Free Essay

Wika, Edukasyon, Pilipino

In:

Submitted By roseangel
Words 569
Pages 3
WIKA, EDUKASYON, PILIPINO

Ano ang isang tunay na Pilipino? Sa dagat ng mga nakasisilaw na liwanag at ingay ng makabagong pamumuhay, kilala pa ba natin ang ating sarili? Kung mula pa sa ating kamusmusan at hanggang sa ating pagtanda ay wala tayong kinamulatan kundi ang mga bunga ng kolonialismo, mahalaga pa ba sa atin ang ating pagka-Pilipino...ang kalayaan na kay tagal na ipinaglaban ng libu-libo nating mga bayani at pinangangalagaan hanggang sa kasalukuyan ng marami sa atin sa buong kapuluan mula Baler hanggang Basilan? Ngunit habang ang kasalukuyan nating mga paaralan ay patuloy sa pagtuturo sa pamamagitan ng wikang banyaga, lalo na ang Ingles, nasaan ang kasarinlan? Saan natin matatagpuan ang tunay na ikaw, ang tunay na ako, ang tunay na Pilipino?

Ingles, Kastila, Mandarin, Niponggo...mga wikang banyaga na karaniwa'y gamit sa halos lahat ng ating mga eskwelahan mula primariya hanggang sa pinakamataas na baytang ng pag-aaral sa bayang itong ating iniibig at sinasabing atin. May mali ba? Tayo ba'y mga tampalasan sa kabayanihan at katapangan ng ating mga ninuno hanggang kay Ninoy at Corazon Aquino na hanggang kamatayan ay iningatan ang dangal ng ating kalayaan? Tayo ba'y mga duwag, bastardo, walang utang na loob at pakialam sa tunay na diwa ng ating pagkabansa? Marahil ay hindi mali, dahil ang pagiging isang Pilipino ay kaakibat ng paggamit ng isang wikang unibersal ng kung tawagin ay Ingles at ito'y di mapasusubaliang kailangan sa lahat ng antas ng lipunan at ginamit at patuloy na ginagamit sa lahat ng bahagi ng ating nagdaan at hinaharap na kasaysayan. Kaya't muli kong itatanong, may mali ba? Ano ang mali kung ang paraan ng pagtuturo sa loob ng ating mga silid-aralan ay sa pamamagitan ng Ingles? Ano ang masama kung ang ating mga aklat ay isinulat sa wikang Ingles? At ano ang mali kung ikaw, ako at lahat tayo ay nagsasalita sa loob at labas ng ating paaralan na gamit ang isang wikang kanluranin at hindi Tagalog, Cebuano, Kapampangan, Ilokano o anuman nating diyalekto? Mali ba ang ang lahat ng ito?

Para sa akin, walang mali. Ngunit kapag nagsimulang lumabo ang ating pagkaunawa sa tunay na diwa ng ating pagkatao, ng ating pagka-Pilipino kung nagsasalita na tayo ng isang wikang hindi atin, naroon ang mali. Kapag tayo'y kumikilos ng tulad sa mga Amerikano, Intsik o Kastila at nalilimutan na natin ang mayayamang tradisyon at kultura na itinuro sa atin sa maraming henerasyon, tayo na ang mali. Tunay na kailangan natin ang matuto ng wikang banyaga upang malinang ang ating kakayahan at magtagumpay sa lahat ng larangan. Gamitin natin ang mga wikang hiram na kasangkapan upang makamit ang ating mga pangarap para sa ating sarili, sa ating pamilya, sa ating komunidad, lipunan ar sa ating daigdig. Gamitin natin ang mga wikang banyaga upang lumalim at lumawak ang ating karunungan, upang lumikha ng sarili nating tatak sa ating mundo. Ngunit huwag nating kalimutan ang ating pagkatao, huwag nating itakwil ang ikaw, ang ako, ang ating pagka-Pilipino. Walang sinuman at anuman ang maaaring umagaw ng ating dangal at pagkatao. Kahit anumang salita ang mamutawi sa ating mga labi at anumang wika ang ating matutunan, hindi nito mapapalitan ang tunay na wikang sadyang akin at iyo. Dahil ang wika ay bibigkasin at gagamitin ko upang magtagumpay ngunit mananatili ang tunay na wika sa aking isip, puso at kaluluwa...ang wika ng ating kalayaan, kasarinlan at pagkakakilanlan...

Ako ay isang Pilipino!

Similar Documents

Free Essay

Filipino

...FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA INTRODUKSYON Ayon kay Barker at Barker, ikinukunekta ng wika ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang hinaharap. Iniingatan nito ang ating kultura ar mgfa tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa pamamagitan ng wika ay naibabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay, kabiguan at maging ang kanilang mga plano o adhikain sa hinaharap. Sa pamamagitan nito, ang mga sumunod at sumusunod pang henerasyon ay natututo o maaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayo’y maiiwasan ang muling pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayto sa mga aspektong intelektual, sikolohikal at kultura. Ganito rin kaya ang mangyayari sa inyo kung babalikan natin at susuriin ang kasaysayan n gating wikang pambanasang Filipino? KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO Mahigit sa 7 000 mga isla ang bumubuo sa Pilipinas na may ibat-ibang wika na ayon kay McFarland ay may bilang na 109. Samantala, ayon naman kay Constantino, may higit sa 500 mga wika at dayalekto ang bansa batay na rin sa pagkakaroon ng ibat-ibang etnikong grupong nakatira sa bawat rehiyon na abg Pilipinas ay isang bansang may komplikadong sitwasyon linggwistikal. Binubuo ito ng ibat-ibang grupong etnolinggwistiko na pinapangunahan ng Cebuano, Tagalog, Ilokano, Hiligaynon, Bicolano, Samar-Leyte, Waray, Kapampangan at Pangasinense na ayon kay McFarland ay samasakop sa 90% ng kabuuang populasyon ng bansa kasama na ang Maranao. Ayon naman kay Quakenbush...

Words: 3854 - Pages: 16

Free Essay

Anytime

...ANG LISYANG EDUKASYON NG PILIPINO Renato Constantino (Malayang salin ni Luis Maria Martinez) Ang edukasyon ay isang mahalagang sandata ng isang bansang nagpupunyaging magtamo ng kalayaang pangkabuhayan at pampulitika at nagnanais na muling madalisay ang sariling kultura. Tayong mga Pilipino ay isang gayong bansa. Dahil dito, ang ating edukasyon ay dapat lumikha ng mga Pilipinong may pag-unawa sa saligang suliranin ng bayan at sa mga lunas sa mga suliraning ito. Dapat itong lumikha ng mga Pilipinong may sapat na malasakit sa bayan at may sapat na lakas ng loob na kumilos at magpakasakit para sa katubusan ng Inang Bayan. Makabayang Pagkilos sa Edukasyon Ilang taon na ang nakalipas sapul nang umalingawngaw ang mga makabayang kahilingan sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ang mga makabayang kahilingang ito ay binigyang-linaw at ipinalaganap ng yumaong Claro M. Recto. Marubdob na isinulong ang mga kahilingang kilalanin ang kapangyarihan ng Pilipinas sa mga base-militar ng Estados Unidos sa ating bansa. Iginiit ang pagtutuwid ng mga tiwaling ugnayang pangkabuhayan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. Minsa’y nahamig ang suporta ng mga mangangalakal na Pilipino sa patakarang Pilipino Muna, at maraming iskolar at ekonomista ang nagmungkahing gawing kagyat na kahilingan ng bansa ang paglaya ng ating ekonomya. Nakita sa larangan ng sining ang mga palatandaan ng bagong pagpapahalaga sa ating kultura. Anubaga’t niririndi ng sanlaksang makabayang pagkilos ang iba’t ibang larangan...

Words: 17033 - Pages: 69

Free Essay

Tatlong Landas Ng Wika

...Tema: “Wika Natin ang Daang Matuwid” Paksa: May Tatlong Landas ang Wika Ang bayaning Gat. Jose Rizal ay siyang nagpagunita kung anong kahalagahan ng wika sa ating nilikha wika niya “ Ang wika ang siyang diwa ng bayan”. Ang unang dapat usisain bakit naging Filipino ang pambansang wika ng Pilipinas? Sa 1935 kumbensyon konstitusyonal, isang wikang batay sa isa sa mga katutubong wika ng Pilipinas ang ating naging wikang pambansa. Nakapagtatakang isipin na sa daming edukadong ang dila’y Peninsulares at mapuputing kano ay nauwi tayo sa Filipino samantalang sakop ang Pilipinas ng mga Amerikanong ng mga panahong ito. Matalik na ugnayan sana sa Espanya at mga bansang sa Amerika Latina ang ating tinatamasa kung Espanyol ang napiling pambansang wika. Hindi kaya naman wala na sana tayong problemang pinag-uusapan kung Ingles naman, ngunit pinagtibay nila ang pagbuo ng wikang pambansang nakabatay sa isang katutubong wika ng Pilipinas. Bakit mas pinagtibay nila ang pagkakaroon ng wikang pambansa kung may matatamasa naman tayong mabuti sa pagpili ng isa sa dalawang banyagang wika? Sapagkat higit nilang pinaniniwalaang magkakaisa tayo bilang isang bansa at makapagsasarili ng politika at ekonomiya kung isang wikang katutubo ang ating magiging wikang pambansa. Bahagi ng paniniwalang ito ng matinding nasyonalismo na dulot ng nakaraang himagsikang Pilipino na noo’y maalab na maalab sa puso ng mga lider na naging deligado sa kumbensyong pansaligang batas. Bakit Filipino at hindi Pilipino? Sapagkat...

Words: 2955 - Pages: 12

Free Essay

Reviewer

...Filkom- Kabanata 1 Aralin 1 “Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinuhugisan o binigyan ng makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama- sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagbuo ng kaisipan.” – Henry Allan Gleason (ecologist, botanist at taxonomist) *See page 3 – Webster, Sturtevant….* Katangian ng Wika * Ang wika ay masistemang balangkas * Tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors a. Ponolohiya o tunog – makaagham na pag-aaral ng mga makahulugang tunog o ponema b. Morpolohiya o salita- pag-aaral ng mga pinakamaliit nay unit ng tunog o morpema c. Sintaksis o parirala/sugnay/pangungusap- pag-aaral ng sistema ng pagasama-sama o paguugnay-ugnay ng mga salita d. Semantika o kahulugan ng salita- kahulugan o relasyon ng mga salita Diskurso- palitan ng pangungusap * Ang wika ay sinasalitang tunog * Interaksyon ng mga aparato sa pagsalita gaya ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid (speech organs) * Unibersal na katotohanan sa wika na tunog- pinakapangunahing pangangailangan ng wika * Ang wika ay arbitraryong simbolo ng mga tunog * Simbolong bokal at arbitrary * Dualismo- isang panagisag at isang kahulugan * Arbitraryo- walang tiyak na batayan * Ito ay arbitraryo sapagkat walang rasyunal na magagamit upang ipaliwanag ang koneksyon ng mga ito * Nakaugaliang gamitin * Ang wika ay komunikasyon * Kasangkapan ng komunikasyon ...

Words: 3394 - Pages: 14

Free Essay

Anime?

...by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Kolum) NAKATUTUWANG makakita ng mga Pilipino — bagaman matagal nang mga mamamayan ng ibang mga bansa saanmang panig ng mundo — na hindi pa rin nakalilimot sa ugat ng kanilang lahi, sabik na sabik na makakita at makipag-usap sa sariling wika sa sinumang kalahi at, higit sa lahat, nangungulila sa bansang napilitang layasan dahil sa napakasamang kalagayang pangkabuhayan at panlipunan bunga ng tiwaling gobyernong lumilitaw na instrumento lamang ng pagsasamantala at inhustisya ng mga kapitalista’t asendero, ng bastardong mga pulitiko, at ng ilang mga taong naglulublob sa impluwensiya, kapangyarihan at pribilehiyo. Nakasusuka naman, sa kabilang banda, ang ilang Pilipinong mamamayang Amerikano na ngayon na nagpipilit na maging mas Amerikano kaysa tunay na mga Amerikano. Kung totoo man o pagbibiro lamang ang lumabas sa Internet, may titulong “Filipino Names = U.S. Citizens” na pinagbatayan ng artikulo ng isang Matthew Sutherland sa London Observer, nagpalit ng pangalan ang naturang mga Pilipino nang maging mga mamamayan na ng Estados Unidos bago naganap ang Setyembre 11 pagkadurog ng Twin Towers sa New York. Malinaw na tandisan na nilang ikinahihiya ang pagiging Pilipino na kahit palitan pa ang kanilang mga pangalan, hindi naman maikakaila ng kanilang mga mukha na sila’y Pilipino. Higit sa lahat, pinutol na nila ang anumang ugat na mag-uugnay sa dati nilang bansa — wika man, kultura o kaugalian. Nagbibiro man o hindi si Sutherland, sinalaula ng...

Words: 1590 - Pages: 7

Free Essay

Wika

...Bagus, Rona Rhenziel S. BS SW I-2 1. Ano ang wika? Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitanglengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan - ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala, ngunit mas kadalasang mayroon 2. Kahalagahan ng wika Instrumento ng Komunikasyon - ginagamit ng tao ang wika sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan. Kung minsan, hindi kinakailangang ang isang tao ay magkaroon ng mataas na kaalaman sa isang wika upang maipahayag nya ang kanyang saloobin. Ang kawastuang gramatika ay hindi na gaanong pinapansin lalo na kung ang nag-uusap ay may magkaibang wika. Sapat nang maipahayag ng bawat isa ang konseptong nais nilang iparating sa wikang pareho nilang...

Words: 1943 - Pages: 8

Free Essay

Influence of Foreign Language in Philippines (Tagalog)

...Impluwensya ng Banyaga sa ating Wika II. Suliranin Ano ang naging impluwensya ng mga banyaga sa ating wika? III. Panimula Sa paglipas ng maraming panahon, hindi natin namamalayan na malaki na ang impluwensya sa atin ng ibang mga bansa pagdating sa wika. Karamihan sa ating salita ngayon ay galling sa mga banyagang nanakop sa ating bansa kung saan sila ay nag-iwan ng malaking bahagi ng kanilang pagiging banyaga. Dahil sa malaki ang nagging kontribusyon ng mga wika ng banyaga sa atin, ito ay nagdulot ng malaking epekto sa ating kasaysayan at kultura. IV. Mga Layunin * Malaman kung saan nagmula ang mga wika * Malaman kung anu-anong bansang nakaimpluwensya sa Pilipinas * Malaman ang mga salitang nakuha natin sa mga banyaga * Malaman kung paano nahaluan ng iba’t ibang salita ang Wikang Tagalog V. Kahalagahan ng Paksa Napakahalaga ang pagkakaroon ng sariling wika. Dapat malaman ng bawat Pilipino na hindi lamang sa pag-uugali at paraan ng pamumuhay tayo naimpluwensyahan ng mga banyaga kundi pati na rin sa ating wika. VI. Paraan ng Pananaliksik * Paghanap sa Internet * Pagsasarbey * Pananaliksik sa mga aklat * Paghingi ng mga opinyon VII. Katuturan ng mga Salita * Wika- isang bahagi ng pakikipagtalastasan, Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnay na batas upang ipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. * Wikang Tagalog- ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas. * Wikang Kastila-...

Words: 815 - Pages: 4

Free Essay

Abcd

... Sa maraming Pilipino, ang wikang pambansa lamang ang maituturing na wika, at lahat ng iba pang salita ay mga diyalekto. Hindi tama ito. May mga paraan ang mga pantas-wika o linguists para malaman kung ano ang wika at kung ano ang wikain o diyalekto. Ang batayan ay kung nagkakaunawaan ang dalawang nagsasalita. Kapag hindi sila nagkakaunawaan, nagsasalita sila ng magkaibang wika. Kapag nagkaunawaan, nagsasalita sila ng parehong wika o diyalekto ng isang wika. Walang bale kung ang pananalita ay may lima o isang milyong tagapagsalita; kung mayroon itong panitikan o wala; o kung sinasalita ito sa isang baranggay o sa buong probinsya. Hindi mapagpasya ang alinman sa mga ito sa pagkilala sa kung ano ang wika at ano ang diyalekto. Sa batayang ito, ang Ilokano, Sebwano, Kapampangan, Pangasinan, Hiligaynon, Bikol, Butuanon at Meranao, kung magbabanggit ng ilan, ay hindi mga diyalekto kundi ganap na mga wika. Diyalekto o wikain ang tawag sa baryasyon ng isang wika, gaya ng Dumaguete-Cebuano, Davao-Cebuano at Iligan-Cebuano. Ang Komisyon sa Wikang Filipino o KWF ay nakapagtala ng may 170ng wika sa bansa. Maaaring umabot sa 500 ang mga diyalekto. Pangsampu tayo sa may pinakamaraming wika sa daigdig. Nangunguna ang Papua New Guinea. Ang “Tagalog.” “Pilipino,” at “Filipino” ba ay magkakaibang wika? Hindi. Ang mga ito ay mga baryasyon na “mutually intelligible” at samakatwid, ay kabilang sa iisang wika. Ayon sa KWF, ang Filipino ay ang uri ng wika na sinasalita sa Metro...

Words: 44725 - Pages: 179

Free Essay

3 Idiots: Reaction Paper

...ay isang patunay na maraming mahalagang gawain táyong nakakalimutan para sa Wikang Pambansa. Sinasabi sa Seksiyong 6, Artikulo XIV ng Konstitusyong 1987 na: “Ang pambansang wika ng Filipinas ay Filipino. Hábang ito ay nabubuo, patuloy itong pauunlarin batay sa mga umiiral na wika sa Filipinas at iba pang wika.” Ano ang ginagawa natin para paunlarin ang ating wika? Kung pagbabatayan ang Sawikaan ng FIT nitóng nakaraang limáng taon, puro Ingles at imbentong wika ng bakla ang pumapasok ngayon sa ating kamalayan. Idiniin ng Konstitusyon ang pagpapayaman sa pamamagitan ng “mga umiiral na wika sa Filipinas”—na palagay ko’y nangangahulugang ang mga katutubong wika ng ating bansa—ngunit mukhang ipinababahala natin sa Diyos ang tungkuling ito. Na hindi mangyayari. Kayâ’t napakahalaga ng Ambagan upang magising táyo sa malaking hamon sa atin ng Konstitusyon at siya namang dapat gawin upang higit na maging totoong “pambansa” ang ating wika. “Pambansa” sapagkat kumukuha ng lakas sa mga katutubong wika ng bansa.) ISANG MAHALAGANG GAWAIN para sa Wikang Pambansa ang pagbuo mismo ng kasaysayan nitó. Hanggang ngayon, wala táyong mapagkakatiwalaang kasaysayan hinggil sa naging saligan ng simula at mga mohon ng pag-unlad ng Filipino. Kayâ walang sanggunian ang mga guro’t estudyante kahit halimbawa sa pagkakaiba ng Pilipino at Filipino. Wala ring maibigay na wastong paliwanag hinggil sa pagpilì ng Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. At lalo, walang magamit upang ipagtanggol ang Filipino...

Words: 5910 - Pages: 24

Free Essay

The Not so Final

...Pebrero 15, 2016 I.INTRODUKSYON Naging biktima ang Pilipinas sa malupit at mapang-abusong pamamalakad at pananakop ng mga kastila. Marami sa ating mga kababayan o ninuno ang nakaranas ng paghihirap at pagmamalupit sa ilalim ng kanilang pamumuno. Naging magulo ang pulitika ng mga kastila mula pa sa maligalig na paghahari ni King Ferdinand VII (1808-1833). Apektado ang ating bansa dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Hindi makatarungan, malupit, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa Pilipinas. Na lanmang ni heneral Rafael de Izquierdo, na gumalit sa mga pilipino noong ipapatay niya kahit inosente ang tatlong pari na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Nawalang ng karapatan ang mga pilipino at ang batas daw ay para sa mga puting espanyol lamang. Ilan lamang iyan sa maga bagay na ginawa ng mga kastila sa ating bansa, na gumising sa pagka-makabayan ng ating bayaning si rizal. Pinamunuan niya aang isang samahan na tinawag na Kilusang Propaganda, kasama sina Graciano Lopez-Jaena, at Marcelo del Pilar. Ginamit nila ang paraan ng pagsusulat upang maihayag ang kanikanilang hinaing at reklamo. Itinatag din ni`José Rizal ang La Liga Filipina, isang samahan na...

Words: 3782 - Pages: 16

Free Essay

Pangalawang Paglalakbay Ni Rizal

...Catanduanes State University Panganiban Campus Panganiban, Catanduanes Paksa: Pangalawang Paglalakbay ni Rizal sa Paris at Eksposisyong Unibersal ng 1889 Taga-Ulat: Jim Nepomuceno Roselyn Odiaman Veneracion Calderon Asignatura: M.S. 1 (Buhay at Gawa ni Rizal Instructor: Edna A. Pante Ed.D ____________________________________________________________________________________ Pangalawang Paglalakbay ni Rizal sa Paris at Eksposisyong Unibersal ng 1889 Pangalawang Paglalakbay ni Rizal sa Paris at Eksposisyong Unibersal ng 1889 Marso 1889 - naging mahirap para sa isang bisita ang paghahanap ng matitirahan sa Paris Mayo 6, 1889 - Eksposisyong Unibersal - nakahikayat ng maraming turista kaya lahat ng akomodasyon ng mga otel ay nakuha na. Naging mataas ang halaga ng pamumuhay sa Paris. - nanamantala ang mga may-ari ng mga paupahang bahay at otel kaya naging mataas ang renta. Hirap sa Paghahanap ng Matitirahan sa Maynila Blg. 45 Rue Maubeuge - bahay ng kanyang kaibigan na si Valentin Ventura - pansamantalang tumuloy si Rizal dito - dito niya iniayos ang kanyang anotasyon sa aklat ni Morga Lumipat siya ng bahay at otel ng makailang beses Nakakuha rin siya ng maliit na silid. Kasama niya rito sina Kapitan Justo Trinidad - dating gobernadorsilyo ng Santa Ana at isang takas mula sa pagmamalupit ng mga Espanyol at si Jose Albert - batang estudyanteng taga-Maynila Hirap sa Paghahanap ng Matitirahan sa Maynila Kahit masaya ang buhay niya sa Paris, makabuluhang bagay...

Words: 1952 - Pages: 8

Free Essay

Rizal Notes

...pag opera niya sa kaliwang mata ng kanyang ina kaya muli itong nakapagbasa at nakapagsulat. Binigyan siya ng suporta at tulong ng kayang mga kaibigan sa Europa sa kanyang propersyon tulad nina Mr. Bousted, Biarritz at ama ni Nellie. Si Ariston Bautista Lin ay nagpadala sa kanya ng liham ng pagbati at ng isang aklat na "Diagnostic Pathology by Dr. H. Virchow" at "Traite Diagnostique by Mesnichock". Dahil sa kanyang kagalingan, siya ay naging isa sa Asia's eminent opthalmologists. Nagplano si Rizal ng Proyekto kung saan magiging kolonya ng Pilipinas ang British-owned Island at tatawagin itong "New Calamba" at ito ang magiging tirahan ng mga residenteng Pilipino sa Calamba na walang lupa. Noong March 7, 1892, pumunta si Rizal sa Sandakan upang kausapin ang mga awtoridad sa Britanya at pumayag ang mga ito na ibigay sa mga Pilipino ang 100,000 na ektarya ng lupa. Si Manuel Hidalgo ay hindi sumang-ayon sa proyekto dahil para sa kanya, hindi dapat iwan ang bansang Pilipinas na napakaganda at pinagsakripisyo ng karamihan. Nakapagpadala si Rizal dalawang sulat sa Gobernador ng Pilipinas noon na si Eulogio Despujol ngunit hindi niya inaprubahan ang nsabing proyekto. Noong taong 1892 ng Mayo, nagdesidido si Rizal na magbalik sa Maynila upang makipanayam si Governor Despujol tungkol sa Borneo Colonization Project, itatag ang Liga Filipina sa Pilipinas at Patunayan na mali ang pag atake sa kanya ni Eduardo de Lete sa Madrid. Ang...

Words: 2474 - Pages: 10

Free Essay

Term Papers

...kay Gng. Jennifer Gorumba sa Assignaturang Filipino II sa Palompon Institute of Technology Palompon, Leyte Ikalimang Grupo Jenelyn Fernandez Jeraldyn Abellano Ronilyn Ruiz Jaysa Aragon Ruth Almada Careen Khie Ardiente Lourise Archie Subang March 12, 2010 i Kabanata I INTRODUKSYON “Dekalidad na Edukasyon”.Ito ang sigaw ng bawat isa sa atin. Nagnanais tayo na ito’y matugunan ng institusyon kong saan tayo nag-aaral. Ang dekalidad na edukasyon ay makakamtan lamang kung malalaman ang mga salik na siyang makatutulong upang paunlarin ang performans ng mga mag-aaral. Ang gawain na ito ay ang responsibilad ng guro. Dapat niyang malaman kung anu-ano ito sa ganoon ay makapagplano siya ng mga estratihiya na makapagbibigay daan tungo sa mas maunlad at produktib na resulta sa performans ng mga magaaral. Isa sa mga asignatura na kasalukuyang kabilang sa bawat na programa sa pag-aaral na inilatag ng DEPEd ay ang Filipino. Ang Filipino ay isang asignatura na tumatalakay sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa ating Wikang Pambansa. Dapat lamang na pagtuunan ng pansin ang asignaturang ito dahilan din na dito nakasalalay kung tunay nga bang isa ka o ako na Pilipino. Sa kasalukuyan, ang asignaturang ito ay isa na may mababa na grado lalo na sa resulta ng NAT Examination. Masakit mang isipin ngunit kailangang tangapin. Bilang tugon sa mga pangyayari at sa globalisasyon, ang mga mananaliksik ay naglalayon na matulungan ang ating mga guro sa pagdetermina kung anu-ano ang...

Words: 4985 - Pages: 20

Free Essay

Lalaki Sa Dilim

...ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong ika-16 ng Enero 1928. Ang kanyang magulang ay sina Domingo Pascual at Adriana Punongbayan. Napangasawa niya si Erminda Besabe at may lima silang anak. Nagsimulang sumulat si Pascual bilang isang kuwentista noong dekada 1950 bago sineryoso ang paiging isang nobeslista. Sumubok din siyan mag-ambag sa komiks, hanggang maging staff ng liwayway. Naging manunulat din si Pascual sa Ace Publication at hindi nagtagal ay inatasang maging staff para sa mga komiks na Espesyal, Hiwaga, Pilipino at Tagalog. Pinatunayan ni Pascual na may ibubuga siya sa pagsusulat kahit hindi siya nakatapos ng kursong Journalism sa Far Eastern University. Nagsulat din sa Ingles si Pascual at nagawa niyang makapaglathala ng ilang kwento sa Free Press at This Week Magazine. Sa labing dalawang kwento na naisusulat niya, anim lamang ang nakapapasa. Tinalikdan niya ang pagsulat sa Ingles makaraang makapagbulay, at hinarap niya ang hamon sa pagsusulat sa sariling wika. Bumukas ang pinto kay Pascual sa larangan ng panitikang Filipino nang ilathala ng Liwayway ang kanyang kuwentong “Ang Kulapi” noong 1952. Noong 1954, naging Literary Editor siya ng Liwayway at nagtagal iyon hanggang 1980. Tinatayang nakasusulat siya noon ng dalawang kwento kada buwan. Nagwagi ng dalawang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang kanyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di ko Masilip ang Langit” (1981). Pagsapit ng 1975, nag-iba ang ihip ng simoy sa panulat ng mangangatha...

Words: 2649 - Pages: 11

Free Essay

Jrizal

...“Ang Katamaran ng mga Pilipino” 1. Anyo ng Panitikan Sanaysay - sanaysay na tinatawag din na impersonal - kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.Maayon rin ito kung turingan sapagkat ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro 2. Layunin ng may akda Maipaalam ang mga dahilan kung bakit tinatawag na tamad ng mga dayuhan o ng mga Kastila ang mga Pilipino na tamad sa kabila ng mga bagay na ginawa nng ating mga ninuno sa kanila.Mga dahilang siyantipiko at mga katotohanang tayo tayo lamang ang nakakaintindi sa panahong iyon. 3. Kaugnayan ng akda sa buhay ng manunulat Isinulat ito ni Rizal sa pangalawang pagkakataong pagpatong nya ng Europa. Hinggil sa mga sinasabi ng mga Kastila na paninira nila sa ating mga Pilipino mga pang-iinsulto na mayroong mga maling batayan. Ang pagsasabi nila ng tamad sa ating mga ninun ang pinakarason ni Rizal patungkol dito. Mga pasubali na binigyan ni Rizal ng mga katanggap-tanggap na mga kasagutan. 4. Ipaliwanag ang Sosyo-Pulitika na na ugnayan ng akda sa panahon ng pagkakasulat nito. ...

Words: 1617 - Pages: 7