa ito ay mabibigat at madalas itong isinisisi sa gobyerno ng bansa at ang maling pamamalakad ng isang bansa, ito nga ba ang dahilan ng mga pagkakalulong ng tao na dulot ng kahirapan? Ang modyul na ito naglalaman ng makabuluhang isyu na kinakaharap ng buong mundo sa kasalukuyan. Ito ay naglalayon na maipahayag sa lahat ng tao lalo na sa mga kabataan ang mga nagiging sanhi at bunga ng mga isyu na ito sa pang araw-araw na pamumuhay ng bawat tao. Ito ay hindi lamang para sa kabataan ngunit ito ay para sa lahat ng tao dahil ito ay nagbibigay ng sapat na impormasyon sa bawat isa upang malaman ang mga tinatago at mga nilalantad ng bawat bansa patungkol sa problema, kasaganahan at kaunlaran ng bawat bansa.Ito ay...
Words: 3068 - Pages: 13
...Dalawang Mukha ng Pakikibaka ng Kababaihan sa Panahon ng Kolonyal na Paghahari ng Estados Unidos sa Pilipinas I. Usaping Pangkasarian: Pagtanggal sa pagkakahon sa mga kababaihan: Hindi mahina ang mga kababaihan at hindi totoo na sa loob lamang sila ng tahanan. Marami silang naging ambag upang makamit ang kalayaan mula sa mga mananakop. Ang mga kababaihan sa larangan ng pulitiko ay natutong lumaban upang sila rin ay makaboto katulad ng mga lalake. Sa pang-ekonomiyang dahilan naman ay lumaban din mga kababaihan kasabay ng mga kalalakihan upang matamo ang makatarungang sahod. Nabanggit din na maraming mga kababaihan ang propesyunal tulad ng abogada at doktora, babaeng sumali sa pulitika at mga kababaihang lider ng mga organisasyon. II. Institusyon: Pamilya: Binanggit sa teksto na ang matapang na pakikilahok ng mga kababaihan ay nag-uugat sa mga gampanin nila sa pamilya katulad ng pagtulong sa asawa, ama o kapatid sa larangan ng pulitika, pagpapa-aral sa mga anak at pagpapakain sa pamilya. Paaralan: Ang institusyong ito ay naging bukas kinalaunan sa pagkilala ng pantay na karapatang ng mga lalaki at babae ngunit ang mga maykayang babae lamang ang tuwirang nakinabang dito. III. Kapangyarihan: Ang mga kababaihan ay nagpakita ng kapangyarihan mula sa loob sapagkat malay sila sa mga karapatang kanilang ipinaglalaban katulad ng pagmimithi sa pantay na karapatang tinatamasa ng mga kalalakihan. IV. Tindig ng teksto at tindig sa teksto: Sang-ayon ako sa layunin ng teksto na ipakita...
Words: 2443 - Pages: 10
... Kapag nakapagtapos ka ng hayskul, ano ba ang dapat na sunod mong gawain? Dapat ba na magtrabaho ka na o tumuloy sa pag-aaral at pumasok sa isang kolehiyo o unibersidad? Kapag pinili mo magtrabaho, sa tingin mo ba makakakuyha ka ng magandang trabaho kahit wala kang diploma? Kung pipiliin mo naman maging propesyonal at mag-aral pa, anong kurso ang kukuhanin mo? Ito ang mga tanong na madalas kinakaharap ng mga nagtatapos ng edukasyon sekondarya. Nagnanais tayo na magkaroon ng magandang buhay at ang mga simpleng desisyon natin ay maaring makaapekto sa ating kinabukasan. Sa pagkuha ng kursong tatahakin mo sa unibersidad, madaming salik ang kailang i-konsidera sa pagkuha na ito. Maaring isama dito sa mga salik na ito ang familiarity sa kurso, pagiging in-demand ng kurso, madaming job opportunities, ang unibersidad o eskwelahan na papasukan, at syempre kung may hilig o natural na galing ka sa kursong iyon. Mayroon bagong kurso na ino-offer ngayon sa iba’t-ibang unibersidad. Ito ay ang Bachelor of Arts in International Studies. Ang kurso na ito ay nakapailalim sa kursong Political Science. Mapag-aaralan ditto ang politika, ekonomiya, kultura, at sistemang sosyla sa bawat parte ng mundo. Dahil ito ay bagong kurso pa lamang, ito ay hindi pa gaanong kilala o pamilyar sa nakararami tulad ng mga kursong BS Nursing, AB Fine Arts, BS HRM, at marami pang iba. Isa na ang Far Eastern University sa mga unibersidad na mayroong kursong AB International Studies. Ang kursong ito sa FEU ay hindi...
Words: 5055 - Pages: 21
...Masasabi ko ngang mayaman ang ating bansa sa wika sapagkat mayroon tayong iba’t ibang pagkakasalin sa iisang salita. Mayaman nga ang ating wika ngunit may pagka-negatibong epekto din ito, dahil hindi lahat ng mga Pilipino ay nagpakadalubhasa sa ating wika. At hindi lahat ay nakapagbabasa, nakapagsasalita, nakapagsusulat at nakakaintindi ng lahat ng mga wikain sa ating bansa. Ipinanukala ni Pangulong Manuel L. Quezon ang isang Kautusang Tagapagganap Bilang 124, Serye 1937 na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay batay sa Tagalog. Tatlong taon makalipas ang pagpapanukala, ay sinimulan na din ang pagtuturo ng wikang pambansa sa mga paaralang pampubliko at pribado. Noong taong 1959, ang wikang pambansa ay tinawag na Pilipino batay na rin sa Tagalog. At sa Konstitution ng 1986, Arikulo XVI, seksyon 6, nakasaad dito pinapalitan na ang tawag ng wikang pambansa, at ginawang Filipino ang Pilipino, upang mabigyan ng tamang distinksyon ang tawag sa tao at sa wika, na ang tao ay Pilipino at ang wika ay Filipino. Sa pamamagitan ng batas na ito nagkaroon ng pambansang pagkakaunawaan at global na pagkakakilanlan ang mga Pilipino. Nagkaroon din ng pangkalahatang pagkakaintindihan sa mga iba’t ibang pananaw, saloobin at kuro-kuro ng bawat indibidual. Sa kasalukuyang matinding sigalot sa bansa, anumang talakayan hinggil sa wika ay tiyak na magbubunsod sa isang away o maingay na pagtatalo. Kahawig nito ang usapin ng kababaihan. Laging matinik ang isyu ng pambansang wika, isang...
Words: 1474 - Pages: 6
...PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG: ng Kabihasnan ay nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon. Marahil ay maraming tanong sa ating kaisipan tungkol dito at sa mga pangyayaring naganap nang sumibol ang kabihasnan sa Asya.Paano nga ba nabuo ang sinaunang kabihasnan sa Asya? Naniniwala ka ba na ang pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano ay may kinalaman sa pag-usbong at pagunlad ng kabihasnang Asyano? Sa modyul na ito, ikaw ay inaaasahan na kritikal na makapagsusuri sa mga pilosopiya, relihiyon at kaisipang Asyano na nagbibigay daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.Gayundin ay mapapahalagahan mo at mauunawaan ang mga ambag ng kabihasnan sa kasaysayan Asyano at ang pagbabago at pag-unlad nito sa kasalukuyang panahon.Dapat mong maunawaan sa modyul na ito ang mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: Paano nahubog ang kasalukuyang sibilisasyon ng mga bansa sa Asya? Paano nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya? Paano nakatulong ang kabihasnan sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng kabihasnan tungo sa pagkakakilanlang Asyano? Mga Araling Sakop ng Modyul Aralin 1 - Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Aralin 2 - Sinaunang Pamumuhay sa Asya 96 Sa araling ito, inaasahang matututunan mo ang mga sumusunod: Aralin 1 Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya 1. Konsepto at Kahulugan ng Kabihasnan 2. Mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya Kabihasnang Sumer Kabihasnang Indus Kabihasnang Shang 3. Mga Ambag ng Kabihasnan sa Asya 4. Mga Kaisipang...
Words: 20598 - Pages: 83
...ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan...
Words: 17033 - Pages: 69
...Komunikasyon sa Akademikong Filipino A.WIKA 1. Ano ang Wika * Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao. 2.Katangian ng Wika * may balangkas; * binubuo ng makahulugang tunog; * pinipili at isinasa-ayos; * arbitraryo; * nakabatay sa kultura; * ginagamit; * kagila-gilagis; * makapangyarihan * may antas; * may pulitika; * at ginagamit araw-araw. 3.Mahalaga baa ng Wika * mahalaga ito sa atin ang ating wika kasi ito ay sumisimbolo sa ating pag katao kng saan tayo na bibilang. ang wika ay sumasagisag ng isang bansa . kaya mahalaga talaga ang ating wika sa atin. kahit na minsan ay hindi tayo magkaintindihan ay gumagawa pa rin tayo ng paraan para magkaintindihan pwede itong gawin sa pamamagitan ng pag gamit ng "sign language" o di kaya ay sa pag susulat para maiparating ang inyong damdamin..... 4.Varayti ng Wika * ang mga varayti ng wika ay engles, tagalog, epsanyol, french, at...
Words: 4512 - Pages: 19
...Ang Filipino at Tagalog, Hindi Ganoong Kasimple ni Ricardo Ma. Nolasco, Ph.D. Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay...
Words: 44725 - Pages: 179
...SKIP TO CONTENT * HOME * LANGUYIN ANG LALIM NG MGA ARALIN ← KAGANAPAN NG PANDIWA BUOD KABANATA 21-24 EL FILIBUSTERISMO → NOVEMBER 18, 2012 · 6:16 AM ↓ Jump to Comments PROSESO NG PAGSULAT 1. I. Kahulugan ng Pagsusulat 1. Ayon kay Peter T. Daniels, ito ay isang sistema ng humigit kumulang na permanenteng panandang ginagamit upang kumatawan sa isang pahayg kung saan maari itong mulingmakuha nang walang interbensyon ng nagsasalita. 2. Sabi naman ni Florian Coulmas,ito ay isang set ng nakikitang simbolong ginagamit upang kumatawan sa mga yunit ng wika sa isang sistematikong pamamaraan, na may layuning maitala ang mga mensahe na maaaring makuha o mabigyang – kahulugan ng sinuman na may alam sa wikang ginamit at mga pamantayang sinusunod sa pag-eenkoda. 3. Ito rin ayang paraan ng pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang isipan. 4. Ito ay walang katapusan, paulit-ulit na prosesoo sa layuning makalikha at makagawa ng maayos na sulati; isang kasanayan. 5. Sa sosyo-kultural na konteksto, ito ay isang proseso ng pag-aaral at produkotong konteksto na nakaaapekto sa pagkatuto; maipahiwatig an gating nadarama na di natin kayang sabihin 6. Ito ay para libangin ang sarili at ang kapwa, magturo at magbahagi ng kaalaman at makumbinsi ang ibang tao sa katotohanan ng ibinibigay na opinion. 7. Ayon...
Words: 7402 - Pages: 30
...na historikal- bayograpikal I. Pamagat Sabi nga ng mga batikan nating direktor sa industriya gayundin sa larangan ng paggawa ng mga pelikula’t dokumentaryo, ang pamagat o ang titulo nito ang siyang pangunahin at huling elemento na kinakikitaan ng malaki at masusing pagkikritiko upang mabigyan ito ng mahusay na pagpapahalaga. Dito rin nakasalalay ang kabuuan ng istorya at hugis nito upang maihatid sa mga manunuod ang tunay o awtentikong pagpapakahulugan nito. Samakatwid, sa pelikulang pinanghawakan ni Abaya, ang “José Rizal” ay isang makapangyarihan at maipluwensiyang obra sapagkat matapang at puro ang intensyong ginamit nito upang mahikayat ang mga tao sa panunuod lalo na’t maraming mga mananaliksik at Rizalista ang naglalayong mas makilala ang pambansa nating bayani. Mabuti na lamang at patuloy pa rin ang pag- usbong ng mga ganitong direksyon sapagkat mas maimumutawi sa ating mga Pilipino ang tungkol sa mga bagay- bagay na siyang bumubuhay sa ating kasaysayan. II. Paksang Diwa Dito naipakita ang buhay ng ating Rizal gayundin ang relasyon nito sa kaniyang mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere. Maliban rito ay napaisantabi rin ang mga pangarap niya para sa bansa, ang pagsasakripisyo niya para sa taong bayan, ang padungis nito sa katauhan para sa pagmamahal at sa pag- iwan nito sa Inang bayan at pamilya para sa edukasyon, karangalan at pagbuo ng isang lipi na maglalayong pakawalan ang bansa sa bisig ng mga mapanirang- puri at mapagmalabis na Kastila. Sa...
Words: 3721 - Pages: 15
...Lakas ng Loob: Kahalagahan at Kalagayan Nito ayon sa Barakong Manliligaw Tesis na Iniharap Sa mga Kaguruan ng Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Agham Lyceum of the Philippines University Lungsod ng Batangas Inihanda Bilang Bahagi Ng mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Titulong Batsilyer sa Agham ng Sikolohiya Dr. Lida C. Landicho De Sagun, Al Ryane B. Du, Myricar R. Magsino, Jasmin G. 2012 Dahon ng Pagpapatibay Ang tesis na ito ay pinamagatang “Lakas ng Loob: Kahalagahan at Kalagayan nito ayon sa Barakong Manliligaw”, na inihanda at iniharap nina De Sagun, Al Ryane B., Du, Myricar R., Magsino, Jasmin G. bilang bahagi ng mga gawaing kailangan sa pagtatamo ng titulong Batsilyer sa Agham ng Sikolohiya. _____________________ Dr. Lida C. Landicho Thesis Adviser Sinuri para sa pagsusulit at binigyan ng markang ___________________ ____________________________ Prof. Cipriano Magnaye Jr., MA Tagapangulo ________________________ _______________________ Prof. Elna R. Lopez,MA Prof. Emily Linatoc Member Member __________________________ Prof. Queencita M. Realingo Gramaryan Sinang-ayunan at tinanggap bilang bahagi ng gawaing kailangan para sa pagtatamo ng titulong Batsilyer sa Agham ng Sikolohiya. _________________________ Dr. Amada Banaag ...
Words: 10575 - Pages: 43
...kagaspangan L ng Phil. Ports Authority ang lugar na iyon. Bagamat may kagaspangan ang pagkakasemento, na noong una ay binalak niya sa v for you?" // "Wala ho. Hihingi lang ako ng paumanhin sa kagaspangan ko kagabi. Pasensiya na ho." // "Wala iyon. Pero sa j glalakad sila patungo sa third hole. Nadadaanan nila ang kagaspangan ng matataas na damo, punungkahoy at mga palumpong. I inis. Galit din siya kay Cocoy dahil sa ipinakita nitong kagaspangan ng pag-uugali. Buong akala pa naman niya'y maginoo A g kapinuhan sa kainang publiko. Lumala ang hatol niya sa kagaspangan ni Alvin nang ang tubig na inumin ay minumog bago l j pagsasalita ni Divine. // Dahil ayaw niyang magpakita ng kagaspangan, pilit na nakipag-usap nang matino si Menard sa dal A o. // "Bastos! Ano ka ba? Pati sa bata nagpapakita ka ng kagaspangan. Wala kang karapatang gawin 'yon. Ayoko na!" impit 6 oong Santos // iyon ang ahente // mabuti hung tao // may kagaspangan lamang na kumilos at magsalita // dinaramdam kong h 4 awa mo lang ang tungkulin mo // at hindi ka nagpakita ng kagaspangan ng ugali // sa pagiging doktor hindi ka nagkait sa 2 gpakita ng takot kay Mommy hindi rin naman nagpamalas ng kagaspangan o galit // kung iba sigurong mahina-hina ang loob b 9 ba pang nasa gayunding hanapbuhay ang taxi-driver ay may kagaspangan tahimik at may madilim na mukha // malas siguro par kagat F there o." Turo niya sa langit. // Nangingiti si Mitchel, kagat ang dalawang kamay ng nangangating gilagid. Napadako si...
Words: 86413 - Pages: 346