...Paaralang Gradwado Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas WIKANG WARAY NG SAMAR (Isang Pagsusuri) Pinal na Papel Bilang Pagtugon sa Kahilingan sa Kursong Pantas sa Filipino Sa Asignaturang Istruktura ng Wikanf Filipino | | Ipinasa nina: Michael M. Ogsila Lorena S. Club Pantas sa Filipino Ika- 2 ng Abril 2014 Ipinasa kay: Gng. Perla S. Carpio Propesor Wikang Waray ng Samar Panimula Ang lalawigan ng Samar ay matatagpuan sa Silangang Bisayas ng Pilipinas. Ito ay nahahati sa tatlong probinsiya, ang Hilagang Samar, Kanlurang Samar, Silangang Samar. Maraming mahahalagang tubig ang nakapalibot dito, isa na ang Kipot ng Surigao na siyang naghihiwalay sa pulo ng Samar at Leyte. Kung ang gitna ng Leyte ay mabundok, maburol naman ang gitna ng Samar. Ang lokal na gobyerno ay nahahati sa apat na antas ito ay barangay, munisipalidad, syudad at mga probinsya. Ang barangay ang siyang pangunahing yunit ng istrukturang pulitikal at binubuo ng hindi lalabis sa isang libong naninirahan. Sa pangunguna ng barangay kapitan, ang barangay ay ang bihikulong pamahalaan para sa paghahatid ng mga produkto at serbisyong pangkomunidad. Samantala ang mga munisipalidad ay binubuo ng mga nahalal na opisyal tulad ng Alkalde, Pangalawang Alkalde...
Words: 1677 - Pages: 7
...Kultural na Sanaysay: Isang Pagsusuri Sa Mito ng Mang Inasal Kailan lamang ay nauso ang mga chicken barbeque houses dito sa Pilipinas. Kahit saan ka lumingon ay mayroon kang makikitang manukan. Isa na sa mga ito ang Mang Inasal. Ang Mang Inasal ay isang barbeque fastfood chain dito sa Pilipinas na naghahain ng chicken barbeque, pork barbeque at iba pang mga pagkaing Filipino. Una itong itinatag noong December 12, 2003 sa Iloilo City. Nagsimula ito bilang isang maliit na fastfood kiosk na may laking 250 sqm sa parking building ng Robinsons Place Iloilo. Sa kasalukuyan, ang Mang Inasal ay mayroong 445 na branches sa buong bansa. Naging patok ang Mang Inasal sa panlasa ng mga Filipino. Maituturing na kulturang popular sa Pilipinas ang Mang Inasal dahil sa kanyang mga katangian. Ang unang katangian ng fastfood chain na ito ay nilikha ito para sa kita. Sa katunayan, ang nagmamayari ng Mang Inasal na si Edgar Sia ay pinangalanang pinakabatang bilyonaryo ng Forbes’ “The Philippines 40 richest” noong 2010 nang ibenta niya ang 70% nito sa Jollibee. Ang pangalawang katangian nito ay ang pagkakaroon nito ng mga advertisement na makikita natin sa iba’t ibang klase ng media tulad ng print at broadcast. Isa sa mga konseptong kinakatawan at binabalot ng Mang Inasal sa kaniyang sarili ay ang kaniyang pagka-Filipino. Makikita natin ito sa menu ng Mang Inasal. Dahil ang kanilang mission ay “To consistently provide our customers...
Words: 1150 - Pages: 5
...Isang Pagsusuri sa Akdang "Si Intoy Siyokoy ng Kalye Marino" ni Eros Atalia ni: Jose Amiel Galvez-de Jesus Ang Intoy Siyokoy ng Kalye Marino ay isang maikling kwento na isinulat ni Eros Atalia. Sa pagbasa mo pa lang ng pamagat, malalaman mo ang bida sa istorya ay si Intoy Siyokoy at siya ay nagmula sa Kalye Marino pero matatanong mo sa sarili mo kung ano nga ba ang larawan ng Kalye Marino. Pinapatotohanan ng akda na laganap pa din ang kahirapan sa ating bansa, yung iba, sumisisid ng malalim para lamang may maipangtustos sa pangaraw-araw na pangangailangan, kagaya ni Intoy. Ang iba naman ay pumapayag maging prosti, tulad ni Doray dahil malaki nga naman ang kita sa pagpuputa. Ito ay ilan lamang sa malalang problema ng ng ating lipunan ngayon. Malinaw at naging maayos ang transisyon at takbo ng kwento. Gumamit si Eros ng ilang mga balbal na salita, dahil mas makukumbinsi ang mga mambabasa na ganito nga magsalita ang mga taga-Kalye Marino. Kadalasan, mga nasa lower class ng ating lipunan ang gumagamit ng mga balbal na salita. Inilarawan ni Eros ang Kalye Marino bilang isang lugar ng kahirapan at mga taong may iba't-ibang pananaw sa buhay. Mga taong gagawin ang lahat maabot lang ang pangarap nila. Pakiramdam ko ay nagbabasa ako ng mga award-winning na libro mula sa ibang bansa dahil kagaya ng mga imported na libro, nailarawan niya mabuti ang kapaligiran ng bawat eksena sa kwento. Nadadala niya ako sa panibagong mundo. Ang aking puna lang sa maikling kwento ay ang paggamit...
Words: 547 - Pages: 3
...Pumili ng paksang tatalakayin. Brainstorming Activity 1 Kalusugan Dentista Ospital Pasyente Gamot Ehersisyo Dyeta Serbisyong pang-medikal Medisina DOH Red Cross Tuberculosis Kanser Check-up Dengue Nars Medical Technologist Radiological Technologist Pharmacist Physical Therapist Malaria AIDS HIV Bitamina Sustansya Nutrisyon Bakuna Kalinisan Kapaligiran Paunang lunas Operasyon Protina Epidemya Lagnat Sipon Ubo Diabetes SARS Resistensya Lunas Trangkaso Dextrose Blood test Injection Klinika Mikrobyo Virus Fungi Dumi Hepatitis Emphysema Asthma Cardiologist Pulmonologist Neurologist Obstetrician Gynecologist Pediatrician Activity 2: Med Tech CLSI LAI Shigella Salmonella E. Coli Venipuncture Cloning Urine Fecalysis Semenalysis Urinalysis Stem cells Fecal matter CBC FBS ART Blood Hematocrit Hemoglobin RBC WBC Thrombocytes Clinical Chemistry Parasitology Hematology Microbiology Blood Banking Histopathology Clinical Microscopy Immunology Serology Pathology Code of Ethics Biomedical wastes PAMET PASMETH Microscope Slides Syringe Cover slip Cuvette Aspirator Pipette Stains Reagents Body fluids Universal precaution Streptococcus pyogenes Staphylococcus Malariae Vivax Ovale Falciparum Clostridium Anne Fagelson Hippocrates Centrifuge Ospital Test tube Test tube holer Gloves Lab gown Giardia lamblia ASCP Goggles Bacillus anthracis Sterilize RA 5527 ...
Words: 2416 - Pages: 10
...ANG BATAYANG KONSEPTWAL NG EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA Ang tunguhin o outcome ng pag-aaral sa batayang edukasyon (basic education) ay ang kapaki-pakinabang na kakayahan para sa lahat (functional literacy). Taglay ito ng bawat mag-aaral kung mayroon silang mga kompetensing pangkognitibo, apektibo at asal na magbibigay sa kanila ng kakayahan upang: • mamuhay at magtrabaho • linangin ang kanilang mga potensiyal • gumawa ng mga pasyang mapanuri at batay sa impormasyon, at • kumilos nang epektibo sa lipunan at pamayanan upang mapabuti ang uri ng kanilang pamumuhay at ng kanilang lipunan (Literacy Coordinating Council, Setyembre 1997). . Ang depenisyong ito at ang limang palatandaan (strand indicators) nito ay batay sa Apat na Pillar ng Edukasyon at ang konsepto ng UNESCO tungkol sa Life Skills na binuo ng International Commission on Education para sa ika-21 siglo. Ang limang strand indicators ay: kakayahan sa pakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip at paglutas ng suliranin, mapanagutang paggamit ng mga likas na yaman para sa susunod na salinlahi at pagiging produktibo, paglinang ng sarili at ng kakayahan sa pakikipagkapwa at pagpapalawak ng pandaigdigang pananaw. Sa Edukasyon sa Pagpapahalaga (EP), ang palatandaan o core competency ng functional literacy ay nagpapasya at kumikilos nang mapanagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ibig sabihin, nilalayon ng EP na linangin at paunlarin ang pagkataong moral ng mga kabataan. Upang maipamalas ito...
Words: 8647 - Pages: 35
...ANG LOHIKAL NA PANGANGATWIRAN AY ISANG URI NG PANGANGATWIRAN NA GINAGAMITAN NG MAPANURING PAG-IISIP. ANG BAWAT PROPOSISYON O ISYUNG PINAG-UUSAPAN AY KAILANGANG MAYROONG TIYAK NA EBIDENSYA O PATUNAY AT BATAY SA KATOTOHANAN. pangangatwirang pasaklaw -nagsisimula sa malaki patungo sa maliit na kaisipan o katotohanan!!!!!!!! halimbawa:ang lahat ng hayop ay nilikha ng diyos .Ang manok ay isang uri ng hayop kung gayon ang manok ay nilkha ng diyos!!!!!!!!!!! Pangangatwiran Hakbangin sa pangangatwiran: 1. malaman ang paksang kailangan ng katwiran. 2.malaman ang tamang pagsusuri ng proposisyon. 3.malaman ang tamang paraan ng pangangatwiran. 4.pag-aralan at suriin ang argumento at ebidensya. *proposisyon- ideya *argumento- diskusyon *katibayan- ebidensya para sumuporta sa argumento. Tatlong Paraan ng Pangangatwiran 1. Paraang lohikal- ginagamit na batayan ang pagkakatulad ng dalawang bagay. 2. Paraang patiyak o induktibo- nangangatwiran na nagsisimula sa maliit na kaisipan hanggang sa malaking kaisipan. 3. Paraang pasaklaw o deduktibo- nangangatwiran na nagsisimula sa malaking kaisipan mula sa maliit na kaisipan. Proposisyon- ay tinatanggap bilang isang uri ng paninindigang nilalaman ng isang buong pangungusap na ang layunin ay patunayan ito sa pamamagitan ng mga ipinahahayag na argumento. - nagsasaad ng ideya na posibleng tutulan at pagtalunan. Mga Uri ng Proposisyon: 1. Pangyayari- sa mga ulat(magsusulat man o hindi), pag-iinterbyu sa mga taong may kinalaman...
Words: 339 - Pages: 2
...Kabanata 1 Ang Suliranin at Kaligiran Nito Ang kabanatang ito ay naglalaman ng panimula, layunin ng pagaaral, kahalagahan ng pag-aaral, saklaw at delimitasyon, at depinisyon ng mga terminolohiya. Panimula “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ito ang di-malilimutang pahayag ni Gat Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas. Sapagkat ang mga kabataan ang magiging pundasyon ng ating bansa sa susunod na mga henerasyon. Nakasalalay sa kanila ang kinabukasan ng ating bayan. Kaya marapat lamang na sila’y makapagtamo ng magandang pinagaralan nang sa gayo’y umunlad ang ating bayan. Ngunit sa panahon ngayon, tila nagiging isang malaking hamon na sa mga kabataang mag-aaral ang makapagpatuloy ng pag-aaral dahil sa pampinansyal na problema. Ito ang dagok na kinakaharap ng ilan sa ating mga kabataan at isang malaking hamon para sa lahat upang matupad ang kasabihang “Edukasyon ang susi sa pag-unlad ng bayan.” Kilala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Ito ang nag-uudyok sa kanila na magpatuloy pa sa kanilang mga nasimulan at nagiging motibasyon nila upang maghanap pa ng mga posibleng paraan upang masolusyunan ang kani-kanilang mga problema. Hindi dito magpapahuli ang mga mag-aaral, kahit na ang iba sa kanila’y kapos sa pinansyal na suporta galing sa magulang o tagapatnubay ay humahanap pa rin sila ng mga simpleng paraan upang makabawas sa bigat ng gastos lalo na sa kanilang pangmatrikula. Isa sa kanilang paraan ay ang pag-aaply bilang isang student...
Words: 845 - Pages: 4
...Pateros Catholic School Pateros, Metro Manila Ang teoryang feminismo at ang mga nagtaguyod nito: Isang pagsusuri Joan Loraine V. Naife IV-St.Scholastica G-15 Jan.28,2014 S.Y 2013-2014 Gng.Roxanne Cabrejas I.Panimula A.Saligan ng pag aaral Ang mga Pilipino ay maraming kakayahan sa lahat ng mga bagay-bagay, ngunit nagkakaiba lamang ito sa uri ng paggawa. Ditto sa pilipinas mapa babae o lalaki ka man kayang kaya gawin ang lath ngunit bakit ang akala nang karamihan hindi kaya ng mga babae ang ginagawa ng mga kalalakihan sapagkat ang karamihan sa ay mahina at hindi kayang gawin ang trabaho o tungkulin ng isang lalaki pero para sa akin ay pantay pantay lamang ang lahat.Bago ko simulant itong term paper ko nais ko munang ibahagi ang kahulugan ng feminism.Feminism uri ng teorya na naglalaman ng pag kakaroon ng karapatan ng mga babae upang gawin ang mga nagagawa ng lalaki at makipagsabayan kung ano ang ginagawa ng kalalakihan. Ang pag aaral ng feminism ay ang pagkakapantay-pantay ng babae at lalaki. Ang pagkakapantay-pantay ng diskriminasyon sa pagitan ng babae at lalaki. Ang pagkakapantay-pantay ng magkainbang kasarian ay mahalaga ngayon sa ating panahon dahil hndi lahat ng mga Gawain ay nakalimita lang sa lalaki o babae.minsan ay may mga bagay ngayon na hindi lamang ang lalaki ang nakakagawa. Ang isang halimbawa ditto ay ang pamamaneho. kapag naririnig natin ang trabahong ito,karaniwang nasa isip natin ay ang mga kalalakihan...
Words: 2254 - Pages: 10
...pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang syentipikong pamamaraan. Ayon kay Parel (1966), ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik. Ayon kina E. Trece at J. W. Trece (1973), ang pananaliksik...ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at explanasyon. Ayon kina Calderon at Gonzales (1993), ang pananaliksik ay sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, paglilinaw, pag-oorganisa, pag-unawa at pagpapakahulugan ng isang datos na nangangailangan ng kalutasan sa suliranin. Ito rin ay isang ekspansyon sa limitadong kaalaman at pagpapakita rin ng umuunlad na buhay ng tao. Ayon kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik...
Words: 1164 - Pages: 5
...Pagsusuri sa Binasa Life of Pi Christian Bartonico Plaza BS in Biology 1-B Gng. Luden L. Baterina Guro Ika-7 ng Pebrero, 2014 Buod Life of Pi Ni: Yann Martel Ito ay isang kwento ni Piscine Patel, na may palayaw na Pi (paay) at ang kanyang paglalakbay. Siya ay isang batang Indiano na anak ng isang nag mamay-ari ng zoo. Siya rin ay nag-aaral ng Hinduismo, Kristiyanismo at Islam. Ang unang parte ng libro ay nakatuon sa kanyang paglaki kasama ang mga hayop, pamilya at kanyang pananampalataya. Ang ikalawang bahagi ng libro ay nakatuon sa pag padpad niya sa karagatan. Nagdesisyon kasi ang kanyang mga magulang na lumipat sa Canada dala-dala ang mga alagang hayop para ibenta doon. Sumakay sila ng isang barko pero lumubog ito at bangkang sinasakyan ni Pi ay nakalutang lamang sa Karagatang Pasipiko ng higit na dalawandaang araw kasama ang hyena, zebra, orangutan, at isang Bengal tiger. Pagkatapos, ang unang tatlong hayop ay isa-isang namatay ngunit ang tigre at si Pi ay buhay pa rin hanggang sa mapadpad sila sa isang baybay sa Mexico. Ang huling parte ng libro ay ang pakikipagpanayam sa pagitan ni Pi at ang mga Japanese maritime officials. Isinalaysay ni Pi ang kanyang karanasan kasama ang mga hayop pero inisip ng mga opisyales na hindi ito kapani-paniwala kaya nagsalaysay uli si Pi pero hindi na kasama ang mga hayop. Nagtanong si...
Words: 624 - Pages: 3
...Ang “Walang Rape sa Bontok” ay isang documentary film na tumatalakay sa pambihirang kultura ng Bontok people, “a society against women violence”. Kamangha-mangha sapagkat walang konsepto ng rape at walang malisya ang mga tao dito. Ang pag-aaral na ito ay muling pagsusuri ng dalawa sa napakaraming biktima ng sexual harassment sa naunang pananaliksik ni Ms. June Prill-Brett noong 1968. Sa kanilang pagsusuri, inalam nila ang iba’t ibang salik na tumitigil sa pagkakaroon at paglaganap ng rape sa Bontok. Ang una sa anim na salik ay ang espritwal na paniniwala at relihiyon ng Bontok. Naniniwala sila na mas may nakakataas sa kanila na kanilang nirerespeto at kinatatakutan katulad ng mga bundok at iba pang kalikasan. Ipinagbabawal ang inayan (pagtatalik sa labas ng bahay) dahil naniniwala silang magagalit ang kalikasan. Isa itong dagdag na dahilan upang walang panggagahasang magaganap sa labas ng mga tahanan nila. Sa kanila, kapag ang isang taga-Bontok ay nagkasala ito ay nagiging permanente at di napapatawad. Pang habang buhay itong magiging outcaste at maipapasa sa susunod na henerasyon. Kung ikukumpara sa atin, higit na may isang salita at paninindigan ang mga taga-Bontok. Hindi sila gaanong depensibo sa mga parusa sapagkat walang magnanais magkamali at gumawa ng mali.Kahit na gaano pa kahirap ang parusa, kung walang susuway sa batas, di dapat mag-alala. Ikalawa ang mga pisikal na istruktura. Sa pagliligawan, pumupunta ang mga kalalakihan sa olog kung saan kitang kita ng lahat...
Words: 617 - Pages: 3
...Impluwensya ng Makabagong Gadget sa Academic Performance ng Mag-aaral ng Bachelor of Science in Industrial Engineering sa Paaralan ng Polytechnic University of the Philippines Santa Rosa Campus Taong Pampaaralan 2014-2015 KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG NITO Panimula Ngayon tayo ay na sa ika-21 siglo na ng panahon, marami na ang nagbabago gaya ng ating pamumuhay, mas madali na ang mga gawain dahil sa makabagong teknolohiya. Ang transportasyon, komunikasyon at pag-aaral ay hindi na mahirap ngayon dahil sa mga ito. Isa sa mga bagong teknolohiya na kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ay ang gadget, isang bagay na ginagamit ng halos lahat ng tao sa mundo. Ang teknolohiya na ito ay kadalasang ginagamit sa komunikasyon, sa pagkalap ng mga impormasyon at sa pagbibigay aliw. Maraming nagsasabi na isa ito sa mahalagang imbensyon sa kasaysayan. Ayon naman kay D. Chandler (1996) ang teknolohiya ay may malaking impluwensya sa sosyalidad dahil sa mga bago at kapakipakinabang na naidudulot nito sa sangkatauhan. Sinasabi naman ni M. Underwood (2009) na ang teknolohiya ay isang kasangkapan sa pakikipag komunikasyon. Napapadali at napapabilis nito ang pag sagap ng mga balita. Sa kasalukuyang panahon, patuloy pa rin ang pag-imbento ng mga makabagong teknolohiya. Halos sa lahat ng pagkilos ng mga tao ay may teknolohiyang kasama. Isa na dito ang gadget. Nakapaloob sa kategorya ng gadget ang cellphone, laptop, computer at...
Words: 7553 - Pages: 31
...Pag-unlad kurikulum ay isang proseso ng pagpapabuti ng kurikulum . Inilalapat ang iba't ibang mga diskarte na-ginagamit sa pagbuo ng curricula. Mga karaniwang ginagamit na diskarte ay binubuo ng pagtatasa (ibig sabihin kailangan pagtatasa, pagtatasa ng gawain), disenyo (ibig sabihin layunin disenyo), pagpili (yan ay pinili ng naaangkop na mga paraan sa pag-aaral / pagtuturo, pinili ng naaangkop na pamamaraan ng pagtasa) ng bituin (ibig sabihin ng bituin ng kurikulum pagpapatupad komite, kurikulum pagsusuri komite) at pagsusuri (ibig sabihin kurikulum pagsusuri komite). 1. Pagsusuri 2. Disenyo 3. Tugma 4. Bituin 5. Repasuhin Sa pormal na edukasyon , ang isang kurikulum ( / k ə r ɪ k jʉ l əm / ; pangmaramihang: curricula / k ə r ɪ k jʉ l ə / o curriculums ) ay ang binalak pakikipag-ugnayan ng mag-aaral sa pagtuturo ng nilalaman, mga materyales, mga mapagkukunan, at mga proseso para sa pagsusuri ng attainment ng pang-edukasyon mga layunin. Iba pang mga kahulugan pagsamahin ang iba't ibang mga elemento upang ilarawan ang kurikulum tulad ng sumusunod: Ang lahat ng mga pag-aaral na kung saan ay binalak at magabayan ng mga paaralan, kung ito ay isinasagawa sa sa grupo o isa-isa, sa loob o sa labas ng paaralan.(Juan Kerr) Guhit-balangkas ng mga kakayahan, pagtatanghal, saloobin, at mga halaga ng mga mag-aaral ay inaasahan na matutunan mula sa pag-aaral. Kabilang dito ang mga pahayag ng ninanais na mag-aaral kinalabasan, mga paglalarawan ng mga materyales, at ang binalak...
Words: 2992 - Pages: 12
...FILIPINO (PANANALIKSIK) Pananaliksik – bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. – maaaring pang-isahan o kaya’y panggrupo – sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao Aquino – ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impor- masyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan Manuel at Medel – ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan Parel – ang pananaliksik ay isang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik Treece at Treece – ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin; tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon Atienza atbp. – (UP) bumuo ng isang praktikal na depinisyon na ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian,problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan MGA KATANGIAN NG PANANALIKSIK • Sistematiko – Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso. • Kontrolado – Ito’y hindi isang ordinaryong problema...
Words: 1554 - Pages: 7
...34 Alipato Kasaysayang Bayan at Tradisyonal na Kasaysayan: Epekto sa Nasyonalismo at Pambansang Identidad ng mga Mag-aaral Charina B. Agcaoili Introduksyon Ang nasyonalismo ay pag-ibig sa bayan. Bahagi nito ang paggigiit sa soberanya ng bansa, kalayaan, at pag-asa sa sariling kakayahan (Lichauco, 1968). Isa rin itong malinaw na konsepto ng mga elementong bumubuo sa pagiging nasyon ng isang bansa, at bagay na nagtatangi at nagpapakita ng kaibahan nito sa iba pang nasyon (Alfonso, 1967; De La Costa, 1965; Osorio, 1963; Tañada, 1955). Sa pananaw ni Rizal, ang nasyonalismo ay pagsasakripisyo para sa bayan. Handang kalimutan ng isang taong makabayan ang kanyang sarili para maisulong ang kabutihan ng kanyang mga kababayan. Higit sa lahat, gagawin niya ito nang walang pag-aalinlangan o “sin dudas, sin pesar” (Quibuyen, 1999; Marquez-Marcelo, 1984). Kaugnay din ng nasyonalismo ang katapatan sa mga institusyon, tradisyon, at pagpapahalaga sa kasaysayan (Abueva, 1999). Mahalaga ang pagkakaroon ng mga mamamayang makabayan sa pagsulong ng isang bansa (Loong, 2007; de Quiros, 2002, Lumbera, 2000). Sa ika-19 na dantaon ng Meiji, ang nasyonalismo ang nagbigay-sigla sa mga Hapones na hangaring mapantayan ang kalagayan ng mga bansang nasa Kanluran. Ito rin ang dahilan ng pagsusumikap ng mga Tsinong paunlarin at gawing moderno ang kanilang ekonomiya (Loong, 2007). Umunlad naman ang mga bansang tulad ng Timog Korea, Rusya, Britanya at Pransya bunga ng mga mamamayang makabayan. Maliban dito...
Words: 6875 - Pages: 28